You are on page 1of 15

11

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Kakayahang Lingguwistiko at Kultural na
Pagkakaiba-iba sa Lipunang Pilipino
(Pelikula at Dula)
Asignatura – Komunikasyon at Pananaliksik Baitang 11
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Kakayahang Lingguwistiko ng mga Pilipino (Pelikula
at Dula)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Science City of Muñoz


Tagapamanihala: Dante G. Parungao, CESO VI
Pangalawang Tagapamanihala: Zurex T. Bacay, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cinderela G. De Leon
Editor: Jocelyn C. Regpala/Alona C. Acosta
Tagasuri: Bennedick T. Viola
Tagaguhit:
Tagalapat: Cinderala G. De Leon, Bennedick T. Viola
Tagapamahala: Larry B. Espiritu
Augusto A. Mateo
Rodolfo T. Dizon
Mercedita D. Saldero
Emmanuel D. Alvarez

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


SDO – Science City of Muñoz
Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section (CID-LRMS)
Office Address: Brgy. Rizal, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
E-mail Address: muñoz.science.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-
aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang Kakayahang
Lingguwistiko ng mga Pilipino (Pelikula at Dula). Ang sakop ng modyul ay
magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit
dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa
pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:

• Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na


pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood.
(F11 PD-IIb-88)

• Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at


pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. (F11PS-IIb-89)

Layunin:
1. Naihahambing ang mga salitang ginamit sa isang pelikula at
dulang napanood.
2. Nagagamit nang wasto at maayos ang mga salitang ginamit
sa pagsusuri ng isang pelikula at dula.
3. Nasusuri ang mga pahayag batay sa dahilan, anyo at
pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.
4. Nakasusulat ng obserbasyon hinggil sa dahilan, anyo at
pamamaraan ng paggamit ng wika na nakita sa pelikulang
pinanood.

1
Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang pelikula ay kilala rin bilang ___________________________.


A. aksyon
B. patalastas
C. pinilakang-tabing
D. sinematograpiya

2. Ito ay nagpapakita ng mga tauhang gumagalaw sa entablado.


A. dula
B. tula
C. kwento
D. pelikula

2. Anong pangunahing wika ang ginagamit sa sitwasyong pangwika sa


pelikula.
A. Ingles
B. Filipino
C. Pilipino
D. Tagalog

3. Ano ang pangunahing layunin sa sitwasyong pangwika sa pelikula?


A. upang sumikat
B. upang kumita ng malaki
C. upang maka-impluwensya sa mamayan
D. upang makaakit ang mas maraming manunuod

5. Bakit hindi dapat paghiwalayin ang wika at kultura?


A. dahil ito ang ating kinamulatan
B. dahil pamana ito ng ating mga ninuno sa ating bansa
C. dahil sa iba-iba ang wika at kultura ng mga tao
D. dahil nagkakaalam at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin,
tradisyon at paniniwala ng mga tao.

2
Aralin Kakayahang Lingguwistiko at

1 Kultural na Pagkakaiba-iba sa
Lipunang Pilipino (Pelikula at Dula)
Ang pelikula na kilala rin bilang sine at pinilakang-tabing ay isang
larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo
ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
Samantala, ang dula ay isang akda sa pamamagitan ng kilos at galaw
sa tanghalan na naglalarawan ng kawil ng mga pangyayari na naghahayag
ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.

Balikan
Tanong-sagot
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Maituturing ba na ang Social Media ang pinakamabilis na paraan sa
pakikipagkomunikasyon? Bakit? Pangatwiranan.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

3
Tuklasin
GAWAIN 1
Panuto. Basahin ang excerpt ng isang Pelikula at Dulang Pilipino at sagutin
ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
One More Chance
Popoy Gonzalez : Eh ano nga kasi ang problema?
Basha Eugenio : Gusto mo ba talagang malaman? Ako! ako yung problema!
Kasi nasasaktan ako kahit di naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko
nang tiisin yung sa akin na nararamdaman ko, kasi ako namili nito diba?
Ako yung may gusto. Sana kaya ko nang sabihin sa iyo na masaya ako para
sa iyo, para sa inyo. Sana kaya ko. Sana kaya ko, pero hindi eh. Sama sama
kong tao kasi ang totoo, umaasa pa rin ako sa piling mo. Sana ako pa
rin.Ako na lang. Ako na lang ulit.
Popoy Gonzalez : Mahal ko si Trisha.
Basha Eugenio : Alam ko.
Popoy Gonzalez : She had me at my worst. You had me at my best. Pero
binalewala mo lang lahat yun.
Basha Eugenio : Popoy, ganun ba talaga ang tingin mo? I just made a
choice?
Popoy Gonzalez : And you chose to break my heart.

