You are on page 1of 9

5

Activity Sheet sa MAPEH


(ARTS)
Quarter 4 MELC 1
Mga Kagamitan Sa Paggawa Ng 3
Dimensyonal Craft

REGION VI – WESTERN VISAYAS


MAPEH-5 (ARTS)
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang
magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Jovalyn A. Gonzales


Editor: Eden A. Ariola
Tagasuri: Dem Ceasar R. Barcelona
Tagaguhit: Liza Jane M. Alojado
Tagalapat: Dem Ceasar R. Barcelona

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Peter J. Galimba
Janalyn B. Navarro
Eden A. Ariola
Ellen G. De La Cruz

Regional Management Team:


Ramir BarberanUytico
Pedro T. Escobarte Jr
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Athea V. Landar
MABUHAY!
Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa
pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of Bacolod City sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum Implimentation Division (CID). Inihanda ito upang maging
gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag- aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani- kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga tagatulong ng pagkatuto:

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon, na
patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani- kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga tagatulong ng pagkatuto siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang
pag- unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan
ka na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang
mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat
gawain.
Kwarter 4, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS)No. 1

Pangalan ng Mag-aaral: Grado at Seksiyon:

Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA MAPEH-5(ARTS)

Mga Kagamitan sa Paggawa ng 3 Dimensyonal Craft

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


1. Nakakagawa kasabay ng mga kamang aral ng 3 Dimensyonal Craft tulad ng Paper
Mache, Paper Beads at Paper Mobile upang gawing palamuti o kayay pang regalo
para mga mahal sa buhay. (A5EL-IVa)

II. Panimula
Ang Paper Mache ay salitang Pranses na nag ibig sabihin ay “Nginuyang
Papel”na gawa mula sa piraso ng papel o durog na papel na idinikit sa pamamagitan
ng glue, starch, at pandikit.Dito sa Pilipinas hindi pahuhuli ang mga Pilipinosa paggawa
ng likhang –sining. Ang baying Paeete sa Laguna ay kilala sa larangan ng paggawa ng
paper mache na tinatawag nilang taka.

III. Mga Sanggunian:

TG Grade 5 Fourth Quarter


Grade 5 Teacher’s Guide Beta Version (Bacolod City)
K TO 12 Grade 5 Learner’s Material In Arts
K to 12 Curriculum Guide

IV. Mga Gawain


1. Panuto. Sumangguni sa K-12 Grade 5 Learners Material in Arts 5, pahina 1-2. Kung
walang aklat, basahing mabuti at pag-aralan ang Mga Kagamitan sa Paggawa ng 3
Dimensyonal Craft.

2. Pagsasanay/ Aktibidad
a. Pagbasa. Basahin ang sanaysay tungkol sa Iba’t-ibang Pamamaraan sa Paggawa
ng 3 Dimensyonal Craft .

Mga Iba’t-ibang Pamamaraan sa Paggawa ng 3 Dimensyonal Craft


1. Paper Mache
. Ang Paper Mache ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Nginuyang
Papel” na gawa mula sa piraso ng papel o durog na papel na idinikit sa pamamagitan
ng glue, starch, at pandikit. Dito sa Pilipinas hindi pahuhuli ang mga Pilipino sa
paggawa ng likhang-sining. Isa sa mga likhang ating ipinagmamalaki ay ang paggawa
ng Paper Mache o Taka. Tingnan ang larawan ng iba’t-ibang disenyo o uri ng Paper
Mache.
2. Paper Beads
Ang paggawa ng Paper bead ay isang gawaing nakakalibang na maaaring
pagkakakitaankung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti. Ito ay
nagmula sa bansang Inglatera na kung saan ang mga kababaihan ay matiyagang
nagbibilot ng maliit na papel upang makulayan at matuhog at gawing palamuti sa
katawan gayundin upang maging palamuti sa bahay tulad ng kurtinang gawa sa tinuhog
na beads.
Nangangailangan ng masusing at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit
na papel upang makalikha ng beads na kukulayan ng pintura at didisenyuhan base sa
nais. Maaaring tuhugin at gawing pulseras, kwintas, palawit sa hikaw at iba pang
palamuti sa katawan at bahay ang nagawang tinuhog na beads.
3. Paper Mobile
Ang simpleng Paper Mobile ay maaaring magawa sa pamamagitan ng mga
disenyo na nakatali sa isang tagli o lubid. Ang sususnod na madaling gawing
mobile ay gawa mula sa dalawang nakasabit na bagay sa isang patpat o piraso ng
alambre na nakasabit sa isang tali na kuing saan ay malayang nakagagalaw nang
may balance. Ang isang mobile ay pahirap ng pahirap kung dadagdagan ang mga
bagay na nakasabit na maaaring gumalaw ng malaya na may balance. Tingnan ang
larawan sa ibaba.

b. Alamin. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.

