You are on page 1of 9

PAG-AALAGA NG MANOK

Submitted by: Chiao-anne Y. Fernandez


Pagmamanukan
● Ito ay isang maunlad na hanapbuhay sa maraming bahagi ng bansa
● Karne ng Manok -isa sa pinakakaraniwang pagkain sa isang maganak; pati
kabataan ay labis ang pagkahilig sa manok
● Itlog ng Manok- may malakas na pangangailangan (demand)
● Balahibo ng Manok- nagagamit na dekorasyon sa bahay
● Dumi ng Manok- mainam na pataba sa mga pananim
Pagpili ng Mahusay na Uri ng Manok
● Mahalagang mahusay ang pagpili ng sisiw na aalagaan.
● Internet- nakatutulong ng malaki sa pagpili ng mainam na sisiw na aalagaan.
● Rhode Island, New Hampshire at Plymouth Rock- mga lahing mabuting
alagaan at kasing husay ng mga kilalang broiler. Makakasumpong ito ng
pinakamataas na paglaki pagtapos ng 12-15 linggo ng maayos na
pangangalaga at maaaring tumimbang ng 1 1/2 - 2 kilo bawat isa.
● Arbor acres, Hubbard at Indian River- mga sisiw na maaaring mabili sa lokal
na pamilihan
● Ang bibilhan ng sisiw na dapat alagaan ay dapat mapagkakatiwalaan ito may
ay personal o online ninyong katransaksiyon.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Mahusay
na Sisiw
● Malusog, walang sakit at pinsala sa alinmang bahagi ng katawan
● Pare-pareho ng laki at kulay
● Timbang aa unang araw ay hindi hihigit sa 33 libras
● Mabilis ang paglaki
● Mataas ang porsiyento ng nabubuhay.
Paraan ng Pag-aalaga ng Manok
Ang manok na may mabuting lahi ay nakasisiguro ng mabilis at hustong paglaki
sa lalong madaling panahon kung maalagaan ng mabuti.

1. Kulungan ng Manok- hindi kailangang yari sa mamahaling materyales. Ang


kawayan, kahoy mula sa niyog, dahon ng kugon, pawid at yantok ay mas
mainam gamitin. Kailangang maluwag na nakakagalaw at may proteksiyon sa
init at lamig ng panahon ang mga manok.
2. Pakainan- karaniwang inilalagay sa loob ng kulungan o sa harap nito. Mas
mainam na ito ay madali lamang linisin.
3. Inuman- lalagyang hugis bilog na may maluwag na bibig upang madaling
linisin. Ang inumang yari sa plastik ay mainam dahil ito ay hindi kinakalawang
at matibay. Ang kawayang inuman ay pwede ding gamitin, madali itong
makuha at mura pero di nagtatagal at madaling masira.
Pangangalaga at Pangangasiwa sa Manukan
Ang pangangalaga ng sisiw ay nagiiba habang ito ay lumalaki ulit kaya
mahalagang matutuhan ang pagkakaibang ito upang maayos na mapalaki ang
alaga. Ang mga batang sisiw mula unang araw hanggang ika-apat na linggo ay
dapat makatanggap ng wastong init. Ang incubator (artipisyal na init) ay lubhang
kailangan ng sisiw

1. Sapat na Liwanag at Bentilasyon- pangakit aa mga manok para magsimula


sa pagkain. Ang sapat na bentilasyon ay nagbibigay ng sapat na oxygen.
Kung di ito sapat ay maaaring dapuan ng sakit o lumaking mahina ang
manok.
2. Sapat na Lugar (space) - iwasan ang pagsisiksikan ng mga manok. Ang
pagsisiksikan ay nagdudulot ng hindi magandang paglaki at mataas na dami
ng namamatay (mortality) ng mga manok.
3. Tamang Pagpapakain- dapat bigyan ng sapat na pagkain ang mga manok. Ang
pagbibigay ng pagkain ng paunti unti at hindu tuloy tuloy ay nakakatulong upang
magamit nila ng mas mainam ang sustansya mula sa pagkain. Huwag hahayaang
mawalan ng laman ang pakainan ng mahigit 2 oras. Sa mga unang linggo ng
pagaalaga, magkaroon ng regular na iskedyul ng pagpapakain. Ang dagdag
bitamina, mineral, at antibiotic ay maaaring isama sa tubig. Mahalagang
kumonsulta sa beterinaryo para sa pagdagdag nito sa pagkain ng manok.

4. Kalinisan- panatilihing malinis at tuyo ang kulungan upang maiwasan ang


pagkakaroon ng parasite at ibang peste na magdudulot ng sakit sa alaga.

5. Kapaligiran- dapat itong mapanatili sa iisang kalagayan. Ang pagbabago nito


pati ng panahon ay kalaban ng mga alaga. Maging alerto dito. Sa panahon ng
matinding init, ang paggamit ng pagpapalamig o evaporation cooling system ay
makakatulong.
Paraan para Matiyak ang Mabilis at Malusog na
Paglaki ng Alagang Manok
● Palaging alamin ang kalagayan ng mga alaga bago matulog sa gabi
● Alisin ang sapin sa sahig (floor mats) makalipas ang -7-10 araw
● Maglaan ng maraming pakainan at inuman habang ang mga manok ay
lumalaki.
● Bakunahan ang mga manok laban sa mga peste
● Alisin ang mahihina, may pinsala at sakiting manok upang hindi mahawa ang
iba.
Mga Panuntunang Pang-Kalusugan at Pang-
Kaligtasan sa Pagaalaga ng Hayop
1. Panatilihing malinis at tuyo ang tirahan ng hayop upang maiwasan ang mga
sakit at peste.
2. I-quarantine ang mga bagong biling hayop upang matiyak na wala itong
dalang sakit.
3. Alamin ang uri ng pesteng nakaaapekto sa kalusugan ng mga alagang
manok. Kumonsulta sa beterinaryo para sa pangangalaga at bitamina.
4. Itago sa maayos na temperatura ang gamot pambakuna. Alamin ang
expiration date bago gamitin.
5. Huwag bakunahan ang malulusog na hayop.
6. Ang bagong bakunang hayop ay ilagay sa malinis at tuyong kulungan

You might also like