You are on page 1of 12

Pangalan:

W1 Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 5


Markahan Ikaapat na Markahan Petsa Mayo 1-5, 2023
Pangalan:

W1 Asignatura EPP 5 - Entrepreneurship and Information and


Communication Technology
Baitang 5

Markahan Ikaapat na Markahan Petsa Mayo 1-5, 2023


Pangalan:
Asignatura MAPEH-MUSIKA Bitang 5
W1 Markahan 4 Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN ANTAS NG DYNAMICS


II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang terminolohiyang musikal upang maipakita ang
KASANAYANG PAMPAGKATUTO iba’t ibang antas ng dynamiks.
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Dynamics
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: WEEK 1)

Ang dynamics ay isa sa mga elemento o sangkap ng musika. Ito ay ang pamamaraan ng madamdaming
pagpapahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay tumutukoy sa masining na paglakas at paghina ng awit at
tugtugin. Maihahalintulad ito sa perspective at tindi ng kulay sa sining. Ang mahina at magaang tunog ay nagpapahayag
ng kapayapaan o pagiging malayo samantalang ang malakas na tunog ay nagbibigay ng pakiramdam ng kasiglahan,
buhay at kabataan. Ang hina at lakas ng tunog na naririnig ay tinatawag na tindi o intensity.
Ang tindi sa musika ay nababago batay sa nais ipahayag na damdamin ng sumulat ng musika gayundin ng mga bagay
na nais niyang bigyang diin.
Ang iba’t ibang antas ng dynamics sa musika ay maipahihiwatig sa pamamagitan ng mga simbolo na nagsisilbing
gabay sa mga mang-aawit o manunugtog upang lalong mabigyang buhay ang komposisyong musikal.
Ang salitang mahina o malakas ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang dynamics. May mga salitang maaring
gamitin upang ipahayag nang wasto ang tamang antas ng lakas o hina ng isang tunog.

ANTAS NG DYNAMICS
Antas ng Dynamics Simbolo Kahulugan
Pianissimo pp higit na mahina
Piano p mahina
Mezzo Piano mp hindi gaanong mahina
Forte f malakas
Mezzo Forte mf hindi gaanong malakas
Fortissimo ff higit na malakas
Crescendo dahan- dahang paglakas
decrescendo dahan- dahang paghina

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan


1. Ano ang dynamics?

2. Anu-ano ang iba’t ibang antas ng dynamics at mga simbolo ng mga ito?

3. Kapag nakita mo sa isang piyesa ng awitin ang simbolong f, paano mo ito aawitin?

4. Anong simbolo ang gagamitin kung ang isang awit ay inaawit ng mahina?

5. Paano nakatutulong ang dynamics sa pagpapahayag ng damdamin ng isang awitin?

ARTS WEEK 1; QUARTER 4


Natutukoy at naiisa-isa ang mga kagamitan sa paglikha ng 3 dimensyonal craft na mobile, papier mache,
paper beads.
Sa paanong paraan ka makakatulong sa ating kalikasan? Maraming mga gawain ang malaki ang maiaambag sa
pagpapabuti at pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng ating kalikasan.
Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay matutukoy at maiisa-isa ang mga kagamitan sa paglikha ng
3dimensional craft na mobile, papier mâché at paper beads bilang isang gawain na malaki ang maitutulong sa ating
kaliakasan.
Ang mga uri ng sining na katulad nito ay nabibilang sa 3D o three-dimensional art. Ito ay maaaring malaya ng
makatayo, may taas at lapad, may anyong pangharap, tagiliran at likuran. Kinakailangan ang sapat na balanse sa
isang 3D art . Ang mga kagamitan sa paggawa nito ay maaring luwad, kahoy, hibla ng halaman, lumang papel, at
iba pa. Ang mga kasanayan at kaalaman sa paggawa ng mga likhang- sining tulad ng mobile, papier mâché at paper
beads at ang pagiging mapamaraan sa paglikha ng mga obra ay maaring mapakinabangan bilang palamuti sa
katawan at kapaligiran. Ito ay maaari ding mapagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbenta dito na lubos na
makatutulong sa atin at maging sa pamilya.
Ang paper beads ay isang gawang sining na nagmula sa bansang Inglatera na ginagawang libangan ng mga
kababaihan kung saan ang mga paper beads ay tinutuhog upang gawing palamuti o kurtina na inilalagay sa mga
bintana. Sa Pilipinas, nagkaroon na rin ng industriya ng paggawa ng paper beads. Karaniwan itong ginagamit na
pandekorasyon o kaya naman ay kwintas o pulseras .

