You are on page 1of 10

5

Learning Activity Sheet


ARTS 5
KUWARTER 4 -MELC 5
Pagpakita ng pagiging malikhain sa paggawa ng mobile
na may ibat – ibang kulay at hugis

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

1
MAPEH-5 (ARTS)
Learning Activity Sheet (LAS)
Ika-apat Markahan - MELC 5- Pagpakita ng pagiging malikhain sa paggawa
ng mobiles na may ibat – ibang kulay at hugis.

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang- ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - KanlurangVisayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Enelyn G. Cezar


Editor: Victoria J. Pido
Tagasuri: Marichu P. Barnuevo
Tagaguhit: Charles David H. Beare
Tagalapat: Raulito D. Dinaga, Othelo M. Beating

Tagapamahala: Marsette D. Sabbaluca, CESO VI - SDS


Dennis G. Develos, PhD - OIC, ASDS
Ma. Teresa P. Geroso - OIC, ASDS
Zaldy H. Reliquias PhD - Chief, CID
Raulito D. Dinaga - EPS, LRM Victoria
Pido - EPS, MAPEH
Othelo M. Beating - PDO II, LRM

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Negros


Occidental Department of Education – VI – Western
Visayas
Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: region6@deped.gov.ph
Website: www.depednegrosoccidental.weeebly.com

2
5
ARTS
IKAAPAT NA MARKAHAN – MELC 5
Pagpakita ng pagiging malikhain sa paggawa
ng mobile na may ibat – ibang kulay at hugis

3
3
MABUHAY!

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of
Negros Occidental sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon,
Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum
Implimentation Division (CID). Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag- aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani- kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na
literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga tagatulong ng pagkatuto:

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larangan ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay
nasa kani- kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.

Bilang mga tagatulong ng pagkatuto siguraduhing naging malinaw


ang mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na
patuloy nating masubaybayan ang pag- unlad ng mga mag-aaral (learner’s
progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

4
Kwarter 4, Linggo 4

Learning Activity Sheets (LAS) No. 5

Pangalan ng Mag-aaral: _______Grado at Seksyon:________ Petsa: _

GAWAING PAMPAGKATUTO SA MAPEH-5 (ARTS)

Naipapakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng mobile na may ibat – ibang


kulay at hugis.

I.Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naipapakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng mobile na may ibat –


ibang kulay at hugis. ( A5PL – IVe )

I. Panimula

Napag-aralan mo na ang paglalapat ng kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa


paggawa ng Mobiles, Papier Mache’ Jars at Paper Beads. Naipapamalas mo na din ang
iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paggamit ng patapong bagay.Sa modyul na ito
ay maipapakita mo pagiging malikhain sa paggawa ng “Mobile” na may iba’t-ibang kulay
at hugis.

II. Mga Sanggunian

MELC 2020, Kagawaran ng Edukasyon


Halinang Umawit at Gumuhit 5 152 – 163
Sining Araw – araw 5 pahina 82 – 92,
Art 6 page 117- 122 by Ernesto Agda
EXEMPLAR IN ART 5
https://lrmds.deped.gov.ph Exploring with MAPEH IV
Module in Arts 4th Quarter by :SARAH F JARDER, MARICHUP BARNUEVO, MAPEH
Coordinator ( District of E.B. Magalona)
Amazon.com, Pinterest,Youtube.com,www.wikepedia.com,www.arts and craft project for
kids .com, https://www.thoughtco.com/definition-of-form-in-art-182437

III. Mga Gawain


I.Panuto:Iguhit ang kung tama ang pahayag at kung mali ang sumusunod
na pahayag.

1.Nagiging makabuluhan ang paggawa ng mobile kung bibigyan ng diwa katulad ng


pangangalaga sa kalikasan, pagpapahayag ng yaman at kultura.
2. Ang paggamit ng mga patapong bagay sa paggawa ng mobile ay di kaakit- akit.
3. Gumamit ng ibat – ibang kulay at hugis sa paggawa ng malikhaing mobile.
4.Hindi magandang tingnan ang mobile art na naka sabit.

5
2.Pagsasanay/ Aktibidad

a.Pagbasa.

Mobile art
MOBILE (isang likha na gawa sa papel o patapong bagay na pwedeng gawing
dekokorasyon na naka- “hanging” lamang) Ang mga palamuting sinasabit at
gumagagaw sa pamamagitan ng hangin ay tinatawag na mobile or kinetic
art( sculpture that moves ) Ito ay maaring maka likha ng tunog, nakasabit sa mga tali,
kawad at kabilya. Malayang makagalaw, makaikot at may balanse. Si Alexander
Calder na isang US artist (1898- 1976) ay ang unang gumawa ng nakamamanghang
hanging sculpture o mobiles.Ginagamit pang dekorasyon sa tahanan maging sa
paaralan.

