You are on page 1of 32

ARALIN 11

PAG-AALAGA NG ISDA
Malapit ba ang inyong pamayanan sa dagat, lawa,
ilog at sapa? Alam mo ba ang mag-alaga,
magparami at mag-ani ng mga alagang isda?
Mayaman sa iba’t – ibang anyong-tubig ang
ating bansa. Dahil dito, ang pangingisda ang isa
sa mga pangunahing hanapbuhay sa bansa,
pangalawa lamang sa pagsasaka. Bukod dito,
marami ring tao sa iba’t –ibang lugar o
pamayanan ang nagtatayo ng palaisdaan- maliit
man ito o malaki. Ang pag-aalaga ng isda o
fishculture na tinatawag ay malaking tulong sa
kabuhayan ng isang mag-anak. Natutugunan
nito ang kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan. Mapagkukunan din ito ng
regular na kita ng pamilya para matusstusan
ang pangmatagalang pangangailangan.
Sagutin:
1. Tingnan ang
aquarium. Ano-ano ang
nakikita mo rito?
2. Paano mo inaalagaan
at napananatiling
malinis ang aquarium?
3. Paano mo inaalagaan
ang mga isda sa
Aquarium?
Sagutin:
4 Isipin na ang
aquarium ay isang maliit
na fishpond sa inyong
bakuran.
Anong isda ang ilalagay
mo rito? Bakit? Kapuwa
ba nangangailangan ng
pangangalaga ang
aquarium at fish pond?
Ang isda, katulad ng manok, baboy at baka ay
may napakahalgang bahaging ginagampanan sa
ating hapag-kainan. Karaniwang ito ang makikita
sa hapag-kainan ng isang mag-anak na Pilipino
dahil mura at masustansya ito. Nakukuha ang
iba’t – ibang isda sa iba’t – ibang anyong- tubig
mayroon sa bansa. Maganda ito sa ating
katawan bilang pinanggagalingan protina. Sa
tamang pag-aalaga ng isda, matutugunan ang
iba pang mga suliranin sa bansa lalo na sa
pagkain. Mainam din itong gawing hanapbuhay.
Ang pag-aalaga ng isda ay madaling gawin.
Kailangan lamang ang isang lugar na may
sukat na apat na metro ang lapad, limang
metro ang haba at isa at kalahating metro
ang lalim. Ang ganitong kalaking sukat ng
ginawang fishpond ay maaari nang
maglagay ng isdang aalagaan upang
makatulong sa isang pamilyang may
dalawa o tatlong anak.
Upang hindi tumagos ang tubig, ang paligid
ng pag-aalagaan ay sinesemento.
Pagkatapos itong gawin, lagyan ng tubig
buhat sa poso o sa ilog. Hindi magandang
gamitin ang tubig na may kemikal dahil
maaaring ikamatay ng semilya o binhi ng
isda. Lagyan ng tubig hanggang isang
metro ang lalim. Hagisan ng dumi ng
manok o itik upang magkaroon ito ng
pataba. Pagkatapos nito, mayroon ka ng
munting fish pond.
A. Binhi
Maaaring alagaan dito ang bangus, tilapya,
gurami, hito at karpa. Ang tilapya ay mabilis
lumaki. Maaaring anihin ito sa loob ng
dalawa hanggang tatlong buwan. Inaabot
naman ng karpa ng mgaa isang taon bago
ito anihin. Anim na buwang pag-aalaga
naman bago anihin ang bangus.
B. Lokasyon
Pumili ng lugar na malapit sa pagkukunan
ng tubig (ilog, balon, o poso) sa buong taon.
Upang mapabilis ang pagdami ng lumot na
nagsisilbing pagkain ng tilapya, dapat na
ang lugar ay naaarawan at hindi rin naman
binabaha tuwing umuulan o sa panahon ng
tag-ulan.
C. Pagkain
Ang maliliit na halamang-dagat na makikita
nating berde na lumulutang sa tubig ay
pagkain ng mga isda. Ang mga itlog ng
kulisap sa tubig, suso, darak, at tinapay ay
pagkain din ng aalagaang isda. May mga
pagkaing komersiyal din na mabibili sa
pamilihan. May mga iba pang pagkin ang
mga isda, ito ay ang mga liya (planktons) o
maliliit na halamang-dagat na kulay berde.
D. Pag-aalaga
Ang fish pond ay dapat na nilalagyan ng
pataba o dumi ng hayop upang
mapanatiling mataba at maging malinis
ang paglaki ng isda. Ang malalaking isda ay
dapat nang alisin upang magkaroon ng
malaking lugar ang mga lumalaking isda.
Dapat ihiwalay ang malaking isda dahil ang
mga ito ay kumakain ng isdang maliliit pa.
Huwag pabayaang matuyo ang tubig nang
mababa sa itinakdang sukat para sa isang
fish pond. Hindi dapat umapaw ang
palaisdaan upang hindi makatakas ang
mga isda. Iwasan ding matapunan ang fish
pond ng anumang bagay na nakalalason.
Hindi nagtatapos sa pagkakaroon ng maliit na
fish pond at pagpapakain sa mga isda ang
iyong gawain.Kailangan ding maitala mo ang
araw- araw na pagbabagong pisikal sa mga
ito- ang paglaki ng mga binhi mula sa
semmilya hanggang sa magkaroon ito ng
palikpik, ang uri ng ipinapakain mo rito, kunng
may namamatay ba sa mga ito at iba pa.
Gumawa ng talan upang makita at
masubaybayan mo nang lubusan ang paglago
o pagkalugi ng iyong pag-aalaga ng isda.
Tingnan ang halimbawa ng tsart.
Alagang Isda:_________________________________