Ang Paglilitis Ni Mang Serapio by Paul Dumol

Unang Tagapagtanong: (Sa Ikalawang Tagapagtanong) O, sige na.


Ikalawang Tagapagtanong: Sige. (Lalakad sila sa harap ng kanilang mesa)
Dalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Narito ho kayo upang panoorin
ang isang paglilitis, dahila’y ang krimen ng isang pulubing huling- huli namin. Si
Mang Serapiong pisak at surutin. (Tatakbo sila sa kanilang mesa.) Dalhin dito ang
nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito
agad!
(Hahalakhak, hihiyaw, at papalakpak ang mga Pulubi. Hihilahin ng dalawang
bantay si Mang Serapio sa gitna ng silid at iiwan doon. Katahimikan.)
Unang Tagapagtanong: Magandang gabi, ginoo.
Serapio: Magandang gabi rin ho. (Sandaling titigil) Mga ginoo –
Dalawang Tagapagtanong: Silencio!
Unang Tagapagtanong: Huwag kang magsalita habang kami’y nagsasalita.
Ikalawang Tagapagtanong: Bastos ang nagsasalita habang may nagsasalita pa.
Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Patawarin ho ninyo siya. Talagang
ganyan ho ang waLang kapangyarihang tulad niya: mangmang, at yan nga ang
suliranin ng mga may kapangyarihang, tulad namin.
Ikalawang Tagapagtanong: Tumindig ka nang matuwid!

4
Mga Tanong:
1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula?sa Dula?
_____________________________________________________________________
2. Ano ang wikang ginamit sa pamagat? Bakit kadalasang ito ang wikang
ginagamit sa Pelikulang Pilipino?/Dula?
___________________________________________________________________
3. Ano ang wikang ginamit sa pagbuo ng dayalago sa pelikula?sa Dula?
_____________________________________________________________________
4. May pagkakaiba ba ang mga salita sa pagbuo ng mga dayalogo sa pelikula
at dula? Pangatwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________

Suriin

Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing. Ito ay isang
larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil nagging pangunahing
tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang litratong
pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya
bilang ang pag-aaral ng pelikula. Isang anyo itong sining, at tanyag na anyo ng
mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng
"totoong" tao at bagay kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera,
at/o sa pamamagitan ng kartun.Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ang wika
ng pelikula ay mababatay sa pag-arte ng aktor na parang nagsasalita ng personal
sa tagapanood. Ang paggamit ng wikang Filipino ng media ngayon, at ang kaakibat
na pagpapalaganap nito, ay hindi dahil sa pagnanais ng media na mapalaganap
ang wikang pambansa kundi upang maabot nito ang pinakamalawak na antas ng
mga manonood at tagapakinig

Ang pagsusuri ng isang pelikula at isang akda ay maituturing na mataas at


tampok na kasanayang dapat linangin sa isang indibidwal. Mataas, sapagkat
nagagawa nito na kailangang may lubos na kaalaman sa mga elemento ng isang
pelikula at isang akda. Kasama rin ang kayarian at gamit ng wika sa mga pahayag
o pangungusap.

Gaya nga ng natalakay na iba’t ibang sitwasyon ginagamit ang wika, Batay
rin kung sino ang gagamit, saan gagamitin, at paano ito gagamitin.Isang dapat
suriin at isaalang-alang ang lingguwistikong aspeto lalo na sa larangan ng pelikula
at dula. May sariling sitwasyon, kaya’t may sariling register ng mga salita ang mga
ito. Wika nga, pampelikula o pandulaan lang.

