You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
Division of Quezon
UNGOS INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Ungos Real, Quezon

TABLE OF SPECIFICATION
IKALAWANG MARKHANG PAGSUSULIT 7
Topics No. of Weight No. of Knowledge Skill Understanding
Days Percentage Items 60% 30% 10%
Target
A. Awiting-Bayan at Bulong mula 6 19% 8 5 2 1
sa Kabisayaan
B. Antas ng Wika 6 19% 9 5 3 1
 Balbal, Kolokyal at
lalawiganin
C. Alamat 6 19% 9 5 3 1
 Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan
Mga Pahayag sa Paghahambing
at Pang Kaantasan ng Pang-uri
 Lantay, Pahambing at
Pasukdol
D. Dula 6 20% 9 5 3 1
 Ang Tambuli ni Ilig
 Editoryal o Pangulong
Tudling
E. Epiko 7 23% 10 6 3 1
 Hinilawod
 Pagsasalaysay o
Paglalahad
 Sukat, Tugma, at
Talinghaga sa Tula
KABUUAN 31 100% 45 26 14 5

Inihanda: Checked by:

FEBBIE F. AVENO EMILY B. BERMAS


SSTI- Filipino Head Teacher- III

Pinagtibay ni:

YOLENY R. PORTALES
Principal IV
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
Division of Quezon
UNGOS INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Ungos Real, Quezon

IKALAWANG MARKHANG PAGSUSULIT 7

Pangalan: ___________________________ Petsa:__________________ Baitang/Pangkat:______________

I. Panuto: Piliin at Ilagay sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Nagsimula ito bilang mga tulang may sukat at tugma subalit kalauna’ nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta.
a. Awiting bayan b. kwentong bayan c. bulong d. tula
_____2. Ito ay ginagamit bilang pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan at sa iba pang
lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang lupa o maligno.
a. Awiting bayan b. kwentong bayan c. bulong d. tula
_____3. Ang awiting-bayang “Si Pilemon” ay halimbawa ng uri ng awiting-bayang _____________.
a. Balitaw b. Dalit c. Soliranin d. Oyayi o Hele
_____4. Ang awiting-bayang “Ili-ili Tulog Anay” ay nabibilang naman sa Uri ng Awiting-Bayang ____________.
a. Balitaw b. Dalit c. Soliranin d. Oyayi o Hele
_____5. Ang “Lawiswis Kawayan” ay isang uri ng awiting-bayan na tinatawag na _______________.
a. Balitaw b. Dalit c. Soliranin d. Oyayi o Hele
_____6. Mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa wika.
a. Balbal b. Kolokyal c. Lalawiganin d. Pampanitikan
_____7. Isang uri ng mga salitang di pormal na madalas ginagamitan ng papaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita. Maaari ring
pagsamahin ang dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles o “Tanglish.
a. Balbal b. Kolokyal c. Lalawiganin d. Pampanitikan
_____8. Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o kalye.
a. Balbal b. Kolokyal c. Lalawiganin d. Pampanitikan
_____9. Mga salitang karaniwang ginagamit sa probinsya o kaya’y particular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
a. Balbal b. Kolokyal c. Lalawiganin d. Pampanitikan
____10. Ito ay nangangahulugan legend sa Ingles at legendus naman sa salitang Latin.
a. Kwentong-Bayan b. Alamat c. Epiko d. Epiko
____11. Ito ay kaantasan ng pang-uri na naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip.
a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Panghalip
____12. Ito ay kaantasan ng pang-uri na nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian ng paghahambing ng higit sa
dalawang pangngalan o panghalip.
a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Panghalip
____13. Ito ay kaantasan ng pang-uri na naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.
a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Panghalip
Panuto para sa 14-15: Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod salita ayon sa digri o antas ng kahulugan nito. 1 para sa
pinakamababaw at 4 sa pinakamatindi ang digri. Piliin ang titik sa ibaba ng kahon.

