You are on page 1of 15

Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023

Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Basahin ang maikling kwento ni Abby tungkol sa kanyang masayang karanasan sa pagbabahagi ng
tulong sa kapwa. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ako si Abby at masaya ako ngayon. Maaga akong gumising kaninang umaga. Inayos ko na ang lahat ng gamit ko kagabi pa
lamang. Tinawagan ko na rin ang mga kaibigan kong sina Charlie, Hannah, Danny, Jules at Miguel upang ipaalala sa kanila ang aming
outreach program.
Ang guro namin na si Gng. Veles ay nakipag-ugnayan sa isang social worker na si Ate Olive para sa dalawang outreach program,
isang in-campus at isang off-campus. Ang in-campus ay may partisipasyon ng mga doktor para magbigay ng libreng konsulta at gamot.
May mga inihanda ring meryenda tulad ng lugaw, krakers at juice para sa mga tao. Naghanda rin kami ng ilang mga gawain tulad ng
coloring materials para sa mga batang kasama ng kanilang mga magulang habang nag-aantay.
Masaya naming nagagampanan ang aming mga responsibilidad. Nalaman at naramdaman namin ang kahalagahan at kabutihan ng
pagtulong at bolunterismo.
Pinaghahandaan naman namin ang pagpunta sa isang SPED Center sa isang linggo upang sila naman ang mabisita at mahandugan
ng mumunting tulong.
Ang ilan ngayon sa amin ay gumagawa ng mga programa para aliwin ang mga mag-aaral tulad ng mga laro at mga mini-lesson.
May naghahanda na rin ng dadalhing pagkain para sa aming lahat.
- Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5 p. 169
1. Ano ang nagpapasaya kay Abby?
2. Ano ang ginawang pagtulong ni Abby at ng kanyang mga kaibigan?
3. Naranasan mo na rin bang tumulong? Ano ang iyong naramdaman?
4. Bakit dapat tayong magkaroon ng pananagutan kahit sa ibang tao? Ipaliwanag ang sagot.
5. Sa anong paraan mo maipapakita ang pagtulong sa kapwa?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Lagyan ng tsek (√) ang angkop na hanay batay sa iyong matapat na kasagutan. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ako ba ay… Madalas Minsan Hindi
1.tumutulong sa aking ina at ama sa gawaing bahay.
2.nagbibigay ng tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo,nasunugan o binaha
3.tumutulong sa nakatatanda sa mga gawaing hindi nila kaya
4. kusang loob na tumutulong sa paglilinis ng komunidad para sa pagpapaganda at pag-unlad
nito
5.nagdo-donate ng mga lumang damit at labis na pagkain sa mga pulubi
1. Ano ang iyong natuklasan tungkol sa iyong sarili batay sa iyong mga sagot?
2. Ano ang iyong nararamdaman sa iyong natuklasan? Bakit?
3. Kung halos ang sagot mo ay HINDI, ano kaya ang maaaring maging bunga nito sa iyong pakikipagkapwa tao?
4. Sa mabuting bagay na minsan mo lang ginagawa, ano ang iyong maaaring gawin? Bakit?
5. Bukod sa nabanggit na halimbawa ano pa ang iyong maidadagdag? Magbigay ng iba pang halimbawa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 11: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad at MALI kung hindi wasto.
1. ______ Pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo
2. ______ Iwanan ang kapatid na may sakit upang makipaglaro sa mga kaibigan.
3. ______ Sasalubungin at ipagdadala ang gurong madaming dalang gamit.
4. ______ Hindi makikipaglaro sa kaklaseng may kapansanan.
5. ______ Tutulungan ang sinumang nahingi ng tulong.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 12: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek (√) kung ang ipinakikita ay ang pagsasaalang-
alang sa kapakanan ng kapwa at ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Ako ay maglilingkod at hindi maghihintay ng kapalit sa lahat ng aking ginawa.
_____ 2. Sasali lamang ako sa mga outreach program kung ang talaan sa pagpasok o attendance ay itsetsek ng guro.
_____3. Isasaisip ko ang kapakanan ng mga tao ngayong panahon ng pandemya at kung paano ako makakatulong sa kanila.
_____4. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na magbigay ng mga laruan at damit sa mga biktima ng kalamidad.
____ 5. Higit kong paglalaanan ang tungkol sa ikasisikat ko sa paaralan.

Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
Filipino
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023
Paghahambing ng iba’t ibang dokumentaryo
I. PAMAGAT NG ARALIN
Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan (chat)- Hugnayang Pangungusap
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Napaghahambing ang iba’t ibang dokumentaryo F5PD-IVe-j-18 Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
pangungusap sa pagsali sa isang usapan (chat) F5WG-IVf-j-13.6
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring paghahambing ng iba’t ibang dokumentaryo gamit ang iba’t
ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan (chat)- Hugnayang Pangungusap • Naipakikita ang
kawilihan sa pagsali sa usapan(chat) • Nagagamit ang hugnayang pangungusap sa pagsali sa usapan(chat) •
Napaghahambing ang iba’t ibang dokumentaryo
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututnunan mo ang paghahambing ng iba’t ibang dokumentaryo at makagagamit
ng huwarang pangungusap sa isang usapan(chat).

Ano ang dokumentaryo? Ang dokumentaryo ay nagbibigay impormasyon tungkol sa katotohanan, sitwasyon at reyalidad
sa lipunan, sa buhay ng isang tao o sa isang lugar. Ang layunin nito ay upang mapamulat o matuto ang tao sa tunay na sitwasyon o
pangyayari sa isang tao o lugar. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan at korapsyon, problema sa edukasyon at iba pang suliraning
panlipunan.
Dokumentaryong pampelikula- ay mayroong pangunahing layunin na magbigay-impormasyon, manghikayat,
magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na
nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. Maaaring ibang tao o mga tao ang gumaganap sa paglalahad ng kwento.
Dokumentaryong pantelebisyon- mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na
sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. Ang aktwal na tao at lugar ang
ipinakikita, kasabay ang pakikipanayam sa mga ito.
Dokumentaryong pampelikula at dokumentaryong pantelebisyon- ay parehong naglalayon na imulat ang kaisipan ng
tao totoong sitwasyon o mga pangyayari sa lipunan. Pagkakaiba ng Dokumentaryong Pampelikula at Dokumentaryong Pantelebisyon

Ano ang chat? Ang chat ay maikling pag-uusap o pakikipag-usap sa isang palakaibigan at impormal na paraan. Tumutukoy
sa proseso ng pakikipag-usap, pakikipag-ugnay o pagpapalitan ng mga mensahe sa Internet. Nagsasangkot ito ng dalawa o higit
pang mga indibidwal na nakikipag-usap sa pamamagitan ng isang serbisyo o software na pinagana ng chat.
Ang chat ay maaaring maihatid sa pamamagitan ng teksto, pasalita, audio, visual o audio-visual (A/V) na komunikasyon sa
pamamagitan ng Internet.

Ano ang hugnayang pangungusap? Hugnayang pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at sugnay na di-
nakapag-iisa.

Sugnay na nakapag-iisa ay nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. Tinatawag din itong punong sugnay.
Sugnay na di-nakapag-iisa ay mayroon ding paksa at panag-uri ngunit hindi ito nagtataglay ng buong diwa o kaisipan.
Tinatawag din itong katulong na sugnay. Kailangang isama ito sa sugnay na nakapag-iisa upang maging buo.
Sinisimulan sa mga pangatnig na upang, na, nang, kaya, kung, samantala, kapag/pag, dahil, kahit sapagkat/pagkat, subalit,
hindi/kundi at iba pang kauri nito.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Sa pagkakataong ito naman ay subukin natin na iugnay ang araling ito sa iyong mga naging karanasan o sa pang-arawaraw
na buhay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang doumentaryo. Aling sa
dokumentaryong pantelebisyon o dokumentaryong pampelikula ang iyong gagawin? Bakit iyon ang iyong pinili? Gumawa ng
isang talatang binubuo ng tatlo hanggang apat na pangungusap na nagpapaliwanag ng iyong sagot.
ISULAT ANG DOKUMENTARYO SA ISANG MALINIS NA PAPEL.

Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
MATHEMATICS
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023

Volume of a Rectangular Prism and a Cube


Volume (V) is the number of cubic units needed to fill the spatial figure. It is the amount that will occupy space of the
figure. Volume is three-dimensional (3D) process of measuring the spatial figure. It is composed of the area of the base (length x
width) times the height or V= lwh. That is why every answer is in cubic units (in³, cm³, m³, etc.)
A cube is an example of a spatial figure that has three dimensions. Since all the faces of the cube are perfect squares, the
length, the width, and the height are equal. The sides of the square are also called edges of the cube and s is the symbol used.
Thus, the formula to find the volume of the cube is s x s x s or s³.

We know that for a rectangular prism, the base is always a rectangle. Therefore, the area of the base is always the product
of length and width. To get the volume, we just multiply the area by the height. Volume of rectangular prism= area of rectangle x
height of the prism or simply,
V= l x w x h
V = 5 cm x 3 cm x 4 cm
V= 60 cm³

Read and study the problem below.


