You are on page 1of 35

1

ANG MISA NG SAMBAYANAN

Pasimula
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo
sa altar, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod


sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa
ibabaw ng altar. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon
sa kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay magkukrus.
Ipahahayag ng Tagapagdiwang nakaharap sa mga tao:

S a ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.

Tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon.

Kapag Obispo ang Tagapagdiwang ng Banal na Misa:

Sumainyo ang kapayapaan.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
2

Tagapagdiwang:

M ga minamahal na kapatid kay Kristo,


sa pagtatapos ng Taon ng Pananampalataya,
tinipon tayo upang magdiwang at magpasalamat.
Inanyayahan tayong pumasok sa
“pintuan ng pananampalataya”
na laging bukas para sa atin
at umaakay sa atin tungo sa pakikipagkaisa sa Diyos
at pakikibahagi sa simbahan.
Ang pagpasok sa pintuang ito
ay naghuhudyat ng paglalakbay na panghabambuhay.
Hinimok tayo ng Taon ng Pananampalataya
tungo sa tunay at ganap na pagbabalik loob sa Panginoon.
Ang pag-ibig ni Hesus ang pumupuno sa ating mga puso
at nagbubunsod sa ating isabuhay
ang ating pananampalataya.
Ang pagpasok sa pintuan ng pananampalataya
ay paanyayang italaga ang ating mga sarili
sa makabagong ebanghelisasyon
upang muling matuklasan ang kaligayahang
dulot ng pananampalataya
at ang masigasig na pagpapahayag ng pananampalataya.
Muli’t muli, sisnusigo tayo ni Hesus
sa bawat lansangan ng lipunan
na ipahayag ang Mabuting Balita. (Mt 28:19)
3

ANG PAGBABASBAS AT PAGWIWISIK


NG BANAL NA TUBIG
Pagkatapos ng pagbati, ang paring nakatayo sa harap ng upuan ay paharap sa mga taong mag-
aanyaya na manalanging basbasan ng Diyos ang tubig na nasa lalaggyan sa harap ng tanan. Ang
mga sumusunod o anumang katumbas nito ay ipahahayag ng pari.

M ga kapatid kong minamahal,


hilingin natin sa Ama nating makapangyarihan
na marapatin niyang basbasan
itong tubig na iwiwisik ngayon
bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon.
Pagkalooban nawa niya tayo ng panibagong lakas
para sa pamamalaging matapat
sa Espiritu Santo na ating tinanggap.
4

Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ang tagapagdiwang ay magpapatuloy sa pagdarasal


nang magkadaop ang mga kamay.

A ma naming makapangyarihan,
niloob mong sa tubig na bukal ng buhay
at tagapagdulot ng kalinisan
ang kalooban nami’y magkamit ng kadalisayan
at ng iyong buhay na ibinibigay sa mga hinirang.
Hinihiling naming marapatin mong basbasan X
ang tubig na ito na ngayo’y nais naming mawisik
sa aming katawan.
Ipagkaloob mong sariwain nito sa amin ang buhay
na iyong ibinigay sa amin noong kami’y binyagan
at ipagsanggalang nawa nito sa tanang kasamaan
ang aming buong katauhan
upang makadulog kami sa iyo nang may kadalisayan
sa ikapagkakamit namin ng kaloob mong kaligtasan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang banggan.

Lahat:

Amen.
Pagkaraan, hahawakan ng tagapagdiwang ang pangwisik at kanyang wiwisikan ang kanyang sarili
at ang mga tagapaglingkod gayun din ang kaparian at ang sambayanan at maka-lilibot siya sa loob
ng simbahan para ito gampanan.

Habang ito’y ginaganap, maaaring umawit nag Koro ng isang naaangkop na awitin para sa
pagwiwisik ng tubig.
5

Pagkabalik sa upuan at kapag tapos na ang pag-awit, ang paring nakaharap sa mga nagsisimba at
nakadaop ang mga kamay ay magpapahayag:

Dalisayin nawa tayo ng makapangyarihang Diyos


sa ating mga kasalanan,
at pakundangan sa pagdiriwang na ito
ng pagpupuri at pagpapasalamat
pagindapatin nawa niya tayo
na makapakinabang sa piging niya
sa buhay na walang hanggan.
Lahat:

Amen.
Pagkatapos nito, kapag nakatakda, aawitin o darasalin ang awit na Papuri sa Diyos sa kaitaasan.

