You are on page 1of 15

4 Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office III

Guided Learning Activity Sheets


Arts 4
Quarter 3 – Week 1-4
Tekstura, Contrast ng Pakurba at Tuwid na
Linya at Relief Printing
MAPEH (Sining) – Ika-apat na Baitang
Learning Activity Sheet
Ikatlong Markahan – Week 1-4: Tekstura, Contrast ng Pakurba at Tuwid na Linya at Relief
Printing

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng GLAS

Manunulat: Kimberly R. Garcia


Mga Editor: Maria Teresa C. Perez
Bobby L. Isip
Tagasuri: Charito D. Corpus
Phoebe V. Concepcion
Tagaguhit: Kimberly R. Garcia
Tagalapat: Kimberly R. Garcia
Layout Evaluator:
Cover Designer: Paul Marion R. Vallentos

Tagapamahala: May B. Eclar, PhD,CESO III


Roda T. Razon,PhD ,CESO V
Librada M. Rubio,PhD,Chief-CLMD
Ma.Editha R. Caparas,EdD,EPS-LRMS
Engelbert B. Agunday,EdD,EPS-MAPEH
Rosauro M. Perez, EdD, EPS-MAPEH
Lily Beth B. Mallari, EPS-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address : Matalino St., Government Center, Maimpis , City of San Fernando, Pampanga
Telefax : (045) 598-8580 to 89
E-mail Address : region3@deped.gov.ph
I. Alamin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. mapalawak ang kaalaman sa tekstura ng mga bagay
2. mailarawan ang mga katangian ng tekstura sa mga bagay
3. makagawa ng isang disenyong panggilid gamit ang mga bagay na may iba’t
ibang tekstura
4. makalikha ng isang sining at naipapakita ang paulit-ulit, at pasalit-salit na
disenyo sa pamamagitan ng contrast
5. makalikha ng relief prints na may ethnic motif design sa pamamagitan ng pag-
uulit, pasalit-salit o radial na ayos
6. makabuo ng isang disenyong paglilimbag (relief master) sa pamamagitan ng
pagdaragdag at pagbabawas na pamamaraan.
7. makalikha ng isang simple at kakaibang relief mula sa disenyong gawa sa
luwad.

II. Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa
Hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng sagot.
Hanay A Hanay B
____1. Ito ay binubuo ng mga hugis at linya. Makikita
ang mga disenyong ito sa maraming bagay tulad ng A. Pilipino
banga, tela, sarong, damit, malong, cards, at iba pa.
____2. Ang mga basket, banig, at bag na yari sa B. yantok
materyal na ito ay may matigas at magaspang na
tekstura.
____3. Ito ay mga disenyo, letter print, slogan, o logo na C. tekstura
makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at iba pang
materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o
D. contrast
pagpinta
____4. Ito ay nagpapakita ng linyang hindi gumagalaw
dahil nagpapahiwatig din ito ng kapayapaan, E. inuulit na tuwid na
kalungkutan, kaayusan, katatagan, at iba pa. linya
____5. Marami sa mga produktong gawa ng mga
Pilipino ang kinakalakal sa ibang bansa at ang mga ito F. inuulit na
ay nagugustuhan nila dahil sa ganda at tibay ng mga ito. pakurbang linya
____6. Ito ay maaaring makinis, madulas, makapal,
mapino, mabako, manipis, o magaspang.
____7. Ito ay nagpapakita ng pinagsamang gumagalaw G. etnikong motif
at hindi gumagalaw na linya.
____8. Ito ay halimbawa ng linyang gumagalaw. H. inuulit na pakurba
Nagpapakita ito ng aksiyon, kasiglahan o kalikutan. at tuwid na linya
____9. Naipapakita ito sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit,
pagsasalit-salit ng mga hugis at kulay at sa paggamit ng
mga linyang tuwid at pakurba, paputol-putol at patuldok- I. relief prints
tuldok, parisukat at pabilog, at iba pa.
____10. Karaniwang naipapakita nila sa kanilang mga J. dayuhan
gawang produkto ang iba’t ibang disenyo na
nagpapakilala sa lugar o pangkat na kinabibilangan nila.
3
Aralin Tekstura, Contrast ng
1 Pakurba at Tuwid na Linya
at Relief Printing

III. Tuklasin
Karaniwang naipapakita ng mga Pilipino sa kanilang mga gawang produkto ang iba’t
ibang disenyo na nagpapakilala sa lugar o pangkat na kinabibilangan nila. Marami sa
mga produktong ito ang kinakalakal sa ibang bansa at ang mga ito ay nagugustuhan
ng mga dayuhan dahil sa ganda at tibay ng mga ito.