Hanay A. Hanay B

1. Oasis Florist Block a. Para sa pag-aaplay ng glue


2. Patpat na kahoy b. Para magkakulay at hindi kumapit ang dumi
3. Soft Paint Brush c. Para sa pagpapahid ng barnis
4. Barnis d. Para sa pagpapatuyo ng beads
5. Malambot na brush ng pinta e. Para sa seguridad ng beads

c. Suriin. Punan ang mga patlang ng tamang kasagutan.

1. Ang ____________ ay ginagamit upang mairolyo ng maayos ang papel.


2. Ang ____________ ay para sa pag-aaplay ng glue sa papel.
3. Ginagamit ang _____________ sa pagsusukat.
4. Ang barnis ay para magkaroon ng ___________ at upang maiwasan ang pagkapit
ng dumi.
5. Ang malambot na Brush ng pinta ay ginagamit para sa pagpapahid ng __________.
4. Mga Batayang Tanong

a. Tukuyin. Sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang inyong mga sagot sa
papel.
1. Ano ang Iba’t-ibang Pamamaraan sa Paggawa ng 3 Dimensyonal Craft ?
____________________________________________________________________
____________________________________________________
2. Ano ang ibig sabihin ng Nginuyang Papel?
____________________________________________________________________
____________________________________________________
3. Paano gawin ang Paper Beads?
____________________________________________________________________
____________________________________________________

b. Gawin. Sundin ang iba’t-ibang hakbang sa paggawa ng Paper bead. Tingnan ang
rubrik at lagyan ng tsek (√ ) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong
aralin.

ANG PAGGAWA NG PAPER BEAD


Kagamitan:
1. Papel- magasin, art paper at coloured paper
2. Lapis- para sa pagguhit sa korte ng papel
3. Ruler- para sa pagsusukat
4. Gunting- para sa paggupit ng mga papel
5. Manipis na kahoy na dowel- para sa pagrorolyo ng papel
6. Malambot na brush ng pinta-para sa pag-aaplay ng glu sa papel
7. Glue/ pandikit- para sa pagdidikit ng mga paper beads
8. Patpat na kahoy- para sa pagpapatuyo ng beads pagkatapos barnisan
9. Soft paint brush- sa pagpapahid ng barnis
10. Barnis- para magkakulay at hindi kumapit sa dumi
11. Oasis florist block- para sa seguridad ng beads

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Masusing at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit na papel upang makalikha
ng beads na kukulayan ng pintura at didisenyuhan base sa nais.

2. Maaaring tuhugin at gawing pulseras, kwintas, palawit sa hikaw at iba pang palamuti
sa katawan at bahay ang nagawang tinuhog na beads.
4. Batayan sa pagbibigay ng Iskor (kung kailangan)

ANG PAGGAWA NG PAPER BEAD

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong


mahusay
(3) (2) (1)
1. Nasunod ko ang
pamamaraan sa paggawa ng
Dimensyonal Craft (Paper
Bead)
2. Sinunod ko ang bawat
hakbang sa paggawa ng
paper beads
3. Naipaliwanag ko ang
natapos na likhang sining.
4. Nakagawa ako ng sariling
konsepto.
5. Natapos ko ang likhang
sining sa takdang panahon.

V. Repleksiyon
Paano mo mabibigyang halaga ang mga kagamitan na makikita sa sariling pamayanan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________
VI. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay/Aktibidad
Alamin
1. e
2. d
3. c
4. b
5. a

Suriin
1. Manipis na kahoy na dowel
2. Malambot na brush
3. Ruler
4. Kulay
5. Glue sa papel

Mga Batayang Tanong


Tukuyin
1. Paper Mache, Paper Beads, at Paper Mobile.
2. Ang “Nginuyang Papel” ay gawa mula sa piraso ng papel o durog
na papel na idinikit sa pamamagitan ng glue, starch, at pandikit.
3. Ang paggawa ng Paper Beads ay matiyagang nagbibilot ng maliit
na papel upang makulayan at matuhog at gawing palamuti sa
katawan gayundin upang maging palamuti sa bahay tulad ng
kurtinang gawa sa tinuhog na beads.

Repleksiyon
Mabibigyang halaga ang mga kagamitan na makikita sa sariling
pamayanan dahil sa ito ay pwede pa nating recycle at magagawa pa natin
palamuti sa ating mga tahanan sa pamamagitan ng paggawa ng 3
Dimentional Chart.

You might also like