You are on page 1of 23

Paunang Pagsusulit

Hanapin ang kahulugan ng mga salita sa Kolum A, piliin ito sa


Kolum B.
A B
____ 1. Kalayaan a. Nagsaariling bansa at Malaya
____ 2. Bandila b. Dumadalo sa mga pagdiriwang
____ 3. Pagdiriwang ang iba’t-ibang kawani ng
____ 4. Munisipyo gobyerno
____ 5. Tahanan c. Iwinagayway sa kauna unahang
pagkakataon noon Hunyo 12, 1898
d. Dito iwinagayway an gating
bandila Calle Real, Kawit, Cavite
e. Araw ng kalayaan na ginaganap
tuwing Hunyo 12 taon taon
Balik Aral:
• Ano ang simuno? Ano ang panaguri?

Si Emilio Aguinaldo ang kaunaunahang naging


pangulo na ating bansa.

Ang pulubi ay nagnakaw ng pagkain

• Alin ang simuno? Alin ang panaguri?


Layunin

Ngayong araw na ito pag aaralan


natin ang mga uri na pangungusap
ayon sa gamit nito.
• Ano ba ng ngalan ng ating bansa?
• Alam nyo ba kung gaano kaganda ang ating
bansa?
• Malaya ba ang ating bansa? Bakit?
• Ito ba ay nararanasan na natin sa
kasalukuyan?
• Paano ba maging Malaya?
Araw ng Kalayaan ng Pilipinas
Alam mo ba ang kasaysayan ng ipinagdiriwang nating
Araw ng Kalayaan?
Noong Hunyo 12, 1898, idineklara ni Heneral Emilio F.
Aguinaldo sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-5 nang
hapon sa balkonahe ng kaniyang tahanan sa Calle Real
sa Kawit, Cavite ang kalayaan ng Republika ng Pilipinas.
Sa panahon ding ito unang iwinagayway ang
pambansang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong
nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina
Herboza de Natividad. Tinugtog din ang Marcha Filipina
Magdalo na kilala ngayon bilang Lupang Hinirang na
isinulat ni Julian Felipe. Ang bandang San Francisco de
Malabon ang tumugtog nito
Noong Setyembre 29, 1898, pinagtibay ng
Kongreso ng Malolos ang Deklarasyon ng
Kalayaan. Noong ika-6 ng Agosto 1898,
nagpadala ang Rebolusyonaryong Pamahalaan
ng Pilipinas ng diplomatikong mensahe sa mga
banyagang bansa na hinihiling na kilalalnin ng
Pilipinas bilang isang malaya at nagsasariling
bansa.
Isinuko ng Espana ang Pilipinas sa United States sa 1898
Kasunduan sa Paris. At noong Hulyo 4, 1946, matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ng 50 taong
pamamahala ng mga Amerikano, at mahigit tatlong taon
ng pannakop ng mga Hapones, ay kinikilala ng United
States ang kalayaan ng Pilipinas sa Kasunduan sa Maynila.
Panandaliang ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng
Pilipinas tuwing ika-4 ng Hulyo. Ngunit noong 1962,
nagpasiya ang noon ay Pangulo ng Pilipinas na si Diosdado
P. Macapagal, sa pamamagitan ng paglagda sa Batas
Republika Blg. 4166, nailipat ang pagdiriwang ng Araw ng
Kalayaan sa Hunyo 12. Ito ay bilang paggunita sa
makasaysayang araw noong 1898 nang iproklama ni
Heneral Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas.
Si Pangulong Ferdinand E. Marcos, ang humalili kay
Pangulong Macapagal, ang kalaunan at nagdeklara na ang
Hulyo 4 ay kikilalanin bilang Philippine – American Friendship
Day.
Bawat lalawigan sa bansa ay nakikipagtulungan sa
pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan taon-taon. Halimbawa ang
lalawigan ng Romblon, sa ika-116 Araw ng Kalayaan noong
2014, ay nagsagawa ng pagwagayway ng flaglets, pagtataas
ng bandila sa bawat munisipyo, at pag-aalay ng bulaklak sa
bantayog ni Gat Jose Rizal na madalas ay nilalahukan ng mga
opisyales at kawani ng pamahalaang pambansa,
panlalawigan at pambayan, mga guro, mag-aaral, mga
sundalo, pulis, bumbero, pribadong sektor, at non-
governement organizations (NGO). May itinakda ring tema sa
bawat taon tulad ng: “Tagumpay sa Pagbabagong
Nasimulan, Abot-kamay na ang Bayan” noong 2015
Nakadalo ka na rin ba ng pagdiriwang ng
Araw ng Kalayaan sa inyong bayan?
Tungkulin mo ito bilang isang Pilipino. Makiisa sa
pagdiriwang ng ating kalayaan. Gunitain ang
kabayanihan at kadakilaan ng mga Pilipinong
nauna sa atin upang pagkalooban tayo ng isang
malayang bansa kung kaya tayo ngayon ay
kabilang sa mamamayang malaya. Mabuhay
ang ating bansang malaya!
Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa iyong
karanasan.

