You are on page 1of 7

Adobong Manok Na May Gata 

1 manok
1 kilong karne
5 ulong bawang
1 tasang suka
kaunting paminta
kapirasong dilaw
gata ng isang niyog

Gayatin ang manok at karne ng mga dalawang dali ang laki. Ilalagay ang bawang at ihahalong
mabuti sa manok at karne; ilagay ang suka, dilaw, at paminta. Isasalang ang manok at karne
hanggang sa maluto. Kukudkurin ang niyog at gagayatin; ang isang tasang gata ay husto na.
isasahog ang isang tasang gata at lutuin hanggang maglangis- langis ang gata. 

Almondigas

½ kilong giniling na baboy


3 punong sibuyas na mura
1 itlog ng pato
3 kutsarang arina
3 maninipis na bilot na miswa
1 sibuyas
2 butil ng bawang
3 puswelong sabaw ng sinaing
Patis, asin, pamintang durog

Hiwaing maliliit ang sibuyas na mura, at ihalo sa giniling na baboy. Timplahan ng asin at
pamintang durog. Ihalo ang binating itlog at arina. Bilug-bilugin, pagulungin and bawa’t isa sa
arina bago ihulog sa kumukulong mantika. Papulahin nang bahagya. Itabi.

Igisa sa kaunting mantika ang pinitpit na bawang at sibuyas (hiwang panggisa). Timplahan ng
kaunting patis, pakuluan nang ilang sandali bago ibuhos and sabaw ng sinaing. Kapag kumukulo
na ang sabaw, ihulog ditto ang piniritong bola-bola. Paghiwa-hiwalayin at putulin ang miswa
bago ihulog din sa kumukulong sabaw. Matapos kumulo ay tikman. Kung di pa naaayon sa
panlasa ang alat ay timplahan ng kaunting asin. Huwag nang patatagalin sa apoy pagka’t
malulusaw ang miswa at masyadong lalapot ang sabaw.

Batsoy Na May Miswa (Bachoy)

¼ kilong lamang loob ng baboy


5 guhit na lapay
¼ na puswelong sibuyas na mura (hiwa-hiwang maliliit)
1 sibuyas (hiwang panggisa)
2 butil na bawang 
1 puswelong miswa
3 puswelong sabaw-sinaing
Kapirasong luya               

Igisa ang bawang, luya at sibuyas. Isunod ang lamang-loob at lapay na hiniwa nang maliliit.
Timplahan ng kaunting patis. Makaraan ang ilang sandaling pagkulo, sabawan ng kaunting tubig.
Takpan at hayaang kumulo. Kapag malambot na ang mga sahog, ibuhos ang sabaw-sinaing at
sibuyas na mura. Pakuluin nang ilan pang sandali bago ihalo ang miswa, kapag malapit nang
hanguin. Tikman at kung matabang pa sa panlasa ay dagdagan ng asin. Sandali lamang pakuluin
at hanguin na upang hindi gaanong malusaw ang miswa.

Estopado

1 kilong karneng may taba


2 basong tubig
1 basong sukang maasim
1 tasang malaki na asukal
1 sibuyas
3 ulong bawang
2 saging na saba
1 kupitang hinyebra

Pipirituhin ang karne. Ang mga natirang karneng prito ay maaaring gamitin sa lutong ito.ang
asukal na may kaunting suka ay susunugin sa isang kaserola at kapag nangangamoy na ang
sunog na asukal, ang natitira pang suka at tubig ay ilalahok,babatihing mabuti at ito ang
gagamiting pinakasabaw. Maghahanda ng isang palayok at ang puwit sa loob ay lalagyan ng
asad, upang huwag mangapit sa puwit ang niluluto. Sa palayok na ito’y sabay- sabay na ilalagay
ang lahat na magkakahalo, gayon din ang pinakasabaw na may sinunog na asukal at saka
tatakpang mabuti ng nilaib na dahong saging upang huwag makasingaw. Pagkakulo ay
babawasan ang gatong at pababayaan sa atay-atay na apoy hanggang sa lumambot ang karne.