PAPURI
6

PANALANGING PAMBUNGAD
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin nang saglit.

A ma naming makapangyarihan,
sa iyong Anak na pinakamamahal
at Hari ng sanlibutan
niloob mong pag-isahin ang tanan.
Idulot mong ang tanang kinapal na pinalaya sa kaalipinan
ay makapaglingkod sa iyong kadakilaan
at makapagpuri sa iyo nang walang humpay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat:

Amen.

Namumuno:

Tayo’y magsiupo.
7

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
5, 1-3

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ni Samuel

N oong mga araw na iyon, nagkaisa


ang lahat ng angkan ng Israel na pumunta
sa Hebron upang makipagkita kay David.
Sinabi nila, “Kami’y laman ng iyong laman
at dugo ng iyong dugo. Nang si Saul ang
hari namin, nanguna ka sa mga kawal ng
Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo
ng Panginoon na gagawin ka niyang hari
upang mamuno sa kanyang bayan.” Lahat
ng matatanda ng Israel ay nagpunta nga
sa Hebron at doo’y nakipagkasundo sa
kanya sa harapan ng Panginoon.
Binuhusan nila ng langis si David at
kinilalang hari sa Israel.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:

Salamat sa Diyos.
8

SALMONG TUGUNAN
122, 1-2. 3-4

Tugon:
Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos.

Ako ay nagalak, sa sabing ganito:


“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.
Tugon:
Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos.

Dito umaahon ang lahat ng angkan,


lipi ni Israel upang magsambahan,
ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,
pagkat ito’y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.
Tugon:
Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos.
9

IKALAWANG PAGBASA
1, 12-20

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Colosas

M ga kapatid, magpasalamat kayo saAma, sapagkat


minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang na
magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo
sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng
kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan ng Anak,
tayo’y pinalaya at pinatawad sa ating mga kasalanan. Si
Kristo ang larawan ng Diyos na dinakikita, at siyang may
kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng
nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga
naghahari at namamahala, mga namumuno at may
kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos sa
pamamagitan niya at para sa kanya. Siya’y una sa lahat, at
sa kanya nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay. Siya
ang ulo ng simbahan na kanyang katawan. Siya ang Una,
ang panganay na Anak ang unang nabuhay na muli upang
siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Ipinasiya
ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa Anak,
at inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagkasundo sa
kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng
pagkamatay nito sa krus, nagkasundo nga ang Diyos at ang
lahat ng nilikha sa langit at sa lupa.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:

Salamat sa Diyos.
10

Namumuno:

Tayo’y magsitayo sa paggalang sa Mabuting Balita ng Panginoon.

ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Pagpalain dumarating
sa ngalan ng Poon natin,
paghahari’y kanyang angkin.

Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
23, 35-43

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumainyo rin.

P: X Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Lucas
B: Papuri sa iyo, Panginoon.

N oong panahong iyon, nilibak si


Hesus ng mga pinuno ng bayan. Anila,
“Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya
ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga
ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!”
Nilibak din siya ng mga kawal, nilapitan
at inalok ng maasim na alak. Sinabi nila,
11

“Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas


mo ang iyong sarili.” At nakasulat sa
ulunan niya sa wikang Griego, Latin at
Hebreo, “Ito ang Hari ng mga Judio.”
Tinuya siya ng isa sa mga salaring
nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba ikaw ang
Mesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati
na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng
kanyang kasama, “Hindi ka ba natatakot
sa Diyos? Ikaw ma’y pinarurusahang tulad
niya! Matuwid lamang na tayo’y
parusahan nang ganito dahil sa ating mga
ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang
masama.” At sinabi niya, “ Hesus,
alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”
Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa
iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA
12

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Tagapagdiwang:

Sumasampalataya ba kayo
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may gawa ng langit at lupa?

Tugon:

Opo, sumasampalataya kami.

Tagapagdiwang:

Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

Tugon:

Opo, sumasampalataya kami.

Tagapagdiwang:

Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,


sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
at muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan?

Tugon:

Opo, sumasampalataya kami.


