You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION

NORTHERN SAMAR COLLEGES

Catarman, Northern Samar

TAKDANG-ARALIN (YUNIT 3 - AGRIKULTURA)

Sa

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN(TLE-1)

Pangalan:

Kurso / Taon / Seksyon:

Guro: MYRNA D. COROCOTO PhD.

Petsa:

KABUTIHANG DULOT SA PAG-AALAGA NG HAYOP

Agrikultura Aralin 22

Nilalaman: Sa araling ito, lubos nating mauunawaan ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan
na maaring libangan at mapagkakitaan. Ang kabutihang naidudulot nito sa tao at sa kabuhayan ng pamilya.
Matatalakay din sa aralin ang maaaring dulot ng pag-aalaga ng hayop mabuti man o masama sa kalusugan.
Tutukuyin din ang mga hayop na maaring alagaan at ang mga katangian nito.

Layunin:

1. Natatalakay ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan.

2. Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan.

Ang pag-aalaga ng hayop sa bahay ay mayroong maraming dulot na kabutihan.


•Tulad ng pag-aalaga ng aso sa bahay, ito ay nakakatanggal ng stress at ayon sa mga pag-aaral ito rin ay
nakapagpapababa ng dugo. Sila ay nakakasama sa pag-eehersisyo at ibang libangan. Ang aso ay tinatawag
na pinakamatalik na kaibigan ng tao. Maraming pagkakataon nang napatunayan ang katapatan ng aso
bilang kaibigan. Mainam itong alagaan. Nakatutulong ito bilang gabay sa paglalakad at maging bantay ng
tahanan. Ngunit nakakatakot kapag sinasaktan dahil ito ay lumalaban.

•Ang pusa ay isa ring hayop na mainam alagaan. Maraming tao ang nagsasabi na ang pag-aalaga rin ng
pusa ay nakakatanggal ng stress at nakapagpapababa ng dugo. Ang pusa ay mahusay din alagaan dahil
bukod sa ito’y taga-huli ng daga mabait din itong kalaro ng mga bata.

•Ang mga ibon bilang alagang hayop sa bahay ay madaling maturuan. Maraming ibon ang natututong
magsalita. Sila rin ay natututong gumawa ng iba’t ibang antics kaya maraming tao ang nahuhumaling mag-
alaga ng ibon. Sila ay madaling alagaan. Maliban sa nakapagdudulot ng kasiyahan sa nag- aalaga, ito rin ay
maaaring pagkakitaan.

•Ang kuneho ay isa ring magandang alagaan sa bahay dahil sa sila ay eco-friendly animals. Isang hayop na
mainam alagaan dahil mabait at nagbibigay ito ng masustansyang karne at hindi madaling dapuan ng sakit.
Ang pagkain ng kuneho ay maaaring itanim sa ating mga bakuran dahil sila ay kumakain ng halamang
dahon tulad ng letsugas, kangkong at repolyo. Hindi sila maselan sa pagkain, maaari mong bigyan ng butil
ng mais o giniling na munggo. Ang dumi ng kuneho ay maaring ipunin at gawing pataba sa ornamental na
halaman dahil ito ay mayaman sa nitrogen at phosphorus. Ang mga patapong bagay tulad ng old towels,
mga lumang kuwaderno at iba pa ang gustong laruan ng mga kuneho.

MGA HAYOP NA MAAARING ALAGAAN SA BAHAY

Agrikultura Aralin 23

Nilalaman: Ating pag-aaralan ngayon ang mga hayop na maaari nating alagaan sa tahanan. Tukuyin kung
ano-ano ang mga ito. Ang kanilang katangian, at paraan ng pag-aalaga. Alamin din natin ang mga bagay na
dapat pag-ingatan sa mga hayop na matutukoy.

Layunin: Matutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan

May mga uri ng hayop na maaaring alagaan sa loob ng bahay na nagdudulot ng saya at kapakinabangan
tulad ng:

a. aso

b. pusa

c. anok
d. kuneho

Mga hayop na mahusay alagaan sa bahay at may pakinabang. 

