You are on page 1of 13

Aralin 9 Paniniwala Noon at Ngayon

Panimula
Nalaman mo sa nakaraang aralin ang sinaunang paniniwala at tradisyon ng
mga Pilipino. Nalaman mo rin na mayroon itong impluwensya sa pang-araw-araw
nilang buhay maaring ito ay mabuti o di mabuti.
Sa araling ito, inaasahang ;
1. Maihahambing mo ang mga paniniwala noon at ngayon.
2. Maipapaliwanag mo ang nagbago at nagpapatuloy pang paniniwala hanggang sa
kasalukuyan.
ALAMIN MO

Maraming mga paniniwala ang mga sinaunang Pilipino noon. Ang mga paniniwalang ito ay
maaring sinusunod pa rin ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Alam mo ba ang mga
paniniwalang mga sinaunang Pilipino noon at ngayon? Bilang isang Pilipino kailangan mong
malaman kung ito ay nagbago at nagpapatuloy pa hanggang sa kasalukuyan?

Alam mo ba ?

Bago mo simulan ang pag- aaral, sagutin mo muna ang mga katanunganupang
malaman kung anon a ang alam mosa paksng tatalakayin dito.

Naniniwala ka ba?Basahin ang sumusunod na pangungusap. Kung naniniwala ka sa ilang


nabanggit, markahan ng () ang panaklong.
Halimbawa:
( ) 1. Walang istambay sa pinto ng bahay kung nanganganak para mapadali ang paglabas ng
Bata.
Handa ka na ba? Kung gayon magsimula ka na!
( ) 1. Makakhuli ng maraming isda tuwing kabilugan ng buwan.
( ) 2. Mababawasan ang dugo kapag naligo ka sa alanganing oras.
( ) 3. Hindi dapat kumakanta kapag nagluluto upang hindi tumandang dalaga.
( ) 4. Babae ang darating na bisita kapag nahulog ang kutsara, lalaki kung tinidor.
( ) 5. Kambal ang magiging anak kapag kumain ang buntis ng kambal na saging.

Mga Sinaunang Paniniwala

Sa araling ito, tutukuyin ang ilan sa mga umiiral na pamahiin, paniniwala at kaugalian sa
tahanan at komunidad. Mga kinasanayang gawi ito sa pamilya mula sa panganganak
hanggang paglilibing sa patay, maging pamahiin sa pagluluto o paghahanda ng pagkain
at panliligaw o pag-aasawa. Matutuhan sa araaling ito na may praktikal at siyentipikong
batayan ang ilan sa karaniwang paniniwala at kaugalian sa kasalukuyan.

Anu-anong mga pamahiin ang sinusunod mo pa hanggang ngayon?


__________________________________________________
Kanino mo ito nalaman?
___________________________________________________
Maaaring ilan sa inilista mo ang sang bahagi ng sumusunod na pamahiin:
1. Huwag palabas ang pagwawalis; lalabas ang suwerte.
2. Huwag kakatok sa loob ng bahay; may multong magbubukas
3. Kung ililibing ang patay, unang ilalabas ang bahagi ng ataul na kinaroroonan
ng ulo.

Nakuha ng marami ang mga pamahiin at makalumang paniniwala sa


kaanilang mga magulang na namana naman ng kanilang mga anak. Ang iba naman
ay narinig lamang mula sa sabi-sabi o paniniwala ng buong bayan.

Ibat-ibang uri ng paniniwala


A. Panganganak
Wala nang pinakamagandang biyayang matatanggap ang mag-asawa kundi ang
magkaroon ng mga malulusog na supling upang maging ganap ang pagkakabuo ng
isang pamilya. Kaya naman higit ang pag-iingat at pagmamalasakit tuwing darating ang
pinakamasayang sandaling ito.
1. Kapag bilog ang tiyan, lalaki ang anak; kapag lapad, babae ang ipinagbubuntis.

2. Hindi dapat kumain ng malalamig na pagkaintulad ng saging, langka, buko,


bayabas at papaya ang bagong panganak.

