You are on page 1of 1

Mga Sangkap ng Adobong Baboy

500 grams ng karne ng baboy, hiwaan ng naaayon sa gustong lake


3 piraso ng bawang na pinitpit
1 kutsaritang pamintang buo
3 dahon ng laurel
1/2 tasa ng toyo
1/3 tasa ng suka
1 kutsarang asukal
asin
mantika

Paraan ng pagluto ng Adobong Baboy


1. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero at
imarinate ng 30 minuto.

2. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang
lumambot ang karne. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.

3. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.

4. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.

5. Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.

6. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.

7. Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.

8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan.

You might also like