You are on page 1of 10

11 Activity Sheet sa

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Quarter 2 – MELC 3
Lingguwistiko at Kultural na Pagsusuri sa
Pelikula at Dula

REGION VI – KANLURANG VISAYAS

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino 11
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon

ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 - Filipino

11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa
Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino 11

Manunulat: Glenn J. Bestuir, T III

Editor: Noemi T. Bordon, HT IV

Tagasuri: Noemi T. Bordon, HT IV

Aileen N. Menor, MT I

Tagaguhit: Juvy Mae S. Consibit, MT I

Tagalapat: Mervic Hope G. Villanueva, T III

Division of Iloilo City Management Team:

Ma. Luz M. Delos Reyes, SDS
Ernesto F. Servillon Jr., ASDS
Dr. Jerry M. Lego, SGOD Chief
Arlo L. Villalva, CID Chief
Leila G. Valencia, EPS-LRMDS
Jezereel Grace G. Tiron, PDO II
Bernie P. Alcedo, Librarian II
Dr. Cynthia J. Punsalan, EPS-Filipino

Regional Management Team:

Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Dr. Celestino S. Dalumpines IV
MABUHAY!

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino

11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang
pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Iloilo sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and
Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na
inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan

nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino

11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang pangangailangan
ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit
na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino

11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang
iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS
na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-
aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kwarter 2, Linggo 2
Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 3

Pangalan ng mag-aaral: _______________________ Grado at Seksyon: ____________

Petsa: ________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT

KULTURANG PILIPINO 11

Lingguwistiko at Kultural na Pagsusuri sa Pelikula at Dula

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga linggwistiko at kultural na pagkakaiba-

iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood (F11PD-11b-88)

II. Panimula

Ang pelikula ay isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan

bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Tinatawag din
itong sine at pinilakang-tabing na napapanood at tinatangkilik ng mga manonood. Ito ay
nagsisilbing libangan ng lahat ng uri ng tao sa lipunan.

May iba’t ibang genre ang pelikula. Nandito ang mga halimbawa ng mga
pelikulang pumatok sa mga manonood gaya ng musical (Bidoo Bidoo), aksiyon (Ang
Probinsyano), komedya (Ang Tanging Ina), historikal (Jose Rizal), pantasya (Enteng
Kabisote), drama (Caregiver), dokumentaryo (Landas), animation (Urduja), katatakutan
(Segunda Mano), sci-fi (Kokey) at iba pa na naaayon sa kagustuhan ng mga tao. Dapat
lamang na isasaisip ng sinumang nais manood nito na may kapupulutang aral na
magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.

Sa kabilang dako naman, may isang genre ng panitikan na itinatanghal sa

entablado na nasa anyong tuluyan at may mga tauhang gumaganap na nag-uusap sa
pamamagitan ng kani-kaniyang diyalogo at binibigyan ng buhay sa pamamagitan ng
kilos at galaw sa tanghalan at may kawil ng mga pangyayaring nagpapahayag ng mga
nakakapanabik na eksena. Ito ay ang dula na kinatatampukan ng iba’t ibang artista na
kumakatawan sa mga tauhan at isinasagawa ang pagkilos ayon sa hinihingi at sinasabi
sa eksena at iskrip. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Kahapon, Ngayon at Bukas ni
Aurelio Tolentino at ang bantog na komedya-musikal na Rak of Aegis na batay sa mga
naganap nang nanalasa ang Bagyong Ondoy noong 2010.

III. Sanggunian:

Jocson Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016. 164-193
youtube.com/watch?v=hpZFJctBUHQ
pdfslide.tips/documents/sinag-sa-karimlan-ni-dionisio-s-salazar.html

IV. Mga Gawain

Pagsasanay 1:

Panuto: Panuorin at pag-aralan ang isang pelikula na pinamagatang “Maynila

sa Kuko ng Liwanag” sa link na ito. (youtube.com/watch?v=hpZFJctBUHQ)

Pagsasanay 2:

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at hanapin ang tinutukoy nito
sa kabilang hanay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. katawagan sa pelikula Dula