3. Binabaliktad ang hagdan upang medaling lumabas ang bata.


4. Ipinagbabawal ang pagbisita pagkapanganak sa sanggol dahil mababansot ang
paglaki ng bata.
5. Hindi dapat maligo ang bagong panganak.
Praktikal na gamit o siyentipikong batayan:
Ilan sa mga katutubong kaalaman ang masasabi nating walang siyentipikong
batayan ngunit may praktikal na kahulugan.
Bilang 3 Sinisiguro lamang sa kaugaliang ito ang pangangailangang
mapag-isa (privacy) ang isang ina na kritikal na sandaling ito. Kailangan
niya ng katahimikan, lakas ng loob at kahinahunan. Kapag binaliktad ang
hagdan sa oras ng panganganak, hindi nga naman maiistorbo ang
nanganganak. Kailangang may katahimikan at mapahinga ng maayos ang
ina ang bagong silang.
Bilang 5 Pinagbabawalang maligo ang bagong panganak dahil baka
lagnatin o magkasakit ng pneumonia. Sinisigurong nasa mabuting
kalusugan ang ina
Maaring naniniwala ka sa mga natukoy na pamahiing nabigyan ng
siyentipikong batayan. Kung sa tingin mo ay makakabuting sunin ang ila ditto, maaring gawing
gabay ito sa iyong mga karanasan.
B. Pagluluto at paghahanda ng pagkain
Likas na maahiligin sa pagkain ang mga Pilipino. Hindi puwedeng
walang handaa anumang okasyon. Kaya pinagsusumikapan at pinaghahandaang mabuti
ang pagluluto ng masarap na putahe. Pihikan yata ang panlasang Pinoy. I bat bukambibig
sa ating bayan o lalawigan ang tsampiyon sa kusina? May kahulugan o ibig sabihin ang
mga nakahain sa ating mga mesa batay sa okasyon.

1. Lagyan ng asin ang takip ng kaserola upang mainin ang kanin.


2. Hindi apat ibalik sa lalagyan ang hindi naubos na pagkain.

Praktikal na gamit o siyentipikong batayan:


Bilang 1 May siyentipiko at pangkalusugang (hygienic) dahilan para sa
kaugaliang ito. Kapag naiinitan ang asin sa ibabaw ng kaserola,
nagdadagdag ito ng halumigmig (moisture) sa loob ng kaserola na
kailangan upang mabilis na maluto aang kanin.
Bilang 2 Kapag kumuha ng pagkain sa lalgyan ipinalalagay na
nahawakan at kinainan ito. Kapag ibinalok muli sa laalgyan maaring
mapanis ang iba pa.
May mga katutubong kaalaman na walang siyentipikong batayan tulad n g
mga sumusunod:
1. Kung magpiprito ng, bahagyang pukpukin ang gilid ng kawali upang
maiwasan ang pagbula ng mantika.
2. Upang mabilis na lumambot ang karne, maglagay ng tatlong piraso ng
posporo pagkakulo ng tubig.
3. Kung magluluto ng pagkaing pangbenta, kailngan na walang nanonod
par maging masarap ang pagkaluto.
4. Kailangang may mahabang pagkain (tulad ng pansit) ang mesa 0upang
humaba ang buhay ng may kaarawan.
5. Huwag magliligpit habang di pa tapos kumain ang lahat.
6. Maghanda sa mesa ng mga pagkaing bilog tuwing bagong taon para
maging masagana ang buhay buong taon.

7. Lalong papait ang amplaya kapag masama ang loob ng nangluluto.

Alin sa mga nabanggit ang ginagawa sainyong tahanan? Magbanggit ng iba pang
kaugalian tungkol sa pagluluto at paghahanda ng pagkain. Isulat sa puwang.

Nakatutuwang isipin pero siguradong may pagkakatulad ang nabanggit sa mga ginagawa sa
inyong tahanan. Maaring hindi nagluluto ng ampalaya ang sinumang masama ang loob dahil
baka pumait ang gulay o kaya nagtitira ng kaunting ulam kapag may handaaa sainyo upang
hindi masai ang pagkai
Sa tingin, bakit ginagawa ito n gating mga ninuno?

_____________________________________________________________________
C. Kalusugan at Kaligtasan
Higit na marami ang mga kasabihan tungkol sa kalusugan.Labis ang ating
pag-iingat pagdating sa pangangalagaga n gating katawan. May mga halamang
gamut sa halos lahat ng sakit an gating mga ninuno na bunga ng galit (o
nakatuwaan kaya) ng mga masasamang espiritu o nilalang ang dahilan n gating
pagkakasakit.
1. Sasakit ang tiyan mo kapag naligo ka ng Martes o Biyernes. (Sorsogon)
2. Huwag gugupitin ang kuko tuwing Martes at Biyernes dahil hindi ito gagaling aga
oras na masugatan. (Oriental Mindoro)

3. Magsunog ng maliit na retaso ng 0damit o hibla ng buhok ng sinumang bumibista


upang isuob o pausukan ang may sakit. (Iloilo)
4. Kapag nagdudumi ang bata , tinutubuan ng ngipin, (Bulacan)
5. Mabubulag kapag natulog na basa ang buhok.
6. Huwag papatayin ang ilaw sa kuwarto ng maysakit upang hindi ito lamunin ng
kailiman.

