You are on page 1of 10

Naipapakete ang Proyekto

Aralin 2
Bago Ipagbili

Alamin

Konsepto

Pagpapakete ng Produkto

Isang magandang araw sa iyo!


Ako nga pala si Bb. Mina, ang iyong guro.
Naranasan mo na bang magpasapamilihan ng iyong
produkto? Anong hakbang ang iyong ginawa bago mo ito
ibenta? Naging kaakit-akit ba sa mata ng mga mamimili ang
iyong produkto? Nagustuhan ba nila ito? Ngayon, alamin mo
kung anong hakbang ang isasagawa upang maging kaakit-
akit ang produkto bago ito ipagsasapamilihan.

Layunin

Naipapakete ang nabuong proyekto tulad ng proyektong yari sa


kawayan at bao bago ito ipagbili.

Subukin

Ngayon, susukatin ang iyong kaalaman tungkol sa bagay


na tatalakayin sa modyul na ito.

Panuto: Sagutin ng wasto ang mga tanong. Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba
at lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang sitwasyon ay hakbang na
nakatutulong sa pagsasapamilihan ng inyong produkto at ekis (X) naman kung
hindi.

________1. Ilagay sa lalagyan ang produkto bago ito ibenta.

________2. Ibenta na lang ng diretso ang produkto kahit ito ay madumi’t


maalikabok at wala sa ayos.

________3. Lagyan ng etiketa ang produkto bago ito ipagsapamilihan upang alam
ng mamimili ang presyo nito.
________4. Lagyan ang produkto ng detalye (label) upang alam ng mamimili ang
impormasyon tungkol sa iyong produkto.

________5. Ilagay sa sira-sirang lagayan ang produkto bago ipagsapamilihan.

________6. Lagyan ng maling presyo ang produkto upang malugi ang mamimili.

________7. Lagyan ng mataas na presyo ang produkto upang mataas ang iyong
kita.

________8. Huwag lagyan ng detalye ang produkto.

________9. Dapat isaayos ang produkto sa loob ng lalagyan nito.

________10. Linisang mabuti ang produkto bago ito ilagay sa lalagyan.

Tuklasin

Alam mo ba na mas nakakaakit ang produkto kapag


naipakete ito ng maayos bago ito maipagsapamilihan? Ano
ano kaya ang mga hakbang upang maipakete ng wasto ang
produkto? Epektibo kaya ang pagpapakete ng produkto o
proyekto bago ito ipagbili?
Basahin at unawain ng mabuti ang nasa teksto upang
malaman kung ano ang wastong hakbang ng pagpapakete at
bakit kailangan ipakete ang produkto bago ipagsapamilihan
ang mga ito.

Sa pagsasapamilihan ng proyektong ginawa, marami ang


dapat isaalang-alang na hakbang bago ito ipabili. Isa na rito ang
“pagpapakete”.

Ang pagpapakete ay isang mahalagang hakbang bago


ipagsasapamilihan ang ginawang proyekto.

Ito ay ang pagbabalot ng produkto o paglalagay sa isang


lalagyan upang magsilbing proteksyon at disenyo.

Masdan ang mga panindang bag sa isang Supermarket, alin


sa tingin mo ang magugustuhan ng mamimili.
Ang isang bag ay walang pakete at ang isa naman ay may kasamang
paketeng kahon.

Alin sa tingin mo ang pipiliin ng mamimili sa dalawang bag?

Siyempre, mas pipiliin ng mga mamimili ang may pakete na


bag dahil mas nakakaaya itong tignan at hindi lang iyon, may
proteksyon pa ang produktong bibilhin.

Kailangan ring isaalang –alang ang tamang paraan ng


pagpapakete upang maiwasan ang madaling pagkasira nito at mas
magiging representable sa mata ng mga mamimili.

PARAAN NG PAGPAPAKETE NG PRODUKTONG IPAGBIBILI

1. Ihanda ang mga kailangang materyales sa pagpapakete ng


produktong ipagbibili.

2. Linising mabuti ang produktong ipagbibili.

3. Ilagay sa tamang lalagyan ang mga produktong ipagbibili tulad ng


plastik, kahon, paper bag at iba pang lagayan.
4. Isalansan nang maayos ang produkto sa loob ng lalagyan.