Lingguwistiko ang tinatawag na kaugnay ng wikang sinasalita nang ayon sa


heograpikong kalagayan ng isang lugar. Maaaring bigyang-pansin ang antas na
gamit ng wika tulad ng balbal, kolokyal, diyalektal, teknikal, at masining.

5
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA

1. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.


2. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
3. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod
na malilibang sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng
malaki.
4. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami
ng ng mamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng
wikang Filipino.
5. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa
pamantayan ng propesyonalismo.

Ang diyalogo ay isang uri ng komunikasyon na tawag sa mga binibigkas ng


mga karakter o tauhan sa isang istorya o maaaring sa dulaan o balagtasan. Ito ay
nagsisimula sa sining ng pakikinig. Isa rin itong usapan sa pagitan ng dalawa o
mas higit pang tao.

WIKA AT KULTURA

Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa


mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga
paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa
kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa
kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. Ang bawat tao ay
may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa
mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito
maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang
kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa
makabuluhang buhay.

Ang kulturang ito ay nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang


henerasyon sa pamamagitan ng wika. Habang natutuhan ng isang bata ang
kanyang katutubong wika, unti-unti rin niyang nakukuha ang kanyang kultura.
Ang mga salita na napabilang sa leksikon ng isang wika ay matinding indikasyon
sa uri ng pamumuhay at pananaw sa mundo sa mga nagsasalita nito. Halimbawa,
ang bawat grupo ng mg tao ay may kani-kanilang paraan at terminolohiya sa
pagbibilang ng panahon: ang mga magsasaka, sa pamamagitan ng mga araw o
buwan ng pagtatanim at pag-ani; ang mga pumapasok sa pabrika ay nagbibilang
ng walong oras bawat araw at naghihintay ng akinse ng bawat buwan; at ang mga
mag-aaral naman ay nagbibilang ng mga semestre sa pasukan at bakasyon.

Mula sa Linggwistiks Para sa mga Mag-aaral ng AGHAM PANLIPUNAN 1


by Jessie Grace U. Rubrico
inilathala sa: Language Lyrics.org

6
GAWAIN 2
1. Panuto: Narito ang mga sumikat na dayalogo sa mga pelikulang
Pilipino. Suriin ang mga linggwistiko at kultural na pagkakagamit ng
wika.

DAYALOGO LINGGWISTIKONG KULTURAL NA GAMIT


GAMIT NG WIKA NG WIKA
“Hindi naman talaga tayo
napapagod masaktan, eh,
dahil sa totoo lang, hindi rin
naman tayo napapagod na
magmahal.” – Angel Locsin,
Unofficially Yours
“Kasi ako, totoo, umaasa pa
rin ako na sabihin mo, sana
ako pa rin. Ako nalang. Ako
nalang ulit.” – Bea Alonzo,
One More Chance

“Huwag mo akong mahalin


dahil mahal kita. Mahalin mo
ako dahil mahal mo ako
because that is what I
deserve." - (Kathryn
Bernardo), Barcelona: A Love
Untold

Tanong
1. Bakit dapat suriin at isaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino ng mga pelikula at dulang napanood?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

7
Pagyamanin

GAWAIN 3
Panuto: Basahin ang mga halimbawa ng dayalogo sa kahon at
sagutin ang mga tanong na nasa ibaba.

Usapan 1
Seminar

Lea: Magandang umaga po Bb. Acosta. Natutuwa po kami at


pinaunlakan ninyo ang aming paanyaya sa seminar na ito.
Bb. Acosta: Magandang umaga din naman Lea. Isang malaking
karangalan para sa akin ang inyong paanyaya.
Lea: Mabuti po naman. Siya nga po pala, malugod kong ipinakikilala
si Gng. Johana Alvarez, ang aming coordinator.
Bb. Acosta: Kumusta po kayo Gng. Alvarez?
Gng. Alvarez: Mabuti po naman. Ikinagagalak ko po kayong makilala

Usapan 2
Kumustahan Lang
Lito: Hoy, Pare! Anong ginagawa mo dito sa palengke? Kilala mo pa ba
ako?

