You are on page 1of 3

PAGTATALAGA SA JUNIOR GIRL SCOUT

UNANG BAHAGI
Pagpasok ng batang itatatalaga sa pormasyon napagkasunduan. Maaring silaý umaawit ng
“GIRL SCOUT MARCH” habang papunta sa sentro.

TAGAPAMUNO: Kayo ngayon ay malapit nang maging kasapi ng Batangas Girl Scout
Council. Dadako po tayo ngayon sa pagsisindi ng mga kandila.

PAGSISINDI NG MGA SIMBOLO NG KANDILA


A. (Sisindihan ang pinakamalaking kandila na nasa gitna)
Uusalin ang ganito:
Ang kandilang ito na sisindihan ng ating butihing Alkdale na si Kgg. Janet Magpantay
Ilagan ay kumakatawan sa ispiritu ng iskawting na inaasahang magiging gabay natin sa
habang panahon.

TAGAPAMUNO: Ngayon naman po ay sisindihan ang tatlong kandila na kumakatawan sa


tatlong Bahagi ng pangako ng Girl Scouts.

B. (Sisindihan ang nasa gitnang kandila)


Usalin ang ganito:
Ang liwanag ng kandilang ito na sisindihan ni Dr. Belinda V. Manigbas ang magiging sagisag
ng pagiging matapat ng Bawat Girl Scout na handing maglingkod ng walang pag-iimbot, may
Pagmamahal sa Dios at kapwa at may-galang sa lahat ng may buhay.

C. (Sisindihan ang kandilang nasa kanan)


Usalin ang ganito:
Sanaý ang liwanag ng kandilang ito na sisindihan ni Bb. Ma. Ronelee L. Gonzales ay maging
sagisag ng bawat Girl Scout na Manatiling matatag at may sariling paninindigan.

D. (Sisindihan ang kandilang sa kaliwa)


Usalin ang ganito:
At sanaý ang liwanag ng kandilang ito na sisindihan ni Bb. Lilian E. Caringal ang maging
sagisag ng mga Girl Scout Bilang mga tapat na huwaran at kumakatawan bilang babaeng
may dangal, Malinis sa isip, salita at gawa.
TAGAPAMUNO: Ngayon naman po ay sisindihan ang mga kandila na sumasagisag sa Batas
ng Girl Scout.

(May mga piling Girl Scouts na magsisindi ng sampung kandila at saka uusalin ang batas na
katumbas ng bilang ng mga kandila).
1. Ang kandilang sinisindihan ni Bb. Janssen C. Catane ay kumakatawan sa batas ng Girl
Scouts. Ang Girl Scouts ay mapagkakatiwalaan.
2. Ang kandilang sinisindihan ni Bb. Patricia A. Inciong ay kumakatawan sa batas ng Girl
Scouts. Ang Girl Scouts ay matapat.
3. Ang kandilang sinisindihan ni Bb. Aira Joyce L. Dimaano ay kumakatawan sa batas ng
Girl Scouts. Ang Girl Scouts ay matulungin.
4. Ang kandilang sinisindihan ni Bb. Arvie V Sanluna ay kumakatawan sa batas ng Girl
Scouts. Ang girl scouts ay kaibigan ng lahat at kapatid ng bawat scouts.
5. Ang kandilang sinisindihan ni Bb. Baby Lyn A Sayas ay kumakatawan sa batas ng Girl
Scouts. Ang Girl Scouts ay mapitagan.
6. Ang kandilang sinisindihan ni Gng. Rica C. Martija ay kumakatawan sa batas ng Girl
Scouts. Ang Girl Scouts ay magalang sa lahat ng may buhay.
7. Ang kandilang sinisindihan ni Bb. Mariel K. Dimaculangan ay kumakatawan sa batas ng
Girl Scouts.. Ang Girl Scouts ay disiplinado.
8. Ang kandilang sinisindihan ni Gng. Leverick P. Katimbang ay kumakatawan sa batas ng
Girl Scouts. Ang Girl Scouts ay may sariling paninindigan.
9. Ang kandilang sinisindihan ni Gng Debbie Odette A Gutierrez ay kumakatawan sa batas
ng Girl Scouts. Ang Girl Scouts ay matipid.
10. Ang kandilang sinisindihan ni Jasmin V. Ticatic ay kumakatawan sa batas ng Girl Scouts.
Ang Girl Scouts ay Malinis sa isip, sa salita at sa gawa.
11. Ang kandilang sinisindihan ni Gng. Yoneko T. Laluna ay kumakatawan sa batas ng Girl
Scouts. Ang Girl Scouts ay mapagbigay.
12. Ang kandilang sinisindihan ni Bb. Sheena Erika D. Leynes ay kumakatawan sa batas ng
Girl Scouts. Ang Girl Scouts ay maalalahanin.
13. Ang kandilang sinisindihan ni Bb. Rikka S. Perez ay kumakatawan sa batas ng Girl
Scouts. Ang Girl Scouts ay Masunurin.
14. Ang kandilang sinisindihan ni Bb. Maryjoy Nazaro ay kumakatawan sa batas ng Girl
Scouts. Ang Girl Scouts ay May Pananampalataya.
IKALAWANG BAHAGI
PAGTATALAGA TAGAPAMUNO: Tinatawagan at pinapakiusapan po namin ang ating mga
Investing Officer na sina Doc. Elenita D. Dimayuga, Mrs. Emelinda M. Del Rio, Doc. Juvy M.
Gamlanga, at Doc. Janett L. Lina, upang maipresenta ang mga batang itatalaga.

PATROL LEADER: (Hahakbang ng isang pauna, sesenyas ng Girl Scout)


Kami po ang mga itatalagang JUNIOR GIRL SCOUT. Narito po kami na nakamit at
naisasagawa ang mga pangugunahing pangangailangan na maging kasapi ng samahan ng
Girl Scout at nahahandang maging mga tunay na Girl Scout.

TAGAPAMUNO: Tinatawagan po naming ang mga ninang o ninong ng mga batang ito upang
Ilagay ang kanilang panyo at gora.

(uusalin ng mga batang bininyagan ang Pangako ng Girl Scout)

TAGAPAMUNO: Ngayon naman po ay muli naming pinakikiusapan ang ating mga investing
officer na sina Doc. Elenita D. Dimayuga, Mrs. Emelinda M. Del Rio, Doc. Juvy M. Gamlanga,
at Doc. Janett L. Lina, para sa pag tatalaga ng mga batang iskawts.

INVESTING OFFICERS: Akoý magtitiwala sa iyong karangalan na gagawin nyo at iingatan


ang pangakong inyong binitawan.

(kakamayan nang Investing Officer Ang bata ng left hand shake at sasabihing: “tinatanggap
ka bilang tunay na kasapi ng kapatiran ng mga Girl Scouts”.

TAGAPAMUNO: Ngayon po ay aawitin at sasayawin ng mga itinalagang Junior Girl Scout ang
“Ignite”

IKATLONG BAHAGI: Paglabas ng mga bagong iskawts. (end)

You might also like