1. Aso. Mainam itong alagaan – nakakatulong ito sa paglalakad at maging bantay ng tahanan. Ngunit
nakakatakot kapag sinasaktan dahil ito ay lumalaban. Ang aso ay isa sa mga hayop na mainam alagaan. Sa
katunayan, maraming mag-anak ang naggugugol ng panahon sa pag-aalaga nito.

2. Pusa. Ang pusa ay mahusay din alagaan dahil bukod sa ito’y taga-huli ng daga, mabait din itong
kalaro ng mga bata.

3. Manok. Hindi gaanong mahirap alagaan ang manok dahil hindi ito nangangagat, sa halip ito ay
nagbibigay ng karagdagang kita sa mag-anak dahil nagbibigay ito ng itlog at karne. Kinakailangan ang
ibayong ingat sa pag- aalaga ng manok dahil may mga pagkakataon kung saan nagkakaroon ito ng sakit.
Maaari itong mamatay dahil sa hindi inaasahang pagdapo ng sakit o peste.

4. Kuneho. Isa itong maliit na hayop ngunit mainam itong alagaan dahil mabait at nagbibigay ito ng
masustansyang karne at hindi madaling dapuan ng sakit. Hindi ito maselan sa pagkain, maaari mo itong
bigyan ng butil ng mais o giniling na munggo. Mainam alagaan ang kuneho dahil hindi ito gaanong
dinadapuan ng sakit. Hindi ito maselan sa pagkain, maaari mo itong bigyan ng butil ng mais o giniling na
munggo. Mainam alagaan ang kuneho dahil hindi ito gaanong dinadapuan ng sakit. Ang mga berdeng damo
at iba pang labis na gulay sa kusina at mga tumutubo sa ating halamanan ang nagsisilbing pagkain nila.

MGA SALIK SA PAG-AALAGA NG HAYOP

Agrikultura Aralin 24

Nilalaman: Sa araling ito matutunghayan natin kung ano ang mga sangkap na pamamaraan kung paano
maisasagawa ang maayos na pag-aalaga ng mga hayop upang ito ay makapagbigay ng maraming
kapakinabangan.

Layunin: Pagsasagawa ng maayos na pag-aalaga ng hayop Ang pag-aalaga ng hayop ay seryosong usapin
dahil kinakailangan maayos ang lahat kaya mayroon itong sinusunod na mga hakbang.

a. sapat at masustansiyang pagkain.

b. malinis, nakaangat sa lupa, at maluwang na bahay na kulungan.

c. Malinis na tubig

d. Matibay na bubong
e. Malinis na kapaligiran

f. nararapat na gamot, bitamina kung kinakailangan upang lumaki na malulusog at makapagdulot o


makapagbigay ng maayos na produkto.

Sundin ang mga sumusunod na mga hakbang para sa maayos na pag-aalaga ng hayop.

1. Itayo ang kulungan sa isang bakanteng lote o sa likod bahay.

2. Linisin ang lugar at maglagay ng kanal sa paligid nito para daanan ng tubig.

3. Bigyan ang mga alaga ng nasa ayos na pagkain, malinis na tubig, at bitamina upang maging
malusog ang mga ito.

LIGTAS NA TIRAHAN NG MGA ALAGANG HAYOP

Agrikultura Aralin 25

Nilalaman: Tatalakayin dito kung paano mabibigyan ng maayos at ligtas na tirahan ang aalagaang hayop
para matiyak ang kanilang kaligtasan at tuloy makapagbigay ng mataas na produksiyon.

Layunin: Pagbibigay nang maayos na lugar o tirahan para sa alagang hayop Ang pag-aalaga ng hayop ay
nangangailangan ng atensyon. Kailangan bigyan sila ng tirahan, pagkain, at nararapat na gamot para lumaki
silang malulusog.

Ang sumusunod ay mga bagay na dapat ibigay sa aalagaang hayop.

