You are on page 1of 11

Talahanayan ng Espisipikasyon

Ikatlong Panahunang Pagsusulit sa FILIPINO 7


S.Y. 2018-2019

PAKSANG BILANG BAHAGDAN MADALI KATAMTAMAN MAHIRAP TOTAL


ARALIN NG 70% 20% 10% NO. OF
ARAW ITEMS

 Tugmang De 8 17.78% 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 8
Gulong
 Fliptop

 Komunikasyong 5 11.11% 9. 10. 11. 13. 14. 6


Berbal at Di- 12.
berbal

 Gaano kita 6 13.33% 31. 32. 33. 34. 35. 5


Kamahal

 Mitolohiya 9 20.1% 41. 42. 43. 48. 49. 50. 10


44. 45. 46.
47.

 Alamat ng 5 11.11% 19. 20. 21. 23. 24. 6


Bulkang Taal 22.
 Alamat ng
Ampalaya

 Uri ng 4 8.88% 36. 37. 38. 39. 40. 5


kuwentong
bayan
 Ang Duwende

 Global warming 5 11.11% 25. 26. 27. 29. 30. 6


sa Pilipinas 28.
 Ang Pag-ibig

 Ang Pamilya 3 6.67% 16. 17. 18. 15. 4


 Ang Pamilya at
ang kinabukasan

KABUUAN 45 100% 33 10 7 50
BALIGUIAN NATIONAL HIGH SCHOOL, NONOYAN EXTENSION
Nonoyan, Baliguian, Zamboanga del Norte
S.Y. 2018-2019
Ikatlong Panahunang Pagsusulit
Filipino 7

Pangalan:_____________________________ Antas & Seksyon:_________________ Petsa:_____________

TEST I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inilaang patlang.

