You are on page 1of 8

Ang Pagbibigay, ang Kristiyano at ang Kalamidad

2 Corinto 8:1-8 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang ipinakitang kagandahangloob ng Diyos sa mga iglesya sa Macedonia. Dumanas sila ng matinding kahirapan at itoy isang mahigpit na pagsubok sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at buks ang palad sa pagbibigay. Silay kusang-loob na nagbigay, hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa. Alam ko ito sapagkat mahigpit nilang ipinakiusap sa amin na silay bigyan ng pagkakataong makatulong sa mga kapatiran na taga-Jerusalem. At higit sa inaasahan namin, inilaan nila ang kanilang sarili, una sa Panginoon, at pagkatapos, sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos. Kayat pinakiusapan namin si Tito, dahil siya ang nagsimula ng gawaing ito, na kayoy tulungan niya hanggang sa malubos ang pagkakawanggawa ninyong ito. Subalit habang kayoy sumasagana sa kaalaman, sa kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin, sikapin din ninyong manguna sa pagkakawanggawa. Hindi natin maikakaila na ang usapang pera ay isa sa mga pinakasensitibong usapan sa ating lipunan. Sensitibo sapagkat sakop rin nito ang mga usapin tungkol sa paraan ng paghahanapbuhay, kasipagan o katamaran, saan ginagastos ang pera at higit sa lahat, ugali. Ngunit kung papansinin natin, higit ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol sa pera kaysa sa anumang paksa. Ano kaya ang ipinapahiwatig nito? Napakaganda ng insight na ibinigay ng isang pastor na nagngangalang Richard Halverson. Siya ay naging chaplain ng Senado ng Estados Unidos: Mas maraming itinuro si Jesu-Cristo tungkol sa pera kaysa sa ibang mga bagay sapagkat pagdating sa tunay na kalikasan ng tao, ang kanyang pananaw tungkol sa pera ay mahalagang-mahalaga. Ang kanyang pananaw tungkol sa pera ay tiyak na panukat ng karakter. Sa Biblia makikita ang napakalapit na kaugnayan ng paglago ng karakter ng isang tao at kung paano niya ginagamit ang kanyang pera. Sa Mateo 6:21 makikita natin ang buod ng Panginoong Jesus sa mga salitang ito: Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong

puso. Kung saan napupunta ang pera natin, naroroon din ang ating mga puso. At pinahahalagahang higit sa lahat ng Panginoong Jesus ang kinaroroonan n gating mga puso. Pagkatapos ng Unos Bakit natin pinag-uusapan ang mga bagay na ito ngayon? Matatandaan natin na labing-anim na araw na ang nakakaraan, binayo ng isang napakalakas at natatanging bagyo ang Visayas. Sa ngayon, nag-iwan na ito ng higit sa 5,000 patay at PhP14 billion na ang halaga ng ari-ariang napinsala. Hindi pa tapos bilangin ang namatay at napinsala; Diyos lamang ang nakaka-alam kung kailan matatapos bilangin ang mga iyon. Ang iniwan ng bagyong Yolanda ay hindi lamang pinsala ngunit mga realizations para sa mga Filipino: Paano na? Kung ganito na kalalakas ang mga bagyo na haharapin natin, handa ba tayo? Ngunit para sa mga Kristiyano, dapat matatak sa isip natin ang ilang bagay na may kaugnayan sa ating pananampalataya. Una, dapat maalala natin sa mga sakunang ito ang bigat ng ating mga kasalanan at kung gaano napopoot ang Diyos dito. Sinasabi sa Genesis 3:17: Dahil ditoy sinusumpa ko ang lupa. Ikalawa, kailangan tayong magkaroon ng personal reflection: paano ko ba ginagamit ang aking pera at lahat ng mayroon ako? Ang mga videos at balita tungkol sa aftermath ng bagyo ay nagpapaalala sa atin: sa gitna ng mga nangyaring ito, ano ang gagawin mo, bilang isang Kristiyano? Pagkatapos ng mga sakuna, hindi natatapos ang mensahe ng isang Kristiyano sa poot at paghatol ng Diyos, maliban na lamang kung gusto rin niyang patawan Siya ng hatol ng Diyos sa kanyang pagwawalang-bahala at pagbibingi-bingihan sa sinasabi ng Biblia. Ang ating pagkatawag matapos ang sakuna ay hindi lamang ang pagpapahayag ng katotohanan kundi ang pagsasabuhay ng katotohanan. At ang katotohanang iyon ay ang pagkakaroon ng nag-uumapaw na kagustuhang maging mapagbigay sa mga naapektuhan ng bagyo at lalong-lalo na sa mga mananampalataya na nasalanta.