 Dinuguan

2 kutsarang mantika
3 ulo ng bawang, pinitpit
1 sibuyas, hiniwa-hiwa
¼ tasang luya
1 ½ kilo ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 pirasong puso ng baboy. Pinakuluan at hiniwa
½ kilo tripe ng baka, niluto at hiniwa
¼ kilong atay ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
2 tasang sabaw ng baboy
1 ½ tasang dugo ng baboy
4 pirasong mahabang sili berde, asin
½ tasang sukang puti o paumbong

Sa isang malaking kawali,igisa ang bawang, sibuyas at luya sa mantika. Idagdag ang baboy, puso
at tripe. Pakuluang maigi hanggang sa maluto. Kapag naluto na ang karne, ibuhos ang suka,
sabaw ng baboy. Ihuli ang sili. Ibuhos ang dugo ng ng baboy at haluing mabuti. Pakuluan. Ihain
ng may kasamang puto.

Karne Na May Burong Mustasa 

1/2 kilong karneng baka


2 puswelong burong mustasa
Toyo

Paghiwa-hiwain nang tig-1 pulgadang pakuwadrado ang karne. Ibabad sa toyo nang ilang sandali
bago iprito sa kumukulong mantika. Kapag mapula na ay ibuhos ang pinagbabarang toyo at ihalo
ang burong mustasa na pinaghiwa-hiwa (1 pulgada rin ang laki). Hayaang kumulo hanggang sa
lumambot at ihain nang mainitpa.
Manok na may Gisantes 

1 katamtamang laking manok


1 ulong dinikdik na bawang
2 sibuyas, hiwain
6 na kamatis, hiwain
1 maliit na latang gisantes
3 kutsarang mantika
1 kutsaritang asin
1/8 kutsaritang paminta
2 kutsarang toyo
2 tasang tubig
Linisin at hiwain ang manok. Hiwain sa walong piraso at hugasang mabuti. Igisa ang bawang,
sibuyas at kamatis. Pakuluin at hinaan ang apoy. Ipagpatuloy ang pagluluto hanggang lumambot
ang manok. Timplahan ng asin at toyo. Pakuluin at hinaan ang apoy hanggang sa lumambot ang
manok. Salinan ng tubig. Pagkulo, ihalo ang gisantes. Lutuin ng sampung minuto. Timplahan ng
paminta at ihain.
Sarsa
2 kutsarang asukal
1 ½ kutsaritang toyo
1 kutsarang asin
1 tasang sabaw ng nilaga
1 ½ kutsarang kornstarch (tunawin sa 2 kutsarang tubig)
1 kutsaritang bawang, tadtarin ng pino

Pagsama-samahin ang asukal, toyo, asin at sabaw. Pakuluin. Isama ang kornstarch na tinunaw at
haluin ng haluin hanggang lumapot ang sarsa. Lutuin sa ibabaw ng mahinang apoy sa loob ng
isang minuto. Ihaing may tinadtad na bawang sa ibabaw. 

Relyenong Puso Ng Baka

1 puso ng baka
¼ kilong giniling na baboy
1 latang byena soseyj (hiniwa ng pino)
1 kahong pasas
2 tsoriso de bilbaw (hiniwa ng pino)
½ puswelong papaya (tinadtad)
1 sibuyas (karaniwang laki; tinadtad)
3 itlog ng manok½ puswelong arina               

Hiwain ang gilid ng puso ng baka magbuhat sa puno hanggang maibuka ito. Huwag isasagad ang
paghiwa sa bandang puwit. Hiwain at alisin ang mga ugat ng pusio. Linising mabuti upang
maalis ang mga patay na dugo at sebo. Bawasan ang laman sa loob ng puso upang lumaki ang
guwang niyon. Kailangan maging 1 ½ sentimetro ang kapal ng lamang maiiwan sa puso. Hiwaiin
ng maliliit o tadtarin ang binawas na laman.               

Paghalu-haluin ang hiniwa o tinadtad na laman ng puso, ang chorizo de bilbao, at ang papaya.
Timplahan ng asin ayon sa panlasa. Pagkatapos ay isama sa pinaghalong mga sangkap ang 2
itlog (hilaw). Pagkaraan niyon ay ang arina naman ang ihalo. Haluing mabuti upang
magkalangkap ang mga sangkap. Ilaga ang natitirang isang itlog.               