7. Magsunog ng gulong sa silong ng bahay kapag may sakit ang miyembro ng


pamilya upang hindi kunin ng mangkukulam.
8. Mabisang gamot sa sugat at impeksyon sa balat ang pinakuluang dahon ng
bayabas.
Praktikal na gamit o siyentipikong batayan
Bilang 6 - Pinapayuhang buksan ang ilaw ng kuwarto ng may sakit upang
masubaybayang mabuti ang kalagayan nito.
Bilang 8 - Napatunayan na ito ng Kagawaran ng Kalusugan na ang
dahon ng bayabas ay isang herbal na halaman.
Ang ibang nabanggit na mga katutubong kaalaman ay pamahiin lamang na walang
siyentipikong batayan.
Anu-anong mga kaugalian ang sinusunod mo paggamot ng sakit? Magbigay ng
dalawang kaugalian .
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Alin sa dalawa ang ginagamit mo upang magamot ang anumang
karamdaman: halamang gamot o tableta?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
D. Pangingisda
Pangunahing pinagkukunan ng pagkain at hanapbuhay ang agrikultura.Sa
komunidad na malapit sa karagatan, pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tao.
May sariling pamamaraan sa pangingisada an gating mga ninuno upang masiguro
ang masaganang huli ng isda.
1. Maraming mahuhuling isda kapag hugis kaliskis ang ulap sa kalangitan. (Oriental
Mindoro)
2. Kaunti ang mahuhuling isda kapag walang buwan. (Bulacan)
3. Kapag malaki ang tubig walang mahuhuli; kapag kati, marami. (Bulacan)

4. Pagpunta sa ilog, huwag pansinin o pag-usapan ang nakasalubong na ahas.


(Sorsogon)
5. Parating ang bagyo kapag may hanging habagat. (Oriental Mindoro)
6. Huwag mangisda kapag mabilis an gang galaw ng ulap. (Oriental Mindoro)
7. Huwag magdala ng pera o barya sa pangingisda dahil magagalit ang espiritung
naninirahan sa ilog.(Oriental Mindoro)

8. Ibalik sa ilog ang unang huli bilang kabayarn sa espiritung nagmamay-ari sa


lugar
Praktikal na gamit o siyentipikong batayan:
Kung susuriin marami sa mga nabanggit ang walang siyentipikong basehan
(Bilang 1,2,4,5,7,at,8). Subalit ang ilan sa mga ito ay may praktikal na
pakahulugan. Isang paghahandang isipan (psychological) ang mga ito upang
dumami ang ani. Sa Bilang 7, Hindi nga naman kailanang magdala ng pera sa
ilog dahil maari lamang itong mawala o makagambala sa mga isda kapag
nahulog sa tubig. Sa bilang 8, tiyak na darami ang huli kapag naghagis ng patay
na isda sa tubig dahil lalapitan ito ng iba pang isda.
Sinusunod pa rin kaya ng mga mangingisda at mandaragat ang ganitong
pamamaraan? Magtanong sa kakilalang mangingisda ng mga pamamaraang
kanyang ginagamit sa pangingisda. Makaluma o makabago ba ang mga ito?
E. Pagtatanim/Pagsasaka
Maraming paraan at sistema ng pagtatanim noong unang panahon. Marahil,
dahil sa matamang obserbasyon n gating mga ninuno, napagpag-alaman nila
ang kalakaran sa ating kalikasan.

