You are on page 1of 9

LIVELIHOOD PROJECT

LAYUNIN

1. Makapag-umpisa ng maliit na negosyo na aangkop sa inyong lugar at


financial na kakayahang mamuhunan sa inyong napiling proyekto.
2. Mabigyan ng hanap-buhay hindi lamang ang miyembro ng ating
pamilya kundi pati ang ating mga kaibigan at kapit-bahay.
3. Makapaghikayat sa iba upang magtayo sila ng ibang pangkabuhayan na
proyekto upang unti-unting mapaunlad hindi lamang ang kanilang buhay
kundi ng buong komunidad.

Ang ibat-ibang livelihood project na pwede nating gawin kahit sa loob ng


ating mga tahanan ay lubos na magiging kapaki-pakinabang lalong-lalo
na sa kasalukuyang panahon. Ang mga ito ay maari nating pagkakakitaan
at gawing isang negosyo sa kalaunan. Nangangailangan lamang tayo ng
maliit na kapital upang ang mga ito ay maumpisahan. Kadalasan ang mga
proyektong ito ay may kinalaman sa pagkain dahil ito ang kailangan ng
mga tao ngayon. Ang paggawa ng itlog na maalat, paggawa ng atsara at
paggawa ng banana chips ay ilan lamang sa mga proyektong maaring
gawin sa ating mga bahay kasama ang mga miyembro ng ating pamilya .

A. POULTRY
Katutubong manok o native chicken
Ang pag-aalaga ng katutubong manok o “ native chicken” ay
karaniwang ginagawa sa mga probinsya. Dito sa siyudad bagamat
maliit ang ating espasyo ay maari tayong mag-alaga ng ilang inahin at
tandang upang makadagdag sa ating pangaraw-araw na pagkain. Ang
itlog nito at kalaunan ay karne ay dagdag benepisyo para sa nutrisyon
ng ating pamilya.

Paraan ng Pag-aalaga ng katutubong manok


1. Pumili ng 2-3 inahin at isang tandang. Dapat ang mga ito ay
nagtataglay ng magagandang pangangatawan at may gulang na 6-
7 buwan. Ang timbang ng” native” na manok ay umaabot lamang

1
sa isang kilo, bagamat mababa ay mas pinipili ng mga mamimili
dahil sa taglay nitong lasa at kulay kumpara sa mga commercial
broiler.

2.Ang mga katutubong manok sa Pilipinas ay maaring alagaan sa


simpleng paraan . Ang mga ito ay hinahayaang gumala sa ating mga
bakuran upang makapaghanap ng sarili nilang pagkain. Ang sapal ng
niyog, kaning lamig, tinapay, sobrang prutas at gulay ay maaaring
ipakain din sa ating mga alaga. Ang mga dahon ng malunggay, mga
damo at ilang piling halaman at dahon ay maari ing ipakain sa ating
mga alagang manok upang makatipid tayo sa pagamit ng commercial
feeds.

3. Tiyakin na laging malinis ang kanilang lugar kung sila ay ilalagay


sa mga kulungan at laging bigyan ng malinis na tubig na maiinom.

4. Siguraduhing may sapat na bentilasyon upang malayang makadaloy


ang hangin at maiwasang mamatay ang ating mga alaga sa init.

5. Tiyakin din na maayos ang kanilang mga kulungan na hindi kayang


pasukin nang mga daga at pusa.

6. Sa pagpapalahi ng manok, pagsamahin sa isang kulungan ang


tandang at mga inahin. Pagkaraan ng isang lingo ang mga inahin ay
mag-uumpisa nang mangitlog. Maglaan ng pugad para sa mga inahin
upang doon sila mangitlog.

7. Kapag ang mga inahin ay huminto na sa pangingitlog mag-uumpisa


na silang maglimlim.

8. Sa loob ng 21 na araw ang mga itlog ay lilimliman ng inahin upang


mapisa. Siguraduhin na sa panahong ito ang mga inahin ay hindi dapat
maistorbo at ligtas sa anumang hayop na makakaabala sa kanila.