Ipaloob sa puso ang pinaghalong sangkap. Maingat na ipagitna ang nilagang itlog na hinati sa
gitna. Ngayo’y tahiin ang hiniwang bahagi ng puso upang tumikom itong muli at hindi tumapon
ang ipinaloob na sangkap.Lahok sa salsa:1 latang tomato sauce2 kamatis2 sibuyas (karaniwang
laki)2 kutsarang arinaKapirasong dahon ng laurel Toyo               

Hiwaing pino ang mga kamatis at sibuyas. Pagsamahin. Ihalo rito ang tomato sauce, toyo (ayon
sa panlasa ang dami), dahon ng laurel, at 1 puswelong tubig. Upang umanghang ang salsa ay
maaring lagyan ng durog na paminta o pigaan ng siling palay. Maarii ring lagyan ng salsa no
Worcestershire sauce upang lalong sumarap iyon.               

Pakuluan sa salsang ito ang puso hanggang sa lumambot. Hanguin kapag malambot na. Ang
salsa ay palaputin sa pamamagitan ng tinunaw na arina. Ilagay sa isang pinggan ang puso bago
ibuho doon ang salsang pinagpalambutan. 

Tamalis Na May Manok 

2 gatang na galapong na bigas


3 butil na bawang
½ manok na inahin
½ kilong karneng may taba
½ gating na pulbos ng mami
5 kutsarang mantika
Ilalaga sa tubig ang manok at ang karne hanggang sa lumambot. Igigisa sa isang kawali ang
bawang, ang arina o galapong na bigas na binasa muna at saka ilahok ang sabaw ng manok.
Pagluto na ang bigas o galapong ay ilalahok ang pulbos ng mani; maaaring lagyan ng paminta,
atsuwete o paminton, upang magkakulay. Titimplahan ng katamtamang asin at paminta, gayon
din ng kaunting asukal kung ito ang ibig, gagayating pino ang laman ng manok at laman ng
baboy at lalagyan ng mani. Pagkatapos ay bablutin sa mga dahon ng saging na saba o butuan, at
sasamahan sa loob ng kainamang dami ng harina at tuloy isasama sa loob. Pagkabalot na mabuti
sa mga dahon ng saging at matalian ng abaka ay ilalagay sa isang kaldero na lubog sa tubig
hanggang sa kuluang mga kalahating oras.

Puchero 

1 kilong baka, hiniwa ng tig-2 pulgada pakuwadrado


1 tasang chorizo de bilbao, prinito at hiniwa ng manipis
4 tangkay dahon ng sibuyas, hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
1 tangkay ng celery,hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
2 kutsaritang asin
1 maliit na repolyo, hiniwa sa 8 piraso
2 katamtaman laking patatas, binalatan at hiniwa ng pakuwadrado
1 tasang baguio beans
1 tasang garbanzos
2 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
½ tasang tomato sauce
2 kutsaritang mantika

Pakuluan ang baka sa isang kaserola na may sapat na dami ng tubig sa loob ng 2 oras o hanggang
ito’y lumapot. Hanguin ang karne. Ipagpatuloy ang pagpakulo ng sabaw ng baka. Ilagay ditto
ang patatas. Pakuluan muli ng 2-3 minuto. Idagdag ang baguio beans at repolyo. Maghintay ng 5
minuto. Sa isang maliit na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas. Ihalo ang baka at tomato sauce.
Pakuluan muli ng 5 minuto. Ibuhos ang sabaw.idagdag ang garbanzos. Pakuluan ng 5 minuto
muli. Hanguin ang baka at ilagay sa isang malaking mangkok. Iayos ang gulay sa mangkok.
Palamutian ng chorizo sa ibabaw. Ibuhos ang nilutong sabaw. Ihain habang mainit. Mas masarap
ang puchero kapag may kasamang ensaladang talong sa tabi nito. 
Talastas
(Mga Tagalog na resipe)

Ipinasa ni Ipinasa kay


Goldameir Gamir Gng. Limdico

You might also like