You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
DIVISION OF CAMIGUIN
District of Catarman
CATARMAN CENTRAL SCHOOL
Catarman, Camiguin SCORE

Name: __________________________________ Grade & Section: _____________________


Teacher: GHEBRE D. PALLO Date: MAY 24, 2023
WEEKLY SUMMATIVE TEST
P.E. 5 – 4TH QUARTER Week 3

I. Basahin ang mga pahayag at piliin ang tamang sagot. Bilugan lamang ang
tamang sagot.

1. Ang sayaw na ito ay nagmula sa Cabugao, Ilocos. At pinaniniwalaang itinuro rito sa ating bansa ng
mga mangangalakal na Ingles noong unang panahon.
a. Ba-Ingles b. Cariñosa c. Tiklos d. Banga Dance
2. Ito ay isang kontemporaryong sayaw ng mga taga Hilagang bahagi ng Pilipinas na may jar na
dinadala ang mga babaeng mananayaw sa kanilang ulo habang sumasayaw. Ipinapakita nito ang
kasanayan at lakas ng mga kababaihan.
a. Cariñosa b. Banga dance d. Tiklos d. Pandanggo sa Ilaw
3. Isang sayaw ng lambingan na nagmula sa isla ng Panay sa Kabisayaan. Ang ikinatatangi ng sayaw na
ito ay ang paglalangkap ng larong taguan.
a. Cariñosa b. Tiklos c. Polka sa Nayon d. Ba-Ingles
4. Nakabase ang mga hakbang ng sayaw na ginagamit mula sa mga napapanood sa telebisyon. Ngunit
kung iyong susuriin at pagmamasdan, ang bawat hakbang na ginagamit sa pag-indak ay hango pa rin
sa katutubong galaw.
a. Tiklos b. Polka sa Nayon c. Pandanggo sa Ilaw d. Malikhaing Sayaw
5. Ito ay katutubong sayaw sa Lubang at Mindoro. May tatlong oil lamps ang nagsasayaw na babae.
Maninimbang siya ng isang oil lamp sa ibabaw ng ulo at dalawang naman sa mga kamay, pero hindi
humahawak ang daliri ng mananayaw.
a. Ba-Ingles b. Tiklos c. Pandanggo sa Ilaw d. Banga Dance
6. Ito ay isang uri ng sinaunang sayaw na nakilala mula sa probinsya ng Batangas. Sikat ito dahil isa ito
sa mga sinasayaw sa mga malalakihang pagdiriwang tulad ng mga piyesta sa nayon at iba pa.
a. Polka sa Nayon b. Cariñosa d. Tiklos d. Ba-Ingles
7. Ito ay isang katutubong sayaw na nagmula sa Leyte. Tumutukoy ito sa isang linggo nang pag-aayos
ng lupa para sa pagtatanim ng bukid at iba pang gawain sa bukid, kasama na dito ang pagpapatayo
ng bahay.
a. Pandanggo sa Ilaw b. Ba-Ingles C. Polka sa Nayon d. Tiklos

II. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek () ang linya kung
nagpapakita ito ng tama ang pahayag at () kung hindi.
________1. Mananayaw ang tawag sa taong sumasayaw bata man o may edad.
________2. Ang “Pandanggo sa Ilaw” ay sayaw na nagpapakita ng kasanayan at lakas ng mga kababaihan
habang nagdadala sila ng mabibigat na luad na kaldero (banga).
________3. Ang “Malikhaing Sayaw” ay ang paggawa ng sariling hakbang sa pagbuo ng sariling sayaw.
________4. Ang “Cariñosa” ang isang sayaw ng lambingan na gumagamit ng panyo at pamaypay.
________5. Kailangan ng magagandang bikas at mahusay na panimbang sa pagsasayaw ng “Tiklos”.
________6. Ang sayaw na Ba-Ingles ay nagmula sa salitang “balance” at “Ingles”.
________7. Tinggoy ang tawag sa oil lamps na ginagamit sa pagsasayaw ng Pandanggo sa Ilaw.
________8. Ang "Banga" ay isang earthen pot na gawa sa luwad o molden clay na maaaring maging bilog o
spherical jar.

Prepared by:

GHEBRE D. PALLO
Subject Teacher

_________________________________
Parent’s Signature

You might also like