____ inis _____14.


____ poot a. 1-2-3-4 c.1-4-3-2
____ galit b. 2-3-1-4 d. 4-1-3-2
____ tampo

_____15. ____ pagliyag


____ pagsinta a. 4-3-2-1 c.2-3-1-4
____ pagmamahal b. 2-4-3-1 d. 4-2-1-3
____ paghanga
_____16. Ito ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu.
a. Balitang pandaigdig b. Balitang panlalawigan c. Editoryal d. Panlibangan
_____17. Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula. Gumagamit ito ng mga tayutay. a.
Sukat b. Tugma c. Talinghaga d. Sesura
_____18. Isang mahalagang elementong nagbibigay ng higit na rikit o ganda sa isang tula ay ang pagkakaroon ng magkakapareho
o magkakasintunog na dalumpantig na tinatawag na ____________.
a. Sukat b. Tugma c. Talinghaga d.Sesura
_____19. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
a. Sukat b. Tugma c. Talinghaga d. Sesura
_____20. Ito ay tumutukoy sa saglit na tigil sa gitna o sa ikaanim na pantig.
a. Sukat b. Tugma c. Talinghaga d. Sesura
II. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal.
__________21. Bagets ___________26. Jowa
__________22. Nasan ___________27. Sanggunian
__________23. Kahati sa Buhay ___________28. Inang
__________24. Pandong ___________29. Charing
__________25. Matalino ___________30. Ina

II. Panuto: Suriin kung kaantasan ng pang-uri na may salungguhit sa bawat pangungusap ay LANTAY, PAHAMBING o PASUKDOL.
________________31. Mas mahirap ang hamon sa mga magulang ngayon kaysa noon.
________________32. Ang tamang paggabay sa mga anak ay mas mainam pa ring paraan ng pagtuturo kaysa sa labis na
pamamalo o pananakit ng bata.
________________33. Ang mabuting anak ay marunong sumunod sa payo ng magulang.
________________34. Ang pinakamalaking hamon para sa lahat ng magulang ay kung paano mapalaki ng mabuti at may
magandang-asal ang kanilang mga anak.
________________35. Malaki ang responsibilidad ng mga magulang sa pagpapalaki ng anak.

III. Panuto: Punan ng angkop na salitang ginagamit sa pagsunod-sunod ng pangyayari upang mabuo ang diwa ng pagsasalaysay sa
ibaba.

Maya-maya Sa wakas Isang araw Hindi nagtagal Samantala

Basahin at Unawain:
(36) ________, isang pangkat ng mga taong nakaputi ang dumating sa tambakan. Dalá ang isang straightjacket o isang
kasuotang may mahabang manggas na puwedeng itali sa likuran upang hindi makapalag ang susuotan, hinanap nila si Pinkaw.
(37) _______, ang lahat ng kapitbahay ay nagsilabas upang makita ang susunod na mangyayari. (38) _________ pa'y naririnig
na ang sigaw ng tumututol na si Pinkaw habang sinusuotan siya ng straightjacket. (39) ______ ay umalingawngaw ang tunog ng
papalayong ambulansiya. (40) __________, may nagmalasakit din upang mapagamot si Pinkaw.

IV. Tukuyin ang talinghaga o tayutay na ginamit sa bawat bilang. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Pagtutulad (Simili) B. Pagwawangis (Metaphor) C. Pagsasatao(Personipikasyon) D. Pagmamalabis (Hyperbole)


E. Panawag (Apostrophe) F. Pagtanggi (Litotes)

_____41. Hindi ko sinasabing madumi ka, pero mukha kang pulubi.


_____42. Babagsak na sa lupa ang iyong mukha, ngumiti ka naman.
_____43. Umiiyak ang medyas sa baho ng paa niya.
_____44. Rosas sa pula ang kaniyang mga labi.
_____45. Sa sobrang linaw ng mata mo, di mo nakita iyang kanal kaya ka nahulog.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
Division of Quezon
UNGOS INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Ungos Real, Quezon

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan: ___________________________ Petsa:__________________ Baitang/Pangkat:______________