_____1. Ito ay mga salita o pangungusap na nagpapa-alala sa atin, ito ay nakalagay sa bus, jeep, tricycle, at
iba pa.
a. Tugmang de Gulong b. Tulang Panudyo c. Salawikain d. Palaisipan
_____2. Ito ay isang uri ng akdang patula na ang nilalaman at layunin ay ang pag-iinsulto, panunukso o pang-
uuyam.
a. Tulang Panudyo b. Tugmang de Gulong c. Palaisipan d. Salawikain
_____3. Ito ay isang problema o suliranin na ginagamitan ng katalinuhan sa pagsasagot. Maaari rin itong isang
uri ng bugtong o riddle sa Ingles na sumusubok sa katalinuhan ng lumulutas.
a. Palaisipan b. Salawikain c. Tulang Panudyo d.Tugmang de Gulong
_____4. “Tatay mong bulutong puwede nang igatong, nanay mong maganda puwede nang ibenta” ito ay isa
sa mga halimbawa ng?
a. Tulang Panudyo b. Palaisipan c. Tugmang de Gulong d. Salawikain
_____5. Anong taon itinatag ang Fliptop sa Pilipinas?
a. 2009 b. 2010 c. 2011 d. 2012
_____6. Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula.
a. Talumpati b. Fliptop c. Balagtasan d. Wala sa nabanggit
_____7. Ito ay tinaguriang kauna-unahan at pinakamalaking rap battle conference sa Pilipinas.
a. Talumpati b. Fliptop c. Balagtasan d. Wala sa nabanggit
_____8. Sinu-sino ang nagtatag ng Fliptop sa Pilipinas?
a. Arlic Yuson & Romeo Bandoria c. Alaric Riam Yuson & Romeo Borrondia
b. Arlaric Rias Yuson & Romea Borobdia d. Arlik Rias Yus & Romeo Borrondia
_____9. Ito ay paraan ng pakikipagkomunikasyon na ginagamitan ng wika upang maipahayag ang nais ibahagi
na impormasyon.
a. Komunikasyon b. Komunikasyong Di-berbal c. Komunikasyong Berbal d.Wala sa lahat
_____10. Ito ay paraan ng pakikipagkomunikasyon kung saan ang ginagamit na paraan ay mga senyales o
galaw ng katawan para magbahagi ng impormasyon.
a. Komunikasyon b. Komunikasyong Di-berbal c. Komunikasyong Berbal d.Wala sa lahat
_____11. Ang komunikasyon ay hango sa kastila at nagiging panumbas sa tagalog ang katawagang _________.
a. Komunikasyon b. Wika c. Talastasan d.Pakikipagtalastasan
_____12. Ang __________ ay instrumento sa pakikipagtalastasan at tulay upang magkakaintindihan.
a. Dayalogo b. Wika c. Sulat d. Wala sa mga nabanggit
_____13. “Sabay na pagtaas ng dalawang balikat” ay isa sa mga halimbawa ng anong uri ng komunikasyon?
a. Komunikasyong Di-berbal c. A & B
b. Komunikasyong Berbal d. Wala sa mga nabanggit
_____14. Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni_________________.
a. Edwin T. Hell b. Eduard T. Hall c. Edweerd T. Hell d. Edward T. Hall
_____15. Ito ay itinuturing bilang pinakamaliit na unit sa isang komunidad. Ito ay binubuo ng mga magulang
at ng kanilang mga anak.
a. Magkasintahan b. Pamilya c. Mag-ina d. Mag-ama
_____16. Siya ang pinakapuno ng pamilya, ang nasusunod at nagpapasya para sa pamilya.
a. Ama b. Ina c.Ate at Kuya d. Lahat ng nabanggit
_____17. Siya ang bahala sa gawaing bahay at sa pag-aalaga ng mga bata. Siya rin ang humahawak ng pera
ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya.
a. Ama b. Ate at Kuya c.Ina d. Lahat ng nabanggit
_____18. Hindi matatawag na pamilya ang isang mag-asawa kapag walang?
a. Bahay b. Kasal c. Ampon d. Anak
_____19. Ayon sa Sali’t saling sabi ng matatanda, ang mga bayan at lalawigan sa _________________, ay
nahahati ng mga ilog at magubat na kagubatan.
a. Gitnang Luzon b. Gitnang Visayas c. Gitnang Mindanao d. A & B
_____20. Ang matandang ito ay siyang sinusunod ng mga tao, palibhasa’y mabuti at matalino ang kaniyang
pamamahala.
a. Lakan Pinatubo b.Lakana Mayon c.Lakan Taal d. Apo
_____21. Bakit pinulong ni Lakan Taal ang kanyang nasasakupan?
a. Upang magkaroon ng botohan.
b. Upang sabihin sa kanyang nasasakupan na mula sa araw na ito ay ipinagbabawal na ang pag-akyat
sa tuktok ng bundok.
c. Dahil may lumabag sa kaniyang batas.
d. Dahil may mga batas sila na dapat pag-usapan.
_____22. Sa hindi pa natatapos ang pangungusap ng Lakan, ay biglang _____________.
a. Lumindol b. Umulan c. Kumidlat & Kumulog d. Umaraw
_____23. Sino ang may akda ng Alamat ng Bulkang Taal?
a. Emilio Martinez b. Antonie Emilio Martinez
b. Antonio Emilio Martinez d. Mario Emilio Martinez
_____24. Isang uri ng kuwentong bayan na tumatalakay kung saan nagmula ang isang bagay-bagay sa daigdig.
a. Mito b. Parabula c. Pabula d. Alamat
_____25. Ito ay mga panandang nagbibigay-linaw sa mga mahihirap na bahagi ng teksto o naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. Gitna b. Panandang Pandiskurso c. Simula d.Wakas
_____26. Ito ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista ng may katha.
a. Sanaysay b. Salaysay c. Pangungusap d. A & B
_____27. Ito ay sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay
naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunod-sunod upang lubos na
mauunawaaan ng bumabasa.
a. Pormal o Maanyo c. Impormal
b. Di- Pormal d. B & C
_____28. Ito ay mga sanaysay na naglalaman ng pansariling saloobin ng may-akda, palagay at magaan ang
tono ng mga salita anupat may himig na parang nakikipag-usap lamang sa isang kaibigan.
a. Di-Pormal b. Pormal c. Maanyo d. Wala sa mga nabanggit
_____29. Ito ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmospera at ang patuloy na paglala
nito.
a. Fossil Fuels b. Ozone Layer c. Warming d. Global Warming
_____30. Ang _________ang siyang nagsisilbing tagasala nito o filter upang ang mga mabubuting sinag
lamang ang makapasok sa ating atmosphere.
a. Fuels b. Fossil Fuels c. Ozone Layer d. Global Warming

