You are on page 1of 2

Name: __________________________________________ Date: _____________

ARALING PANLIPUNAN 4
Quarter 2- Summative Test # 4

I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.


_____1. Sa lugar na ito magkakalapit ang simbahan, plasa, at munisiyo, palatantaan na nasakop ito ng mga
Espanyol.
a. Palawan b. Vigan c. Batanes d. Pangasinan
_____2. Sinasagisag nito ang pagkamaharlika at katatagan ng kulturang Pilipino.
a. Simbahan ng Paoay c. Simbahan ng Peñafrancia
b. Simabahan ng Manaoag d. Simbahan ng San Agustin
_____3. Mahigit 200 taon itong ginawa at tanging mga kamay lamang ang ginamit ng mga Ifugao sa pagbuo
nito.
a. Luneta Park c. Banaue Rice Terraces
b. Callao Cave d. Chocolate Hills
_____4. Ang simbahan na ito ay gawa sa mga hinubog na korales at bricks na matatagpuan sa Ilocos
Norte.
a. Simbahan ng Paoay c. Simbahan ng Peñafrancia
b. Simabahan ng Manaoag d. Simbahan ng San Agustin
____ 5. Pangkat etniko na kilala sa pagiging malumanay at mahinahon lalo’t higit sa kanilang
pananalita.
a. Ilokano b. Cebuano c. Tagalog d. Ilonggo
____ 6. Sila ay itinuturing na pinakamalaking pangkat etniko sa buong bansa.
a. Ilokano b. Cebuano c. Tagalog d. Ilonggo
____ 7. Pangkat na tanggap sa kultura nila ang diborsiyo ngunit may matibay na dahilan ang paghihiwalay ng
mag-asawa. Maaaring magpakasal nang higit sa apat na babae ang mga lalaki.
a. Yakan b. Maguindanaon c. Muslim Maranao d. Waray
____ 8. Ratan ang kanilang pangunahing produkto kung kaya’t magaling sila sa paghahabi ng basket at
banig.
a. Ivatan b. Subanen c. Manobo d. Samal
____ 9. Matingkad na pula at itim ang kanilang mga kasuotan kaya’t sila ay tinaguriang makukulay na Ita.
a. Ivatan b. Subanen c. Manobo d. Samal
____ 10. Sila ay tinaguriang mga hitanong-dagat.
a. Ivatan b. Subanen c. Manobo d. Samal
____ 11. Kilala sila sa husay nilang magluto, pagsusuot ng magagarang damit at pagiging relihiyoso.
a. Ilokano b. Kapampangan c. Tagalog d. Ilonggo
____ 12. Sila ang pangalawa sa pinakamalaking pangkat sa Pilipinas.
a. Ilokano b. Kapampangan c. Tagalog d. Ilonggo
____ 13. Ito ang pinakamalaking pangkat etniko na matatagpuan sa Mindanao.
a. Yakan b. Maguindanaon c. Muslim Maranao d. Waray
____ 14. Sa pangkat na ito, ang pinakabantog na sayaw na Kuratsa ay isang tradisyon sa mga kasayahan.
a. Yakan b. Maguindanaon c. Muslim Maranao d. Waray
____ 15. Pangkat etniko na kilala sa pagsusuot ng bakol.
a. Ivatan b. Subanen c. Manobo d. Samal

II. Panuto: Hanapin sa hanay B ang pangkat ng dayuhan na nagkaloob ng sumusunod na mga
impluwensiya o kontribusyon sa ating kultura mula sa hanay A.

Hanay A Hanay B
______16. Paggamit ng sarong at putong.
a. Espanyol
______17. Pagkain ng pansit, siopao, ampaw, at lugaw.
b. Amerikano
______18. Relihiyong Islam c. Tsino
______19. Pagpapahalaga sa edukasyon at kalusugan d. Arabe
e. Hinduismo at Budismo
______20. Natutunan ang siyesta o pagpapahinga matapos kumain,
pagsasabong, at paglalaro ng baraha.
ANSWER KEY:
I.
11. b
1. b
12. c
2. d
13. c
3. c
14. d
4. a
15. a
5. d
16. e
6. b
17. c
7. a
18. d
8. b
19. b
9. c
20. a
10. d

You might also like