1. Pasanin ang anak sa likod kapag magtatanim ng langka upang mamunga


nang marami ang puno. (Sorsogon)
2. Nasa tamang posisyon dapat itatanim ang kamoteng kahoy para hindi
maging mapait ang ugat nito. (Sorsogon)
3. Huwag ngingiti kapag nagtatanim ng mais upang mapuno ng butyl ang busal
ng mais. (Sorsogon)
4. Hintayin ang pagtaas ng tubig sa pag-aani.
5. Bawal magtanim sa bukid ang babaing may buwanang dalaw.
Praktikal o siyentipikong batayan:
Walang siyentipikong batayan ang mga nabanggit na katutubong
kaalaman at kaugalian. Subalit may praktikal na gamit sa buhay ng ating mga

ninuno. Mahahalata mo na lagging ibinabatay ang pagtatanim at pag-aani sa


lunar calendar. Kapag mataas ang tubig sa dagat, maliwanag
Din ang buwan. Kapag masama ang panahon, kadalasanng hini natatapos ang
mga Gawain sa bukid kaya ipinagpapatuloy ito sa gabi. Hindi na rin kailangan
ang sulo o lampara dahil makaktulong na ang liwanag ng buwan
May iba ka pa bang nalalamang pamahiin tungkol sa pagtatanim?
Magbigay ng kahit isa. ________________________________________
__________________________________________________________
F. Klima, Panahon, Oras at Direksyon
1.
2.
3.
4.

Babaha kapag may masamang amoy ang sapa. (Sorsogon)


Palatandaan ng magandang panahon ang huni ng ibon. (Sorsogon)
Palatandaan ng nalalapit na anihan ang huni ng kwago. (Sorsogon)
Kapag naghahakot ng pagkain pataas ng bahay ang mga langgam, babaha o
uulan. (Bulacan)
5. Nagbabadya ng tag-init ang paglitaw ng mga bulati sa lupa kapag tag-ulan.
(Oriental Mindoro)

6. Kapat tumapat sa bunbunan, alas-12 na.


Praktikal na gamit o siyentipikong batayan:
Kung susuriin mong mabuti kakaunti lang sa mga kaalaman at paniniwalang
nabanggit ang masasabi nating may katotohanan. Ang ginagawa n gating mga
ninuno ay obserbahan ang posisyon ng mga bituin sa langit at pinakikinggan ang
ingay ng mga hayop at iba pang bagay upang mahulaan ang lagay ng panahon ng
tag-ulan ang pag-iingay ng mga palaka samantalang nangangahulugan ngtagtuyot
ang tuluy-yuloy na paghuni ng mga kuliglig.

Naghahanda k aba kapag nakakita ng senyales na nabanggit sa itaas?


Magbigay ka ng isang senyales na binibigyan mo ng kahulugan.
_____________________________________________________________

G. Kamatayan at paglilibing
1.Hindi dapat sasabit ang kabaong sa anumang bahagi ng bahay kapag inilalabas. Kung
ito ay sumabit, may susunod na mamatay.
2. Huwag maglilibing ng lunes.
3. Kailangang buhusan ng tubig ang lahat ng panig ng bahay upang maalis ang
kamalasan.
4. Agad linisin ang bahay pagkaalis ng patay.
5. Bawal magwalis kapag nakaburol ang patay at baka may sumunod na mamatay at
bilang respeto sa patay.

Praktikal o siyentipikong batayan;


Marami tayong kasabihang naririnig ukol sa patay. Maaring sinusunod ang mga
tradisyon upang maiwasan ang sunud-sunod na pagkamatay sa miyembro ng
pamilya. Bagaman, marami sa mga ito ay pawing pamahiin lamang, itinuturing na
praktikal ang mga ito lalo sa pag-iingat sa pangkalusugan.
Anu-anong kaugalian sa patay ang sinusunod sa iyong lalawigan? Magbigay
ng isang halimbawa. ________________________________________________
_________________________________________________________________

H. Pag-aasawa
Magbanggit ng mga kaugalian tungkol sa pag-aasawa sa inyong lalawigan. Isaisahin ang magkakatulad ng mga ito sa nabanggit sa ibaba. Sa iyong palagay, bakit
kailangang sundin ang mga ito? _____________________

1. Huwag magpapakasal sa taong may


nunal sa pisngi, mapupuno ng hinagpis
at kalungkutan ang pagsasama.
2. Huwag magpakasal sa buwan ng Pebrero

dahil magiging mabuway ang pagsasama.


