You are on page 1of 24

Gateway Drugs

Suriin ang mga produktong


makikita sa larawan. Piliin ang
mga produktong may sangkap na
caffeine, tobacco at alcohol.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga produktong may


sangkap na caffeine? Tobacco? Alcohol?
2. Ano ang pagkakaiba ng mga inumin o
pagkaing may sangkap na caffeine sa
iba pang pagkain?
3. Anu-ano ang mga produktong may
tobacco o nicotine?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

4. Mayroon bang miyembro ng inyong


pamilya na gumagamit ng mga
produktong ito?
5. Anu-ano naman ang mga produktong
may sangkap na alcohol?
6. Mayroon bang miyembro ng inyong
pamilya ang komukunsumo ng mga
produktong may sangkap na alcohol?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

7. Makabubuti ba ang pagkain o pag-


inom ng mga pagkaing may sangkap na
alcohol o caffeine?
Pag-aralan Natin:

Bihira sa mga taong gumagamit ng


ipinagbabawal na gamot tulad ng heroin o
cocaine, ang hindi nakatikim ng gateway drugs.
Unang hakbang sa paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot ang paggamit ng mga
gateway drugs tulad ng mga pagkaing may
caffeine, tobacco at alcohol.
Para sa maraming tao, ang pag- inom ng kape
ay karaniwang inumin lamang ngunit lingid
sa kanilang kaalaman, nagiging daan ito sa
pagkagumon.
Unang hakbang ang pag-inom ng kape, ang
pagkonsumo ng higit sa 100mg nito ay nagdudulot sa
pagkadepende ng isang tao sa pag- inom nito, ang pag-
inom ng mga inuming may alcohol tulad ng beer at alak
ay nagdudulot din ng adiksyon, gayundin ang paggamit
ng sigarilyo ay nagiging daan sa paggamit ng marijuana
at iba pang ipinagbabawal na gamot.
Maraming tao ang inihahalintulad
ang paninigarilyo sa pag- inom ng
kape. Madalas ito ang nagiging sanhi
o simula ng paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Ang taong
natutong manigarilyo, karamihan ay
nauuwi sa paggamit ng ilegal na
droga, at karaniwang nagiging sanhi
ito ng pagkalulong.
Sa pinakabagong pag-aaral, ang
paggamit ng E-cigarette ay hindi
nakatutulong upang maiwasan ang
paninigarilyo kundi mas nagiging
pangkaraniwang gawain pa ito lalo na
sa mata ng mga kabataan.
Nagpapakita lamang ito na kapag
naninigarilyo ang isang kabataan,
nauuwi ito sa paggamit ng ibang
ipinagbabawal na gamot.
Ang beer, alak at iba pang inuming may
alcohol ay isa sa malawakang inuming
kinukunsumo sa maraming bansa sa
mundo. Katulad ng tabako, ang alcohol ay
isa sa mga legal na gateway drugs na
pinagsisimulan upang ang isang tao ay
malulong sa ipinagbabawal na gamot. Sa
simula, ang pag-inom ng alak ay ginagawa
sa tuwing may mga okasyon lamang
ngunit sa pagtagal, ang pag- inom ng alak
ay nagiging karaniwang gawain at
libangan.
Kahit ang isang tao ay hindi
maituturing na alcoholic, malaki ang
posibilidad na matuto rin siyang
gumamit at malulong sa
ipinagbabawal na gamot. Nangyayari
ito, tuwing siya ay lasing o nagiging
gawi dahil nakararanas siya ng
kasiyahan sa paggamit nito.
Ang paggamit ng gateway drugs ng
isang miyembro ng pamilya ay hindi
nangangahulugan na siya ay magiging
drug addict pagdating ng araw.
Kinakailangan lamang na magkaroon
ng kasiguruhan na alam ng inyong
kapamilya ang panganib na dulot nito
at mag-alok ng tulong kung sakaling
may problema o dinaramdam ang
isang kapamilya.
Kadalasan, ang pagiging problemado
ang nagiging dahilan ng paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Maiiwasan
ito kung palaging mayroong
miyembro ng pamilya na palaging
handang tumulong at makinig.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang gateway drugs ayon sa


binasang dayalago?
2. Anu- anong produkto ang itinuturing na
gateway drugs?
3. Legal ba ang pagbibili ng gateway
drugs? Pangatwiranan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

4. Paano natuto ang isang indibidwal na


gumamit ng gateway drugs?
5. Ano ang maaaring panganib na dulot
ng gateway drugs?
6. Paano maiiwasan an paggamit ng
gateway drugs?
Lagyan ng tsek ang mga produktong
maituturing na gateway drugs.
1. Beer
2. Coffee
3. Chocolate Drink
4. Sigarilyo
5. Gin
6. Vodka
7. Energy Drink
8. Rum
9. Tabako
10. Tsaa
Gumawa ng dula- dulaan hinggil sa
pagkagumon sa mga pagkain at inumin
na may caffeine at alcohol, gayundin sa
tobacco.
Pagyamanin Natin:
Pumili sa kahon ng salitang ilalagay sa loob bilog upang
mabuo ang konsepto ng gateway drugs

Caffeine Tobacco Energy Drink


Carbohydrates Alcohol

Gateway
Drugs
1. Ano ang papel na
ginagampanan ng gateway
drugs sa pagkagumon ng
mga tao sa ipinagbabawal na
gamot?

2. Ano ang dahilan kung bakit


nahihikayat ang mga tao na
gumamit ng gateway drugs?
Pagnilayan Natin

Isulat sa notebook ang inyong


saloobin sa tanong na “Sang-
ayon ka ba na legal ang
pagbibili ng mga gateway
drugs sa mga tindahan at
supermarkets? Bakit?”
TANDAAN:

Gateway Drugs- ay anumang gamot


(caffeine, tobacco at alcohol) na ang
paggamit ay nagiging daan sa pagkagumon
o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
(cocaine o heroin).
TANDAAN:

Ang gateway drugs ay itinuturing din


recreational drugs at legal ito sa kahit
anumang bansa sa mundo.

You might also like