Ang Pagbibigay at ang Kristiyano Ang paggising sa kamalayan ng bawat isa na nararapat lamang na kumilos tayo matapos ang unos at maging liwanag sa mga tao upang purihin nila ang Diyos ay kalahati lamang ng isyu na kinahaharap natin ngayon. Ito ang isa pang tanong na nararapat nating harapin: Paano ba dapat magbigay ang isang Kristiyano? Ang pagbibigay ba na ginagawa ng mga Kristiyano ngayon ay umaabot sa pamantayan ng Biblia? Kumuha tayo ng ilang insight sa dalawang manunulat. Sabi ni Randy Alcorn, ang may-akda ng aklat na Money, Possessions and Eternity, makikita nating malayo sa gitna ng radar ng mga Kristiyano ang pagbibigay. Halimbawa, sa mga accountability groups, madalas pinag-uusapan ang mga isyu tungkol sa relationships, sexual purity, pagbabahagi ng ating pananampalataya sa iba at ang pagbabasa natin ng Biblia. Madalas natin tanungin, Kumusta na ang iyong pagbabasa ng Bible? Ang iyong prayer life? Kumusta na ang paglaban mo sa impluwensya ni Satanas pagdating sa iyong sexual purity? Ngunit, sinasabi ni Alcorn, gaano kadalas nating tinatanong, Kumusta na ang pakikipaglaban mo sa materialism? Ito naman ang sinasabi ni John Piper, sa kanyang aklat na Desiring God: Hindi naluluwalhati ang Diyos kapag sinasarili lang natin (kahit gaano pa tayo magpasalamat) ang material na biyaya na dapat gamitin upang mabawasan ang pagdurusa ng mga hindi pa naabot ng Salita ng Diyos, ng mga hindi nakapag-aral, ng mga may sakit at ng milyun-milyong nagugutom. Ang kaliitan ng pagbibigay ng maraming mga Kristiyano at ang kalakihan ng kanilang itinatabi para sa sarili ay patunay na sila ay nalinlang Ngunit sasabihin nila: Hindi bat ipinangako ng Diyos sa Matandang Tipan na pagpapalain Niya ang kanyang bayan? Siyang tunay! Pinaparami ng Diyos ang bunga ng ating mga bukirin, upang tayo ay maging mapagbigay at patunayang hindi natin ginagawang diyos ang mga bungang ito. Hindi pinagpapala ng Diyos ang hanapbuhay ng isang tao upang makapagupgrade siya mula sa isang Ford na kotse papuntang Cadillac. Pinagpapala Niya ang hanapbuhay upang maabot ang 17,000 lipi ng mga tao na hindi pa naabot ng Mabuting Balita. Pinagpapala Niya ang hanapbuhay upang ang 12% ng populasyon ng mundo ay maingat mula sa kagutuman.

