You are on page 1of 11

GRADE VI

PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA

ALAMIN MO

Ngayon, kaibigan, ay madali mo nang mapag-aaralan ang modyul tungkol sa pag-


iimbak sa pamamagitan ng paggamit ng preserbatiba at matutuhan ang pagtutuos
ng gastos at kikitain sa pagbibili ng inimbak na pagkain. Handa ka na bang
magsimula?

Sa panahong napakarami ang huling isda at sobra-sobra ang inaning mga


gulay at prutas ay mabuting mag-imbak ng pagkain upang ang mga ito ay di
masira at mabulok. Dito, malalaman mo ang mga mabisang preserbatibang
kailangang gamitin. Bago mo sinimulan ay magbalik-tanaw ka sa mga paraan ng
pag-iimbak.

1
PAGBALIK-ARALAN MO

Basahin ang mga bugtong na nakasulat sa mga kahon. Piliin ang sagot ng tamang
paraan ng pag-iimbak na nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Pagyeyelo
2. Pagtutuyo
3. Pag-aasin
4. Pagsasalata
5. Pagmamatamis

1.
Paraang ginamit ay yelo
Sa pagsugpo ng mikrobyo
Anong paraan ito?

2.
Magkaibigan ang isda at karne
Asin ang kasama sa bote
Anong paraan ito?

3.
Ako’y si pusit
Nakadipa sa init
Anong paraan ito?

4.
Sa lata na walang pinto
Nang pumasok ako
Walang buntot walang ulo
Anong paraan ito?

5.
Ako’y asukal na pino
Sa prutas sumama ako
Sa paraang gusto mo
Anong paraan ito?

Matapos mong sagutan ang mga bugtong ay maaari mo nang pag-aralan ang mga
preserbatiba sa pag-iimbak ng pagkain.

2
PAG-ARALAN MO

Ipakikilala ka sa iyo ang iba’t ibang preserbatiba na ginagamit sa pag-iimbak ng


pagkain.

1. ASIN- Isinasama at inihahalo sa pagkaing nais patuyuin.

2. INIT NG ARAW- Ang pagkain ay hinihiwa nang manipis, inilalatag sa


lalagyan at ibinibilad sa init ng araw.

3. USOK- Ang isda ay inaasinan at niluluto ng bahagya bago inilalantad sa


usok ng nasusunog na pinagkataman na kahoy.

4. ASUKAL- Ang prutas o bungangkahoy ay pinepreserba sa maraming


asukal.

5. SUKA- Ang pagkain ay inihahanda, inaasukalan at nilalagyan ng suka at


iba pang pampalasa na nagbibigay sarap na lasa at amoy sa pagakain.

6. SALITRE- Isang kemikal na ginagamit sa karne, isda, gulay o prutas


upang tumagal ang pagkain.

7. YELO- Ang lamig ng temperatura ang pumipigil sa pagkakaroon ng


mikrobyo sa pagkain.

Matapos mong makilala ang mga preserbatiba na ginagamit sa pag-iimbak ng


pagkain ay pag-aralan mo ang isang paraan ng pag-iimbak ng pagkain. pag-aralan ang
batayang impormasyon at paraan ng pagdadaing ng hasa-hasa

PAGDADAING NG ISDA

Mga Sangkap Mga Kagamitan:


1-tasang asin pantakip na lambat
2-tasang tubig salaan
1-kilong sariwang hasa-hasa kutsarang kahoy
mangkok
katsa
bistay na salaan
sisidlan o clay jar

3
Paraan ng Paggawa:

1. Hiwain sa likod ang isda at ibuka ito. Alisin ang lamang loob o bituka.
Hugasan nang mabuti ang tiyan ng isda.

2. Ilagay ang mga isdang biniyak sa salaan upang patuluin ang tubig.

3. Kung 1 kilong isda ang dadaingin, maghanda ng 1 tasang asin


paghaluin ang 3 tasang tubig at 1 tasang asin. Ito ang “ brine solution”

4
4. Salain sa katsa ang brine solution upang maalis ang anumang dumi.

5. Ilagay sa malalim sa palanggana ang mga isda, at ibuhos dito ang


brine solution.

6. Patungan ng plato ang mga isda. Idiin nang bahagya ang kamay upang
masiksik at mababad nang husto ang isda sa solusyon. Ibabad ito sa
loob ng 6 na oras. Pagkatapos, patuluing mabuti ang tubig.

