You are on page 1of 8

Mga Panandang Kohesyong

Gramatikal
Ginagamit ang panandang kohesyong gramatikal upang maiwasan ang
pauli-ulit na paggamit ng pangngalan o salitang ginagamit sa
pagpapahayag.

Ang sumusunod ay apat na uri ng panandang kohesyong gramatikal.


1. Pagpapatungkol (Reference) - ito ang paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauna o
nahuling pangalan. May dalawang uri ito.

a. Anapora o sulyap na pabalik ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap o talata.

Halimbawa:
Ang Kyogen ay isang dulang pantanghalang isinisingit sa pagtatanghal ng Noh. Ito
ay naglalayong magpatawa o aliwin ang mga manonood. Kadalasan, ito ay nagpapatungkol sa
realidad ng buhay at sumasalamin sa mga totoong katangian ng tao.
b. Katapora o sulyap na pasulong naman ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa unahan
bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng pangungusap o talata.

Halimbawa:
Sa kyogen na ating binasa, makikita ang hangarin niyang mapunta sa langit.
Bagama’t siya ay kumitil ng buhay ng mga ibon upang pagkakitaan, ipinaliwanag niyang hindi
siya ang nakikinabang dito. Iyan ang katwiran ni Kiyoyori, ang pangunahing tauhan sa dula.
2. Elipsis – ito ay ang pagtitipid sa pagpapahayag. May mga salitang hindi na inilalagay o
nawawala na sa pahayag sa kadahilanang naiintindihan na ito sa pahayag at magiging paulit-ulit
lamang.

Halimbawa:
Bibihira ang nagsasalin ng mga ganito sa ibang wika.
(Ano ang pinatutungkulan ng ganito?)
3. Pagpapalit – ito ay ang paggamit ng iba’t iba pang reperensiya sa pagtukoy ng isang bagay o
kaisipan.

Halimbawa:
Dahil sa pagsasalin ng mga akda sa wikang nauunawaan natin ay namumulat
tayo sa kulturang banyaga. Nalalaman natin ang kulturang Hapones at natututo tayo sa mga
gawain nila.
4. Pag-uugnay – ito naman ay paggamit ng iba’t ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang
dalawang pahayag.

halimbawa:
Itinatanghal ang Kyogen kapag tapos na ang pagtatanghal sa Noh upang
maging kaaliw-aliw naman sa manonood ang panonood sa teatro.
SALAMAT SA PAKIKINIG!!!

You might also like