You are on page 1of 6

HEALTH 3

Unang Kwarter/ Ikatlong Linggo

Pangalan ng Bata: ________________ Baitang: ___________


Seksyon: ___________________________ Petsa: _____________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Pagkilala sa mga Problemang Pangkalusugan Tulad ng Kakulangan
sa Bitamina

Panimula (Susing Konsepto)

Ang kakulangan sa nutrisyon ay sanhi ng maling uri ng pagkain. Ito ay sanhi


din ng hindi malusog na pamumuhay at kapaligiran.
Kapag hindi ka malusog, nauuna kang magkasakit. Samakatuwid, mahalaga
na panatilihing malusog ang iyong katawan.
Ang isang lumalaking bata na katulad mo ay nangangailangan ng iba't ibang
mga bitamina sa tamang dami at proporsyon. Ang mga bitamina na ito ay
kinakailangan ng iyong katawan upang gumana ito nang normal. Ang mga
bitamina A, B, C at D ay ilang uri ng mga bitamina. Ito ay tumutulong sa ating
paglaki at napananatili ang malusog na buhay. Makukuha natin ang mga ito mula
sa iba’t ibang uri ng pagkain, sapagkat hindi kaya ng ating katawan na gumawa
nito o hindi kayang gumawa ng marami nito. Ang kakulangan sa kahit isang uri
lamang ng bitamina ay maaaring maging sanhi ng sakit o kamatayan. Gayundin
naman, ang pagkakaroon ng labis na bitamina ay maaaring makasama sa ating
katawan kung kaya’t ito ay mapanganib din.

Know your Vitamins


Mga Bitamina
Bitamina A Malinaw na mata, panlaban sa Pagkabulag sa gabi, mahinang
impeksiyon, malambot at makinis resistensiya, tuyot at magaspang na
na balat, malusog na sistemang balat, pagkawala ng pang-amoy at
pangreproduksiyon gana sa pagkain, xerophthalmia

1
Bitamina B Malusog na balat, dugo, buhok at Kawalan ng gana sa pagkain,
muscle, tumutulong sa maayos na panghihina at pagkapagod, di
function ng mga nerves, muscles at pagkatulog, pagbaba ng timbang,
puso, pinapabalik ang gana sa pananakit ng katawan, depresyon,
pagkain problema sa puso, beri-beri

Bitamina C Para sa malusog na ngipin, Scurvy, cancer, problema sa


gilagid at buto, tumutulong sa puso, pagtaas ng
paghilom ng sugat, presyon,mababang resistensiya,
nagpapalakas ng resistensiya diabetes at katarata
laban sa impeksiyon,
pinapatibay ang mga ugat,
panlaban sa kanser

Bitamina D Pinapanatili ang normal na lebel Rickets, Osteomalacia


ng calcium at phosphorus sa dugo,
pinapatibay ang dugo
Bitamina E Panlaban sa cancer, Pagkairitable, pamamanas, mabilis na
pinoprotektahan ang puso at pagtanda ng balat, pagkalagas ng
pinapatibay ang resistensiya, buhok,anemia, problema sa mga nerve
tumutulong sa paghilom ng sugat,
pinipigilan ang epekto ng pagtanda
Bitamina K Pagpapaampat ng dugo Matagal na pag-ampat ng dugo,
pagdurugo

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakikilala ang mga Problemang Pangkalusugan Tulad ng Kakulangan sa
Bitamina (H3N-Icd-13)

Panuto
Ang Learning Activity Sheet na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral sa
Ikatlong Baitang. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit nito:

1. Ingatan at gamitin ng wasto ang kagamitan sa pagkatuto na ito. Iwasang


sulatan ang alinmang bahagi nito.
2. Maghanda ng sagutang papel o kagamitan na gagamitin sa mga
pagsasanay.
3. Basahing mabuti ang mga panuto/direksiyon bago simulan ang bawat
pagsasanay.

2
4. Maging matapat sa pagsagot sa mga pagsasanay.
5. Tapusin muna ang unang gawain bago dumako sa susunod na gawain.
6. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
7. Pakibalik ang kagamitan na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Umaasa ako, sa pamamagitan ng kagamitan na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Gawain 1
Masdan ang larawan sa ibaba. Ipaliwanag kung ano ang napapansin sa mga

ito. Isulat sa papel ang kasagutan

3
Gawain 2
Ano ang mangyayari kung kulang tayo sa bitamina? Isulat ang bitaminang
kailangan sa mga sitwasyon sa ibaba. Isulat sa papel ang kasagutan.
1. Si Justine ay nahihirapan sa pagbabasa ng kaniyang paboritong aklat.
Laging nangangati ang kaniyang mga mata.
2. Ang kutis ni Gilbert ay tuyo at makaliskis. Madali rin siyang mapagod at
nananakit ang mga kalamnan.
3. Madalas na dumudugo ang ilong at gilagid ni Athena. Matagal ding
gumaling ang kaniyang mga sugar.
4. Si Darwin ay hindi makalakad at makatayo nang maayos. Mahina ang
kaniyang mga buto at kalamnan.
5. Bumaba ang timbang ni Jayson resulta ng kawalan gana niya sa pagkain.
Mabilis rin siyang mapagod at manghina.

Gawain 3
Pag-aralan ang dalawang hanay ng pagkain na nagbibigay ng lakas.

Hanay A Hanay B

Aling pagkain sa Hanay A o Hanay B ang iyong kakainin? Bakit? Isulat ang
kasagutan sa sagutang papel.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4
Repleksyon
Sa panahon ngayon na maraming kumakalat na nakakahawang sakit, dapat
ay pangalagaan natin ang ating kalusugan. Kung ikaw ay kulang sa sustansiya o
bitamina, ano ang mangyayari sa iyong katawan?

Mga Sanggunian

Music Art Physical Education and Health 3, Kagamitan ng Mag-aaral


pahina 417-419

Music Art Physical Education and Health 3, Patnubay ng Guro pahina


376-379

https://www.slideshare.net/edithahonradez/3-health-lm-q1

Inihanda ni:

CATHERINE L. FAJARDO
Guro I, SCES

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

5
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1.Nahihirapan sa pagbabasa.
2. Hindi makalakad at makatayo.
3. Pagsakit ng mga buto.
4. Galisin
Gawain 2
1. Bitamina A
2. Bitamina E
3. Bitamina K at C
4. Bitamina D
5. Bitamina B
Gawain 3
Set A- masustansiya at mainam sa katawan

You might also like