TEST II. Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Hanapin ang sagot sa kahon.
______________31. Ito ay awiting panghele sa bata o “lullabies”.
______________32. Ito ay awit ng pag-ibig, o “love songs”.
______________33. Ito ay awit sa tagumpay sa pakikidigma.
______________34. Ito ay awitin tungkol sa kasal, o “nuptial”.
______________35. Ito ay awit na panrelihiyon o awitin sa simbahan.
______________36. Ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhaing-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga
uri ng mamamayan.
______________37. Ito ay kuwento tungkol sa mga Diyos at Diyosa.
______________38. Isang uri ng kuwentong bayan na ang mga pangyayari ay buhat sa mga aral o mga
kaganapan na matatagpuan sa Bibliya.
______________39. Isang uri ng kuwentong bayan na tumatalakay kung saan nagmula o ano ang
pinanggalingan ng isang bagay o hayop.
______________40. Ito ay pumapaksa sa mga nagsasalitang hayop na inihambing sa mga tao dahil sa mga pag-
uugali at katangian na taglay ng bawat isa.

Alamat
Oyayi
Kuwentong Bayan
Kundiman
Diyona
Pabula
Sambotani

Dalit Parabula
Mito
TEST III. Panuto: Piliin sa Hanay B. ang angkop na sagot sa Hanay A. Titik lamang ang isulat sa
inilaang patlang.
HANAY A. HANAY B.
_________41. Siya ang hari ng mga Diyos. Asawa niya si Hera. A.Hades
_________42. Siya ang panginoon ng Imperyo. B. Athena
_________43. Siya ang Diyos ng Digmaan. C. Poseidon
_________44. Siya ang hari ng Karagatan at Lindol. D.Appolo
_________45. Siya ang Diyos ng mga Salot at Paggaling. E. Hestia
_________46. Siya ang Reyna ng mga Diyos. F. Aphrodite
_________47. Siya ang Diyos ng karunungan, kuwago ang ibong maiuugnay sa kanya. G. Zeus
_________48. Siya ang Diyos ng Apoy. H. Hera
_________49. Siya ang Diyos ng kagandahan at pag-ibig. I. Hephaestus
_________50. Siya ang Diyos ng Apoy mula sa pugon. J. Ares

“PAGLUMINGON KA, BAGSAK KA”

Good luck and GOD Bless 

Inihanda ni:
David Mark C. Barazon
Teacher I
MGA SAGOT:

TEST I.

1. A 11. D 21. B
2. A 12. B 22. C
3. A 13. A 23. B
4. B 14. D 24. D
5. B 15. B 25. B
6. C 16. A 26. A
7. B 17. C 27. A
8. C 18. D 28. A
9. C 19. A 29. D
10. B 20. C 30. C

TEST II.

31. OYAYI
32. KUNDIMAN
33. SAMBOTANI
34. DIYONA
35. DALIT
36. KUWENTONG-BAYAN
37. MITO
38. PARABULA
39. ALAMAT
40. PABULA

TEST III.