Iking: Lito! Ikaw nga ba? Ba’t naman hindi? Kumusta ka na?

Lito: Mabuti. Si Ana nga pala, ang aking kumander.

Iking: Magaling ka talagang pumili. Bilib talaka ako sa iyo, parekoy.

Mga Tanong:
1. May pagkakaiba ba ang paraan at anyo ng kanilang pag-uusap? Ilahad
ito.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

2. Isinasaalang-alang ba ang gagamiting mga salita batay sa kausap, sa


lugar at sitwasyon o pangyayari? Bakit? Pangatwiranan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

8
GAWAIN 4
Panuto: Suriin ang dayalogo sa bawat kahon, Iwasto ayon sa tamang paggamit ng
salita at isulat sa inyong sagutang papel.

“Siguro, kaya ka iniiwanan ng Pagwawasto


mga mahal natin, dahil may
darating pang ibang mas _____________________________________
magmamahal sa yo – ‘yung _____________________________________
hindi ako sasaktan at _____________________________________
paasahin…’yung magtatama ____________________________________
ng lahat ng mali sa buhay
niya.” –

“May mga masuwerteng tao na


Pagwawasto
nahanap na ‘yung taong para
sa akin. May mga taong
_____________________________________
patuloy na naghahanap at
_____________________________________
may iba na sumuko na. Pero
____________________________________
‘yung pinakamasaklap, eh,
‘yung nasa ikaw na,
pinakawalan tayo pa.”

"Kapag nahanap ka na yung Pagwawasto


taong sa palagay mo, para sa ____________________________________
'kanya, huwag tayo nang ____________________________________
pakakawalan, ipaglaban ____________________________________
siya." -

9
Isaisip

GAWAIN 5

Panuto: Punan mo ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Sa tulong ng aking guro at sa pamamagitan ng modyul na ito, lubos ko nang


naunawaan ang _________________________ at __________________________ sa
kakayahang lingguwistiko ng mga Pilipino. Nalaman ko din na ang sine ay isang
anyo ng ____________________ at ito ay nagpapakita ng larawang gumagalaw.
Samantalang ang dula naman ay sa pamamagitan ng _______________________at
______________________ na naglalarawan sa bahagi ng buhay ng tao.

Isagawa

GAWAIN 6

Panuto: Panoorin mo ang Pelikulang Through Night and Day at sumulat ng


obserbasyon hinggil sa dahilan, anyo at pamamaraan ng paggamit ng wika na
nakita sa pelikulang pinanood.

Rubriks sa Pagmamarka

Nilalaman 60%

Gramatika 20%

Pagkakaugnay-ugnay ng diwa sa mga pangungusap 20%

Kabuuan 100%

10
Tayahin

Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. Kung tama isulat sa
sagutang papel ang A at kung mali ay B.

_______1. Nangingibabaw ang paggamit ng wikang Filipino sa mga


dayalogo/usapan ng mga tauhan mapapelikula o mapadula.
_______2. Pormal ang mga salitang ginagamit sa dayalogo sa pelikulang
Pilipino.

______3. Ang pangunahing layunin ng Pelikula ay makaakit ng mas


maraming manunuod na malilibang sa kanilang mga palabas at
programa upang kumita ng Malaki.

_______4. Ang obserbasyon sa isang pelikula at isang akda ay maituturing


na mataas at tampok na kasanayang dapat linangin.

_______ 5. Nag-iiba ang paggamit natin ng wika batay sa ating kausap, lugar
at sitwasyon.

11
12
TAYAHIN ISAISIP SUBUKIN
1. A 1. Pelikula 1. C
2. B 2. Dula 2. A
3. A 3. Sining 3. B
4. B 4. Kilos 4. D
5. A 5. Galaw 5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat:
Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Gregorio Araneta Avenue, Quezon City:
Vibal Group, Inc.

SIKHAY: Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino (Baitang 11)

Website:
https://etech511ckp20172018.wordpress.com/
https://brainly.ph/question/504877
http://rosiefilipino10.weebly.com/

https://vimeo.com/244616637

13

You might also like