13

Tagapagdiwang:

Ito ang ating pananampalataya.


Ito ang pananampalataya ng Banal na Simbahan.
Ito ang ikinararangal nating ihayag
kaisa ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

Bayan:

Amen.
14

PANALANGIN NG BAYAN
Tagapagdiwang:

T inatawag tayo ng Panginoon na magnilay sa hamon


Ebanghelyo. Ang ating mga panalangin sa Ama nawa’y
magpahayag ng ating pagtitiwala at pagmamahal sa kanya.
Sa bawat kahilingan, ang ating itutugon:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y masigasig na italaga


ang kanilang mga sarili sa pagpapalaganap ng paghahari
ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bayan ay maging tapat sa kanilang


tungkuling maghatid ng katarungan, kapayapaan at
kaunlaran sa lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at nangangailangan nawa’y makadama ng


ating pagkalinga at pag-aaruga, manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makaranas ng pag-ibig ng Diyos


sa pamamagitan ng pagmamahal ng mga nagmamalasakit
sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mamuhay sa ganap na pagsunod sa kalooban


ng Diyos at pagmamahal sa kapwa, manalangin tayo sa
Panginoon.
15

Ang mga tapat na yumao nawa’y makibahagi sa pagwawagi


ni Kristo laban sa kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tahimik nating ipanalangin ang mga pansariling kahilingan.


(Tumigil sandali.) Manalangin tayo.

Tagapagdiwang:

A ma naming mapagkalinga, dinggin mo ang panalangin


ng bayang nananalig sa iyo. Patatagin mo kami sa
pananampalataya, pag-ibig at pag-asa. Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Lahat:

Amen.
16

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat
ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-


aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang
pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Ang Tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo
sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
17

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang
nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas
at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha,


nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod
sa iyo nang buong puso.

Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana
pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
18

Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga
kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.
19

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Tagapagdiwang:

A ma naming Lumikha,
sa paghahain namin ng mga alay
sa ikapagkakasundo ng sangkatauhan
iniluhog naming ang iyong Anak nawa’y magbigay
ng mga kaloob na pagkakaisa at kapayapaan
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Lahat:

Amen.
20

PANALANGIN NG PAGPUPURI
AT PAGPAPASALAMAT
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumainyo rin.

P: Itaas sa Diyos ang inyong paso at diwa.


B: Itinaas na namin sa Panginoon.

P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


B: Marapat na siya ay pasalamatan.

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.

Hinirang mong tagapaghain ng tanan


ang iyong Anak na Panginoon ng sanlibutan.
Pinadaloy mo sa kanya ang langis ng kasiyahan
tanda ng paghirang mong pangmagpakailanman.
Sa paghahaing ginampanan niya sa krus
siya ang dalisay na tagapagbuklod,
siya ang gumanap sa aming pagkatubos,
siya ang sumakop sa sansinukob.

Ang kanyang paghaharing lagi sa lahat


ay siyang lubusang naglalahad
ng inyong kadakilaang matapat
upang buhay mo’y sa lahat maigawad.
Sa paghahari niya, lahat ay hinatian
sa iyong kagandahang-loob at kabanalan,
sa iyong dangal at kapayapaan.
21

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO
22

Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal.

A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang
mga alay habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y


maging Katawan at Dugo X
ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

B ago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
23

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapatong niya ito
sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
Magpapatuloy ang Tagapagdiwang.

G ayun din naman,


noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis
sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD
NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod
siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng Tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
24

Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A ma, ginagawa namin


ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling
pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Nakikipagmisa 1:

A ma, lingapin mo
ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni Luis Antonio, na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
25

Nakikipagmisa 2:

A lalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos


ng kanyang kabiyak ng puso, si San Jose
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig
nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal mo.

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang
kanyang ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI
AY SA IYO, DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
26

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Tagapagdiwang nang may magkadaop
na mga kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus


na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw
ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong
pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan


at ang kapurihan magpakailanman! Amen.
27

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang Tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa
pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o Tagapagdiwang::

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng kapayapaan.
Ang Tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
28

Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan
at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasaIanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasaIanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasaIanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling, pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”
Magkadaop ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pabulong na pagdarasal.