IV. Suriin
Tekstura (Texture)
Ilan sa mga produktong Pilipino:

https://pixabay.com/photos/baskets-craft-sales-stand-3339638/ https://pixabay.com/photos/fabric-wool-textile-texture-1031932/

Iba’t ibang tekstura ang taglay ng mga produktong ito. Basket, banig, at bag na yari
sa yantok ay may matigas at magaspang na tekstura. Ang ibang bag naman ay may
teksturang malalambot at makinis. Ang tekstura ay maaaring makinis, madulas,
makapal, mapino, mabako, manipis, o magaspang. Nalalaman ang tekstura ng isang
bagay sa pamamagitan ng pandama o paghipo o teksturang taktil at pagmamasid o
pagtingin o teksturang biswal.

Contrast ng Pakurba at Tuwid na Linya


Mayaman ang Pilipinas sa sining at kultura. Dahil ito sa kontribusyon ng iba’t ibang
pangkat-etniko. Nakabatay ang kanilang mga disenyo sa mga bagay-bagay na
matatagpuan o makikita sa kanilang kultura at lugar o kapaligiran. Nagtataglay ang
mga ito ng contrast sa pamamagitan ng paggamit ng mga linyang tuwid at pakurba,
paputol-putol at patuldok-tuldok, parisukat at pabilog, at iba pa.

4
Iba’t ibang uri ng linya sa disenyo

1. Inuulit na tuwid na linya

Ito ay nagpapakita ng linyang hindi


gumagalaw dahil nagpapahiwatig din ito
ng kapayapaan, kalungkutan,
kaayusan, katatagan, at iba pa.

2. Inuulit na pakurbang linya

Ito ay halimbawa ng linyang


gumagalaw. Nagpapakita ito ng
aksiyon, kasiglahan o kalikutan.

3. Inuulit na pakurba at tuwid na linya

Ito ay nagpapakita ng pinagsamang


gumagalaw at hindi gumagalaw na
linya.

Relief Printing
Makikita sa maraming bagay tulad ng banga, tela, sarong, damit, malong, cards, at
iba pa ang mga disenyong may etnikong motif. Napapaganda nito ang mga
kagamitan.

Ang etnikong motif ay binubuo ng mga hugis at linya. Sa pamamagitan ng pag-uulit,


pagsasalit-salit at radial na ayos (paikot) ng mga hugis at linya, nagkakaroon ng
maganda at kaaya-ayang disenyo ang mga ethnic motif designs.

5
Pagsasalit-salit Pag-uulit

Radial na ayos

Ang relief prints ay mga disenyo, letter print, slogan, o logo na makikita sa mga papel,
tela, tarpaulin at iba pang materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta.
Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang relief master o molde na
maaaring gamitin sa paglilipat o pagpaparami sa disenyo.

6
V. Pagyamanin
Pagsasanay 1. Disenyong Panggilid (Border Design)
Kagamitan: oslo paper, cardboard, pandikit, butones, hairclip,
barbecue sticks, barya ng iba’t ibang halaga, mga dahon na may iba’t
ibang hugis at tekstura, acrylic paint, paint brush, gunting, dyaryo at
lumang plastik.
Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Pumili ng mga dahon na may iba’t ibang laki at tekstura.