2. itinatanghal ang dula Entablado
3. nag-uusap sa pamamagitan ng diyalogo Kultural
4. gumagalaw na larawan bilang sining Stage Play
5. nasa anyong tuluyan at ginaganap sa entablado Sine
6. nagsisilbing pagkakakilanlan dahil sa paniniwala Lino Brocka
7. sinasalitang wika ayon sa heograpikong kalagayan Linggwistiko
8. hindi genre ng pelikula Tauhan
9. direktor ng “Maynila sa Kuko ng Liwanag” Dionisio S. Salazar
10. may-akda ng dulang “Sinag sa Karimlan” Pelikula

Pagsasanay 3:

Panuto: Basahin at pag-aralan ang dulang isinulat ni Dionisio Salazar na

pinamagatang “Sinag sa Karimlan” sa link na ito. (pdfslide.tips/documents/sinag-sa-
karimlan-ni-dionisio-s-salazar.html)

Dagdag Kaalaman

Ang pelikula at dula ay may linggwistikong aspeto na dapat lamang na

susuriin upang lumabas ang tunay na kabuluhan nito sa mga manonood.
Makapagbibigay ng tahas na pagkaunawa sa wikang sinasalita ng mga tauhan na
nagkakaiba-iba ayon sa heograpikal na kalagayan ng isang lugar at mabigyang-
pansin ang gamit ng wika kung ito ay kolokyal, diyalektal, teknikal, balbal at
masining.

Bilang mag-aaral, kailangang malinang ang kakayahang linggwistiko o iyong

abilidad na makabuo at makaunawa nang maayos ng mga makabuluhang pahayag o
pangungusap gaya ng isang halimbawa mula sa dulang “Sinag sa Karimlan” sa
pahayag ni Doming “Kasi ba naman hasa mo habugado ka kung magsalita.” Dito
ginamit ni Doming ang salitang habugado sa halip na abogado. Isa lamang ito sa
napakaraming pagkakaiba-ibang linggwistiko dahil sa pagkakaiba-iba ng lugar,
pagbabago sa pagkagamit ng wika o ‘di kaya’y kultura ng mga tao.

Mahalaga ring matutunan ang kultural na katangian ng wika na

matutunghayan sa pelikula at dula na nagsisilbing identidad ng tagapagsalita.
Sinasabi na ang kultura ay ang pinaghalong tradisyon, paniniwala at pamumuhay na
nagsisilbing pagkakakilanlan ng mga tao sa isang lugar. Sa isang eksena sa
pelikulang “Maynila sa Kuko ng Liwanag,” may kaibigan si Julio na nais humiram ng
perang pambili ng exam book. Kahit kahuli-hulihang pera sa bulsa ay iniabot pa rin
niya ito sa kapwa manggagawa. Dito naipakita ang kulturang pagkamatulungin ng
mga Pilipino sa panahon ng pangangailangan. Hindi na alintana kung ano ang
mangyayari pagkatapos na naibigay ang tulong dahil ang mahalaga ay ang
matulungan ang taong nasa kagipitan.
Pagsasanay 4:

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na kalagayan sa pamamagitan ng

dayalogo sa pelikulang “Maynila sa Kuko ng Liwanag.” Ano-ano ang mga linggwistiko
at kultural na pagkakaiba-iba ng mga tauhan sa pelikula? Gawan ng pagsusuri.

A. “Switik talaga ang hayop na ‘yun eh, ganyan din ang bigay sa akin nang magsimula ako
sa trabaho.”
B. “Masarap dito pare kung may pera ka, kung wala eh tepok ka.”
C. “Pasalamat ka at may kaha (itinuro ang tiyan) ka, may panlaban sa gutom.”
D. “Taiwan pa. Anong taiwan? ‘Yan ang pagbebenta ng sahod. Ganito ‘yan pare, sa araw
ng sahod mo sasabihin niya, “Walang pera may taiwan. Aabunuhan muna namin pero may
kaltas ng diyes porsyento eh, ikaw naman mahirap kang tao laging gipit, isang kahig isang
tuka eh di, maibebenta mo ‘yung sahod mo. Ang masakit ‘dun ay ibinibili sa sahod mo ay
‘yung mismong sweldo mo. Iginigisa ka sa sarili mong mantika. ‘Pag umangal ka naman
bakbak ka sa trabaho.”

