You are on page 1of 16

4

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ang Balangkas o Istruktura ng
Pamahalaan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Ang Balangkas o Istruktura ng Pamahalaan ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Josie T. Oliveria


Co-Author - Content Editor : Lope O. De Jesus
Co-Author - Language Reviewer : Lope O. De Jesus
Co-Author - Illustrator : Laarnie T. Balor
Co-Author - Layout Artist : Fritz Brian B. Balor

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Assigned District : Teresita R. Ordiales
Principal District LRMDS Coordinator : Joseph Ralph S. Dizon, PhD.
Teacher District LRMDS Coordinator : Christine D. De Lara
District SLM Content Editor : Lope O. De Jesus
District SLM Language Reviewer : Perlita S. Pareno
District SLM Book Designer : Fritz Brian B. Balor

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ang Balangkas o Istruktura ng
Pamahalaan ng Pilipinas
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Magandang araw sa iyo!

Pagkatapos sa araling ito, matutunan mo ang pagbabalangkas ng Pamahalaan ng


Pilipinas. Tutukuyin dito ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan, at ang linya ng
pagkakabalangkas mula pangulo hanggang sa pinakamaliit nay unit pampulitika ng
pamahalaan.

Sa loob ng tatlong linggo, inaasahang maisasakatuparan mo ang mga sumusunod


na layunin o pinakamahalagang kasanayan:
• Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas.
• Natutukoy ang mga namumuno ng bansa.
• Maipapaliwanag nang ang konsepto ng Sistema ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ay talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamiting ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay nahihirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

2
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makakaranas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Subukin

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa patlang.

A B

________1. Pangulo ng Pilipinas A. Hon. Diosdado Peralta

_______2. Pinuno ng Senado B. Hon. Rodrigo R. Duterte

________3. Punong Mahistrado C. Hon. Leny Robredo

________4. Tagapagsalita ng Kinatawan D. Hon. Vicente Sotto III

________5. Bise Presidente E. Hon. Lord Allan Velasco

________6. Maaring Pumalit F. Bise-Presidente


Sa Pangulo

Aralin
Ang Balangkas o Istruktura
1 ng Pamahalaan ng Pilipinas
Mahalaga na pag-aralan ang pagbabalangkas ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Ang pamahalaan ay gaya din ng pamilya ay may mga miyembro na may
kanikaniyang tungkulin. Kung ang pamilya ay may balangkas na sinusunod, ganoon
din ang pamahalaan.

Ang pamahalaan ay tulad ng ibang samahan o organization ay mayroon ring


miyembro at may kanya-kanyang tungkulin.

Kung ang mga samahan at organization ay may pagbabalangkas na


sinusunod, ganun din ang pamahalaan.

3
Balikan

A. Ayusin ang mga letra sa kahon upang malaman ang mga sagot
sa katanungan:

B N R E D
R G O A O ______________ 1. Sino ang pinuno ng lalawigan?

N A B A ______________ 2. Ano ang pinakamaliit na unit ng LGU?


Y G R A

A P L N ______________ 3. Kanino may direktang pananagutan ang mga


O G U pinuno ng lalawigan

E T R E
T U D ______________ 4. Sino ang pangulo ng Pilipinas?

A N R O
______________ 5. Pinuno ng Mataas na Kapulungan:
D S E +

B. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pangalan ng mga


namumuno sa pamahalaan ng Pilipinas.

1. _____________________ 2. ___________________ 3. ____________________

4. ___________________________ 5. _________________________

4
Tuklasin

ANG BALANGKAS O ISTRUKTURA NG PAMAHALAAN NG


PILIPINAS
Tuklasin natin sa araling ito ang mga detalye tungkol sa pagbabalangkas ng
ating pamahalaan. Sa ganun mabibigyang katwiran natin ang mga aksiyon na
ginagawa ng mga namumuno sa pagtugon ng mga pangangailangan ng
mamamayan.