5
7. Ilagay ang mga isda sa bistay. Tiyakin na hindi magkakapatung-patong
ang mga binilad na isda upang maging pantay ang pagkakatuyo ng
mga ito, Takpan ng lambat upang di dapuan ng kulisap at ibilad sa init
ng araw.

Mahalagang magkaroon ka ng karanasan na matuto sa paggawa ng Daing na isda,


ngunit kailangang malaman mo rin ang pagtutuos ng gastos at kikitain sa paggawa ng
daing na isda, lalo na kung nais mong magkaroon ng dagdag kita.

Magiging tagumpay ka sa gawaing ito kung isasagawa at isasaloob ang mga


tamang paraan at gawi sa paggawa.

Ngayon, tingnan mo ang Pagtutuos ng nagastos sa mga sangkap sa pagdadaing ng


isda.

Sangkap:
1-tasang asin P 4.00

2-tasang tubig
1-kilong hasa-hasa P 100.00
P 104.00- Halaga ng puhunan

Ang paglalagay ng presyo o halaga ng paninda ay ibinabatay sa


pamantayang pinaiiral ng pamahalaan.

Pormula: puhunan P 104.00-Puhunan


X 15% X15% -
15.60 dagdag
P 104.00

+ 15.60
P 119.60- halaga ng pagbebenta ng 1
kilong daing na isda.

6
Inaasahang maliwanag ang kuwenta sa “Pagdadaing ng Isda”. Sa puhunan mong
isandaan at apat na piso (P104.00) ay maipagbibili mo ng isang daan, labinsiyam na
piso at animnapung sentimos (P119.60). Kaya may tubo kang labinlimang piso at
animnapung sentimos (P15.60). Hindi ba maayos na iyon? Kaya kung may puhunan
ka, maaari ka nang magsimula ng isang negosyo upang kumita ka.

SUBUKIN MO

Subukin mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa isang
malinis na papel.

1. Ano-ano ang mga preserbatibang ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain?


2. Bakit mahalaga ang mga preserbatiba sa pag-iimbak ng pagkain?
3. Ibigay ang mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng daing na isda.

.
TANDAAN MO

Ang suka, asukal, yelo, salitre, asin, init ng araw, at usok ang mga preserbatibang
ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain. Ginagamit ang mga ito upang hindi agad masira
ang pagkain. Sa pag-iimbak, kailangang malaman ang pagtutuos ng mga gastusin
para sa mga sangkap gayundin upang malaman ang tutubuin.

7
ISAPUSO MO

Sagutin nang matapat ang mga tanong sa tseklist.

OO HINDI
1. Natutuhan ko ba ng mga hakbang sa
pagdadaing ng isda?
2. Alam ko na ba ang iba’t ibang
preserbatiba na magagamit sa pag-iimbak
ng pagkain?
3. Alam ko ba na ang mga isda ay angkop
gawing daing? Magagawa ko ba itong
mag-isa?
4. Makapagtutuos ba ako ng gastusin kung
mag-iimbak ako ng pagkain?
5. Magagawa ko bang magkaroon ng
tutubuinatdimalulugikung
magnenegosyo ako?
Kabuuan

Iskor para sa OO 4-5- Napakagaling


2-3- Magaling
0-1- Kailangan pagalingin pa

8
GAWIN MO

A. Basahin ang mga pangungusap at sagutan ang mga puwang.


Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

1. Ang _______ ay isang sangkap na kailangan sa pagdadaing ng isda.

2. Ang atsarang papaya ay tinitimplahan ng ______ at iba pang pampalasa.

3. Sa paggawa ng hamon at tocino, may sangkap na isinasama tulad ng


_________ upang tumagal at di masira ang pagkain.

4. Ang lamig ng ______ ang pumipigil sa pagkakaroon ng mikrobyo sa


pagkain.

5. Ang Jam at Jelly ay nilalagyan ng tamang sukat ng ________.

B. Gumawa at humanap ng mga larawan na may kaugnayan sa iba’t ibang paraan ng


pag-iimbak sa isda. Gupitin at ilagay sa isang malinis na papel. Lagyan ng
“caption”.

PAGTATAYA

Kilalanin ang mga sumusunod na preserbatiba, sangkap, at kagamitan sa pag-


iimbak ng pagkain.

1. - Asin

9
2. – suka

3. - yelo

4. - salitre

5. – isda

6. –mangkok

10
7. -bistay

8. –asukal

9. –lambat

10. – salaan

Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging


pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-
aralan ang susunod na modyul.

11

You might also like