1. Tirahan / Kulungan

a. Nakaangat sa lupa

b. May sapat na malinis na tubig

c. nasisikatan ng araw

2. May maayos na daanan ng tubig/kanal

3. Tama ang layo sa bahay

4. May lilim na panangga sa sobrang init at ulan


5. May preskong simoy ng hangin

Sa pagpili ng angkop na lugar na tirahan ng aalagaang hayop, ang unang bibigyan pansin ay ang
sumusunod:

a. Isang malinis at malawak na lugar

b. May sapat na suplay ng malinis na tubig

c. May lilim at hindi gaanong matinding init ng araw

d. May maayos at malinis na kulungan na nakaangat sa lupa Iguhit ang isang ideal na lugar kung saan
ilalagay ang aalagaang hayop o mga hayop

TAMANG PARAAN SA PAG-AALAGA NG HAYOP

Agrikultura Aralin 26

Nilalaman: Ang araling ito ay magbibigay sa atin ng kaalaman tungkol sa wastong pag-aalaga ng ating mga
hayop upang sila ay lumaki ng maayos at hindi maging sakitin. Tatalakayin dito ang wastong pamamaraan
ng pag-aalaga ng hayop na tinukoy natin sa nakaraang aralin. Malalaman natin kung paano sila palalakihin
sa pamamaraang wasto at maka-agham. Malalaman natin dito ang mga dapat gawin at ibigay sa kanila
(mga alagang hayop) upang sa gayon sila ay makakapagdulot ng kung ano ang maaasahan natin mula sa
kanila.

Layunin: Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop sa tahanan

- pagsasagawa nang maayos na pag-aalaga ng hayop.

- pagbibigay ng wastong lugar o tirahan.

- pagpapakain at pagbibigay ng bitamina.

Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain. Nakakatulong ito upang maalis ang ating
stress at gumanda ang ating kalusugan. Madadagdagan din ang kita ng mag-anak kung ito ay mapaparami
at maipagbibili. Kaya dapat nating malaman ang maayos na pamamaraan ng pag- aalaga upang lubos na
mapakinabangan at masiyahan sa gawaing ito.

Tandaan at isaalang-alang ang lahat ng ito dahil dito nakasalalay ang ikauunlad ng pag-aalaga sa mga
hayop at ang kapakinabangan nito.
a. Wastong Pag-aalaga ng Aso

1. Panatilihing malinis ang kulungan ng aso. Dalhin sa malapit na Beterinaryo upang maturukan ng anti-
rabies.

2. Dapat magkaroon ng sapat na bentilas- yon ang kulungan ng aso.

3. Bigyan ang aso ng ga- mot na kontra bulate makalipas ang isa o dalawang linggo.

4. Bigyan ng sapat at malinis na tubig na maiinom ang alagang aso.

b. Wastong pag-aalaga ng Kalapati

1. Ang mga kalapati ay dapat pa- kainin ng palay, mais, mung- go, tinapay at buto ng mirasol. Kailangan din
silang bigyan ng pinaghalu-halo at dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin.

2. Gumawa ng pugad sa bawat isang inahin sapagkat mabilis silang mangitlog. Ang pugad ay maaaring yari
sa daya- mi, tuyong dahon ng kugon o pinagkataman. Ang kahon ay dapat magkaroon ng taas na 72
sentimetro at lapad na 90 sentimetro.

3. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa upang hin- di mapasukan ng daga. Ito ay dapat
maluwag, mahangin, tuyo, at nasisikatan ng araw. Kung maaari, itayo sa mga punong kahoy. Dapat sundin
at isaalang-alang ang mga wastong pamamaraan upang maramdaman ng alagang hayop na sila ay mahal
ng nag-aalaga sa kanila. Dapat ay:

- binibigyan sila ng maayos at malinis na tirahan;

- maayos ang pag-aalaga sa kanila tulad ng pag- papaligo, pag-eehersisyo, at pagpapabakuna o


pagpapainom ng gamot kung kinakailangan;

4. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pagkain, pagpapatuka sa lupa, sa pal- ad, o paglalagay
ng patuka sa isang lalagyang malanday. Ha- lu-halo at dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin.

5. Bigyan din ng sapat at malinis na tubig na inumin. Kailangang panatilihin ang kalinisan upang hindi mag-
kasakit at dapuan ng mga peste ang mga ibon. Linisin ang kanilang bahay at pinag- kakainan araw-araw.