2. Ayusin ang mga napiling dahon. Ang disenyong gagawin ay maaaring katulad
ng mga disenyo sa inyong paligid o komunidad. Iayos ang mga ito sa ibabaw
ng mesang panggagawaan.
3. Kulayan ang mga dahon ng acrylic paint (kulayan lamang ang bahagi ng dahon
na may tekstura para lumitaw ang disenyo).
4. Ayusin ang mga dahon sa gilid ng oslo paper. Pagkatapos maihanay ang mga
dahon, maaari ng ipatong ang oslo paper sa mga nakaayos na dahon sa ilalim
nito.
5. Idiin nang maigi ang kamay sa ibabaw ng oslo paper para bumakat ang mga
tekstura nito na nasa ilalim.
6. Alisin nang marahan ang oslo paper (at ang mga dahon na nasa ilalim nito).
7. Patuyuin ang papel na may disenyong panggilid.
8. Linisin at ayusin ang lugar na pinag gawaan ng proyekto o disenyo.
9. Maglagay ng paliwanag sa likod ng iyong proyekto tungkol sa inyong natutuhan
sa gawaing ito. Ipasa sa guro ang natapos na proyekto.

Rubrik para sa Disenyong Panggilid


Mga Sukatan Lubos na Nasunod ang Hindi nasunod ang
nasunod ang pamantayan sa pamantayan sa
pamantayan sa pagbuo ng likhang pagbuo ng likhang
pagkabuo ng sining (2) sining (1)
likhang sining (3)
Nasunod ang
pamamaraan sa
paglilimbag at nakabuo
ng sariling disenyo
Gumamit ng mga bagay
na iba’t ibang tekstura sa
pagbuo ng disenyo
Naipaliwanag ang
natapos na likhang sining
Naipakita ang
pagpapahalaga sa
likhang sining sa
pamamagitan ng
pagbahagi ng kahalagan
nito sa iba

.
7
Pagtatasa 1
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga tanong.

1. Ilarawan ang tekstura ng mga kagamitang ginamit mo sa paglimbag ng


disenyo.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano ang kabutihang naidudulot ng paglalagay ng disenyo sa mga bagay o
produkto?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Pagsasanay 2. Eco Bag Na May Disenyong Etnikong Motif
Kagamitan: recycled paper bag o eco bag, watercolor o acrylic paint, paint,
brush, folder o cardboard at gunting
Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Umisip ng disenyo na nais mong mailimbag sa recycled paper bag. Ang mga
disenyong gagamitin ay hango sa etnikong motif na napag-aralan o anumang
disenyong ibig mong idibuho na.
2. Kumuha ng cardboard at gupitin ang nais na hugis. Maaari kang gumawa ng
dalawa o tatlong uri ng hugis. Gumupit din ng mga linyang tuwid at pakurba
para sa isang panig ng paper bag.
3. Pagkatapos makagawa ng mga disenyo, ayusin ang paper bag sa mesa.
Kailangang pantay ang pagkakalatag nito sa mesa.
4. Gamit ang paint brush, pahiran ng acrylic paint o watercolor ang ginupit na motif
at mga linyang tuwid at pakurba. Maingat ilapat sa paper bag.
5. Ulitin nang ilang beses ang bilang 4 (pasalit-salit o inuulit) upang makabuo ng
disenyo sa iyong bag.
6. Patuyuin ang paper bag.
7. Sagutan sa isang malinis na papel kung paano mo maibabahagi ang
kahalagahan ng likhang sining sa iyong pamilya.
8. Ipasa sa guro.

Rubrik para sa Eco Bag Na May Disenyong Etnikong Motif


Mga Sukatan Lubos na Nasunod ang Hindi nasunod ang
nasunod ang pamantayan sa pamantayan sa
pamantayan sa pagbuo ng likhang pagbuo ng likhang
pagkabuo ng sining (2) sining (1)
likhang sining (3)
Nakapaglimbag ng

8
sariling disenyo gamit
ang tuwid at pakurbang
linya o anumang disenyo
na nagpapakita ng
contrast.
Naipakita ng paulit-ulit at
pasalit-salit na disenyo sa
pamamagitan ng contrast
Nakapaglimbag ng
orihinal na disenyo
Napahalagahan ang
likhang sining sa
pagbabahagi ng
kahalagahan nito sa iba.

Pagtatasa 2
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang tanong.