Sa ilalim ng Saligang-Batas ng 1987, ang ating bansa ay mayroong


Presidensiyal na uri ng pamahalaan. Ito ay binubuo ng tatlong (3) sangay na
tinalakay sa nakaraan aralin. Ang mga sangay na tagapagbatas, tagapagpaganap, at
tagapaghukom. Ang pangulo (Presidente) at Pangalawang Pangulo (Bise-Presidente)
ang siyang namumuno sa sangay ng tagapagganap. Sila ay direkta o tuwirang
ihihalal ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pambansang eleksyon. Anim na
taon ang tagal ng kanilang panunungkulan.

Ang pangulo ang nagtatalaga ng kanyang Gabinete o Cabinet na siyang


tumutulong sa pangangasiwa at maayos na pamamalakad ng mga gawaing
pampamahalaan. Ang Gabinete ay binubuo ng mga iba’t ibang sangay (departments)
na may mga ispesipikong tungkulin at pinamuan ng isang Kalihim (Cabinet
Secretary).

Ang sangay Tagapagbatas ay may pangunahing tungkulin na pagpasa ng mga


iba’t ibang batas. Ito ay binubuo ng Mataas na Kapulungan (Senado) at Mababang
Kapulungan (Kinatawan).

Ang pangulo ng Senado (Senate President) ang siyang namumuno sa Mataas


na Kapulungan at ang Spiker (Speaker of the House) ang siya naming namumuno
sa Mababang Kapulungan. Sila ay direktang inihalal ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng isang nasyonal at lokal na eleksyon tuwing ikatlong taon.

Ang sangay ng Hukuman (Supreme Court) ang itinuturing pinakamataas na


hukuman na siyang pinamumunuan ng Pinunong Mahistrado o Chief Justice.

Upang mas lalo nating maunawaan ang mga konsepto ng nabanggit ko sa itaas,
suriin natin ang tsart ng Kapangyarihan ng Pamahalaan ng Pilipinas.

5
Narito ang Tsart:

Makikita mo sa tsart ang pagkakahati-hati ng kapangyarihan ng pamahalaan


ayon sa tatlong sangay nito.

Mapapansin mo na ang bawat sangay ay magkakapantay sa tsart. Ito ay dahil


sa prinsipyo ng pantay-pantay na kapangyarihan ng tatlong sangay. Ipinakikita dito
na hindi maaaring maimpluwensyahan o diktahan ng bawat sangay ang desisyon at
galaw ng bawat isa maliban kung isinasaad sa batas. Mapapansin din na may kanya-
kanyang tungkulin ang bawat sangay. Ang Tagapagganap ang pangunahing sangay
na ang tungkulin ay ipapatupad ang mga batas at mga adhikain na mai-angat ang
kabuhayan ng lahat ng mamamayan. Ang tagapagbatas naman ay layuning gumawa
at magpasa ng mga batas na mangangalaga ng mga karapatan ng lahat ng
mamamayan. Ang Sangay Tagapaghukom ay may pangunahing layunin na alamin
kung ang mga gawain at mga hakbangin ng mga ahensya ng pamahalaan ay naaayon
sa mga batas alinsunod sa itinadhana ng Saligang-Batas ng Pilipinas.

6
Pagyamanin

Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

________1. Paraan ng pagpili ng Pangulo at Bise-Presidente:


a. Halalang Nasyonal c. Pagpili ng kinatawan
b. Pagtaas ng kamay d. Pagtatalaga ng Punong Mahistrado

________2. Inihalal ng mga botante sa mga purok pangkapuluan:


a. Pangulo c. Kinatawan ng Kapulungan
b. Senador d. Gabinete

________3.Bilang ng mga miyembro ng senador


a. 23 b. 24 c. 11 d. 12

________4.Taon ng panunungkulan ng president:


a. 6 b. 7 c. 5 d. 4

________5. Nagtatalaga ng Gabinete:


a. Presidente c. Senador
b. Bise-Presidente d. Punong Mahistrado

Isaisip

• Ang Pangulo ng Pilipinas ang siyang punong tagapagpaganap ng pamahalaan.


