You are on page 1of 2

Mga Salik sa Pag-aalaga ng Hayop

1. Sapat at masustansyang pagkain.


2. Malinis, nakaangat sa lupa, at maluwang na bahay kulungan.
3. Malinis na tubig.
4. Matibay na bubong.
5. Malinis na kapaligiran.
6. Nararapat na gamut, bitamina kung kinakailangan upang lumaki na
malulusog at makapagdulot o makapagbigay ng maayos na produkto.
Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat ibigay sa aalagaang hayop.
1. Tirahan/Kulungan
a. Nakaangat sa lupa
b. May sapat na malinis na tubig
c. Nasisikatan ng araw.
2. May maayos na daanan ng tubig/kanal.
3. Tama ang layo sa bahay.
4. May lilim na panangga sa sobrang init at ulan.
5. May preskong simoy ng hangin.

Tamang Paraan sa Pag-aalaga ng Hayop


Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain. Nakatutulong ito
upang maalis ang ating stress at gumanda an gating kalusugan. Madadagdagan
din ang kita ng mag-anak kung ito ay mapararami at maipagbibili. Kaya dapat
nating malaman ang maayos na pamamaraan ng pag-aalaga upang lubos na
mapakinabangan at masiyahan sa gawaing ito.
A. Wastong Pag-aalaga ng Aso
1. Panatilihing malinis ang kulungan ng aso.
2. Dapat magkaroon ng sapat na bentilasyon ang kulungan ng aso.
3. Bigyan ang aso ng gamut na kontra bulate makalipas ang isa o dalawang
lingo.
4. Bgyan ng sapat at malinis na tubig na maiinom ang alagang aso.
5. Dalhin sa malapit na beternaryoupang maturukan ng anti-rabies.
B. Wastong Pag-aalaga ng Kalapati

1. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa upang hindi


mapasukan ng daga. Ito ay dapat maluwag, mahangin, tuyo at
nasisikatan ng araw. Kung maari, itayo sa mga punongkahoy.
2. Gumawa ng pugad sa bawat isang inahin sapagkat mabilis silang
mangitlog. Ang pugad ay maaaring yari sa dayami, tuyong dahon
ngkugon o pinagkataman. Ang kahon ay dapat magkaroon ng taas na 72
sentimetro at lapad na 90 sentimetro.
3. Ang mga kalapati ay dapat pakainin ng palay, mais, munggo, tinapay at
buto ng mirasol. Kailangan din silang bigyan ng pinaghalu-halo at
dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin.
4. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pagkain, pagpaptuka sa
lupa, sa palad o sa paglalagay sa isang lalagyang malanday. Halu-halong
dinurog na kabibi at tinimplahan ng asin.
5. Bigyan din ng sapat at malinis na tubig na inumin. Kaialangang
panatilihin ang kalinisan upang hindi dapuan at magkasakit ng mga
peste ang mga ibon. Linisin ang kailang bahay at pinagkakainan araw-
araw.
C. Wastong Pag-aalaga ng Manok
1. Maglaan ng kulungan para sa mga manok.
2. Patukain ng masustansyang pagkain upang bumilis ang paglaki at
manatiling malusog tulad ng starting mashpara sa mga bagong pisang
sisiw, growing mash na para sa patabaing manok, at laying mash na para sa
mga inahing nangingitlog.
D. Tamang Pag-aalaga ng Kuneho

You might also like