You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA

ARALING PANLIPUNAN 4
PANGALAN: ________________________________________ISKOR:_________________
I-Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang pangkat ng katutubo na matatagpuan sa Zambales, Pampanga at Tarlac?
A. Igorot C. Ita
B. Ilocano D. Ivatan

2. Anong pangkat ng katutubo ang gumawa ng kilalang hagdan hagdang palayan?


A. Igorot C. Sama-Akbanon
B. Maranaw D. Albayano

3. Saan nakabatay ang gawaing pangkabuhayan ng mamamayan?


A. Lokasyon at kahandaan
B. Kinabibilangang rehiyon
C. Mga paniniwala at tradisyon
D. Pagtingin sa sarili

4. Bakit mga halamang gumagapang ang karaniwang tanim sa Batanes?


A. Madali itong tumubo.
B. Madalas bumagyo sa Batanes.
C. Maganda daw ito.
D. Masasarap ito lutuin.

5. Ano ang pinakamahalagang simbolo ng Maranaw na nagbibigay ng magandang kapalaran?


A. Agila C. kris
B. Isda D. sarimanok

6. Ano ang binibigyan ng pinakamataas na pagpapahalaga ng mga Pilipino?


A. Ari-arian C. magarang damit
B. Kayamanan D. pamilya

7. Alin sa sumusunod ang itinuturing ng mga Muslim na panahon ng pag-aayuno sa loob ng 30


araw?
A. Bagong taon C. pasko
B. Eid al-fitr D. Ramadan

8. Saan nagsimula ang relihiyong Islam sa Pilipinas?


A. Cebu C. Manila
B. Ilocos D. Tawi-tawi

9. Saan matatagpuan ang kauna-unahang Chinatown sa Mundo?


A. Binondo, Manila C. Moscow, Russia
B. Los Angeles, California D. Singapore

10. Kung tayo ay nasa Albay nakatira, ano ang tawag sa atin?
A. Tagalog C. Waray
B. Albayano D. Catanduangon
II- Anong kultura at ugaling Pilipino ang pinapakita sa mga sumusunod na sitwasyon.
Piliin ang letra ng tamang sa got sa kahon. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

A. Pagmamano
B. Pagsasabi ng PO at OPO
C. Pagpapahalaga sa pamilya
D. Bayanihan
E. Bagong taon

_________11-12. Madaming paputok at hiyawan sa pagpatak ng Ika-1 ng Enero.


_________13-14. Paglilipat ng isang bahay kubo galling sa isang lugar papunta sa ibang lugar.
Nagtutulungan ang mga kalalakihan dito.
_________15-16. May PO at OPO sa pagsasalita sa matatanda.
_________17-18. Inuuna ang pamilya bago ang mga kaibigan.
_________19-20. Pagkuha ng kamay ng nakatatanda at noyuyuko ang ulo dito.

III-Isulat ang YT kung ito ay yamang tubig, YL kung ito ay yamang lupa, YM kung
yamang mineral at YG kung yamang gubat.
___________21. kahoy __________26. pusit
___________22. kabibe __________27. kamote
___________23. uling __________28. troso
___________24. ginto __________29. baboy ramo
___________25. pilak __________30. perlas
IV-Magbigay ng limang paraan para pangalagaan ang likas na yaman ng Pilipinas. (2
puntos kada numero)
31-32.______________________________________________________________________

33-34.______________________________________________________________________

35-36.______________________________________________________________________

37-38.______________________________________________________________________

39-40.______________________________________________________________________

“Pagpapalain ang batang matapat.”


-T Christian
Good Luck!

You might also like