You are on page 1of 4

UPANG MAGING PAGPAPALA

THE CALL TO BE A BLESSING (John 3:1-17)


++++++++++++++++++++++++++++

Sa panahon ng Bagong Tipan, kapag ang PHK ay nagsasalita o


nagsesermon, dalawa lang ang reaksiyon ng mga nakikinig,
sa isang banda ang iba ay nagagalit sa PHK
at sa kabilang banda ang iba ay nagpupuri sa Dios.
Ito ay dahil sa ang Salita ng Dios ay tila isang balaraw o punyal
na magkabila ay talim na ang ibig sabihin ito ay tatalab banal ka
man o makasalanan, mahirap o mayaman, mangmang o
matalino, lalake o babae, salbahe o mabait, matanda o bata,
anoman ang kalagayan mo sa buhay o pananampalataya,
tatamaan ka.
Sa tradisyong Protestante, ang Sermon o Mensahe ang sentro ng
pananambahan, dahil ang sermon o mensahe ay tinitignan na
kinasihan ng Diyos upang maipahayag ang katotohanan, upang
mapabulaan sa maling aral, upang maituwid and likong gawain,
upang magamit sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay, at
maging handa sa lahat ng mabubuting gawain (2 Timoteo 3:16).
Sa medaling salita kapag nakikinig tayo ng sermon, tignan natin
ang ating sarili hindi ang iba, dahil sa sermon, ikaw
ang kinakausap ng Diyos.
Tayoy manalangin: Alang-alang sa iyong anak na si Hesus, iulos
mo o mapagpala naming Diyos ang talim ng iyong salita sa puso
ng bawat isa sa kapangyarihan ng iyong Banal na Diwa. +++++
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
++++++
Si Nicodemo sa ating teksto ay isang mariwasa at
maimpluensiyang Pariseo at miyembro ng Sanedrin.
Sa ating kasalukuyang konteksto ang Pariseo ay katulad ng mga
relihiyoso, palasimba, lider sa iglesya, at maalam sa Biblia;
at ang Sanhedrin ay katulad ng mga propesyunal na may
kaalaman sa mga batas na may kaugnayan sa relasyon pagitan
ng mga tao at ng Diyos.

Sa ibang salita, si Nicodemo ay maihahalintulad natin sa ating


kapanahunan sa mga taong maaring may kaugnayan sa
simbahan o pananampalataya: relihiyoso, pala simba, may
posisyon o impluensiya, o matanda na sa iglesya o
pananampalataya.
Sa makatuwid, si Nicodemo ay maaaring kayo at ako, tayong
lahat.
Samakatuwid ang sermon o mensahe ay para sa ating lahat na
naririto ngayon
at hindi para doon sa wala dito.
Bahala ang Dios doon sa mga wala dito, may gagamitin ang Diyos
at may paraan siya upang siya ay mangusap doon sa mga wala
dito
Lahat tayo na naririto ay katulad ni Nicodemus.
Pero ang bottom line ayon sating Lingguhang Tema,
kahit anumang klaseng nicodemus ka (tayo), ikaw (tayong lahat)
ay tinatawag ng Diyos upang maging pagpapala.
We are all called by God to be a blessing,
whatever kind of Nicodemus life we are living.
E papaano ba tayo magiging blessing? Tignan natin ang
ating teksto ulit.
1. BE BLESSED (Receiving Christ as Savior and Lord)
Sa ating teksto (vv. 1-2) ay ipinaakita na sinadya ang PHK ni
Nicodemo upang makakuha ng kasagutan, kaalaman at
kaliwanagan sa kanyang mga katanungan. Mula sa mga
talatang ito, maaari nating nabihin na upang tayo ay maging
pagpapala, kailangan tayo muna ay makatanggap ng
pagpapala sa PHK. Tanggapin muna natin ang Salita ng Diyos
upang ito ay ating maibahagi sa ating kapwa
We cannot give what we do not have. Hindi natin
mapapagpala ang ating kapwa kung wala tayong daladalang pagpapala mula sa Diyos.
So, upang tayo ay maging blessing, dapat tayo muna ay
blessed.
2. BE BORN AGAIN (Living a Christ-Like Life)