1. Paano mo maipagmamalaki ang mga produktong likha ng mga pangkat-etniko


sa inyong pamayanan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pagsasanay 3. Paggawa ng mga Relief Prints sa Kamiseta


Kagamitan: luwad (plastic clay), acrylic paint, gamit na puting kamiseta
Mga Hakbang sa Paggawa

Gawain A

1. Takpan ng lumang diyaryo ang mesang gawaan.


2. Ilabas ang dalang luwad.
3. Pagulungin o diinan sa mesa ang luwad upang lumambot
4. Gumawa ng disenyong may iba’t ibang hugis.
5. Siguraduhin na ang bahaging ididiin sa papel o materyales na paglagyan ng
disenyo ay pantay.
6. Patuyuin ito para magamit sa relief printing.

Gawain B

1. Kulayan/pintahan ang nabuong disenyong relief ng matitingkad na kulay.


Maaari ring gumamit ng mga kulay at isalit-salit sa mga matitingkad,
maputlang/malabnaw na kulay sa pagbuo ng relief prints.
2. Kunin ang dalang puting kamiseta.

9
3. Ilimbag ang disenyo sa relief. Ang disenyo ay ilimbag nang paulit-ulit at salit-
salit upang lumabas ang magandang likhang sining.
4. Maging malikhain sa pagbuo ng disenyo.
5. Patuyuin ang natapos na likhang sining, lagyan ito ng pamagat, at ipasa sa
guro.

Rubrik para sa Paggawa ng mga Relief Prints sa Kamiseta


Mga Sukatan Lubos na Nasunod ang Hindi nasunod ang
nasunod ang pamantayan sa pamantayan sa
pamantayan sa pagbuo ng likhang pagbuo ng likhang
pagkabuo ng sining (2) sining (1)
likhang sining (3)
Nakagawa ng isang
simple at kakaibang
disenyo
Nakapaglimbag ng relief
na may ritmong inuulit at
salit-salit
Gumamit ng disenyong-
etniko bilang batayan ng
sariling disenyo
Nakasunod sa
pamantayan sa paggawa
ng likhang sining

Pagtatasa 3
Disenyong Motif

Panuto: Basahing mabuti at gawin ang isinasaad sa bawat bilang.


1. Nais mong lumikha ng isang kakaibang disenyo para sa inyong proyekto sa
sining. Gamit ang mga etnikong motif sa ibaba paano mo maipapakita ang
iyong disenyo sa pamamagitan ng pagsasalit-salit. Iguhit ang naisip na disenyo.

10
2. Humingi ng tulong ang iyong lola sa pag disenyo ng kanyang ginagawang
basket. Nais niyang gumamit ng mga etnikong motif sa kaniyang disenyo at
radial na ayos ang gusto niya. Iguhit ang naisip na disenyo.

Rubrik para sa Disenyong Etnikong Motif


Mga Sukatan Lubos na Nasunod ang Hindi nasunod ang
nasunod ang pamantayan sa pamantayan sa
pamantayan sa pagbuo ng likhang pagbuo ng likhang
pagkabuo ng sining (2) sining (1)
likhang sining (3)
Ginamit ang mga
disenyong binanggit
Nakasunod sa
pamantayang binanggit
Nakapaglimbag ng
orihinal na disenyo.
Naipakita ang
pagpapahalaga sa
likhang sining sa
pamamagitan ng
pagbahagi ng kahalagan
nito sa iba

11
VI. Isaisip
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mga iba’t ibang uri ng linya sa disenyo? Ano ang ipinapakita ng bawat
linya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Paano nagkakaroon ng maganda at kaaya-ayang disenyo ang mga ethnic motif
designs?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

VII. Isagawa .
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang tanong.
1. Bakit mahalaga na tangkilikin ng mga Pilipino ang mga gawang produkto ng
mga iba’t ibang pangkat-etniko sa ating bansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Rubriks para sa Pagsagot sa mga tanong.


