You are on page 1of 4

Week #_______ Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan EPP/TLE- 5-6 (HE)

PAUNANG SALITA

Dapat sa mga oras na ito, kayong mga mag-aaral ay abala na sapamimili ng


mga gamit sa eskwela, magpapatahi ng mga bagong uniporme at exited na makakilala
ng mga bagong kaibigan sa paaralan.

Ngunit sa isang iglap nabago ang lahat. Ang dating masaya at maingay na
mundo ninyo ay biglang nanahimik, lahat kayo ay takot at nag-iisip sa kung ano ang
magiging kinabukasan ninyo, nag-aabang sa muling pag-bubukas ng mga paaralan na
siyang magtutupad ng mga pangarap ninyo at ng inyong mg pamilya.
.

Oras na rin ito para makatulong kayo sa inyong mga pamilya para
mapagtagumpayan ang krisis na pinagdadaanan natin. Narito ang ilang mga Gawain na
dapat ninyong pagkaabalahan habang naghihintay kayo ng pasukan. Ito rin ay
magsisilbing output ninyo.

Sa pagsagawa ninyo sa mga gawaing ito huwag kaligtaan na kumuha ng mga


larawan habang isinasagawa ang mga ito at gumawa ng mga journals o simpleng
sanaysay tungkol sa karanasan ninyo at anong mga kapakinabangan ang naidulot ng
mga ito sainyo, at sainyong mga pamilya.

Inaasahan namin na maging makabuluhan sana para sainyo ang mga gawaing
ito bilang paghahanda na rin sa darating na pasukan.

Hanggad namin ang inyong tagumpay sa muling pagbangon ninyo at ng pamilyang


Pilipino.

Activity # 1

Layunin:
1. Natutukoy ang mga kahalagahan ng pag-iimbak
2. Nakasusunod nang maayos sa mga paraan ng pagsasagawa ng pag-iimbak

Tosinong Baboy
Sangkap:
1 kilo pigue ng baboy( hiniwa nang maninipis)
1 tasang asukal (brown)
2 kutsarang asin
2 kutsarang rum,o gin o 1 tableta ng ascorbic acid (optional)
¼ kutsaritang salitre
Pamamaraan:
1. Haluin ang lahat ng sangkap maliban sa baboy
2. Ipahid ang mixture sapigue ng baboy
3. Ayusin ang hiniwang pigue ng baboy na pinahiran ng mixture
4. Ilagay sa refrigerator at hayaan ito sa loob ng 3-5 araw

Activity # 2
Longganisa
MgaSangkap:
¾ kilo ng laman ng baboy1 kutsarang pamintang durog
¼ kilo taba ng baboy 2 kutsarang suka
3 kutsarang asin 2 kutsarang dinikdik nabawang
5 kutsarang asukal na pula 1 kutsarang rum o gin (optional)
¼ kutsarita ng salitre, pork casing o bituka ng baboy

Pamamaraan:
1. Haluin ang mga sangkap maliban sa kasing ng baboy
2. ilagay ang pinaghalong sangkap sa kasing
3. Hatiin sa 5-6 inches sa pamamagitan ng pagtali sa gitna ng bituka ng baboy
gamit ang sinulid
4. Ibitay at patuyuin
Activity # 3

Itlog na Maalat
MgaSangkap:
6 naitlog ng manok 1 kutsara ng pulang food flavor
¼ tasang asin container napagbababaran ng itlog
1 patak ng asul na food flavor

Pamamaraan:
1.Gamit ang container napagbababaran ng itlog lagyan ito ng tubig at ihalo ang ¼
na tasa ng asin hanggang sa matunaw ito.
2.Ibabad ang itlog sa tubig na may asin sa loob ng 17 araw. (Huwag kaligtaan
lagyan ng petsa kung kalian ito hahanguin)
3. Pagkatapos ng 17 araw hanguin na ang mga itlog sa pinagbabaran na tubig na
may asin, hugasan at pakuluan ng 10-15 minuto para maluto.
4. Sa isang palanggana maglagay ng tubig at ilagay ang 1 kutsara ng pulang food
flavour at isang patak ng asul na food flavor haluin at ilagay ang mga itlog sa
loob ng 5 minuto.
5. Hanguin ang mga itlog at patuyuin.
Activity # 4

Layunin:
1. Nakagagawa ng buwanang budget ng pamilya
2. Napahahalagahan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya

Mahalaga na ang isang pamilya ay mayroong budget para mas mabigyang


halaga ang pangangailangan ng pamilya. Lalo pa’t sa panahong ito maraming mga
tatay/nanay ang nawalan ng trabaho dahi sa pagsasara ng mga pinagtatrabahohan nila.
Para mapagkasya ang pera ng pamilya dapat marunong kayong gumawa ng budget.
Alamin ang mga pangangailangan ng pamilya at ito ang gawing batayan para
makagawa ng budget. Gamit ang perang galing sa Social Amelioration Program(SAP)
na bigay ng pamahalaan, gumawa ng buwanang budget para sa inyong pamilya.
Maaring humingi ng tulong sa nanay para makagawa ng maayos na budget.
Gamitin ang pie graph para ipakita ang buwanang budget ng inyong pamilya.

Pamamaraan:
Tukuyin at itala ang mga pangangailangan ng pamilya gamit ang limang libong
piso na SAP. Lagyan kung ilang bahagdan ang ibibigay niyong budget sa bawat
pangangailangan.
Gamitin ang bilog sa ibaba.

You might also like