- pinapakain ng maayos at masustansiyang pagkain; - nililinis ang kanilang tirahan at

- kinakausap tulad din ng isang tao.

PAGGAWA NG PLANO NG PAGPAPARAMI NG ALAGANG HAYOP UPANG KUMITA

Agrikultura Aralin 27
Nilalaman: Ang paggawa ng plano ng pagpaparami ng alagang hayop ay mabuting hakbang upang kumita at
maiwasan ang pagkakamali sa binabalak na gawain. Ang plano ay ginagawa bago simulan ang gawain at
ginagamit itong gabay sa paggawa.

Layunin: Nakagagawa ng plano ng pagpaparami ng alaga upang kumita Pagpaplano ng pagpaparami ng


alagang hayop ay makasisigurado tayo sa balak nating gawin. Ito ay makatitipid sa halaga at panahong
iuukol. Mahalagang maitala natin ang dami ng bilang ng panganganak ng alagang hayop at ang kikitain
natin.

Alamin muna natin ang mga gabay sa pagpaplano. Ang sumusunod ay gabay sa pagpaplano ng
pararamihing alagang hayop:

1. Uri ng hayop sa tahanan na aalagaan - aso, kalapati, love birds, kuneho, at isda sa aquarium

2. Kapaligiran - malapit sa tubig - malawak ang bakuran

3. Lugar na mapaglalagyan - may tubig - may sikat ng araw - may hangin - may matibay, maayos, at
malinis na kulungan

4. Klase ng produkto na maaaring maibigay ng alagang hayop

5. Maaaring kitain sa pagpaparami ng alagang hayop.

PAGPILI NG PARARAMIHING HAYOP

Agrikultura Aralin 28

Nilalaman: Maraming uri ng hayop ang mapagpipilian na tiyak din ang kapakinabangan kung nasa ayos ang
paraan ng pangangalagang gagawin. Kailangan piliin ang alagang hayop lalo na kung balak natin paramihin
ang mga ito upang makapag-bigay ng karagdagang pagkain at kita sa pamilya.

Kalapati - Ang pag-alaga ng kalapati ay madaling pagkakitaan bukod sa nakalilibang. Ang isang inahin ay
nagsisimulang mangitlog sa gulang na tatlong buwan pa lamang. Ang itlog ay mabilis din mapisa kaya
mabilis dumami at ito ay kasing- sustansya ng itlog ng pugo. Masarap din ang karne ng kalapati.

Kuneho - Ang kuneho ay isa ring hayop na madaling alagaan. Tulad ng ibang hayop, ito ay nagbibigay ng
karne na kasing- sustansya ng karne galing sa manok. Maliban dito, ang kuneho ay madalas ginagamit sa
mga eksperimento ng mga siyentipiko at sa paaralan. Ang balat nito ay ginagamit na palamuti ng damit,
tsinelas, sombrero, at iba pang bagay. Aso Ang aso ay isa sa mga hayop na mainam alagaan.
Maramingmag-anak ang naglalaan n gpanahon sa pag-aalaga nito, maging mahirap o mayaman. May nag-
aalaga ng aso upang magsilbing bantay ng bahay. Mayroon namang nais ay maging kasa-kasama sa mga
gawain. May makikita ring mga tao na kadalasan ay matatanda o may mga kapansanang nag-aalaga upang
magsilbi nilang gabay sa paglalakad at pamamasyal. Inaalagaan din sila upang makasama at maging isang
tunay na kaibigan. Mahalaga naman na pipiliin ang asong aalagaan.

Tuta - Higit na mainam mag-alaga ng tuta kaysa asong malaki na dahil iyong natuturuan ng mga kakaibang
bagay na maaari nilang gawin gaya ng pag-upo, pagpulot o pag-abot ng nahulog o nakatagong bagay, pag-
ihi, at pag dumi sa tamang lugar.

Pusa - Ang pusa ay isa ring mabuting alaga sa tahanan. Mahusay itong manghuli ng daga dahil sa matalas
ang kaniyang paningin, pang-amoy at pandinig. Ito ay humuhuni (purr) o ngumingiyaw kapag masaya at may
gustong ipaalam. Ang inang pusa ay gumagawa ng tunog kapag tinatawag niya ang kanyang mga kuting.