Panuto: Piliin at ilagay sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ang awiting-bayang “Si Pilemon” ay halimbawa ng uri ng awiting-bayang _____________.
a. Oyayi o Hele b. Balitaw c. Dalit d. Soliranin
_____2. Ang awiting-bayang “Ili-ili Tulog Anay” ay nabibilang naman sa Uri ng Awiting-Bayang ____________.
a. Oyayi o Hele b. Balitaw c. Dalit d. Soliranin
_____3. Ang “Lawiswis Kawayan” ay isang uri ng awiting-bayan na tinatawag na _______________.
a. Oyayi o Hele b. Balitaw c. Dalit d. Soliranin
_____4. Mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa wika.
a. Pampanitikan b. Lalawiganin c. Balbal d. Kolokyal
_____5. Isang uri ng mga salitang di pormal na madalas ginagamitan ng papaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita.
Maaari ring pagsamahin ang dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles o “Tanglish.
a. Pampanitikan b. Lalawiganin c. Balbal d. Kolokyal
_____6. Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o kalye.
a. Pampanitikan b. Lalawiganin c. Balbal d. Kolokyal
_____7. Ito ay nangangahulugan legend sa Ingles at legendus naman sa salitang Latin.
a. Kwentong-Bayan b. Alamat c. Epiko d. Epiko
_____8. Ito ay kaantasan ng pang-uri na naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip.
a. Panghalip b. Pasukdol c. Latay d. Pahambing
____9. Ito ay kaantasan ng pang-uri na nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian ng paghahambing
ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip.
a. Panghalip b. Pasukdol c. Latay d. Pahambing
____10. Ito ay kaantasan ng pang-uri na naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.
a. Panghalip b. Pasukdol c. Latay d. Pahambing
Panuto para sa 11: Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod salita ayon sa digri o antas ng kahulugan nito. 1 para sa
pinakamababaw at 4 sa pinakamatindi ang digri. Piliin ang titik sa ibaba ng kahon.

_____11.. ____ inis a. 1-2-3-4 c.1-4-3-2


b. 2- ____ poot 3-1-4 d. 4-1-3-2
____ galit
____ tampo

_____12. Ito ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang
isyu.
a. Balitang pandaigdig b. Balitang panlalawigan c. Editoryal d. Panlibangan
_____13. Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula. Gumagamit ito ng mga
tayutay. a. Sukat b. Tugma c. Talinghaga d. Sesura

_____14. Isang mahalagang elementong nagbibigay ng higit na rikit o ganda sa isang tula ay ang pagkakaroon ng
magkakapareho o magkakasintunog na dalumpantig na tinatawag na ____________.
a. Sukat b. Tugma c. Talinghaga d.Sesura
_____15. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
a. Sukat b. Tugma c. Talinghaga d. Sesura

II. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal.
__________16. Sanggunian __________19. Kahati sa Buhay
__________17. Inang __________20. Charing
__________18. Matalino

III. Panuto: Suriin kung kaantasan ng pang-uri na may salungguhit sa bawat pangungusap ay LANTAY, PAHAMBING o
PASUKDOL.

___________21. Higit na mas bago ang bahay ng Pamilya Ramirez kaysa Pamilya Cruz.
___________22. Maagang umuwi si Patrick.
___________23. Maganda si Loisa.
___________24. Pinakamaganda si Loisa sa kanilang magkakaibigan.
___________25. Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.

IV. Punan ng angkop na salitang ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari upang mabuo ang diwa ng
pagsasalaysay sa ibaba.

Maya-maya Isang-araw Noong unang panahon Hindi nagtagal Dali-dali

(26)_______________ may isang maralitang mag-linang nakatirá sa tambakan. (27)_____________, nagkasakit ang
mga batà dahil nakakain sila ng pagkaing sirâ na napulot ng ina sa tambakan. (28)_____________ naghanap ang ina ng
makatutulong sa kanila. Nagkataong naroon si Donato, ang kapitbahay na nagmamalasakit sa pamilya.
(29)________________ pa'y isinugod ang mga batà sa pinakamalapit na pagamutan.(30) _____________ at ligtas na
inuwi ang mga batà. Salamat sa maagap na pagtulong ng isang mabuting kapitbahay.

V. Tukuyin ang talinghaga o tayutay na ginamit sa bawat bilang. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.

A.Simili o Pagtutulad B. Metapora o Pagwawangis


C. Personipikasyon o Pagsasatao D. Hayperboli o Pagmamalabis

________31. Ang lolo ko ay parang leon sa katapangan. ________32. Galit na bumuhos ang ulan kahapon.
________33. Abot-langit ng pagmamahal niya sa aking kapatid. ________34. Ang kanilang bahay ay malaking
palasyo.
________35. Ang sanggol ay anghel sa kabaitan.

VI. ENUMERASYON.
A. Magbigay ng 5 Uri ng Maikling Kwento (36-40)
36.
37.
38.
39.
40.

You might also like