5. Lagyan ng etiketa kung magkano ang presyo ng produkto at


detalye (label) tungkol dito.

Karamihan ng mga produkto ay nangangailangan ng kaaya-


ayang pagpapakete at detalye (labeling) upang:

• Mabigyang proteksyon ang produkto mula sa alikabok,


pagkasira at pagpapalit detalye (tampering)

• Mabigyang proteksyon ang produkto mula sa alikabok,


pagkasira at pagpapalit detalye (tampering)

• Mahikayat ang mga mamimili na piliin ang produkto

Ang iba pang paraan sa pagpapakete tulad ng paglalagay ng


ribbon, card, at makukulay na pambalot ay makakatulong upang
maging kaaya-aya ang produkto.
Suriin

Gaano mo kaya naunawaan ang tekstong nabasa?


Sagutin ang mga katanungan.

A. Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang pagpapakete?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Bakit kailangang isaalang-alang ang tamang paraan ng pagpapakete?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga lagayang pwedeng gamitin sa pagpapakete?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Bakit ang mga produkto ay nangangailangan ng kaaya-ayang


pagpapakete at detalye (labeling) ?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5. Ano pa ang ibang paraan sa pagpapakete? Saan ito nakatutulong?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

6. Paano nakakatulong ang pagpapakete sa pagsasapamilihan ng iyong


produkto?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

B. Isagawa ang paraan ng pagpapakete ng nagawang proyekto yari sa


kawayan at bao.
Pagyamanin

Binabati kita sa iyong kahusayan. Naipamalas mo ang


iyong mapanuring pag-iisip, patuloy mo itong paunlarin.
Ngayon, oras na para sa isang mas nakaka-aliw na
gawain.
Handa ka na ba?

A. Lagyan ng malaking puso ( ) ang puwang bago ang larawan na


nagpapakita ng maayos at kaaya-ayang pagpapakete. Lagyan naman
ng ekis (x) ang hindi at bigyan ng maiksing paliwanag kung bakit.

_______ 1. ______________________________

_______ 2. ______________________________

_______ 3. ______________________________

_______ 4. ______________________________

_______ 5. ______________________________
B. Lagyan ng bituin ( ) ang kahon kung ito ay puwedeng gamitin na
disenyo sa pagpapakete.

1. 2. 3.

4. 5.

Isaisip

Laging Tandaan!

Mahalagang ingatan ang mga produktong ipagbibili sapagkat ang mga ito
ay maaaring madaling masira. Kaya’t ang pagpapakete nito ay nangangailangan
ng ibayong pag-iingat.

Ang pagpapakete ng isang produkto ay maituturing din na isang sining,


sapagkat maaaring ito ang maging batayan ng mga mamimili sa pagpili at
pagbili ng produkto.

Isagawa
Gawain

Ipaliwanag kung bakit kailangan ang mga sumusunod sa pagpapakete:

1. Etiketa (presyo)

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Detalye (label)

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Mga disenyo (ribbon, card atbp.)

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Tayahin

Panuto: Pagsunud-sunurin ang wastong paraan ng pagpapakete ng proyektong


nagawa yari sa kawayan at bao. Ilagay ang 1 hanggang 5. (10 puntos)

_______ Ihanda ang mga kailangan sa pagpapakete ng produktong ipagbibili.

_______ Isalansan nang maayos sa loob ng lalagyan.

_______ Linisin nang mabuti ang produktong ipagbibili.

_______ Lagyan ng etiketa ang produkto kung magkano ang presyo at detalye
nito.

_______ Ilagay sa tamang lagayan ang mga produktong ipagbibili

Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang mga materyales na makikita sa inyong tahanan,


gumawa ng sariling pakete na may maganda at representableng disenyo.

Lagyan din ito ng detalye (label) at presyo. Gupitin ang price tag na iyong
nagugustuhan at isulat ang presyo ng iyong produkto. Sa pagsagawa ng
detalye (label), sundin ang pormat sa ibaba. Pumili ng disenyo ng detalye
na naaayon sa iyong gusto. Punan ang mga blanko at gupitin ang detalye
na iyong ginawa at idikit sa iyong produkto.

You might also like