You are on page 1of 17

PAG-AALAGA NG HAYOP

NA MAY DALAWANG PAA


AT PAKPAK
ITIK
Ang itik ay napakadaling alagaan kagaya ng
manok ngunit may mga itik na nangangailangan
ng lawa na maaari nilang paglanguyan. Mayroon
rin naming mga lahi ng itik na gustong maglagi sa
lupa kaysa sa ilog.
Inaalagaan ang mga itik para sa itlog at
karne nito. Ang itlog ng itik ay ginagawang
maalat na itlog, penoy, at balut.
MGA URI O LAHI NG ITIK
1. Native o Pateros Duck
Mas maliit ito kaysa sa
imported breed. Ito’y
malimit mangitlog subalit
hindi naglilimlim. Ang
karaniwang kulay nito ay
itim, abo, o kape.
MGA URI O LAHI NG ITIK
2. Muscovy Duck
Kilala ito bilang “pato real”.
Ang karne nito ay mataas
ang kalidad.
MGA URI O LAHI NG ITIK
3. Peking Duck
Laging nakatayo at tuwid
ang leeg na itik na ito. Sa
dalawa hanggang tatlong
buwan ay maaari na itong
ipagbili. Napakainam ng
karne ng Peking Duck.
MGA URI O LAHI NG ITIK
4. Khaki Campbell
Lahing hiyang sa lupa at
napakabilis nitong
mangitlog. Ang isang
inahin nito ay
nakatatatlong daang itlog
sa isang taon.
Ang kulungan ng mga itik ay karaniwang gawa sa
kawayan at nipa
Ang mga itik na nangangailangan ng tubig ay
kailangan nakabukas ang kulungan at nakaharap
sa lawa o ilog.
Ang sukat na apat na metro kuwadrado at may
taas na tatlong metro ay para sa 100 itik.
MGA PAGKAIN PARA SA MGA ITIK
1. Starter Mash
Ibinibigay na masabaw sa
mga itik na walong lingo
ang gulang. Pinapakain ito
ng apat o limang beses sa
isang araw.
MGA PAGKAIN PARA SA MGA ITIK
2. Grower Mash
May taglay na 21 porsyento
na protina. Ito ay
nagtataglay ng mineral at
bitamina.
MGA PAGKAIN PARA SA MGA ITIK
3. Layer Mash
Ibinibigay sa mga babaeng
itik upang mangitlog nang
marami.
MGA PAGKAIN PARA SA MGA ITIK
4. Fattening Mash
Pagkaing binibigay sa mga
itik para tumaba at
lumusog.
Binibigyan din ng mga pagkaing sagana sa
protina ang mga babaeng itik na nangingitlog
dahil kailangan nila ito tulad ng mga dinurog na
nilagang itlog, uod, binasag na mais, at mga
insekto.
Mahalaga rin sa mga itik ang pagkain ng mga
madadahong gulay, damo, pipino, pakwan at
kamatis.
Fattening Mash Pateros Duck
Grower Mash Peking Duck
Khaki Campbell Starter Mash
Layer Mash
Muscovy Duck

You might also like