Pagsusuring Linggwistiko
_________________________________________________________________________

Pagsasanay 5:

Panuto: Sa tulong ng mga dayalogo sa ilalim, suriin ang kultural na

pagkakaiba-iba ng mga tauhan sa pelikula at gawan ito ng pagsusuri. (Pwede kang
maghambing ng mga kulturang nalalaman kaugnay sa paksa)

Eksena

Julio: Ngayon ko lang nalaman ang nangyari Perla. Kung nabalitaan

ko lang nang maaga eh, sana eh nakasama kami sa libing.
Perla: (Hagulgol sa pag-iyak) Baka hindi pa kayo kumakain? Madali
lang naman magluto eh.
Julio: Kumain na kami. Tanggapin mo itong konting tulong. (Iniabot
ang pera.)
Perla: Salamat.

Pagsusuring Kultural
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Pagsasanay 6:

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na dayalogong ginamit ng mga tauhan

sa dulang “Sinag sa Karimlan.” Gawan ito ayon sa hinihinging pagsusuri sa
linggwistiko at kultural na aspeto.

Doming: OXO seguro

Bok: De-hin kung ibig yo gigis
Tony: Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat?
Ernan: Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang
batang may mataas na uri.

A. Ano-ano ang nahahalata mo sa pagkagamit ng wika? Bakit ito nagkakaiba-iba?

Lapatan ng pagsusuring linggwistiko.

Pagsusuring Linggwistiko

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

B. Suriin mo ang kultural na pagkakaiba-iba ng mga sumusunod na tauhan batay sa

dayalogong mababasa sa dulang “Sinag sa Karimlan.” Pwede mong iugnay ang
sagot sa kanilang ugali, pamumuhay, pamayanang kinagisnan o mga paniniwala
upang maging mabisa ang pagsusuring kultural.

Mang Luis: Anak, patawarin mo ‘ko. Nagbalik ako upang…

Tony: Dahil sa kerida’y patong-patong na hirap ang dinanas namin. Lalo
na ang aking nanay. Huli na ang lahat! Kayo ang dahilan ng kasawian ni
nanay!
Padre Abena: Huwag kang makalimot sa Diyos. Ang tumatawag ay
dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Ernan: Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y
walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.

Pagsusuring Kultural

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

A. Batay sa iyong paksang natutunan, bakit dapat suriin at isaalang-alang ang mga
linggwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino na ipinakikita sa
mga dula at pelikula?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

B. Napapayaman ba ng panonood ng pelikula at dula ang wika at kultura ng mga

Pilipino? Paano?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Tatayain ang mga sagot sa pamamagitan ng rubrik na nasa ibaba.

Rubrik sa Pagsulat ng Pagsusuri

Puntos Pamantayan
5 Mahusay ang ginawang pagpapaliwanag
5 Wasto at angkop ang paggamit ng wika
5 Malinaw ang pagkabuo ng kaisipan
15 Kabuuan

Rubrik sa Batayang Tanong

Puntos Pamantayan
2 Kalinawan ng kaisipan
2 Kawastuhang gramatikal
1 Kaangkupan sa paksa
5 Kabuuan

Rubrik sa Repleksiyon

Puntos Pamantayan
4 Malinaw ang nabuong kaisipan
3 May kawastuhang gramatikal
3 Mahusay ang pagpapaliwanag
10 Kabuuan
V. Repleksiyon

Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang mga mahahalagang matutunan sa

pagsusuri at pagsasaalang-alang ng mga linggwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa
napanood ng pelikula at dula?

VI. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 2 Pagsasanay
1. Sine Magkakaiba-iba ng sagot base sa pananaw ng mag-aaral.
2. Entablado Sumangguni sa Pamantayan sa Pagmamarka
3. Tauhan
4. Pelikula
5. Dula
6. Kultural
7. Linggwistiko
8. Stage Play
9. Lino Brocka
10. Dioniso S. Salazar

You might also like