Naniniwala akong isa rin sa mga sumpa ng tinatawag na prosperity gospel at ang ating kultura ng entitlement. Iniisip natin na, bilang mga anak ng Hari, dapat mamuhay tayo bilang mga prinsipe at prinsesa na dapat magalak sa kayamanan ng Diyos Ama. Ngunit kung titingnan natin, paano ba nabuhay ang Anak ng Diyos, ang Panginoong Jesus? Kung gusto nating alamin kung paano dapat mabuhay bilang isang anak ng Hari, alamin natin kung paano nabuhay ang Anak ng Diyos. Basahin natin ang Mateo 8:20: Ngunit sumagot si Jesus, May mga lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad ang mga ibon, ngunit wala man lamang matulugan o mapagpahingahan ang Anak ng Tao. Hindi nabuhay ang Panginoong Jesus sa isang hacienda at natulog sa isang king-sized bed! Kung mayroon mang dapat pangaralan ng mga salitang ito, ako ang una. Sa pagbabahagi nito hindi ko sinasabing nagagawa ko nang maging mapagbigay sa paraang sinasabi ng Biblia. Ngunit ang aking panalangin para sa aking sarili at sa bawat isa ay tayo ay maudyukan hindi ng mga salitang nanggagaling sa tao kundi ng Banal na Espiritu at ng Biblia upang magkaroon tayo ng mga pusong naaayon sa nais ng Panginoon. Pinapanalangin ko rin na bigyan tayo ng Panginoon ng karunungan kung paano tayo makapagbabahagi ngayong Pasko. Ang Pagbibigay ng Kristiyano Ngayon, matapos ang mahaba-habang introduction, tayoy dumako na sa ating binasa kanina: 2 Corinto 8:1-8. Isa ito sa mga pinakamaluwalhating bahagi ng sulat ni Pablo para sa mga taga-Corinto. Dito makikita natin ang puso ng apostol na maging fundraiser lalo na para sa mga mahihirap. Ang 2 Corinto 8:1-8 ay nagpapaalala sa atin kung ano ba ang kahulugan ng pagbibigay para sa isang Kristiyano. What is the essence of giving? Sinasabi ng unang talata, ngayon sa Inggles: We want you to know, brothers, about the grace of God that has been given among the churches of Macedonia. Sa pagpapakilala ng paksang pagbibigay sa mga taga-Corinto, sinimulan ni Pablo ang talata sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kagandahang-loob (grace!) na ibinuhos ng Diyos sa mga taga-Macedonia. Sinasabi niya na, anumang kabutihan

at nag-uumapaw na pagbibigay ang ipinakita ng mga taga-Macedonia, ito ay sapagkat sila ay unang binigyan ng Diyos ng kagandahang-loob. Dito, humihiwalay tayo sa kaisipan ng mundo na tayo ay nagbibigay upang makakuha ng kapalit o di kayay tumaas ang ating self-esteem. Ang Kristiyano ay nagbibigay sapagkat siya ay unang binigyan, ayon sa 1 Juan 4:10-11. Siya ay nagpapakita ng awa sapagkat Siya ay unang pinakitaan ng nag-uumapaw na biyaya, ayon sa Roma 12:1. Ito ang ating unang observation sa nais sabihin ni Apostol Pablo: ang kabuuan ng pagbibigay ng isang Kristiyano ay bunga lamang ng kagandahang-loob ng Diyos: ang kanyang kaloob sa pagbibigay ay biyaya at pag-aari ng Diyos at ang kanyang puso na nagnanais magbigay ay biyaya rin ng Diyos. Sa ikalawang talata naman: For in a severe test of affliction, their abundance of joy and their extreme poverty have overflowed in a wealth of generosity on their part. Dito naman makikita natin ang layunin ng Diyos: Nang ang mga taga-Macedonia ay naging Kristiyano, nagdulot iyon ng pag-aalipusta, pagtutuligsa at pang-aapi sa kanila. Ngunit hindi lamang sila inalipusta at inapi, sila rin ay naghirap. Hindi natin alam kung ano ang dahilan ng kanilang paghihirap, at hindi iyon ang mahalaga. Ang mahalagang mapulot natin mula sa mga taga-Macedonia ay ang kasagahan ng kanilang kagalakan at ang kasaganahan ng kanilang pagbibigay. Kaysa malampasan lamang natin, mahalagang makita natin na di tulad ng mga Israelita, ang mga taga-Macedonia ay nagalak imbis na magreklamo sa kabila ng kahirapan, at higit pa doon. Kung tayo ay nagsisimula nang magduda sa kabutihan ng Diyos kapag hindi natin nabili ang gusto nating mabili o nagawa ang gusto nating magawa sapagkat tayo ay kapos, marapat na tingnan natin ang ugali ng mga tagaMacedonia. Hindi bat minsan ay guilty tayo sa pag-iisip na, Magiging masagana na lang siguro ako sa pagbibigay kapag yumaman na ako o kaya kapag gumanda na trabaho ko. Mali! Hindi ito pagkatawag sa atin: ang pagkatawag sa atin, gaya ng babaeng balo sa Marcos 12:42 at gaya ng mga taga-Macedonia, ay ang pagbibigay ng hindi tumitingin kung mayroon ba tayo o wala. Ito ang ating ikalawang observation: ang pagbibigay ng Kristiyano ay hindi nakabatay sa laman ng bulsa o sa katayuan sa buhay. Ito ay naka-batay sa biyaya ng