41. G
42. A
43. J
44. C
45. D
46. H
47. B
48. I
49. F
50. E
Talahanayan ng Espisipikasyon
Ikatlong Panahunang Pagsusulit sa FILIPINO 8
S.Y. 2018-2019

PAKSANG BILAN BAHAGDAN MADALI KATAMTAMAN MAHIRAP TOTAL


ARALIN G NG 70% 20% 10% NO. OF
ARAW ITEMS
TUNGKOL SA 8 17.78% 1. 2. 3. 4. 5. 7. 6. 9
KUWENYO 8. 9.
 “Lupang
Tinubuan”- ni
Narciso G. Reyes

DULA 3 6.67% 10. 11. 12. 13. 4


 Elemento ng Dula

 Mga Aspekto ng 16 35.54% 36.37. 38. 47. 48. 49. 50. 15


Pandiwa 39. 40. 41.
42. 43. 44.
45. 46.

 Mga Pahayag ng 4 8.88% 31. 32. 33. 34. 35. 5


pagsang-ayon at
pagsalungat

 Mga Antas ng 8 17.78% 14. 15. 16. 20. 21. 22. 9


Wika 17. 18. 19.

MGA ANYO NG 6 13.33% 23. 24. 25. 28. 29. 30. 8


KONTEMPORARYONG 26. 27.
PANAHON
 Tabloid
(Pahayagan)
 Magasin
 Komiks

KABUUAN 45 100% 34 10 6 50
BALIGUIAN NATIONAL HIGH SCHOOL, NONOYAN EXTENSION
Nonoyan, Baliguian, Zamboanga del Norte
S.Y. 2018-2019
Ikatlong Panahunang Pagsusulit
Filipino 8

Pangalan:_____________________________ Antas & Seksyon:_________________ Petsa:_____________

TEST I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inilaang patlang.

_____1. Kailan sinakop ng bansang Hapon ang Pilipinas?


a. 1941-1945 b. 1941-1944 c. 1931-1945 d. 1931-1944
_____2. Kung ang Espanyol tinuruan tayo ng wikang Kastila ang Amerikano ay wikang Ingles, ano naman ang
sa Hapon?
a. Wikang Nihonggo c. Wikang Filipino
b. Wikang Korean d. Wikang Jejemon
_____3. Ito ay isang uri ng tula na may sukat na 5-7-5 at binubuo ng tatlong taludtod.
a. Tanaga b. Duplo c. Haiku d. Dalit
_____4. Sino ang may akda ng “Lupang Tinubuan”?
a. Teodoro Gener b. Severino Reyes c. Fray Francisco de San Jose d. Narciso G. Reyes
_____5. Sa panahon ng mga Hapones ang mga nagsipag tapos ay binibigyan ng katibayan. Alin dito ang hindi
kabilang?
a. Junior b. Intermediate c. Senior d. College
_____6. Paano nakitungo ang mga hapon sa mga Pilipino?
a. Naging malupit c. Ginawang alipin ang mga Pilipino
b. Pang-aabuso at pagpapahirap d. Lahat ng nabanggit
_____7. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Ainu”?
a. Lalaki b.Tao c. Babae d. Mahirap
_____8. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasulat ng soap opera sa radyo. Nakasulat ng 3000 na nobela at
2000 na maikling kuwento, 36 tono na iskrip sa radyo.
a. Francisco Soc Rodrigo c. Liwayway A. Arceo
b. Genoveva Edroza-Matute d. Pascual Poblete
_____9. Siya ang nagsulat ng tanyag na dula na “Sa Pula sa Puti”.
a. Pascual Poblete c. Liwayway A. Arceo
b. Genoveva Edroza-Matute d. Francisco Soc Rodrigo
_____10. Siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
a. Tagadirehe/ direktor b. Dayalogo c. Aktor d. Tema
_____11. Ito ang pinakapaksa ng isang dula.
a. Dayalogo b. Iskrip c. Tema d. Manonood
_____12. Walang dula kapag walang ____________.
a. Iskrip b. Tema c. Tanghalan d. Dayalogo
_____13. Ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan.
a. Dula b. Drama c. Tula d. Kuwento
_____14. Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga
paaralan.
a. Pampanitikan c. Pambansa
b. Balbal d. Kolokyal
_____15. Ito ang pinakamababang antas ng wika na madalas marinig sa mga usapang kalye.
a. Lalawiganin c. Balbal
b. Pambansa d. Kolokyal
_____16. Ito ay mga bokabularyong dayalekta.
a. Lalawiganin c. Balbal
b. Pambansa d. Kolokyal
_____17. Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
a. Lalawiganin c. Balbal
b. Kolokyal d. Pambansa
_____18. Ito ay mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga
salitang karaniwang matatayog, matatalim, makulay at masining.
a. Lalawiganin c. Balbal
b. Pampanitikan d. Pambansa
_____19. Ito ay mga salitang ginagamit sa lansangan, at mga sinasalita ng mga walang pinag-aralan.
a. Balbal c. Balbal
b. Pampanitikan d. Pambansa
_____20. Ito ay mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakakarami lalo
ng mga nakapag-aral ng wika.
a. Impormal b. Kolokyal c. Pormal d. Pambansa
_____21. Ito ay mga salitang karaniwang, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
a. Impormal b. Kolokyal c. Pormal d. Pambansa
_____22. Ito ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
a. Wika b. Dula c. Kuwento d. Balagtasan
_____23. Ito ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang salaysay
o kuwento.
a. Tabloid b. Magasin c. Komiks d. T3
_____24. Ito ay magasin tungkol sa balitang “Showbiz”.
a. Yes! b. Metro c. Candy d. FHM
_____25. Ito ay magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
a. Yes! b. Metro c. Candy d. Entrepreneur
_____26. Ito ay magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan.
a. FHM b. Men’s Health c. Metro d. T3
_____27. Ito ay mga magasin tungkol sa Fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman nito.
a. Candy b. FHM c. T3 d. Metro
_____28. Ito ay isang magasin para lamang sa “Gadget”.
a. T3 b. FHM c. Yes! d. Metro

