You are on page 1of 33

ARTS

5 Mga Kagamitan sa
Paggawa ng 3-
Dimensyonal Craft
(Mobile, Papier
Mache, Paper Bead)
QUARTER 4 – WEEK 1-4
Alami
n
Sa paanong paraan ka makakatulong sa ating kalikasan?
Maraming mga gawain ang malaki ang maiaambag sa
pagpapabuti at pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng
ating kalikasan.

Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay matutukoy at


maiisa-isa ang mga kagamitan sa paglikha ng 3-dimensional
craft na mobile, papier mâché at paper beads bilang isang
gawain na malaki ang maitutulong sa ating kaliakasan.
Suriin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Halina’t maging Malikhain
Pagmasadang mabuti ang larawan sa
tagiliran, ano ang maaari mong gawin sa
mga lumang papel upang ito ay
mapakinabangan? Isulat sa kuwaderno
ang tatlong (3) bagay na mabubuo mo sa
mga lumang papel.
1.
2.
3.
Subukin at Tuklasin
Ang mga uri ng sining na katulad nito ay nabibilang sa 3D o three-
dimensional art. Ito ay maaaring malaya ng makatayo, may taas at lapad, may
anyong pangharap, tagiliran at likuran. Kinakailangan ang sapat na balanse sa
isang 3D art

Ang mga kagamitan sa paggawa nito ay maaring luwad, kahoy, hibla ng


halaman, lumang papel, at iba pa. Ang mga kasanayan at kaalaman sa paggawa
ng mga likhang- sining tulad ng mobile, papier mâché at paper beads at ang
pagiging mapamaraan sa paglikha ng mga obra ay maaring mapakinabangan
bilang palamuti sa katawan at kapaligiran. Ito ay maaari ding mapagkakakitaan
sa pamamagitan ng pagbenta dito na lubos na makatutulong sa atin at maging
sa pamilya.
Ang paper beads ay isang gawang sining na nagmula sa
bansang Inglatera na ginagawang libangan ng mga kababaihan
kung saan ang mga paper beads ay tinutuhog upang gawing
palamuti o kurtina na inilalagay sa mga bintana. Sa Pilipinas,
nagkaroon na rin ng industriya ng paggawa ng paper beads.
Karaniwan itong ginagamit na pandekorasyon o kaya naman ay
kwintas o pulseras .
Ang Papier maché ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay
nginuyang papel na gawa mula sa piraso ng mga papel o durog na
papel na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o pandikit. Ang
bayan ng Paete ay kilala sa taka o papier maché na siyang
pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan dito,
pangalawa sa pag-uukit.
Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung
saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga tali, kawad at kabilya
upang malayang makagalaw at makaikot. Ginagamit itong
pandekorasyon sa mga tahanan at maging sa paaralan. Halimbawa
nito ay parol at lampara..
Pagyamanin
Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba’t
- ibang gawang sining na likha na matatagpuan sa ibat-ibang lugar
sa bansa. Ang mga Pilipino ay likas na mahusay sa sining tulad ng
paggamit ng kulay, hugis at espasyo. Ang mga disenyong nalilikha
ay nagpapakita ng iba’t-ibang katangian ng mga Pilipino at
sumasalamin din ito sa kultura ng lipunang ginagalawan.
Ang paggawa ng paper beads, papier mache at mobile arts ay
isang gawaing nakakalibang na maaaring pagkakitaan kung
gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti.
Mga kagamitan sa paggawa ng paper beads

1. Papel- Magasin, art paper, coloured paper ay maaaring gamitin


2. Lapis- Para sa pagguhit sa korte ng papel
3. Ruler-Para sa pagsususkat
4. Gunting- Para sa paggupit ng mga papel
5. Manipis na kahoy na Dowel- para sa pagrorolyo ng papel
6. Malambot na Brush- para sa pag-aaply ng glue sa papel
7. Glue/Pandikit- para sa pagdidikit –dikit ng mga paper beads
8. Patpat na kahoy-Para sa pagpaptuyo ng beads pagkatapos barnisan
9. Soft Paint Brush- para sa pagpapahid ng barnis
10. Barnis- para magkakulay at hindi kapitan ng dumi
11. Oasis Florist Block- para sa seguridad ng beads
Mga kagamitan sa paggagawa ng papier mache