Diyos na nagdudulot ng masaganang kagalakan sa gitna ng kahirapan, upang maging masagana rin ang pagbibigay. Sa ikatlo at ikaapat na talata mararamdaman natin ang bigat ng biyayang idinulot ng Diyos sa mga taga-Macedonia: For they gave according to their means, as I can testify, and beyond their means, of their own accord, begging us earnestly for the favour of taking part in the relief of the saints. Ang epekto ng kagandahang-loob ng Diyos ay hindi tanggalin ang pag-uusig, pang-aapi at kahirapan. Ang epekto ng kagandahang-loob ng Diyos ay masaganang kagalakan upang makapagbigay ang mga taga-Macedonia ng kusang-loob at higit sa abot ng kanilang makakaya. Ito ang ating ikatlong observation: ang pagbibigay ng Kristiyano ay kusang-loob, buong puso at walang takot. Sinasabi kong walang takot sapagkat nagbigay ang mga taga-Macedonia ng higit sa kanilang makakaya. Buong puso naman sapagkat ang pagbibigay ng isang Kristiyano ay hindi napipilitan, at may kagalakan (2 Corinto 9:7). Hindi dapat natin palampasin: ang ginawa nilang pagbibigay ay para sa ikapapawi ng kahirapan ng mga taga-Jerusalem. Sa ikalimang talata: And this, not as we expected, but they gave themselves first to the Lord and then by the will of God to us. Ito ang kagandahan ng pagbibigay ng isang Kristiyano. Nalaman natin na ang pagbibigay ng mga taga-Macedonia ay kusang-loob at may kagalakan. Ito ay sapagkat ibinigay nilang una ang kanilang sarili sa Diyos. Dito maaari nating sabihin na ang unang nais ng Diyos ay hindi ang ating pera itoy Kanya na. Sinasabi sa Hebreo 11:6 na kung walang pananampalataya sa Diyos, hindi siya mabibigyan ng kaluguran. Kung hindi natin ibinibigay ang ating buhay sa Diyos ng may pananampalataya, hindi Siya malulugod ano man ang ibigay natin sa Kanya. Kung gayon, susunod naman ang pagkakaloob natin ng ating mga sarili hindi lamang sa Diyos kundi pati sa ating mga kapwa. Ito ang ginawa ng mga tagaMacedonia, inialay nila ang kanilang sarili sa Diyos at sa paglilingkod sa mga naghihirap sa Jerusalem. Ito ang ating ikaapat na observation: ang pagbibigay ng isang Kristiyano ay namumutawi mula sa pagbibigay niya sa Diyos at sa kapwa ng kanyang buhay. Hindi siya nabubuhay para sa sarili lamang (Roma 14:7).