1. Tangan – tangan ko na ang pagkain ni Chan-Chan at pakakainin na siya.


a. hawak-hawak c. inihanda
b. bitbit d. ibinigay
2. Panandalian lamang ang pagbabakasyon sa Pilipinas nina Rose at ng
asawa niya.
a. matagal tagal c. maikling panahon lamang
b. saglit lamang d. matagal
3. Nakahanda na ang telon para sa ipapalabas na pelikula sa plasa.
a. malaking screen c. malaking telebisyon
b. puting tela d. kurtina
4. Mula sa balkonahe ng munisipyo, tanaw ang buong bayan ng San Felipe.
a. entabladong nakausli sa dingding ng gusali
b. isang uri ng teleskopyo
c. bahagi ng bahay o gusali
d. lugar para sa pagpapalipas-oras
5. Ang aming mayor ay magaling na diplomatiko.
a. mahusay magsalita
b. politiko
c. taong matalino, matalas, at mahusay sa pakikipag-unawaan
d. kasanayan sa personal na ugnayan
6. Kapag araw ng piyesta sa aming bayan, madaling-araw pa lamang ay
umiikot na ang banda ng musiko para salubungin ang magandang
araw ng pagdiriwang.
a. pangkat ng mananayaw
b. pangkat ng musikero
c. pangkat ng mga mamamayan
d. pangkat ng payaso
7. Marami ang banyagang nagnanais makapamasyal sa ating bansa.
a. likas na mamamayan c. mahilig makipagsapalaran
b. makabayan d. dayuhan; hindi mamamayan ng bansa
8. Naging maunlad ang aming barangay dahil sa masinop na
pamamhala ng aming barangay chairman.
a. pangangasiwa c. pagtrato
b. pagkontrol d. pagdisiplina
9. Kay gandang pagmasdan ang pagmartsa ng mga kadete.
a. pagkandirit
b. paghawak ng mga sable
c. pagtataas ng mga watawat
d. sabay-sabay na paglalakad
10. Mga huwarang kawani ang aking mga magulang.
a. manggagawa c. diyanitor
b. empleyado d. mensahero
Pag- unawa sa binasa.
1 .Ano ang mahalagang pangyayari sa Pilipinas noong
Hunyo 12, 1898?

2. Kailan ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng


Pilipinas?

3. Bakit kaya inilipat ni Diosdado Macapagal ang


pagdairiwang ng “ Araw ng Kalayaan “ sa Hunyo 12?
Basahin ang mga pangungusap sa loob ng bandila.

Makiisa sa pagdiriwang ng “Araw ng


Kalayaan “ sa inyong bayan.

Mabuhay ang ating bansang Malaya!

Isinuko ng Espana ang Pilipinas sa United


States , sa 1898 Kasunduan sa Paris.