1. Molde o hulmahan- basehan ng hugis o disenyo ng


mabubuong papier mache
2. Glue o harina- ito ang gingamit na pandikit ng mga papel o
lumang dyaryo sa molde o hulmahan
3. Dyaryo/Lumang papel- ginagamit na pantapal sa molde o
hulmahan upang mabuo ng papier mache
4. Pintura- gingamit sa pangkulay matapos mabuo ang disenyo
ng natapos na papier mache
Mga kagamitan sa paggagawa ng mobile arts

1. Rattan hoop, sanga o alambre - dito isinasabit


ang mga bagay sa pagbuo ng mobile art
2. Tali o yarn – ito ang ginagamit na pantali sa mga
bagay na isasabit upang mabuo ang mobile art
3. Butones, sigay at makukulay na papel- ito ang
mga bagay na ikinakabit sa pagbuo ng mobile art
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ano ang Gamit Ko? (Pagtambalin)

Tukuyin ang gamit ng bawat kagamitan sa Hanay A sa pagagawa ng


paper beads, papier mâché at mobile sa pamamagitan ng pagpili ng
tamang titik sa Hanay B. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
H
B
C
G
D
A
I
J
E
F
Isagawa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tayo na Gumuhit

Gumuhit ng limang (5) larawan ng mga kagamitan sa


pabuo o paggagawa ng paper beads, papier mâché at
mobile. Isulat sa tapat nito kung paano ginagamit.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin natin
Linangin at Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang
Iangkop mga pangungusap sa ibaba.
Pilipinosa ibat-
Ang pagkamalikhain ng mga (1) ____________ ay masasalamin
ibang gawang sining na likha na matatagpuan sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Ang mga Pilipino ay likas na (2)___________ sa sining tulad ng paggamit ng
kulay, (3)_________mahusay
at espasyo. Ang mga disenyong nalilikha ay
hugis ng ibat-ibang katangian ng mga Pilipino at sumasalamin din ito
nagpapakita
sa kultura ng lipunang ginagalawan.

Ang paggawa ng (4)_____________ aymache


paper isang gawaing nakakalibang na
maaaring (5)____________ kung gagamitan
at mobile ng
artskaalaman sa paglikha ng
mga palamuti. pagkakitaan
Tayahin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Halina’t Sagutin Natin
Basahing mabuti ang mga sitwasyon at isulat ang angkop na kasagutan sa bawat tanong.

1. Maraming mga papel, magazines at lumang dyaryo sa bahay ninyo. Nais ng iyong nanay
na itapon ito, ano sa palagay mo ang nararapat gawin sa mga papel o lumang dyaryo?
2. Nais mong gumawa ng paper beads bilang isang mapagkakakitaang gawain, anu-ano ang
mga kagamitan na dapat mong ihanda, magbigay ng limang kagamitan na matatagpuan
lamang sa iyong tahanan?
3. Anong kagamitan ang ginagamit sa pagbuo ng paper beads na gumagamit ng pagrorolyo
ng papel?
4. Nais mong lagyan ng barnis ang iyong natapos na palamuti sa tahanan, anong kagamitan
ang iyong gagamitin?
5. Sa iyong palagay, bakit mahalagang malaman ang mga kagamitan sa paggagawa ng 3
Dimensional crafts?
ARTS
5 Mga Paraan sa
Paggawa ng 3-
Dimensyonal Craft
(Paper Beads at
Papier Mache)
QUARTER 4 – WEEK 1-4
Alamin
Sa panahon ng pandemya maraming mga tao ang nawalan ng
hanapbuhay o pagkakakitaan dahil hindi sila makalabas,
nagsarado ang mga pagawaan, at iba pang mga dahilan bungsod
ng COVID-19. Subalit hindi tayo dapat tumigil o mawalan ng
pag-asa sapagkat maraming paraan para tayo ay may
pagkakitaan, maging malikhain tayo at madiskarte sa buhay.

Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay matutunan ang


iba’t ibang paraan sa paggawa ng paper beads at papier mache
bilang isang gawaing mapagkakakitaan.
Suriin
Subukin
Mga Katanungan

1. Sino ang tinutukoy sa awitin?


2. Sa panahon ngayon ano ang magagwa mo upang pahalagahan ang ating mga
manggagawang Pilipino?
3. Ayon sa awitin, ano ang kulang upang siya ay makaipon?
4. Ayon sa awitin, ano ang tawag sa isang taong may kapital?
5. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awiting ito?
Tuklasin at Subukin
Ang paggawa ng paper beads ay isang
gawaing nakalilibang na maaaring
pagkakitaan kung gagamitan ang kaalaman sa
paglikha ng mga palamuti. Ito ay nagmula pa
sa bansang Inglatera na kung saan ang mga
kababaihan ay matiyagang nagbibilot ng
maliliit na papel upang makulayan at
matuhog para gawing palamuti sa katawan
gayundin upang maging palamuti sa bahay
tulad kurtinang gawa sa tinuhog na beads.
Nangangailangan ng masusi at matiyagang
pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit na papel
upang makalikha ng beads na kukulayan ng
pintura at didisenyuhan base sa nais.

Maaaring tuhugin at gawing pulseras,


kwintas, palawit sa hikaw at iba pang palamuti sa
katawan at bahay ang nagawang tinuhog na
beads. Narito ang mga sunod-sunod na hakbang
sa paggawa ng 3 dimensyonal craft na paper
beads.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Sa pamamagitan ng lapis, markahan ang papel at gupitin ito
pagkatapos.
3. Kunin ang kabila, magsimula sa malaking bahagi ng papel
papaliit.
4. Bahagyang lagyan ng pandikit ang papel at magsimulang bilutin.
Pagdating sa dulo ng papel, siguruhing mayroon itong pandikit
upang kumapit sa bilot ng papel.
5. Pahirin ang labis na pandikit at dahan-dahang tanggalin sa kabila
ang paper beads. Ilipat ang paper beads at hayaang matuyo.
6. Tuhugin ang mga paper beads gamit ang sinulid at karayom upang
makagawa ng kwintas.
7. Maaaring barnisan ang paper beads upang tumibay at maging
makintab.
Ang Papier maché ay salitang
Pranses na ang ibig sabihin ay
nginuyang papel na gawa mula sa
piraso ng mga papel o durog na
papel na binuo sa pamamagitan
ng glue, starch o pandikit. Ang
bayan ng Paete ay kilala sa taka o
papier maché na siyang
pangunahing pinagkakakitaan ng
mga mamamayan dito pangalawa
sa pag-uukit.
May dalawang paraan ang pagtataka o papier
maché. Una, ang paggamit ng dinurog na papel
matapos ibabad sa tubig. Ito ay hahaluan ng glue at
siyang gagawing taka. Ikalawang paraan ay ang
paggamit ng pinilas na mga papel at ididikit sa isang
molde. At matapos mabuo ang dibuho mula sa molde
ay tatanggalin mula sa molde at ididikit upang
makabuo ng isang proyektong may katulad na hugis sa
moldeng ginamit. Narito ang mga hakbang sa paggawa
ng Papier maché.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Pahiran ng manipis na wax ang molde.
3. Pahiran ng pandikit ang lumang dyaryo at patungan ito ng isa pang pahina ng dyaryo.
4. Idikit ito sa molde. Maaring punitin ang dyaryo ayon sa molde upang maiwasan ang
gusot. Siguruhing lahat ng parte ng molde ay nalagyan ng dyaryo. Ulitin ito hanggang
magkaroon ng 8-10 patong na papel ang lahat ng parte ng molde.
5. Ibilad sa araw upang matuyo.
6. Sa tulong ng nakatatanda, hiwain ang taka gamit ang cutter upang makuha ang
molde.Mapapansin na madali itong tanggalin dahil sa tulong ng ipinahid na wax sa molde
bago takaan.
7. Idikit muli ang taka sa pamamagitan ng rugby .
8. Balutan muli ng dyaryo na may pandikit ang parte ng pinaghiwaan.
9. Patuyuin muli.
10.Pintahan ayon sa nais na disenyo.
Pagyamanin at Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Beads vs. Maché
Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang bead kung ang
pahayag o pangungusap ay tungkol sa paggagawa ng paper beads. Isulat naman ang salitang
maché kung ito ay nag-papahayag ng paggawa ng papier maché.

