You are on page 1of 4

Asignatura ARTS Baitang 5

W4 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng mobile, papier
mache jar at paper beads
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nagagamit ang kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng
KASANAYANG PAMPAGKATUTO mobile, papier mache jar at paper beads.
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nagagamit ang kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng
mobile, papier mache jar at paper beads.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I.Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Ang Pilipinas ay mayaman sa mga katutubong sining o kilala bilang tradisyonal na sining. Ito ay makikita sa
mga kanayunan na ginagawa ng mga mamamayan bilang bahagi ng pang-araw-araw na pangangailangan o
pagdiriwang.
Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay nagagamit ang kanilang kaalaman sa kulay, hugis at balanse
sa paggawa ng mobile, papier mache jar at paper beads.
Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba’t ibang gawang sining na likha na matatagpuan
sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ang mga Pilipino ay likas na mahusay sa sining tulad ng paggamit ng kulay, hugis at
espasyo. Ang mga disenyong nalilikha ay nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng mga Pilipino, gayundin
sumasalamin ito sa kultura ng lipunang ginagalawan.
Ang kulay ay maaring gamitin sa disenyo na gagawin. Ang hugis ng likhang sining ay mapagyayaman sa
pamamagitan ng paggamit ng ibat-ibang malikhaing hugis. Ang balanse ay mahalaga lalo na sa paggawa ng
mobile sapagkat hindi magiging malaya ang paggalaw ng mga disenyo o palamuti kung walang balanse ang
mga ito.

Mobile Art

Ang mobile art ay isang uri ng iskultura na sinuspinde at gumagalaw bilang tugon sa ihip ng hangin o lakas
ng motor. Kailangan sa likhang-sining na ito ang pantay na bigat o balanse. Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba.

1. Bahagi A ay pantay ang bigat sa bahagi B.Ang balance point ay nasa gitna.

2. Bahagi A ay mas mabigat kaysa sa bahagi B. Ang balance point ay gagalaw patungo sa
bahagi B.

Paper Beads

Ang paggawa ng mga paper bead ay isang mabisang paraan upang mapakinabangang muli ang mga
lumang dyaryo, magasin, at makukulay na papel. Maaari itong gawing palamuti o dekorasyon sa ating tahanan
at higit sa lahat, maaari rin itong mapagkakitaan. Ang paper beads ay mga pinulupot na papel na may iba’t
ibang hugis at kulay. Ang pagkakaiba ng hugis ay may kinalaman sa anyo ng mga paper strip na ipinulupot sa
stick. Tingnan ang mga hugis ng bawat isa.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Mga hugis ng mga


paper beads

Mga anyo ng mga


paper strips

https://bit.ly/2Y4Qr7l

Papier Mache Jar

Kagaya ng paggawa ng mobile art at paper beads, ang paggawa ng papier mache jar ay isang mabisang
paraan upang mapakinabangang muli ang mga lumang dyaryo, at iba pang uri ng papel. Maaari itong gawing
palamuti o dekorasyon sa ating tahanan at dekorasyong ginagamit sa mga pagdiriwang. Maaari rin itong
mapagkikitaan. Ang iba’t ibang hugis ng mga bagay na yari sa papel ay nabubuo sa pamamagitan ng form o
suporta. Ang form o suporta ang nagsisilbing balangkas na kakapitan ng idinikit na mga pinunit na papel. Ang
mga papel ay hindi ginugupit at sa halip ay pinupunit para mas kumakapit ito nang maayos.

http://blog.nus.edu.sg/ariurban/files/2014/03/Making-papier-mache-2cjqf4j.jpg
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: OO o HINDI


Panuto: Suriing mabuti ang bawat larawan. Isulat ang Oo kung tama ang nakasaad sa larawan at Hindi naman
kung mali ito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang balance point ng dalawang bagay na tinitimbang na may parehong bigat ay nasa
gitna

2. Ang hakbang na ito sa paggawa ng papier mache jar ay nasa unang bahagi

https://bit.ly/36hTHklhttps
3. Tatsulok ang mga hugis ng mga papel na ito at gingamit sa paggawa ng mobile art.

4. Ganito ang anyo ng bead kung ang hugis ng strip ng papel ay tatsulok

https://www.shutterstock.com/search/beads
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Halina’t Tayo ay Gumawa

Panuto: Lumikha ng alinman sa mga 3-dimensional art (Mobile Art, Paper Beads at Papier Mache Jar) gamit ang
mga recycled materials. Gamitin ang kaalaman sa hugis, kulay at balanse sa pagbuo ng likhang sining. Sundin
ang mga pamamaraan sa pagbuo ng alinmang 3-dimensional art na iyong natutunan sa nakaraang aralin.
Gamitin ang rubriks sa pagmamarka sa iyong natapos na gawain.

Nakasusunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod


pamantayan nang pamantayan subalit sa
higit sa inaasahan may ilang Pamantayan
PAMANTAYAN (3) pagkukulang
(1)
(2)

1. Nakabuo ng isang orihinal na


disenyo
2. Naipahayag ang kaisipan at
damdamin sa paglikha ng
disenyong gagamitin sa
paggawa
ng proyekto

3.Nagamit ng maayos ang


kulay, hugis at balance sa
paggawa ng disenyo.

4.Malinis na naisagawa ang


disenyo at naibalik sa
lalagyan ang lahat ng
kagamitang ginamit.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Halina’t sagutin natin


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang iyong mga kasagutan sa kuwaderno.

1. Ano-ano ang mga elemento ng sining na maaring gamitin upang mapaganda ang mobile , papier mache jar
at paper beads na gagawin?
2. Paano gagamitin ang kulay, hugis at balanse upang mapaganda ang likhang sining?
3. Para sa iyo ano-ano ang magagandang asal na dapat taglayin upang maisagawa ang mga likhang-sining?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 5 minuto)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tanong Ko, Sagot Mo


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno
A. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng mobile art.

1. ________
2. ________ A. B. C. D. E.
3. ________
4. ________
5. ________

B. Anong hugis ng beads ang mabubuo batay sa strip na nasa kanan? Hanapin ang titik ng iyong sagot sa
kaliwang hanay.

6.
https://bit.ly/2Y4Qr7l

7.
https://bit.ly/2Y4Qr7l

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto )


• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay
ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng
paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP

Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7


Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Helen P Copiaco, Emilio S. Jacinto Jr. 2016, Halina’t Umawit at Gumuhit, 1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group Inc.

Inihanda ni: DENNIS D. ARCEGA Sinuri nina: MARIA DONNAH F. MERCADO


BELLA P. ABARINTOS
CYRUS T. FESTIJO
ELEANOR E. CASILISILIHAN
LEONILO B. AMORA

You might also like