Maaaring gumawa ng iba pang disenyo o palamuti na naisasabit sa mobile. Gumamit


ng makukulay na palamuti upang maging kaaya aya ang gagawing mobile.Karaniwang
nabibili ang mga mobile sa mga art store,decor shop at tindahan ng mga gamit pang
sanggol.

Sa paggawa ng tatlong dimensyong likha gaya ng mobile ay mas mabuti na gumamit


ng mga patapong bagay na gaya ng mga lumang magazine Gumamit ng ibat – ibang
hugis at kulay na nagpapatingkad at nagpapaganda sa inyong likhang sining. Nabigyan
mo na ito ng bagong buhay, nakatulong ka pa sa pagbawas ng basura sa inyong paligid.

b.Isipin

Sagutin ang mga sumsusnod na tanong:


1.Kailangan ba ang balance sa paggawa ng mobiles? Bakit?
2.Bakit mahalaga ang iba’t-ibang kulay at hugis sa isang “mobile”?

c.Alamin.

Panuto : Tukuyin ang mga paraan sa paggawa ng mobile sa pamamagitan ng pagguhit ng


kung tama at kung mali sa tapat ng bilang.

____1. Ang mobile ay maaring gamitan ng mabibigat na palamuti na maaaring isabit


sa pamamagitan ng tali.
_____2. Kinakailangan na ang paggawa ng mobile ay may balanse upang gumalaw
ang mga disenyong palamuti ng malaya.
_____3.Ang mobile art ay isang kenetikong iskultura na kung saan ang mga bagay
ay sinasabit sa mga tali, kawad at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot.
_____4.Kailangan isaalang – alang ang mga elemento ng sining na gagamitin sa
pagbuo ng mobile

6
3.Mga Batayang Tanong
a. Tukuyin

1.Ano – ano ang mga kagamitan sa paggawa ng mobile?

2.Paano ginagawa ang isang mobile?

b.Gawin.
Paggawa ng mobile
1. Suriin ang larawan ng gagawing mobile structure kung saan isasabit ang mga palamuti.
Maaaring magsimula sa isang simpleng hanger o pinagsamang mga hanger.

2.Gumamit ng alambre, makapal na tali o lubid upang isabit ang mga palamuti.

3.Gamit ang matibay na pandikit, kunin ang balance ng mga disenyo o nais na palamuti
ng mobile at idikit ito sa pamamagitan ng pandikit o matibay na glue. Halimbawa ay isang
greeting card mobile.

Maaaring gumawa ng iba pang disenyo o palamuti na nais isabit sa mobile.


Mahalaga na makuha ang balance ng mga isasabit sa lantaga upang maayos na
makaikot ang mga palamuti. Gumamit ng makukulay na palamuti upang maging kaaya
aya ang gagawing mobile.

7
Iba pang halimbawa ng mobile na maari mong gawin

Ang mga larawan ay mula sa Pinterest, lifestyle howstuffwork sa


google.com
Panuto: Sukatin anginyong gawa sa pamamagitan ng sumusunod na paamantayan:

Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod


pamantayan pamantayan sa pamantayan
PAMANTAYAN nang higit sa subalit may (1)
inaasahan ilang
(3) pagkukulang
(2)
1. Nakagagawa ako ng orihinal na
disenyo.
2. Nasunod ko nang tama ang
pamamaraan sa paggawa
3. Naipakita ko ang kahusayan sa
paggawa
4. Naihandog ko ang aking likhang-sinig
sa Isang mahal sa buhay

IV.Repleksiyon

Likas sa ating mga Pilipino ang pagkamalikhain sa mga bagay-bagay. Bilang isang bata,
paano mo gagamitin ang iyong kakayahan sa paggawa ng “mobiles” ?

8
V.Susi sa pagwawasto : C. alamin :

Mga Gawain 1
1
2
2
3
3

4
4
Isipin
1. Opo, upang malayang makagalaw ang mobile
2.Mahalaga ang kulay at hugis sa isang mobile dahil ito ay nagpapatingkad, nagpapaganda,
nagpapakita ng emosyon at nagbibigay buhay sa sang likhang sining.

3. Mga Batayang Tanong


a. Tukuyin :
1.Alambre , tali o lubid, pandikit, mga lumang kagamitan gaya ng lumang papel, mga bagay
na napulot katulad ng kabibe at iba pa.
2.Ang Mobile ay gawa sa papel o patapong bagay na pwedeng gawing dekokorasyon na
naka- “hanging” lamang . Ginagawa gamit ang mga palamuting sinasabit at gumagagaw sa
pamamagitan ng hangin Ito ay maaring maka likha ng tunog, nakasabit sa mga tali, kawad
at kabilya. Malayang makagalaw, makaikot at may balanse.
Repleksiyon : (Maaring sagot ng mga bata. )
Maging malikhain , maparaan at magsaliksik sa paggawa ng mobile, gamit ang mga
patapong bagay , mga lumang kagamitan paggamit ng elemensto ng sining na kulay at
hugis.

9
10

You might also like