_____29. Dito binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang
manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon.
a. Candy b. Metro c. T3 d. FHM
_____30. Dito makikita ang pang-araw-araw na balita.
a. Tabloid b. Magasin c. Komiks d. wala sa lahat

TEST II.
Panuto: Tukuyin kung ito ay PAGSANG-AYON O PAGSALUNGAT.
_________________31. Tama
_________________32. Mabuti sana ngunit…
_________________33. Nauunawaan kita subalit…
_________________34. Pareho tayo ng iniisip
_________________35. Okay

TEST III.
Panuto: Punan ang tsart ng tamang pandiwa.

ASPEKTO NG PANDIWA
PANDIWA NAGANAP NAGAGANAP MAGAGANAP
takbo tumakbo 36. 37.
ligo 38. naliligo 39.
walis nagwalis 40. 41.
sulat 42. nagsusulat 43.
upo umupo 44. 45.

TEST IV.
Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa (Imperpektibo, Kontemplatibo, Perpektibo).
____________________46. natutulog
____________________47. maglalaro
____________________48. kumanta
____________________49. umutang
____________________50. ginagawa

“PAGLUMINGON KA, BAGSAK KA”

Good luck and GOD Bless 

Inihanda ni:
David Mark C. Barazon
Teacher I
MGA SAGOT:

TEST I.

1. A 11. C 21. A
2. A 12. A 22. A
3. C 13. A 23. C
4. D 14. C 24. A
5. D 15. C 25. D
6. D 16. A 26. B
7. B 17. B 27. D
8. C 18. B 28. A
9. D 19. A 29. A
10. A 20. C 30. A

TEST II.

31. Pagsang-ayon
32. Pagsalungat
33. Pagsalungat
34. Pagsang-ayon
35. Pagsang-ayon

TEST III.

36. tumatakbo
37. tatakbo
38. naligo
39. maliligo
40. nagwawalis
41. magwawalis
42. nagsulat
43. magsusulat
44. umuupo
45. uupo

TEST IV.

46. Imperpektibo
47. Kontemplatibo
48. Perpektibo
49. Perpektibo
50. Imperpektibo

You might also like