You are on page 1of 20

ARTS 5

Pagtatalakay sa mga
Katangiang Arkitektura
ng mga Tanyag at
Makasaysayang Lugar
Paoay Church
Banaue Rice Terraces
Puerto Princesa Subterranean River National Park
Palawan
Ano-ano ang mga katangiang
arkitekturang ginagamit sa mga
larawan? Paano ito
nakapagpapatibay at
nakapagpapaganda sa isang
lugar, gusali o simbahan?
Ang Simbahan ng Paoay ay isang
gusaling parihaba o tila krus na hugis.
May makakapal na dingding ito na
pinatibay ng makakapal na poste na
gawa sa bato sa gilid ng simbahan.
Nagsisilbi rin itong matibay na dingding
sa panahon ng lindol.
Ang simbahan ay malaki at may
malawak na anyo ngunit maliliit at
mahirap pasukin.
Dito kadalasan sumisilong ang mga tao
sa panahon ng bagyo, lindol, o
pagsasalakay ng kalaban.
Ang simbahan ng Santo Tomas de
Villanueva, kilala bilang Simbahan ng
Miag-ao ay itinayo noong 1786.
Katangi-tangi ang estilong arkitektura
nito. Ang estilong Rococo ay sumikat
noong ika-18 siglo sa huling bahagi ng
Ang sining na ito ay puno ng kaakit-akit
na palamuti, liko-likong linya, samut-
saring anyo at hugis ngunit may isang
Sa unang pagtingin, nahahawig ito sa
kanluraning anyong arkitektura sa Europa
ngunit kung susuriin, taglay ng disenyo ang
mga anyong tunay na kaloobang Filipino.
Ang simbahan ng Our Lady of the
Assumption ay kilala bilang simbahan ng
Santa Maria.
Ito ay itinayo noong 1765 sa ibabaw ng
burol sa Ilocos Sur.
Ang anyo ng simbahan ay tulad ng kutang
tanggulan (fortress) na gawa sa ladrilyo
(bricks) at pinagdikit na mortar o
pinaghalong apog, buhangin, at tubig.
Ang walumpu’t limang hagdanang gawa sa
matigas na batong granite ay nagsisilbing
hagdan para makarating sa simbahan ay
nahahati sa tatlong malalaking bahagi.
Ang malawak na patyo (courtyard) ng
simbahan ay napakainam na lugar upang
masilayan mula itaas ang kaakit-akit na
tanawing Santa Maria, Ilocos Sur.

You might also like