9. Pagkaraan ng 21na araw , Nakapagpisa na ng mga bagong sisiw


ang inahin. Ilipat sila sa isang kulungan na maayos kung saan
palalakihin nila ang sisisw at aalagaan ng inahin hanggang sumapit
sa wastong gulang na pwede na silang ihiwalay sa inahin.

2
3
B.FOOD PRESERVATION

Ang pagpapalawig ng buhay ng ating mga pagkain tulad ng itlog,


papaya at iba pang gulay sa pamamagitan ng pagprepreserba sa mga
ito ay malaki ang maitutulong upang hindi masayang at mabigyan ito
ng bagong anyo. Nakakatulong din ito upang madagdagan ang ating
pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbebenta nito sa ating mga
kaibigan at kakilala.

Mga Sangkap at Kagamitan sa Paggawa ng Itlog na Maalat


- itlog ng itik - asin
- batya -timba
- kalderong lutuan -palangana
- lupa o putik mula sa bahay- anay o punso

Mga Hakbang sa Paggawa ng Itlog na Maalat

1. Pumili nang mga itlog na magkakapareho ang sukat , laki at


walang anumang basag.
2. Ang itlog ng itik ay mas mainam na gawing itlog na maaalat
kaysa sa itlog ng manok.
3. Hugasang mabuti ang mga itlog sa isang batya at patuyuin .
4. Magtimbang ng sapat na dami nang lupa at asin ayon sa dami
ng gagawing itlog na maalat.
5. Ang ratio ng asin sa lupa ay 1:3. Paghaluin sa batya ang lupa at
asin.Lagyan ng kaunting tubig hanggang ito ay maging madikit
at malapot.
6. Balutan ang mga itlog ng putik . Ilagay sa pag-iimbakan ang
mga itlog at takpan ito. Itago ito sa isang malamig at medyo
madilim na lugar.
7. Sa loob ng 15 na araw ang proseso ng pag-alat ng itlog ay
magaganap.
8. Pagkaraan ng 15 araw , tanggalin ang mga putik na bumabalot
sa itlog . Itabi ito sapagkat maaari pa itong gamitin sa susunod
na paggawa ng itlog.
9. Hugasang mabuti ang mga itlog at ihanda ang kaldero na
paglulutuan ng itlog.

4
10.Balutin sa tela o lambat ang mga itlog bago ito ilagay sa
kaldero at pakuluan upang maiwasan ang pag-uumpugan at
mabasag habang pinakukuluan.
11. Inirerekomenda ang 3-5 oras na pagpapakulo sa mga itlog.
12.Pagkaraan ng 3-5 oras hanguin ito. Patuyuin at ilagay sa tray.

5
PAGGAWA NG ATSARA
Mga Sangkap sa Paggawa ng Atsara
- 11/2 tasang ginayat na hilaw na papaya
- 1/4 na tasang ginayat na carrot
- 1/2 tasang suka
- 1/4 tasang bellpepper, hiniwa ng manipis
- 1/2 tasang asukal
- 1/2 tasang asin
- 1/8 kutsarang dinurog na paminta

6
- 1 kutsarang hiniwang luya

Hakbang sa Paggawa ng Atsara

1. Paghalu-haluin ang mga ginayat na papaya, carrot at bellpepper sa isang


malalim na lalagyan. Itabi.
2. Pakuluan ang suka, asukal, asin at paminta sa loob ng 2-4 na minuto.
3. Ihalo ang pinagsama-samang mga gulay , takpan at hayaang kumulo sa
loob ng 5-8 minuto.Alisin sa apoy at ilipat sa malalim na lalagyan ,
hayaan itong lumamig at ilagay sa refrigerator.

GAWAIN:
Pumili o mag-isip ng sariling livelihood project na aangkop at
babagay sayo base sa iyong pinansyal na kapasidad at kakayahang gawin ito.
Gumawa ng isang simpleng business plan upang maging handa bago umpisahan
ang iyong naisip na livelihood project.

SANGGUNIAN:

- DA Pamplet , Mga Bagong Kaalaman at Pamamaraan sa Pag-aalaga


ng Katutubong Manok

- Agricultural Training Institute

7
.

8
9

You might also like