Kailan idiniklara ni Emilio Aguinaldo ang “


Kalayaan ng Pilipinas”
• Ang pangungusap ay may ibat-ibang uri
ayon sa gamit. Ting nan at suriin ang mga
salitng ginamit.
• Ilang pangungusap mayroon sa watawat?
• Ilang uri ng pangungusap ang nabasa
nyo?
• Tulad ng nasabi natin sa taas o unahan,
anong uri ng pangungusap ang
nababatay sa gamit nito?
Apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit:
1. Pasalaysay – Nagbibigay ito ng impormasyon o kaalaman.
Nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Isinuko ng bansang Espana ang Pilipinas sa
America sa 1898 Treaty of Paris.
2. Patanong – Nagtatanong ito o humihiling ng kasagutan.
Nagtatapos sa tandang pananong (?)
Halimbawa:Alam mo ba ang kasaysayan ng pagdiriwang ng
ating Araw ng Kalayaan?
3. Pautos – Nag-uutos o nakikiusap ito. Nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Makiisa sa pagdiriwang ng ating kalayaan.
4. Padamdam – Nagsasaad ito ng matingding damdamin tulad
ng tuwa, lungkot, pagkagulat, at iba pa. Nagtatapos sa
tandang pandamdam (!)
Halimbawa: Mabuhay ang ating bansang malaya!
Tukuyin ang sumusunod na pangungusap ay
pasalaysay, patanong , pautos, o , padamdam. Isulat sa
patlang ang inyong sagot.
_______1.Ginugunita ngayon ang Araw ng Kalayaan sa
Naga City.
_______ 2. Nag –alay ang pangulo ng bulaklak sa
dambana ng Quince Martires.
_______ 3. Bakit tinaguriang Quince Martires ang Naga
City?
_______ 4. Piliin ang mga kandidatong kayang ipaglaban
ang interes ng bawat mamamayan.
_______ 5. Naniniwala ka bang ang tunay na kalayaan
ay natamo ng mga Pilipino noong Hulyo 4, 1946?
Paglalahat
Ang apat na uri ng pangungusap ay
ang pasalaysay, patanong, pautos, at
padamdam. Ano ba ang kahulugan
ng mga ito at sa anong bantas ito
nagtatapos?
Malayang Pagsasanay
Basahin at isulat sa patlang kung anong uri ng
pangungusap ang nasa bawat bilang. Lagyan ng
wastong bantas ang kahon.
_____1.Naku, ang liit pala ng bansang kinalalagyan natin
ngayon
____ 2.Humanap ka ng globo o mapa
_____3. Saan sa Canada nakatira si ate Rosa
_____4. Marami – rami na ring pook ang narating
naming dito
_____5.Pakituro mo nga sa akin ang lugar na ito
Paglalapat
Ipahayag sa ibat ibang paraan ang pangungusap na
nakakahon
• Pasalaysay: Magandang mamasyal sa ibang
bansa.
• Patanong: Maganda bang mamasyal sa ibang
bansa?
• Padamdam: Wow! Ang gandang mamasyal
sa ibang bansa.
• Pautos: Mamasyal tayo sa ibang bansa.
Pagtataya
Isulat kung ang pangumgusap ay palaysay, patanong, pautos o pakiusap
at padamdam. Lagyan ng wastong bantas ang mga pangungusap.
_______1. Mag aral upang hindi ka maging pasanin ng bayan____
_______2.Ayoko, ayokong sumama sa iyo_____
_______3. Inay, isasama nyo pa ba ako sa plasa_____
_______4. Tigil! Bawal dumaan diyan_______
_______5. May maganda ba tayong bukas kung tayoy mag-aaral_____
_______6. Maraming kapakipakinabang na bagay an gating makukuha
kung tayo ay may pinag aralan___
________7. Ang yaman ng PIlipinas ay nasa kabataang nagsisikap mag aral
upang ang bayan ay mapaunlad____
________8. Kawawaw naman siya____
_________9.Kagulat gulat ang kakayahan ng mga Pilipino sa lahat ng
bagay_____
_________10. Tumulong ka sa iyong mga magulang_____
Takdang Aralin
Sumulat ng tig-dadalawang pangungusap
base sa apat na uri ng pangungusap;
Pasalaysay, Patanong, Pautos, at
Padamdam.

You might also like