You are on page 1of 2

PROJECT

Alberolos, Nevenbert, A.

11 STEM 4

Bb. Jay-Ann Amit

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

 Tekstong Prosidyural sa paggawa ng Kare-Kare


 Bago ka makapagluto ng Kare-Kare kailangan mo muna ng mga rekados para sa
gagawin mong masarap na ulam na patok sa panlasa ng isang Pilipino.

 1 kilong karne ng baboy o baka, oa kaya ay buntot ng baka (Ox tail), hiniwa ng 2
pulgada kalaki
 6 kutsara ng peanut butter or dinikdik na mani
 5-10 piraso ng sitaw, hiniwa ng 3 pulgada kahaba
 2 bungkos ng petsay
 2-6 piraso ng dinikdik na bawang
 1 may katamtamang laki na sibuyas, hiniwa
 1 kutsaritang pulbos na atsuwete para sa kulay
 1 may katamtamang laki na talong, hiniwa sa 6 na piraso
 1 kutsaritang patis

 Pagkatapos mong ihanda ang mga rekados mo para maluto ang kare-kare na
inyong pagsasalu-saluhan sa inyong hapag ay kailangan mo munang maghugas ng
kamay para maiwasan ang paglipat ng mga mekrobyo mula sa iyong kamay
papunta sa mga pagkaing iyong gagamitin.
 Pagkatapos mong maghugas ng kama’y halina’t lutuin na natin ang masarap na
kare-kare na iyong pinakahihintay
1. Magpakulo ng sapat at malinis na tubig sa isang kaldero o palayok.
2. Ilagay ang karne at kalahati ng sibuyas. Pakuluan muli hanggang sa lumambot.
Maaring umabot hanggang 3 oras ang pakulo (o 30-45 minuto kapag pressure
cooker ang ginamit).
3. Sa isang hiwalay na kawali, gisahin ang bawang at tirang sibuyas. Ilagay ang
karne at pakuluan ng ng ilang minuto.
4. Idagdag ang peanut butter o mani, atsuwete powder at patis. Pakuluan muli ng
mga 5 minuto.
5. Ilagay ang mga gulay at haluin ng banayad bago hanguin sa kalan.
6. Ihain na may kasamang alamang. I-enjoy ang iyong kare kare.

Tip: Puwede ring gumamit ng Kare Kare Mix, bawasan lamang ang mani o peanut
butter at atsuwete.

 Hindi pahuhuli at kung ito’y iyong natapos ng lutuin ihain mo na ito sa mga
kasama mo sa bahay ng matikman na nila ang masarap at malina-linamnam na
kare-kare na iyong inihanda.

MAGPAKABUSOG SA PAGKAIN!!!

You might also like