You are on page 1of 10

5

Activity Sheet sa MAPEH


(ARTS)
Quarter 3 MELC 1
Textura at Contrast ng Pakurba at
tuwid na Linya
MAPEH-4 (ARTS)
Learning Activity Sheet (LAS) No. 1
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang MAPEH-4 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - KanlurangVisayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Dem Ceasar R. Barcelona


Editor: Eden A. Ariola
Tagasuri: Jovalyn A. Gonzales
Tagaguhit: Liza Jane M. Alojado
Tagalapat: Dem Ceasar R. Barcelona

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Peter J. Galimba
Janalyn B. Navarro
Eden A. Ariola
Ellen G. De La Cruz

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobar Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Athea V. Landar

ii
MABUHAY!
Ang MAPEH-4 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa
pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of Bacolod City sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum Implimentation Division (CID). Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag- aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani- kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga tagatulong ng pagkatuto:

Ang MAPEH-4 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani- kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga tagatulong ng pagkatuto siguraduhing naging malinaw ang mga


panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag- unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang MAPEH-4 (ARTS) Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 3, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) No. 1

Pangalan ng Mag-aaral: Grado at Seksiyon:

Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA MAPEH-4 (ARTS)

Textura at Contrast ng Pakurba at tuwid na Linya

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


1. Napapalawak ang kaalaman sa tekstura ng mga bagay.(A4EL-IIIa)
2. Nasusuri kung paano ang mga etnikong motif designs ay ginagamit nang
paulit-ulit at pasalit-salit. (A4PL-IIIb)

II. Panimula

Ang mga bagay sa paligid natin ay nagtataglay ng iba’t-ibang tekstura,


maaring ito ay magaspang , malambot, at makinis na pwede nating gamitin sa
paggawa ng iba’t-ibang disenyong panggilid o border design.

III. Mga Sanggunian

TG Grade 4 Third Quarter


Musika at Sining 4-Batayang Aklat ng Mag-aaral, pahina 208-215
Musika at Sining 4-Batayang Aklat ng Mag-aaral, pahina 263-271
K to 12 Curriculum Guide
MELC in Arts IV, Quarter 3
IV. Mga Gawain
1. Panuto
Sumangguni sa Musika at Sining 4-Batayang Aklat ng Mag-aaral, pahina
208-215. Kung walang aklat, basahing mabuti at pag-aralan ang Textura
at Contrast ng Pakurba at tuwid na Linya na makikita sa ibaba.

2. Pagsasanay/ Aktibidad
a. Pagbasa. Basahin ang sanaysay tungkol sa Tekstura.

Tekstura
Maraming mga produktong yari sa Pilipinas na kinakalakal sa ibang
bansa ang nagustuhan ng mga dayuhan dahil sa tibay at iba’t-ibang
ganda ng mga ito. Karaniwang makikita sa mga produkto ang iba’t-ibang
disenyo na nagpapakilala ng lugar o pangkat na pinagmulan nito.

1
Naglalagay ng iba’t-ibang tekstura ang lahat ng bagay. Ang mga basket na
yari sa yantok ay matitigas at kagaspangan. May mga bag naman na malalambot at
makikinis. Ang tekstura ng isang bagay ay naayon sa uri ng materyal na ginamit dito.
Bukod sa mga tunay na bagay na matatagpuan sa ating kapaligiran , nalalaman din
natin ang tekstura sa pamamagitan ng pandama o pahhipo o teksturang tactile at
pagmamasid o teksturang biswal.

2
b. Kilalanin. Punan ang mga patlang ng tamang sagot. Isulat ang
inyong mga kasagutan sa inyong papel.

1. Yari sa anong bagay ang mga basket, banig at bag na makikita sa


larawan?________________
2. Ang________________ ay nahihipo at nadarama at maaring ito
ay magaspang, malambot at makinis?
3. Anong tekstura ang larawang bag na yari sa buri na nasa itaas?
______________
4. Ano sa tingin mo ang tekstura ng mga hinabing tela na nasa
larawan na makikita sa itaas? ______________
5. Ano naman ank tekstura ng mga Pantalya (lampshades) na nasa
larawan na makikita sa itaas?______________

c. Alamin. Pag-aralang mabuti ang sining na tinatawag na Contrast ng


Pakurba at Tuwid na Linya.
Nakita ninyo ang ilan sa mga halimbawa ng disenyong etniko o
ethnic designs na naibabahagi ng inyong mga kaklase. Ano ang
masasabi ninyo tungkol sa mga disenyong iyon?
Bukod sa mga nasaliksik ninyong mga ethnic designs, narito ang
mga ilan pang mga halimbawa.