bead
____1. Nangangailangan ng masusi at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng
maliliit na papel.
mache
____2. Ang likhang sining na ito ay nagmula sa salitang Pranses at naging isang
gawain na pinagkakakitaan ng mga taga Paete Laguna.
mache
____3. Ang likhang sining na ito ay ginagamitan ng pinilas na papel at idinidikit sa
isang molde.
bead
____4. Ang likhang sining na ito ay maaaring tuhugin at gawing pulseras, kwintas,
palawit sa hikaw at iba pang palamuti sa katawan at bahay.
____5. Ang paggawa ng likhang sining na ito ay nagmula pa noong unang
bead
panahon sa bansang Inglatera.
Linangin
Tukuyin ang mga paraan sa paggawa ng paper beads sa pamamagitan ng pagguhit ng bilog
O sa patlang at ilagay naman ang ekis X kung hindi.

O 1. Ang paper beads ay gawa mula sa binilot o inirolyo na maliliit na


_______
papel na kinulayan at dinisenyuhan.
O 2. Isa sa pamamaraan nito ay ang pagtutuhog ng mga nirolyong papel
_______
matapos itong makulayan at madisenyuhan.
O
________3. Isang teknik sa paggawa ng paper beads ay ang pagsukat ng
bibiluting papel upang makagawa ng pare-parehong laki at hugis ng paper beads.
________ 4. Ang karayom at sinulid ang karaniwang ginagamit sa pagtutuhog ng
O beads.
paper
________ 5. Sa paggawa ng paper beads hindi na isinasaalang-alang ang sukat at
X para makagawa ng pare-parehong hugis ng nito
espasyo
Iangko
p
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Una, Ikalawa…. Halina’t Tuklasin pa
Pagsunod sunudin ang mga hakbang sa pagtataka o papier maché sa pamamagitan ng paglalagay
ng bilang 1-10 sa patlang bago ang pangungusap. Gawin ito sa iyong kwaderno.
_______ Ibilad sa araw upang matuyo.
_______ Pahiran ng manipis na wax ang molde.
_______ Pintahan ayon sa nais na disenyo.
_______ Sa tulong ng nakatatanda, hiwain ang taka gamit ang cutter upang makuha ang molde.
Mapapansin na madali itong tanggalin dahil sa tulong ng ipinahid na wax sa molde bago takaan.
_______ Ihanda ang mga kagamitan.
_______ Balutan muli ng dyaryo na may pandikit ang parte ng pinaghiwaan.
_______ Patuyuin muli.
_______ Idikit ito sa molde. Maaring punitin ang dyaryo ayon sa molde upang maiwasan ang
gusot. Siguruhing lahat ng parte ng molde ay nalagyan ng dyaryo. Ulitin ito hanggang magkaroon
ng 8-10 patong na papel ang lahat ng parte ng molde.
_______ Idikit muli ang taka sa pamamagitan ng rugby.
_______ Pahiran ng pandikit ang lumang dyaryo at patungan ito ng isa pang pahina ng dyaryo.
Tayahin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Tanong Ko, Sagot Mo
Sagutin sa iyong kwaderno ang mga sumusunod na katanungan.

1. Paano mapapahalagahan ang mga likhang sining tulad ng paper


beads at papier mache?
2. Bakit kailangang alamin at sundin ang iba’t ibang paraan o
teknik sa paggawa ng paper beads at papier mache?
3. Paano mapapakinabangan ang mga ganitong uri ng likhang
sining?
Salamat sa Pakikinig!

You might also like