Mga isda sa aquarium Sa kasalukuyan, maraming uri ng isda ang maaaring alagaan at palakihin sa
aquarium. Ang aquarium ay isang lalagyang may tubig kung saan inaalagaan at pinalalaki ang mga isda. Ito
ay ginagawang palamuti o atraksyon sa tahanan, opisina o maging sa mga ospital. Isang katamtamang
sukat ng aquarium 30 cm x 20 cm x 15 cm (12 in x 18 x 6 in). Madali itong pangalagaan. Ayon sa bihasa at
nakakaalam, ang goldfish ang pinakamadaling alagaan sa aquarium. Ito ay matibay ang katawan at
malusog. May orange, golden-yellow, black and white at mga kumbinasyon ng kulay. Ang mga ito ay nabibili
rin sa maraming tindahan ng mga alagang hayop (pet shops). Maaari rin ipagbili ang mga isda sa aquarium
katulad ng Goldfish, Janitor’s fish, at iba pa.

Dagang Costa - Mainam ding alagaan ang dagang costa at ito ay nagbibigay aliw sa nag-aalaga. Isa siyang
uri ng daga na matuturuan sa ipapagawa sa kanya katulad sa mga carnival ito ay ginagamit sa laro sa
ibabaw ng mesa na may mga kahon na kapag narinig nila ang signal ay tatakbo sila sa loob ng kahon na
may numero. Kapag nakataya ka sa sinuutan ng dagang costa, panalo ka. Naipagbibili din ang mga dagang
costa sa mga tindahan ng alagang hayop (pet shop).

Ayon sa nabasa natin, dapat tandaan sa pagpili ng pararamihing hayop ay ang mga sumusunod:

1. Mabilis lumaki at madaling dumami.

2. Nakatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mag- anak.

3. Nakapagbibigay aliw at mabuting kasama sa bahay.

4. Madaling alagaan at pakainin ng karaniwang pagkain.

5. Naipagbibili at karagdagang kita ng pamilya.

Aralin 29 Paggawa ng Talatakdaan ng mga Gawain Upang Makapagparami ng Hayop

Nilalaman: Ang paggawa ng talatakdaan ng mga gawain ay isang mabisang paraan upang magamit ng
wasto ang panahon sa pag-aalaga ng hayop. Nagkakaroon ng gabay sa pagsasagawa ng mga gawain kung
may nakahandang plano sa paggawa. Walang maaaksayang panahon sa pag-iisip kung ano ang dapat
tapusin sa araw na iyon. Nakikita rin ang pagkakaugnay ng mga gawain kung mayroong talatakdaan/
iskedyul.

Layunin: Nakagagawa ng iskedyul ng mga gawain upang makapagparami ng hayop. Ang iskedyul/
talatakdaan ay talaan ng mga gawaing dapat isakatuparan sa takdang oras at panahon. Ito ay maaaring
gawin para sa isang araw, linggo o isang buwan. Nagsisilbi ito ng tagapagpaalala sa isang gumagawa ang
kailangan nilang gawin sa takdang oras upang matapos sa takda o sa lalong madaling panahon.

Ang pagsunod sa talatakdaan/ iskedyul ay magpapagaan ng mga gawain. Ito ay may dalawang uri: ang
pansariling talatakdaan/ iskedyul at ang pangmag-anak na talatakdaan/ iskedyul.Pansariling talatakdaan/
iskedyul ay tumutukoy sa mga indibidwal na gawaing dapat gawin sa takdang oras. Samantalang ang
pangmag-anak na talatakdaan ay pinaghati-hating gawain sa lahat ng mga kasapi ng mag-anak para
gampanan sa takdang oras.