3. Huwag lalabas ng bahay ang magkatipan
kapag malapit na ang kasal upang hindi
maaksidente.
4. Huwag isusukat ang damit-pangkasal
5. baka hindi matuloy ang kasal.
Praktikal na gamit o siyentipikong batayan:
Inaasahan ng lipunan na ang isang babae at isang lalaki ay mag-aasawa sa tamang
edad. Kaya naman na hinahangad ng lahat ang matagumpay na pagsasama ng magasawa. Dahil dito, sinusunod ang mga ipinagbabawal upang masiguro ang sagraong
pagsasama. Halimbawa, itinuturing na mala sang buwan ng Pebrero dahil kulang ang
bilang ng araw kung ihahambing mo sa ibang buwan.
Walang katiyakan sa kanyang esisyon ang babaing nagsusukat ng kanyang trahe de
boda. Ayon nga sa isang kasabihan, Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa
kapag napaso.
Isang sa mahahalagang tuntuning dapat sunin ng ikakasal ang nasa Bilang 4. Sa
pamantayang moral, hini dapat makitang magkasama ang isang babae at lalaki bago
ang kanilang kasal. Ikinakatwiran ang masasamng babala upang maipatupad ito.
Maaring pagtaasan lamang natin ng kilay o maituring na walang kwenta ang ilan
sa lumang paniniwala at pamamaraan n gating mga ninuno ngunit kung susuriinn
mabuti, ang ilan dito ay may praktikal na gamit sa buhay. Napatunayan ing may
siyentipikong batayan ang ila sa pamamaraan ng mga ninuno nating masinsinang pinagaralan ang kalikasan.

Gawain A
1. Bumuo ng apat na pangkat .
2. Pag usapan sainyong pangkat at isulat ang mga pamihiinna sinunod o nagawa ninyo na.
Paghambingin ito sa panahon ngayon kung sinusunod pa ito hanggang ngayon.
Pangkat
Gawain B
Kopyahin tsart. Ibigay ang ibig sabihin ng pamahiin na nakasulat
Pamahiin
1.Hindi dapat maligo ang bagong panganak
2.Bawal magwalis sa araw ng burol

Ibig sabihin

3.Kailangang maghanda ng pagkaing mahabang sa kaarawan


4.Masamang humiga kapag basa ang buhok
5.Bawal magwalis sa gabi
Gawain C
1. Balikan ang dating Pangkat.
2. Gumawa ng slogan tungkol sa mga pamahiin noon at ngayon. Isulat sa manila
paper ang nabuo ninyong slogan.
3. Ipaskil sa loob ng silid-aralan. Maaring magbotohan kung sino ang may
pinakamakahulugang nabuong slogan.
Tandaan Mo

Dinadakila natin at inererespato an gating mga ninunokaya patuloy


sumusunod sa makalumang paniniwala. Hindi bat madalas tayong
pinagbabawalan o pagalitan n gating mga lolo at lola? Kadalasan,
kumukunot na lamang an gating noo kapag nakaririnig tayo sa kanila ng
mga bagay na hindi naaangkop sa ating modernong pamumuhay.
Marami ang nagsasbi na totoo at epektibo ang mga katutubong
kaalaman. Para naman sa iba, alternatibo ito kung sakaling hindi
umangkop ang modernong pamamaraan. Marami din ang nagsasabing
sinusunod lamang umano ang katutubong kaalaman dahil anila, walang
dapat katakutan kung susunod ka sa mga makalumang paniniwala. Ika
nga ng marami, Walang mawawala kung susundin o o baka sakaling
tooo.
Patuloy ang pag-aaral ng eksperto sa medisina sa kahalagahan ng
halamang gamot. Patunay lamang na kinikilala, maging ng siyensya ang
karunungang ito n gating mga ninuno.
Napatunayang epektibo sa kasaluyan ang makalumang pamamaraan sa
pagsasaka at pangingisada. Ilan sa natural na pamamaraan ng
pagtatanim ang intercropping , multiple croppingat organic farming.
Napatunayan ang masaganang ani dahil nanumbalik ang sustansya ng
lupa at naiiwasan ang pagami ng peste dahi saang intercropping at
multiple cropping. Murang pang abono ang organic fertilizer tulad ngdumi
ng hayop. At environment friendly pa!

NATUTUHAN KO
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at isulat ang iyong kasagutan sa sagutang
papel.

Pumunta kayo ng iyong Ina sa lamay ng isa ninyong ka barangay. Mayroon kang
napansin na kakaiba sa kanilang paglalamay . Nakita mo na meron na ngayong videoki sa
lamay. Ano ang malaking pagkakaiba ng paglalamay noong unang panahon at sa ngayon? Sa
iyong palagay alin ang mas nais mo noon o ngayon ?Bakit?

You might also like