Panahon ng Haba o laki Pagkain Mortality Rate


Paglaki (Feeds)
(growth
period)

Ang Pagkakaroon ng talaan upang masubaybayan ang paglaki


ng mga alagang isda ay mahalagang salik kung magpapatuloy
sa pag-aalaga o pagpaparami o hindi na, kung may mga
dapat pang ppag-ibayuhin sa pag-aalaga at marami pang iba.
Gawing batayan ang talaan sa anumang gagawing
pagpapasiya..
Ito ang halimbawa ng talaan sa pagpapalaki ng alagang hayop.

Oras Minuto Gagawin


6:45-7:45 60 Paghahanda ng pagkain ng alagang hayop
7:45-8:30 45 Pag-aayos ng kakainan ng alagang hayop
8:30-9:00 30 Pagpapakain sa alagang hayop
9:00-9:15 15 Pagbibigay ng karagdagang bitamina at mineral
9:15-10:15 60 Pagpapaligo sa alagang hayop
10:15-11:30 75 Paglilinis ng kulungan ng hayop
11:30-1:00 120 Pamamahinga
1:00-2:00 60 Pagtingin sa kalusugan ng hayop
2:00-3:00 60 Pagwawalis at pag-aalis ng mga dumi
3:00-4:00 60 Paghahanda ng tubig at pagkain
4:00-5:00 60 Pagpapakain sa hayop
5:00-5:30 30 Pagliligpit ng gamit at pag-aayos ng mga ilaw sa
kulungan
Ang mag nabanggit na gawain ay maaaring gawin ng kahit sinong miyembro ng pamilya
na may libreng oras.
Ang tilapya ay maaari nang anihin pagkaraan
ng tatlo hanggang apat na buwan. Mabilis
lumaki at dumami ang tilapya kaya iwasan
ang magsiksikan ang mga ito sa fish pond.
PAGSASAPAMILIHAN NG ALAGANG ISDA

Ang mga hayop na inaalagaan ay inaani rin tulad


ng gulay. Kung kailangan, dinadala sa pamilihan
at ipagbibili nang buhay. Maging maingat lamang
sa paghawak o paglilipat ng mga ito upang hindi
mamatay agad at mabilasa.
PAGSASAPAMILIHAN NG ALAGANG ISDA

