You are on page 1of 40

EPP 6

Inihanda ni: Bb. Arnalyn


MAGANDANG
ARAW!
PANIMULANG
GAWAIN
PAGBABALIK-ARAL!
Panuto: Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1.Ano ang pag-iimbak?
• Ang pag-iimbak ay isang
proseso sa paghahanda ng
pagkain upang maiwasan
mabulok ito.
PAGBABALIK-ARAL!
2. Ano ang kahalagahan ng
pag-iimbak?
• Natutugunan ang
pangangailangan sa pagkain
sa panahon ng tagsalat,
kumikita ng malaki ang mag-
anak, nakatutulong sa
ekonomiya ng bayan,
nagbibigay hanap-buhay at
nakasisiguro ng saganang
pagkain sa buong taon.
Panuto: Sabihin kung anong
Paraan ng Pag-iimbak ng
Pagkain ang ipinapakita sa
larawan.
• Pagyeyelo
• Pagpapatuyo
• Pagmamatamis
• Pag-aatsara
• Pag-aasin
• Pagsasalata
PAGMAMATAMIS
PAGSASALATA
PAGPAPATUYO
PAG-AATSARA
PAGYEYELO
PAGTATALAKAY
MGA MUNGKAHING
RESIPE SA PAG-IIMBAK
RESIPING PANGGULAY

• Atsarang Papaya
• Pickled na Singkamas
RESIPING PAMPRUTAS

• Pinya Jam
• Bayabas Jelly
RESIPING PANGKARNE

• Longganisa
• Tapang Baka
• Tapang Baboy
RESIPING PANG-ISDA
• Bagoong alamang
• Daing
RESIPING PANG-ITLOG

• Itlog na Maalat
MGA PILING RESIPE
TSAMPOY

Mga Sangkap:
1 tasang binalatang sampalok
2 tasang asukal
1 tasang nilaga at dinurog na
kamote
1 kutsaritang tinunaw na asin
sa 2 tasang tubig
TSAMPOY
Pamamaraan:
• Sa isang lutuan, paghaluin lahat ng sangkap.
• Iluto sa katamtamang apoy habang hinahalo
nang dahan-dahan hanggang matuyo. Palamigin.
• Ihugis pabilog, sinlaki ng holen.
• Igulong sa puting asukal
• Ibalot ang bawat tsampoy sa cellophane.
KAMOTENG KENDI
Mga Sangkap:
2 tasang nilaga at dinurog na
kamote
1 tasang kinayod na murang
niyog
3 tasang asukal
dahon ng saging bilang sapin
KAMOTENG KENDI
Pamamaraan:
• Paghaluin ang tatlong sangkap: kamote, asukal,
murang niyog.
• Lutuin hanggang mamasa-masa pa na hinahalo
habang niluluto.
• Ilatag sa dahon ng saging. Palamigin bahagya
bago ihugis sa gustong laki ng kendi.
• Balutin sa papel. Maaari nang kainin ang kendi.
WALANG BALAT NA LONGGANISA
Mga Sangkap:
1 kilong giniling na liempong baka o
baboy
1/2 tasang ketsup
3 kutsarang asukal
1 ulo ng bawang na dinikdik ng
pinong-pino
1/2 tasang puting asukal
1 kutsaritang maanghang na sauce
2 kutsaritang toyo
wax paper bilang pansamantalang
balot
WALANG BALAT NA LONGGANISA
Pamamaraan:
• Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap sa
isang mangkok.
• Haluing mabuti at itabi.
• Pumutol ng wax paper pambalot.
• Lagyan ng 2 kutsarang pinaghalo-halong
sangkap bawat papel.
• Ibalumbon nang pahaba na hugis longganisa.
• Ilagay sa isang bandehado at ipasok sa freezer.
Maaari nanglutuin ang longganisa bilang ulam.
ITLOG NA MAALAT

Mga Sangkap:
5 itlog ng itik
1 tasang asin
3 tasang tubig
garapon lalagyan ng itlog
ITLOG NA MAALAT
Pamamaraan:
• Pakuluan ang tubig, ilagay ang asin hanggang
matunaw. Isalin sa isang malinis na garapon.
• Hayaang lumamig ang solusyon at isa-isahing ilagay
ang itlog sa solusyon.
• Lagyan ng pabigat ang solusyon upang manatiling
nakababad ang mga itlog sa solusyon.
• Dagdagan pa araw-araw ng 2 kutsaritang asin ang
solusyon hanggang 6-7 araw na pagkababad.
• Hugasan at ilaga ang itlog pagkaraan ng 6-7 araw.
BAGOONG ALAMANG

Mga Sangkap:
1 kilong alamang
tasang asin
BAGOONG ALAMANG
Pamamaraan:
• Hugasan mabuti ang alamang. Tiyaking malinis ito
• Asinan ito.
• Ilagay ang alamang sa isang malinis at tuyong bote.
• Takpan ang bote ng makapal na telo, papel, o wax
paper.
• Hayaan ito nang dalawa hanggang limang araw.
PAGLALAPAT
GAWAIN BLG.1 JAN. 9, 2024

Panuto: Mag-isip ng
pagkaing maaaring
imbakin at gumawa ng
disenyo na magiging
pambalot sa iyong
gagawin na produkto.
Iguhit ito sa kwaderno.
PAGSASANAY
SW 1 JANUARY 9, 2023

Panuto:Tukuyin ang mga sumusunod


na klase ng resipi. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.
Resiping Pang-isda
Resiping Pamprutas
Resiping Panggulay
Resiping Pangkarne
Resiping Pang-itlog
1.Daing na Bangus 6.Itlog na Maalat
2.Apple Jam 7. Strawberry Jam
3.Atsarang Sayote 8.tsampoy
4.Pickled cucumber 9.Tapang baboy
5.Tapang baka 10.Daing na dilis
PAGPAPAHALAGA
Sagutin ang mga katanungan:
• Bakit mahalaga ang pag-iimbak ng
pagkain sa paghahanda para sa mga
kalamidad o emergency situations?
• Ano ang mga hakbang na maaaring
gawin ng isang indibidwal upang
mapanatili ang kalidad ng pagkain
habang ito ay nakaimbak?
PAGLALAHAT
Three Two One Strategy

• 3 BAGAY NA IYONG NATUTUNAN


• 2 BAGAY NA NAGILIWANG TUNAY
• 1 BAGAY NA KAPAKIPAKINABANG
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
PAALAM..

You might also like