Siya ang pumipili ng mga Kalihim ng mga Kawanihan ng Pamahalaan batay sa
pagsang-ayon ng Komite ng Paghirang.
• Ang Pangalawang Pangulo ay maaaring humawak ng posisyon bilang Kalihim sa
Gabinete nang hindi na kailangang dumaan sa Komite ng Paghirang batay sa
pagtatalaga ng Pangulo.
• Ang Sangay Tagapagbatas ay siyang taga-ugit ng batas. Binubuo ito ng Mataas
na Kapulungan (Senado) at Mababang Kapulungan (Kinatawan).
• Ang sangay Tagahukom ay pinamumunuan ng Kataastaasang Hukuman.
• Ang sangay ng tagapaghukom ay kinabibilangan ng isang punong mahistrado at
14 na katulong na mga mahistrado.
• Ang Gabinete ay nasa pamamahala ng Pangulo.
• Ang mga yunit ng local na pamahalaan ay pinamumunuan ng alkalde ng bayan
ng lunsod.

7
Isagawa

Balangkas ng Pamahalaang ng Pilipinas.


Panuto: Punan ng akmang posisyon ang mga numerong may patlang

PAMAHALAAN
NG PILIPINAS

1._____________ 2. ________________ 3. ________________

Kataas-taasang
Pangulo 4. _______________ Mababang Kapulungan
Hukuman

Pangalawang Pangulo Senador 5. _______________ Korte sa Pag-Apila

Gabinete Ombudsman

Pang-rehiyong Tagalitis

Pang-munisipalidad na
Tagalitis

Hukumang
Pambarangay

8
Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.


_________ 1. Inihalal ng kinatawan ng mahistradong partido o organisasyong pambansa,
panrehiyon at pang-sektor.

a. Liberal party
b. Congressman
c. Senador
d. Punong Mahistrado

_________ 2. Pinuno ng Kataastaasang Hukuman.

a. Pangulo
b. Congressman
c. Senador
d. Punong Mahistrado

_________ 3. Ang pinuno ng Sangay ng Tagapagganap

a. Pangulo
b. Congressman
c. Senador
d. Punong Mahistrado

_________ 4. Bilang ng pinunong Mahistrado

a. 10
b. 12
c. 13
d. 14

_________ 5. Pinuno ng Mababang Kapulungan

a. Ispiker ng Kapulungan
b. Senador
c. Congresista
d. Gabinete
_________ 6. Bilang ng mga Miyembro ng Mataas na Kapulungan

a. 6
b. 12
c. 25
d. 20

9
_________ 7. May pangunahing tungkulin na gumawa ng mga panukalang batas.

a. Mambabatas
b. Senador
c. Pangulo
d. Gabinete

_________ 8. Maaaring humawak ng posisyon bilang Kalihim sa Gabinete

a. Pangalawang Pangulo
b. Pangulo
c. Senador
d. Gabinete

_________ 9. Siya ang pumipili ng mga Kalihim ng mga Kawanihan ng


Pamahalaan

a. Pangalawang Pangulo
b. Pangulo
c. Senador
d. Gabinete

_________ 10. Itinuturing pinakamataas na hukuman na siyang


pinamumunuan ng Pinunong Mahistrado o Chief Justice.

a. Sangay ng Tagapaghukum
b. Sangay ng Tagapagbatas
c. Sangay ng Tagapagpaganap
d. Gabinete

10
11
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. B 1. B 1. D
2. D 2. C 2. D
3. F 3. A 3. A
4. A 4. A 4. D
5. C 5. C 5. A
6. A 6. B
7. C 7. A
8. C 8. A
9. A 9. B
10.A 10. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Billy Rey Rillon (Nov. 11, 2016) Pamahalaan ng Pilipinas

CPJ Committee to protect Journalists, December 5, 2019

DepEd. (2020). K to 12 Most Essential Learning Learning Competencies. Ebook.

DepEd. (2015) Araling Panlipunan: Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalo). Unang


Edition.

Daily Tribune Newspaper, January 6, 2020

DW Made for Minds, November 10, 2017. Asia


Konstitusyon ng Reuplika ng Pilipinas (February 11, 1987). Artikulo II, Seksyon 1 ng
1987 Konstitution

Officialgazette.gov.ph (1999) – Ang Pamahalaan ng Pilipinas


https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/

Slide.share.net/mildredmatugas7/araling panlipunan

The Filipino Times, January 11, 2021

Wiktionary – https://tl.wiktionary.org/wiki/pamahalaan

Wikipedia/Ang malayang Ensiklopedya

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like