P anginoong Hesukristo,
Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang
aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod
lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
29

Luluhod ang Tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw
ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

I to ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan
sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang
itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Samantalang nakikinabang ang Tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa pakikinabang.
30

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng
pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng Tagapagdiwang, pabulong siyang
magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap
ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob
ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang Tagapagdiwang. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan
o makaaawit ng papuri o salmo.

Pagkaraan, ang Tagapagdiwang ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa


mga nagsisimbang magpapahayag:
31

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.

A ma naming mapagmahal,
kaming pinakapakinabang mo
sa pagkaing nagbibigay-buhay
ay nagsusumamong kaisa niyang makapamuhay sa kaharian
sa langit magpakailanman
pakundangan sa karangalang
sundin ang mga kautusan
ng Haring si Kristo sa sanlibutan
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.

[MENSAHE / PATALASTAS]
32

PAGTATALAGA SA KAMAHAL- MAHALANG


PUSO NI JESUS
Panginoong Hesukristo, itinatalaga naming ngayon ang aming sarili
sa Iyo, and bawat isa sa amin at kaming lahat bilang isang pamilya.
Ang iyong Mahal na Puso, ang puso ng iyong katawang napako sa
krus at muling nabuhay, ay ang patuloy na bukal ng awa at biyaya,
ng pag-asa at pag-ibig mo para sa aming lahat. Ibig naming italaga
ang aming sarili at buhay sa Iyo, bilang tugon namin ng pagmamahal.

Turuan mo kaming lagi na makiisa sa Iyo sa tulong ng Espiritu Santo


- sa aming diwa at kalooban, sa aming mga iniisip, sal ita, mga gawa,
mga ligaya at tiisin. Dalangin namin ay iyong biyaya na sa iyong
Misteryo Paskwal, kami bawat isa sa amin at bilang iyong bayan ay
mamuhay tungo sa pagbabagong- buhay at pagbabagong-Ioob ng
aming pamumuhay, sa buhay panlipunan at sa mga pagsisikap nam-
ing baguhin ang aming lipunan.

Ibig namin makibahagi sa iyong gawain ng pagliligtas ng daigdig:


upang lubos na matupad ang kalooban ng iyong Ama dito sa lupa
parang nasa langit. Ang bawat balakin at hangarin, salita at asal
namin sa bawat araw ay tunay na maging pag-aalay,
isang paghahandog sa Diyos Ama, ayon sa kanyang banal na kalooban.

Mahal na puso ni Hesus, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan


upang mapatatag kami sa landas ng pagbabagong-buhay, na
nagsisimula sa aming pagsunod sa Iyo na aming Panginoon at sa
aming mga kapatid, at “sa araw-araw naming pagtalikod sa sarili.”
Nananalangin kami sa iyong Mahal na Puso, Panginoon, na sa
pagsisikap naming malapit ang aming puso sa lyo, ang aming bayan
ay muling mapatatag, sa tulong ng Espiritu Santo, bilang tunay na
pamayanan ng mga Pilipino kaisa sa iyong puso at ng Mahal na
Birhen, sa pag-asa at pagsisikap sa lubusang pagdating ng kaharian
ng Ama.
33

Sa aming pagbabagong-loob, pag-aalay, pagsisisi, at pagsisikap para


sa kaharian ng Ama, amin ngayong sinasariwa ang aming pagtatalaga
sa Iyong Mahal na Puso, kasama ng Kalinis-linisang Puso ni Maria,
para sa lalong ikadarakila ng Amang nasa langit.
Amen.

Hesus, Maria at Jose, tulungan n ‘yo po kami ngayon


at sa oras ng aming pagpanaw. Amen.
34

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing patalastas na sasabihin sa mga tao.
Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Kapag Obispo ang Tagapagdiwang ng Banal na Misa.

Tagapagdiwang:

Purihin ang ngalan ng Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

Ngayon at magpakailanman.

Tagapagdiwang:

Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

Ng may gawa ng langit at lupa.

Babasbasan ng Tagapagdiwang ang mga tao habang kanyang ipinahahayag.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak X at Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
35

Ang diyakono o ang Tagapagdiwang na magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo
sa sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin
at paglingkuran.

Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

Kakantahin ang Pangwakas na Awit.

You might also like