You are on page 1of 32

HEALTH

Pangkalahatang Epekto ng
Paggamit at Pag-abuso ng
Caffeine at Alcohol
•Ano-ano ang mga
epekto ng sobrang
paggamit ng
caffeine?
•Pangkatang gawain
Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-
aabuso ng Caffeine

Ang caffeine ay matatagpuan sa


kape, tea, chocolates, colas, cold
tablets at pain relievers.
Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-
aabuso ng Caffeine

Ito ay nakapagpapasigla sa tibok


ng puso at central nervous
system.
Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-
aabuso ng Caffeine
Bukod dito ang caffeine ay nakatutulong
sa mahusay na performance ng utak,
nagpapasigla sa output ng acid sa
sikmura, tumutulong sa pagtunaw ng
pagkain at pinalalaki ang daanan ng
hangin patungo sa baga.
Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-
aabuso ng Caffeine

Bagamat may kabutihan itong


naidulot, mayroon din namang
masamang epekto ang caffeine sa
katawan katulad ng:
Ano ang maaaring epekto ng sobrang
caffeine?

Insomnia o hirap sa pagtulog


Ano ang maaaring epekto ng sobrang
caffeine?

Pagiging nerbyoso
Ano ang maaaring epekto ng sobrang
caffeine?

Hindi mapakali
Ano ang maaaring epekto ng sobrang
caffeine?

Pagiging irritable/madaling magalit


Ano ang maaaring epekto ng sobrang
caffeine?

Paghilab ng tiyan
Ano ang maaaring epekto ng sobrang
caffeine?

Mabilis na pagtibok ng puso


Ano ang maaaring epekto ng sobrang
caffeine?

Panginginig ng kalamnan
Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-
aabuso sa Alcohol

Hindi na bago sa pandinig ang


pagkakaroon ng masasamang epekto ng
sobrang pag-inom ng alak.
Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-
aabuso sa Alcohol

Taon-taon, libo-libo ang namamatay sa


buong mundo dahil sa karamdaman sa
atay na dulot ng sobrang alak sa
katawan.
Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-
aabuso sa Alcohol

Marami din ang napapabalitang namatay


dahil sa mga aksidente na may
koneksyon pa rin sa alak.
Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-
aabuso sa Alcohol

Ngunit kung inaakala niyo na sakit sa


atay at aksidente lamang ang masamang
naidudulot ng sobrang alak, nagkakamali
kayo.
Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-
aabuso sa Alcohol

Sa katunayan, mayroong halos 60 na uri


ng sakit ang may kaugnayan sa
maabusong pag-inom ng alak.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:

Anemia - Bumababa ang lebel ng oxygen sa


dugo kung madalas na umiinom ng alak, at
dito nagsisimula ang sakit na anemia.
Kaugnay ng sakit na ito, maaaring
maranasan ang madalas na pagkahilo, hirap
sa paghinga at madaling pagkapagod.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:

Cancer - Dahil ito sa kemikal na


acetaldehyde na isang carcinogen na
nakukuha kapag umiinom ng alak. Ang mga
bahaging nanganganib na pagsimulan ng
kanser ay sa bibig, lalamunan, atay, bituka,
suso, at sa tumbong.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:
Cardiovascular Disease - Kabilang sa mga sakit
na tinutukoy dito ay stroke at atake sa puso na
parehong nakamamatay. Naaapektuhan kasi ng
alak ang mga platelets sa dugo na kung
magpapatuloy ay maaaring humantong sa
pamumuo ng dugo sa isang bahagi ng ugat na
daluyan. Nanghihina rin ang mga kalamnan ng
puso kung mapapasobra ang alak sa dugo.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:

Pagkasira ng atay (Cirrhosis) - Sinisipsip kasi ng


atay ang sobrang alak sa dugo na siya namang
lumalason dito at humahantong sa pagkasira ng
mga laman nito. Ang malalang kondisyon ng
cirrhosis ay hindi na malulunasan pa ng mga
gamot. Kakailanganing mapalitan ang nasirang
atay sa pamamagitan ng transplantasyon.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:

Pagkalimot (Dementia) – Sa taong


madalas na umiinom ng alak, doble o
triple ang bilis ng pagkasira ng mga cells
sa utak kaya’t mapapaaga ang kanilang
pagiging malilimutin.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:

Nerve Damage - Tinatawag na alcoholic


neuropathy ang kondisyon na pagkasirang
ito. Dahil dito, maaaring dumanas ng
pamamanhid sa ilang bahagi ng
katawan, constipation at maging panghihina
ng ari ng lalaki o erectile dysfunction.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:
Gout - Ang gout ay isang hindi komportableng
karamdaman na nagdudulot ng matinding
pananakit sa mga kasukasuan. Ito ay dahil sa
pamumuo ng mga uric acid crystal sa mga
kasukasuan. Ang sakit na ito ay kadalasang
namamana o hereditary, ngunit napatunayan ng
mga eksperto na maaaring mas tumindi ang
kondisyon kung madalas na umiinom ng alak.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:

Altapresyon (High Blood Pressure) - Tinatawag


na altapresyon o high blood pressure ang
kondisyon ng pagtaas ng presyon ng dugo. At isa
sa mga kilalang nakakapagpataas nito ay ang pag-
inom ng alak. Dapat alalahanin na mataas ang
panganib ng stroke at atake sa puso kung
madalas na dumadanas ng altapresyon.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:

Pagkasira ng Pancreas (Pancreatitis) - Hindi


lamang ang tiyan (stomach) at atay (liver) ang
apektado ng tuloy-tuloy na pag-inom ng alak.
Maging ang lapay o pancreas ay nanghihina rin
ng pagkakaroon ng alkohol sa katawan. Kung
masisira ang pancreas, maaaring dumanas ng
madalas na pananakit ng tiyan at pagtatae.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:
Impeksyon sa Katawan - Isa rin sa
masasamang epekto ng alak sa katawan ay
ang pagpapahina nito sa resistensya ng
katawan laban sa mga mikrobyong
nagdudulot ng mga sakit. Mas mataas ang
panganib ng pagkakahawa sa mga sakit kung
madalas na umiinom ng alak.
Ang pagakakaroon ng bisyo tulad ng
pag-inom ng alak ay
nakapagdudulot ng masamang
epekto sa kalusugan ng tao, sa
kapaligiran at sa pamayanan. Ang
pag-aabuso gamit ang mga ito ay
maaari ring ikamatay ng tao
Maging ang pagkahilig sa mga
produktong may sangkap na caffeine
ay nagkakaroon din ng masamang
epekto sa kalusugan ng tao. Kung
kaya’t nararapat lamang na habang
maaga pa ay iwasan na ang pagbili
ng mga produktong ito.
Ugaliin ang pagkain ng masusustansyang
pagkain upang lumaking malusog ang
pangangatawan. Iwasan din mat itigil na
ang bisyo tulad ng paninigarilyo at
pagkalulong sa alak. Iligtas ang ating
buhay sapagkat iisa lamang ito.

You might also like