You are on page 1of 8

“AMAY KO, PASAYLO-A SIRA KAY DIRE SIRA MAARAM

SAN IRA GINBUBUHAT”

I. Ang unang salita – kapatawaran.

“At nang dumating sa dakong tinatawag na


Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa
krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan
at isa sa kaliwa. At sinabi ni Jesus, Ama,
patawarin mo sila; sapagka't hindi nila
nalalaman ang kanilang ginagawa”
(Lucas 23:33-34).

Iyan ang dahilan na si Hesus ay nagpunta sa Krus – upang


patawarin ang iyong mga kasalanan. Alam Niya na Siya’y papatayin
bago pa man Siya nagpunta sa Jerusalem. Ang Bagong Tipan ay
nagtuturo na sadyang pinayagan Niya ang Kanyang sariling maipako
sa krus para magbayad para sa iyong kasalanan.

“Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring


minsan dahil sa mga kasalanan, ang
matuwid dahil sa mga di matuwid, upang
tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Pedro
3:18).

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga


kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga
Taga Corinto 15:3).

Nanalangin si Hesus, “Ama, patawarin mo sila,” habang Siya’y


nakabitin sa Krus. Sinagot ng Diyos ang Kanyang panalangin. Bawat
tao na magtiwala lubos kay Hesus ay napapatawad. Ang Kanyang
kamatayan sa Krus ay nagbabayad sa multa para sa iyong kasalanan.
Ang Kanyang Dugo ay naghuhugas ng iyong mga kasalanan
papalayo.
“GINOO, HINUMDUMI AKO KON AADTO KANA SA IMO GINHADIAN”

II. Ang pangalawang salita – kaligtasan.

Dalawang mga magnanakaw ay nipako sa krus, isa sa magkabilang


tabi ni Hesus.

“At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang [kriminal] nabibitin, na


sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at
kami. Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi,
Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding
kaparusahan? At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't
tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa;
datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama. At
sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.
At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay
kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:39-43).

Ang pagbabagong loob ng pangalawang magnanakaw ay inilantad.


Ipinapakita nito

1. Ang Kaligtasan ay hindi sa bautismo lamang o pagsasapi


sa simbahan – ang magnanakaw ay hindi ginawa ang
kahit ano sa mga ito.

2. Ang kaligtasan ay hindi ayon sa isang mabuting


pakiramdam – ang magnanakaw ay mayroon lamang
masamang pakiramdam – ipinako rin siya at gayon din
ay nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan.

3. Ang kaligtasan ay hindi dumaratin sa pagpupunta sa harap


o pagtataas ng iyong kamaya – ang kanyang mga kamay
ay naipako sa krus, gayon din ang kanyang mga paa.

4. Ang kaligtasan ay hindi dumarating sa “paghihingi kay


Hesus na magpunta sa iyong puso.” Ang magnanakaw
ay maaring nagulat kung mayroong nagsabi sa kanyang
gawin iyan!

5. Ang kaligtasan ay hindi dumarating sa pamamagitan ng


pagsasabi “ng panalangin ng makasalanan.” Ang
magnanakw ay hindi nanalangin ng panalanging ito.
Hiningi niya lamang kay Hesus na tandaan siya.

6. Ang kaligtasan ay hindi dumarating sa pamamagitan ng


pagbabago ng paraan ng iyong pamumuhay. Ang
magnanakaw ay walang oras na gawin iyan.
Ang magnanakaw na ito ay naligtas sa parehong paraan na
dapat kang maligtas rin:

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at


maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan”
(Mga Gawa 16:31).

Maniwala ng buong puso kay Hesus, at ililigtas ka Niya sa pamamagitan ng


Kanyang Dugo at katuwiran, gaya ng pagkaligtas Niya sa naipako sa krus na
magnanakaw.
“BABAYE, IINI AN IMO ANAK, ANAK, IINI AN IMO IROY”

III. Ang pangatlong salita – pagmamahal.

“Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng


mga kawal. Datapuwa't nangakatayo sa
piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at
ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria
na asawa ni Cleopas, at si Maria
Magdalena. Pagkakita nga ni Jesus sa
kanyang ina, at sa nakatayong alagad na
kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa
kaniyang ina, Babae, narito, ang iyong
anak! Nang magkagayo'y sinabi niya sa
alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat
nang oras na yaon ay tinanggap siya ng
alagad sa kaniyang sariling tahanan” (Juan
19:25-27).

Sinabihan ni Hesus si Juan na alagaan ang Kanyang ina.


Mayroong higit pa sa Kristiyanong buhay pagkatapos mong maligtas.
Kailangan mong maalagaan. Ipinangako ni Kristo ang Kanyang
mahal na ina sa Apostol Juan . Ipinapangako ka Niya sa pag-aalaga
ng lokal na simbahan. Walang makabubuhay ng Kristiyanong buhay
na walang pag-aalaga at pagmamahal ng lokal na simbahan. Iyan ang
katotohanan na madalas nalilimutan sa ating araw.