Sa ikaanim at ikapitong talata: Accordingly, we urged Titus that as he had started, so he should complete among you this act of grace. But as you excel in everything in faith, in speech, in knowledge, in all earnestness, and in our love for you see that you excel in this act of grace. Pamilyar tayo sa mga prayer warrior. Kapag tinanong ko kayo kung may kilala kayong prayer warrior, siguradong may kilala kayong isang taong mapanalanginin. Ngunit kung tatanungin ko kayo kung pamilyar ba kayo sa tinatawag na giving warrior, at kung may kilala ba kayong isang giving warrior, maaaring kaunti lang ang makapagsasabi na may kakilala silang nagbibigay tulad ng babaeng balo na nagbigay ng dalawang kusing. Ito ang sinasabi ni Pablo sa mga taga-Corinto: gayahin ninyo ang mga tagaMacedonia, sikapin din ninyong manguna sa pagkakawanggawa. Bilang ikalima at panghuling observation, maaari nating sabihin: ang gawain ng pagbibigay ay hindi isang maliit na bahagi lamang ng buhay Kristiyano. Kaya nararapat na sikapin nating manguna sa pagbibigay. Ang Pagbibigay ng Kristiyano at Kalamidad Sa kanyang liham para sa mga taga-Corinto, sinasabi ni Apostol Pablo na prayoridad rin ng Kristiyano ang pagbibigay, lalo nat pagbibigay upang mapawi ang kahirapan ng mga kapatiran, kasama at kapantay ng ibang gawaing Kristiyano. Anupat masasabi kong hindi sapat na ipanalangin lamang natin ang mga nasalanta ng bagyo hindi bat mas mapapapurihan ang Diyos kung tayo ang magiging sagot sa ating mga sariling panalangin? Basahin natin ang sinasabi ng Diyos sa Isaias 58:6-8: Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo: palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin. Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit, at sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait. Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at matutulad kayo sa bukang-liwayway.

Ang mga Israelita ay nagpapanukala ng isang ayuno, ngunit hanggat hindi nakikita ng Diyos ang katarungan, ang pagmamahal sa kapwa at ang pagpapakumbaba (Mikas 6:8), walang halaga ang pag-aayuno. Sa ngayon, ang hamon sa atin dalawa: espirituwal at temporal. Una, dapat ilagay patuloy sa isip, sa tulong ng Banal na Espiritu, ang nais ipahiwatig ni Apostol Pablo sa Roma 8:32: Kung ang sarili Niyang anak ay hindi Niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay? Hindi sinasabi ni Pablo dito na maaari nating hingiin sa Diyos ang anumang naisin natin. Sa halip, nais niyang ipadama sa mga mambabasa ang bigat ng ginawa ng Diyos at ang hindi malirip Niyang kabutihan nang ibigay Niya ang Kanyang nagiisang Anak, na higit ang halaga sa lahat-lahat-lahat ng bagay sa buong kalawakan, para sa atin. Dahil dito, hindi mahirap sa Diyos na bigyan tayo ng kagandahangloob tulad ng ginawa Niya sa mga taga-Macedonia, upang sa gitna ng ating mga kalagayan ngayon, maipagkaloob natin ang ating mga sarili una sa Diyos at pangalawa sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay. Ito rin ang sinasabi sa atin ngayon: kung ganito ang puso ng Diyos para sa makasalanang tao, anong karapatan natin bilang mga taong iniahon Niya sa karumihan na tanggihan ang panawagan Niyang magbigay sa kapwa ng higit sa ating makakaya? Sa ngayon wala tayong plano whatsoever na magpadala ng tulong sa Visayas sapagkat nagawa na ito ng iglesya. Ngunit nais ko sana, personally, na i-push through ang pagkakaloob ng Christmas Party para sa ilang bata. Kung may ideya kayo, maaari tayong mag-usap pagkatapos. Bilang pagtatapos, tayoy manalangin at makiusap sa Diyos na iahon rin tayo sa materialism. Ihingi natin ng tawad ang kasalanang ito sa Diyos at ipanalangin nating ipaalala Niya palagi ang Kanyang kagandahang-loob upang itulak tayong magbigay ng higit sa ating makakaya, ng may kagalakan.

You might also like