Talatakdaan/Iskedyul ay talaan ng mga gawaing dapat gawin o isakatuparan sa takdang oras at panahon.
Ito ay maaaring gawin para sa isang araw, isang linggo o isang buwan.
Aralin 30 Paggawa ng Iskedyul ng Pag-aalaga ng Hayop

Nilalaman: Higit na mabisa ang pagtupad sa tungkulin ng bawat isa kung may nasusunod na iskedyul ng
gawain ang mag-anak. Ito ang nagiging gabay nila sa pagsunod ng araw na dapat gagampanan ang
nakaatang na gawain sa kanila. Ang iskedyul ay magpapaalala sa bawat isa na may tungkulin sila sa
tahanan at ito’y magagawa ng may ngiti sa labi dahil naipapakita ang pagkakaisa ng bawat kasapi ng
pamilya.

Layunin: Nakagagawa ng iskedyul nang pag-aalaga ng hayop

Isa pang uri ng iskedyul ay ang pagsasama-sama ng mag-anak sa pag-aalaga ng hayop. Ito ang pangmag-
anak na iskedyul sa mga gawain upang masaya nilang magagampanan ang kanilang gagawin para sa alaga
nilang hayop.

Isulat sa maliit na metacard ang mga salitang tumutukoy kung paano ginawa ang iskedyul sa pagaalaga ng
hayop at ang mga batayan sa paggawa nito.

Sa malaking metacard, pagsama-samahin ang mga salita na nakasulat sa maliit na metacard kung paano
ginawa ang iskedyul at ang mga batayan nito sa paggawa.
Aralin 31 Pag-iingat na Dapat Gawin Kung Mag-aalaga ng Hayop

Nilalaman: Sa araling ito, malalaman natin ang mga pag-iingat na dapat nating sundin at isagawa kung tayo
ay nag-aalaga ng hayop sa bahay. Dapat nating tandaan na maaring ang buhay ng ating inaalagaang hayop
ang malagay sa alanganin o ang sariling nating buhay kung hindi tayo mag-iingat.

Layunin: Naitatala ang mga pag-iingat na dapat gawin kung magaalaga ng hayop

Aralin 32 Mga Kautusan/Batas Tungkol sa Pangangalaga ng Pararamihing Hayop

Nilalaman:

Ang mga alagang hayop ay itinuturing na natin na kasama sa

pamilya dahil sa kapakinabangan na naibibigay nila sa atin. Kaya

hindi dapat saktan o pinagmamalupitan ang mga alagang hayop.

Ang sinuman na gumagawa nito ay mahaharap sa kaukulang parusa

ayon sa itinakda ng mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng

mga hayop.

Mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop:

1. Republic Act No. 8485 - Ito ay mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na
komprehensibong pagtakda sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop
sa bansa. Binuo ang batas na ito ng Committee on Animal Welfare na siyang namumuno sa pagpapatupad
ng batas.

2. Section 6 ng batas - Ipinagbabawal ang pagmamalupit sa mga hayop. Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas
na hindi maaaring pumatay ng hayop maliban sa mga hayop na kinakain.Isang paglabag sa batas ang
pagpatay sa mga hayop maliban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon. Malubhang sakit
ng hayop at animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit
dito.Itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Act dahil ito ang unang kumilala ng kalupitan sa
hayop bilang paglabag sa batas.

3. Republic Act No. 10631 - An act Amending Certain Sections of Republic Act No. 8485, Otherwise known
as “The Animal Welfare Act of 1998.”Taon ng Pagsasabatas: 2013, pirmado ni Pangulong Benigno S.
Aquino III. Ilan sa mga amyenda o pagbabagong itinakda ng RA 10631 ay ang mas mataas na piyansa o
parusa kapag napatunayan ang paglabag sa Animal Welfare Act. Itinaas ng RA 10631 ang multa sa
paglabag sa batas, mula sa dating Php 1,000 hanggang Php 5,000, ginawa itong Php 50, 000.00 hanggang
Php 100,000.00.

4. Panukalang Batas: House Bill 914 - Taon ng Panukala: 2013 - Ang panukalang ito ang unang hayagang
pagbabawal sa paggawa ng mga crush video at ang pamamahagi nito sa anumang medium na maaaring
gamitin. Nakasaad sa panukala na ang magiging parusa sa paglabag nito ay ang pagkakulong tatlo
hanggang pitong taon o kaya ay piyansang mula Php 100,000.00 hanggang Php 300,000.00.

You might also like