Upang maging matgumpay ang paghahayupan,


maaaring gumawa ng simpleng anunsiyo o kaya
ay flyers na ibibigay sa mga kakilala, kapitbahay
upang maipaalam lamang ang pagsasapamilihan
ng iyong produkto. Maaari ka ring magbenta
online para sa mas malawak na sakop. Ang mga
paraan kung paano isagawa ang online selling ay
pag-aralan sa ikatlong yunit- ang Edukasyong
Pantahanan.
WASTONG PAGKUKWENTA NG PINAGBILHAN

Narito naman ang isang halimbawa kung paano


ginagawa ang pagtutuos ng halaga ng
pinagbilhan ng isda.
a. 1 kilong tilapya ₱ 60.00
Plastik ₱ 5.00
Kabuuan ₱ 65.00
WASTONG PAGKUKWENTA NG PINAGBILHAN

B. Puhunan ₱ 65.00
Patong na bahagdan (15%)
(₱ 65.00 x.15) = ₱ 9.75

C. ₱ 65.00
+ 9.75
Halaga ng Pagbebenta ₱ 74.75
Kung 12 kilo ang ipinagbiling tilapya, kwentuhin
ang kabuuang ginastos at pinagbilhan sa dami
ng naipagbili.
Halimbawa:
₱ 74.75 Halaga ng pagbebenta
X 12.00 Dami ng kilong ibebentang isda
₱897.00 Kabuuang pinagbentahan

₱65.00 Puhunan
x12.00 Bilang ng ibenentang isda
₱780.00 Kapital
Kung 12 kilo ang ipinagbiling tilapya, kwentuhin
ang kabuuang ginastos at pinagbilhan sa dami
ng naipagbili.

Halimbawa:
₱ 897.00 Kabuuang Pinagbentahan
- 780.00 Kapital
₱117.00 Tinubo
Talaan ng Gastos at Kinita sa pagssasapamilihan
ng produkto

Uri ng Isda Bilang ng Naipagbili Halaga ng Puhunan


Kilo Bilang Halaga ng Naipagbili
Kita
Bangus 20 18 ₱120 ₱2160 ₱120 (Plastic)
Tilapya 20 15 ₱80 ₱1200 ₱120 (Plastic)
Sapsap 20 12 ₱60 ₱720 ₱120 (Plastic)
Alumahan 20 15 ₱90 ₱1350 ₱120 (Plastic)
Kabuuan ₱5430 ₱480
Kita ( Halaga ng Naipagbili-Puhunan) ₱4950
Tandaan
Ang pag-aalaga ng isda ay isa sa
mga solusyon upang matugunan
ang problema sa malnutrisyon sa
ating bansa.
Suriin
Sagutin ang sumusunod sa iyong
kuwaderno.
1.Ano- ano ang dapat isinasaalang-
alang kung mag-aalaga ng isda?
2. Bakit hindi dapat magsiksikan
ang mga isda sa fish pond?
Suriin
3. Paano nakabubuti ang
paghihiwalay ng malalaking isda sa
maliliit na isda?
4. Ano-ano ang pakinabang na
natatamo sa pag-aalaga ng hayop
at isda?
5. Paano malalaman na kumita o
nalugi sa ginawang paghahayupan?
Gawin
Basahin ang pahayag sa bawat
bilang. Isulat ang TAMA kung wasto
ang isinasaad nito, MALI kung hindi
wasto. Tukuyin din ang salitang
nagpamali at isulat ito pagkatapos
ng bilang. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
Gawin
1.Isang kapaki-pakinabang na
libangan ang pag-aalaga ng isda.
2. Kailangan ng isda ang sapat na
gulang bago anihin.
3. Mabilis dumami at lumaki ang
isda
4. Pabayaang bumaha ang tubig sa
Fish pond.
Gawin
5. Sa Pagpili ng binhi ng aalagaang
isda, dapat bumili sa mga bilihang
kinikilala ng BFAR.
6. Ang pagkain ng isda ay nagdudulot
ng maganda sa katawan.
7. Hayaang umapaw ang tubig sa
palaisdaan para makatakas ang
maliliit na isda..
Gawin
8. Maaaring kumuha ng tubig sa
gripo para ilagay sa fish pond
9. Iwasang magsiksikan ang mga
isda sa fish pond.
Subukin
Gawin ang Subukin sa pahina 99

You might also like