Sa talatang 3-8, ipinapahayag ng ating PHK na


kinakailangang magkaroon ng pagbabago sa ating buhay o
pamumuhay. Hindi lamang pisikal na pagbabago kundi
maging espirituwal na pagbabago. Mayroon dapat
transpormasyon. Hindi kapanipaniwala ang biyayang ating
ibabahagi kung sa tayo mismo ay tila hindi pinagpala ng
ating ibinabahagi.
3. BE A BLESSING (Sharing Christ to others)
Sa talatang 9-17 ipinapahayag na kung anuman ang ating
tinanggap na espirituwal na pagpapal, siya rin naman ang
marapat nating ipahayag o ibahagi upang ang iba naman ay
pagpapalain din. Ano ba ng da best na blessing kundi ang
PHK na ibinigay sa atin ng Diyos upang sa sandaling
tanggapin natin si Hesus ay hindi na tayo mapahamak kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ngayon kung ang
da best blessing natin ay si Hesus, siya rin ang ibahagi natin
sa iba upang tayo ay maging blessing at ang iba ay
mablessed din. Si Kristo lang ang iseshare mo,,, blessing
ka na.
Bakit ka/tayo tinatawag ng Diyos upang maging
pagpapala?
1. Marami ang nasa kadiliman at mga naliligaw. (vv. 1-2)
Tinatawag tayo ng Diyos upang maging pagpapala dahil
marami ang mga nasa kadiliman at mga naliligaw. Tinawag
tayo ng Diyos upang ibahagi natin sa mga taong nadidiliman
at naliligaw si Kristo. Hindi tayo tinawag ng Diyos para
makadagdag ng kadiliman at pagkaligaw ng mga tao.
2. Marami pang hindi mananampalataya. (v. 16)
Kaya tayo tinawag ng Diyos upang maging pagpapala ay
dahil marami pang mga tao ang hindi naniniwala sa PHK.
Ang hirap sa maraming simbahan ngayon at mga
mananampalataya pati na mga lider ng simbahan,
Ang pinagkakaabalahan ay hindi ang hindi
mananampalataya,
Kundi ang pinagkakaabalahan nila ay ang mga intriga at
tsismis sa simbahan, puro siraan, puro pag-aaway-away at
pagkakabaha-bahagi o pagkakampi-kampihan.
3. Marami ang patungo sa kapahamakan. (v. 16)

Kaya tayo tinawag ng Diyos upang maging pagpapala ay


dahil marami mga tao ang patungo sa kapahamakan.
Kung hindi tayo kukilos upang maging pagpapala, kung hindi
natin pakikinggan ang tawag ng Panginoon, kung mananatili
tayo sa pagsisisraan pagkakampi-kampihan, pagbabahagibahaginan, marami ang mapapahamak. Kahit sa buong
Malate lang o sa Ermita o sa Mabini, o sa buong paligid lang
ng Ellinwood o sa buong paligid lang ng inyong mga
tahanan, ng inyong kapitbahayan, ng inyon barangay, ng
inyong eskuwelahan, ng inyong pagawaan, ng inyong
opisina, marami patungo sa kapahamakan.
Tayo ay tinawag upang maging pagpapala sa mga nadirimlan,
mga hindi mananampalataya at mga patungo doon sa
kapahamakan.
Ilagay natin ngayon ang ating sarili sa harapan ng Diyos
Saan natin dinadala ang mga taong abot ng ating impluensiya?
Sa liwanag ba o sa kadiliman, sa pananampalataya ba o sa
kaguluhimanan,
sa buhay ba na pangako ng Panginoong Hesus o sa
kapahamakan?
O baka naman kailangan muna nating ma-bless, ma-born again,
para tayo maging blessing.
Halina, tayo ay mamuhay ayon sa pagkatawag sa atin ng ating
Panginoong Hesus.
Let us pray:
Help us O God:
1. To take the lost to your Son Jesus Christ our Lord and Savior,
2. To teach them about the faith you have taught us, and
3. To trust you to do the rest.
Amen and amen

You might also like