“At idinaragdag sa kanila [sa simbahan sa


Jerusalem] ng Panginoon araw-araw yaong
nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47).
“DIYOS KO, DIYOS KO KAY ANO NGA GINBAYAAN MO AKO”

IV. Ang pang-apat na salita – dalamhati.

“Mula nga nang oras na ikaanim ay


nagdilim sa ibabaw ng buong
sangkalupaan hanggang sa oras na
ikasiyam. At nang malapit na ang oras na
ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas
na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama
sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios
ko, Dios ko bakit mo ako
pinabayaan?” (Mateo 27:45-46).

Ang dalamhating sigaw ni Hesus ay nagpapakita ng


katotohanan ng Trinidad, ang punong Diyos. Ang Diyos Ama ay
tumalikod, habang ang Diyos Anak ay nagdala ng iyong mga
kasalanan sa Krus. Sinasabi ng Bibliya:

“Sapagka't may isang Dios at may isang


Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang
taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5).
“NAUUHAW AKO”

V. Ang panlimang salita – pagdurusa.

“Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na


ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga,
upang matupad ang kasulatan, ay
sinabi, Nauuhaw ako. Mayroon doong
isang sisidlang puno ng suka: kaya't
naglagay sila ng isang esponghang basa ng
suka sa isang tukod na isopo, at kanilang
inilagay sa kaniyang bibig” (Juan 19:28-
29).

Ipinapakita ng bersong ito ang matinding pagdurusa na


pinagdaanan ni Hesus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan:

“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating


mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil
sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5).
“NATAPOS NA”

VI. Pang-anim na salita – pagbabayad ng kasalanan.

“Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay


sinabi niya, Naganap na” (Juan 19:30).

Higit sa aking nasabi hanggang ngayon ay maaring ibinigay ng isang


Katolikong pari. Ngunit sa pang-anim na salitang ito ay nakabitin ng
Protestanteng Repormasyon, gayon din ang pananampalataya ng Bautista sa
lahat ng mga panahon. Sinabi ni Hesus, “Naganap na.”
Tama ba si Hesus noong sinabi Niya, “Naganap na”? Sinasabi ng
Katolikong simbahan. “hindi.” Sinasabi nila na dapat Siyang maipako sa krus
muli at maialay muli sa bawat Misa. Ngunit sinasabi ng Bibliya na mali iyan.

“Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa


pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni
Cristo na minsan magpakailan man” (Mga
Taga Hebreo 10:10).

“Sapagka't sa pamamagitan
ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal
magpakailan man ang mga pinapagiging-banal”
(Mga Taga Hebreo 10:14).

“At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-


araw ay nangangasiwa ng patayo at
naghahandog na madalas ng gayon ding mga
hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga
kasalanan: Nguni't siya [si Hesus], nang
makapaghandog ng isa lamang hain patungkol
sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo
sa kanan ng Dios” (Mga Taga Hebreo 10:11-12).

Binayaran ni Hesus ng buo ang pagbabayad para sa ating mga kasalanan,


minsan at sa buong panahon, sa Krus.

Binayaran ni Hesus ang lahat,


   Ang lahat sa Kanya ay aking pinagkakautang;
Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mantsa,
   Hinugasan niya itong puti tulad ng niyebe.
(“Binayaran Lahat Ito ni Hesus.” Isinalin mula sa
      “Jesus Paid It All” ni Elvina M. Hall, 1820-1889).
“AMAY KO, SA IMO MGA KAMOT GINTUTUBYAN KO AN AKON
KALAG”

VII. Pampitong salita – pagsusuko sa Diyos.

“At si Jesus, na sumigaw ng malakas na


tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo
ay ipinagtatagubilin ko ang aking
espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang
hininga” (Lucas 23:46).

Ipinakita ni Hesus ang Kanyang ganap na pagsusuko sa Diyos


ang Ama sa Kanyang huling salaysay bago ng kamatayan. Ang
dakilang si Spurgeon ay nagpunta, na ipinapakita nito ang pinaka-
unang naitalang salita ni Hesus, “di baga talastas ninyo na dapat
akong maglumagak sa bahay ng aking Ama?” (Lucas 2:49). Mula sa
una hanggang sa huli, ginawa ni Hesus ang kagustuhan ng Diyos.
Isa sa mga magaspang mga senturyon na nagpako sa Kanya sa
Krus ay tumayong nakikinig sa pitong mga kasabihang ito. Ang
senturyon ay nakakita na ng maraming pagpapako sa krus, ngunit
hindi pa siya nakakita ng kahit sinong mamatay sa paraan na namatay
si Hesus, nangangaral ng isang nakamamanghang pangaral habang
ang Kanyang dugong buhay ay umaagos papalabas sa Kanya.

“At nang makita ng senturion ang nangyari,


ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi,
Tunay na ito'y isang taong matuwid”
(Lucas 23:47).

Ang senturyon na iyon ay nag-isip pa ng higit pa patungkol


kay Hesus, at tapos nagsabi,

“Katotohanang ang taong ito ay Anak ng


Dios” (Marcos 15:39).

You might also like