Pamantayan 5 4 3 2 1
Ang nilalaman ng sagot ay makabuluhan at nasagot nang
buong puso
Ang sagot ay may kaisahan at may kaugnayan sa katanungan
Malinis ang pagkakasulat ng sagot at madaling intindihin
Kabuuang Puntos
5- 5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Mahusay-husay
2- 2- Di-mahusay 1- Sadyang Di-Mahusay

12
VIII. Tayahin
Panuto: Basahing mabuti at piliin sa kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa
patlang ang titik ng sagot.

a. Pilipino d. contrast h. Inuulit na pakurba at


b. yantok e. inuulit na tuwid na linya tuwid na linya
c. tekstura f. inuulit na pakurbang linya i. relief prints
g. etnikong motif j. dayuhan

_____ 1. Ito ay mga disenyo, letter print, slogan, o logo na makikita sa mga papel,
tela, tarpaulin at iba pang materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta

_____ 2. Nalalaman ang _______ ng isang bagay sa pamamagitan ng pandama o


paghipo o teksturang taktil at pagmamasid o pagtingin o teksturang biswal. Ito ay
maaaring makinis, madulas, makapal, mapino, mabako, manipis, o magaspang.

_____ 3. Ito ay halimbawa ng linyang gumagalaw. Nagpapakita ito ng aksiyon,


kasiglahan o kalikutan.

_____ 4. Karaniwang naipapakita nila sa kanilang mga gawang produkto ang iba’t
ibang disenyo na nagpapakilala sa lugar o pangkat na kinabibilangan nila.

_____ 5. Ito ay binubuo ng mga hugis at linya. Makikita ang mga disenyong ito sa
maraming bagay tulad ng banga, tela, sarong, damit, malong, cards, at iba pa.

_____ 6. Ito ay nagpapakita ng linyang hindi gumagalaw dahil nagpapahiwatig din ito
ng kapayapaan, kalungkutan, kaayusan, katatagan, at iba pa.

_____ 7. Naipapakita ito sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit, pagsasalit-salit ng mga


hugis at kulay at sa paggamit ng mga linyang tuwid at pakurba, paputol-putol at
patuldok-tuldok, parisukat at pabilog, at iba pa.

_____ 8. Ito ay nagpapakita ng pinagsamang gumagalaw at hindi gumagalaw na


linya.

_____ 9. Marami sa mga produktong gawa ng mga Pilipino ang kinakalakal sa ibang
bansa at ang mga ito ay nagugustuhan nila dahil sa ganda at tibay ng mga ito.

_____ 10. Ang mga basket, banig, at bag na yari sa materyal na ito ay may matigas
at magaspang na tekstura

13
14
Publication Inc.
Sandoval, Joan D., Valenzuela, Rosel. 2019. Musika at Sining. Bulacan: Victorious
Maninang, Emily., Mariano, Victorina E., Mendoza, Chita E., Montanez, Cynthia.,
Amit, Adulfo., Caringal, Ma. Teresa., Castro, Benjamin., Gepullano, Juan.,
Sanggunian
ISAGAWA Tayahin
Magkakaiba ang disenyo ng mga bata. Ang rubrik ang 1. i 6. e
susundan sa pagbibigay ng puntos ng guro 2. c 7. d
3. f 8. h
4. a 9. j
5. g 10. b
Isaisip
1.Ang mga iba’t ibang uri ng linya sa disenyo ay ang mga
PAGYAMANIN
sumusunod: inuulit na tuwid na linya, ito ay nagpapakita ng Pagsasanay 1-3
linyang hindi gumagalaw dahil nagpapahiwatig din ito ng Pagtatasa 3
kapayapaan, kalungkutan, kaayusan, katatagan. Inuulit na Magkakaiba ang
pakurbang linya, nagpapakita naman ng aksiyon, kasiglahan o disenyo ng mga bata.
kalikutan at ang huli ay ang inuulit na pakurba at tuwid na lina Ang rubrik ang
ito naman ay nagpapakita ng pinagsamang gumagalaw at susundan sa pagbibigay
hindi gumgalaw na linya. ng puntos ng guro
2. nagkakaroon ng kaaya-ayang disenyo ang mga ethnic motif
designs sa pamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at radial
na ayos (paikot) ng mga hugis at linya.
SUBUKIN
1. G 6. C
Pagtatasa 1 at 2
Magkakaiba ang sagot ng mga bata. Ang 2. B 7. H
rubrik ang susundan sa pagbibigay ng puntos 3. I 8. F
ng guro 4. E 9. D
5. J 10. A
Susi sa Pagwawasto
15

You might also like