3
Mayaman sa kultura at sining ang ating bansa. Ito ay dahil sa kontribusyon
ng iba’t-ibang pangkat etniko. Ang kanilang mga disenyo ay batay sa mga bagay-
bagay na natatagpuan/ nakikita sa kanilang lugar / kapaligiran at kultura. Tulad ng
araw , bituin, bundok, ulan, halaman, tao, hayop at iba pa.
Napansin mo ba ang mga iba’t-ibang uri ng mga disenyo? Binubuo ng linyang
pakurba at tuwid na mga disenyo. Ang linyang makapal ay malapad at mabigat
tingnan. Ang linyang manipis ay maliit at magaan. Ang iba pang katangian ng linya
ay maaring gumagalaw at hindi gumagalaw. Pag-aralan ang iba’t-ibang disenyong
etniko sa ibaba. Anu-anong bagay kaya sa kapaligiran ang pinanggalingan/
pinagbatayan nito?

Ang unang larawan ay nagpapakita ng linyang hindi gumagalaw dahil


nagpapahiwatig din ito ng kapayapaan, kalungkutan, kaayusan, katatgan at iba pa.
Ang ikalawang larawan ay halimbawa ng linyang gumagalaw. Nagpapakita ito ng
aksiyon, kasilahan at kalikutan. Ang ikatlong larawan naman ay nagpapakita ng
pinagsamang gumagalaw at hindi gumagalaw na linya. Tingnan muli ang disenyong
etniko sa itaas at pansinin ang mga linya.
Ang etnikong disenyo ay binubuo ng mga guhit o linya. May iba’t-ibang uti at
katangian ang linya. May mga linyang tuwid gaya ng patayo, pahiga at pahilis,
pakurba, paikot, putol-putol, patuldok-tuldok, at inuulit. Ang pakurbang linya naman
ay tulad ng paikot at gumagalaw. Ang paggamit ng linyang tuwid at pakurba ay
nagpapakita ng contrast sa larawan.

4
3. Mga Batayang Tanong
a. Sagutin. Basahin ang mga ipaliwanag ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Anong mga linya ang bumubuo sa isang disenyo?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________

2. Ano ang mga napansin ninyo sa mga tekstura ng mga bagay sa


paligid?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________

b. Gawin. Sundin ang iba’t-ibang hakbang sa paggawa ng bookmark.


Tingnan ang rubrik at lagyan ng tsek (√ ) ang kahon batay sa antas ng iyong
naisagawa sa buong aralin.
PAGGAWA NG DISENYONG PANGGILID (BORDER DESIGN)
Kagamitan: oslo paper, cardboard, pandikit, butones, hair clip, barbeque
sticks, barya ng iba’t-ibang halaga, mga dahon na may iba’t-ibang hugis at
tekstura, acrylic paint, paint brush, gunting, dyaryo at lumang plastik.
Mga Hakbang sa Paggawa:
a. Pumili ng mga dahon na may iba’t-ibang laki at tekstura.
b. Ayusin ang mga napiling dahon. Ang disenyong gagawin ay maaring
katulad ng mga disenyo sa inyong paligid o komunidad. Iayos ang mga
ito sa ibabaw ng mesang paggagawaan.
c. Kulayan ang mga dahon ng acrylic paint (kulayan lamang ang bahagi ng
dahon na may tekstura para lumitaw ang disenyo)
d. Ayusin ang mga dahon sa gilid ng oslo paper. Pagkatapos maihanay ang
mga dahon, maari na ipatong ang oslo paper sa mga nakaayos na
dahon sa ilalim nito.
e. Idiin nang maigi ang kamay sa ibabaw ng oslo paper para bumakat ang
mga tekstura nito na nasa ilalim.
f. Alisin nang marahan ang oslo paper (at ang mga dahon na nasa ilalim
nito).
g. Patuyuin ang papel na may disenyong panggilid. Ipaskil na ito sa exhibit
area upang makita rin ng iba at maghanda sa pagpapahalaga.
h. Linisin at ayusin ang lugar na pinaggawan ng proyekto o didsenyo.

5
4. Batayan sa pagbibigay ng Iskor (kung kailangan)

RUBRIK PARA SA PAGGAWA NG BOOKMARK DISENYONG PANGGILID


(BORDER DESIGN)
Mga Pamantayan Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan pamantayan nakasunod sa
nang higit sa subalit may pamantayan
inaasahan ilang
pagkukulang
(5) (3) (2)
1. Nakasunod ko ang
pamamaraan sa
paglilimbag at nakabuo ng
sariling disenyo.
2. Gumagamit ako ng
mga bagay na may iba’t-
ibang tekstura sa pagbuo
ng disenyo.
3. Naipaliwanag ko ang
natapos na likhang-sining.
4. Napahalagahan ko ang
likhang-sining sa
pamamagitan ng
paggamit at pagbahagi
nito sa iba.
5. Naitanghal ko ang
natapos na Gawain.

V. Repleksiyon

1. Paano mo maipagmalaki ang produkto ng iyong pamayanan?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_________________________________

2. Paano mo mapangalagaan ang ating kalikasan?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_________________________________

6
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like