Ang Papier maché ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay nginuyang papel na gawa mula sa piraso ng mga
papel o durog na papel na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o pandikit. Ang bayan ng Paete ay kilala sa taka o
papier maché na siyang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan dito, pangalawa sa pag-uukit.

Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga tali, kawad
at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot. Ginagamit itong pandekorasyon sa mga tahanan at maging sa
paaralan. Halimbawa nito ay parol at lampara
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Halina’t maging Malikhain
Pagmasadang mabuti ang larawan sa tagiliran, ano ang maaari mong gawin sa mga lumang
papel upang ito ay mapakinabangan? Isulat sa kuwaderno ang tatlong (3) bagay na mabubuo
mo sa mga lumang papel.
1.
2.
3.

Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba’t - ibang gawang sining na likha na matatagpuan
sa ibat-ibang lugar sa bansa. Ang mga Pilipino ay likas na mahusay sa sining tulad ng paggamit ng kulay, hugis at
espasyo. Ang mga disenyong nalilikha ay nagpapakita ng iba’t-ibang katangian ng mga Pilipino at sumasalamin
din ito sa kultura ng lipunang ginagalawan. Ang paggawa ng paper beads, papier mache at mobile arts ay isang
gawaing nakakalibang na maaring pagkakitaan kung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti.

Mga kagamitan sa paggawa ng paper beads

1. Papel- Magasin, art paper, coloured paper ay 6. Malambot na Brush- para sa pag-aaply ng glue sa
maaaring gamitin papel
2. Lapis- Para sa pagguhit sa korte ng papel 7. Glue/Pandikit- para sa pagdidikit –dikit ng mga
3. Ruler-Para sa pagsususkat paper beads
4. Gunting- Para sa paggupit ng mga papel 8. Patpat na kahoy-Para sa pagpaptuyo ng beads
5. Manipis na kahoy na Dowel- para sa pagrorolyo ng pagkatapos barnisan
papel 9. Soft Paint Brush- para sa pagpapahid ng barnis
10. Barnis- para magkakulay at hindi kapitan ng dumi
11. Oasis Florist Block- para sa seguridad ng beads

Mga kagamitan sa paggagawa ng papier mache


1. Molde o hulmahan- basehan ng hugis o disenyo ng mabubuong papier mache
2. Glue o harina- ito ang gingamit na pandikit ng mga papel o lumang dyaryo sa molde o hulmahan
3. Dyaryo/Lumang papel- ginagamit na pantapal sa molde o hulmahan upang mabuo ng papier mache
4. Pintura- gingamit sa pangkulay matapos mabuo ang disenyo ng natapos na papier mache

Mga kagamitan sa paggagawa ng mobile arts


1. Rattan hoop, sanga o alambre - dito isinasabit ang mga bagay sa pagbuo ng mobile art
2. Tali o yarn – ito ang ginagamit na pantali sa mga bagay na isasabit upang mabuo ang mobile art
3. Butones, sigay at makukulay na papel- ito ang mga bagay na ikinakabit sa pagbuo ng mobile art
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ano ang Gamit Ko? (Pagtambalin)
Tukuyin ang gamit ng bawat kagamitan sa Hanay A sa pagagawa ng paper beads, papier mâché at mobile sa
pamamagitan ng pagpili ng tamang titik sa Hanay B. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Hanay A Hanay B

_____1. Tali o Yarn A. Magasin, art paper, coloured paper ay maaaring gamitin
_____2. Lapis B. Para sa pagguhit sa korte ng papel
_____3. Ruler C. Para sa pagsususkat
_____4. Molde o hulmahan D. Para sa paggupit ng mga papel
_____5. Gunting E. Para sa pagrorolyo ng papel
_____6. Papel F. Para sa pagpaptuyo ng beads pagkatapos barnisan
_____7. Oasis Florist Block G. Basehan ng hugis o disenyo ng mabubuong papier mache
_____8. Glue H. Gingamit na pantali sa mga bagay sa pagbuo ng mobile art
_____9. Manipis na kahoy ng Dowel I. Para sa seguridad ng beads
_____10. Patpat na kahoy J. Para sa pagdidikit –dikit ng mga paper beads

You might also like