A storage box is 60 cm by 40 cm by 30 cm. What is the volume of the box? The volume of a rectangular prism is equal to
the product of its length, width, and height.
V= l x w x h
= 60 cm x 40 cm x 30 cm
= 72 000 cm³
Study the figure below and analyze the given unit of measure to find its volume.

The solid figure in numbers 1 and 2 are both rectangular prisms. The third figure is also a prism but since the length, width and
height are all the same, it has a special name. It is called a cube. If the length, width and height are equal, we can substitute s for
length, width and height and form a special formula for finding the volume.
Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
Science
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023
I. LESSON TITLE Weather Disturbances
Enabling Competencies: Observe the changes of the weather before, during, and after a typhoon. Describe the
II. MOST ESSENTIAL
effects of winds, given a certain storm warning signal. Describe the effects of a typhoon in the community.
LEARNING COMPETENCIES
Most Essential Learning Competency: Characterize weather disturbances in the Philippines and describe their
(MELCs) effects to daily life.
III. CONTENT/CORE
Weather disturbances and their effects on the environment
CONTENT

I. Introduction
You have learned in the previous lesson when rocks are broken down into pieces, it does not stay in one place. Some rock
fragments become part of the soil. Others are transferred from one place to another which is called erosion. Materials that are
transported due to erosion are called sediments. Erosion of rock fragments contributes to the soil formation as well as formation of
landforms. Soil erosion does not only shape Earth’s landforms, it also affects the ecosystem, especially if it happens unexpectedly.
This time, you will learn about the weather disturbances. The Philippines experiences an average of 20 typhoons a year.
The biggest contributor of the weather disturbances in our country is the Pacific Ocean which lies on the eastern part of the
country. The typhoon is just one of the many weather disturbances we experience.
Look at the sky. Can you tell what the weather is? Weather is the condition of the atmosphere at a short period of time.
The different factors that affect weather include air temperature, air pressure, humidity, clouds, precipitation, and wind speed and
direction. When these factors change and affect the condition of the atmosphere, weather disturbances occur. Weather
disturbances refer to any disruption of the atmosphere’s stable condition. It can manifest through the formation of low pressure are
or different prevailing winds like monsoon and the Intertropical Convergence Zone (ITZC).
Low Pressure Area (LPA) and High-Pressure Area
This refers to the weight of air that is pressing down on Earth. An abrupt change in
air pressure can trigger weather disturbances. When cold air sinks, it results to high pressure
area. Since most of the air is pressing down, the air on the surface becomes dry. But when air
rises, less air presses downward, resulting to the formation of low-pressure area. An LPA can
result to weather disturbances such as rains and strong winds.

In a cyclone, the cool air flows to take the place of the rising warm air. As a result,
the air current spins. The wind spirals around the center of the cyclone. This center is called the eye. When a cyclone is formed
over the tropics, it is called a tropical cyclone. Tropical cyclones that occur within the Philippine Area of Responsibility (PAR)
develop in two areas. These areas are in the Pacific Ocean and in the West Philippine Sea. The Philippine Atmospheric
Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) keeps track of cyclones that enter the PAR.

Classification of Cyclone According to Strength of Wind


Tropical Disturbance It is an isolated weather system with an apparent circulation. It is
characterized by a poorly developed wind circulation. This is commonly observed throughout the wet
tropics and subtropics.
Tropical Depression. It is a weak low-pressure disturbance with a definite surface circulation.
A tropical depression has a maximum wind speed of up to 61 kilometers per hour (kph). It is most
common in the equatorial region or the Intertropical Convergent Zone (ITZC)
Tropical Storm Once a tropical depression has intensified, it becomes a tropical storm. A
tropical storm is a moderate tropical cyclone with maximum wind speed of 62 to 88 kph. It is more
organized and more circular in shape. The rotation of tropical storm is more recognizable than that of a
tropical.

Typhoon is an intense weather disturbance having more or less a circular shape and with an average size of about 500
kilometers in diameter. The wind blows toward the center, called the eye. Tropical cyclones are identified based on the speed of
the circulating winds. If the speed of the wind is 60 km/h or less it is known as depression. If the speed becomes 60 to 118 it is
known as storm and if the speed is more than 118 it is called a typhoon.
Changes of Weather Before, During, and After a Typhoon
Before the Typhoon - occurs, high clouds are observed in the sky. The air is dry and cold since most of the warm air has
already risen. The relative humidity is high. The wind blows gently and scattered rain showers may occur.
During a typhoon- the sky is dark and cloudy. Heavy rainfall accompanied by strong winds occurs. Big waves are also
observed near the coast. When these waves become unusually high due to abnormally high ocean tides, a storm surge occurs.
Flash floods may also occur due to heavy rainfall. Landslides may be triggered by flash floods and heavy rains. Some trees and
crops may be uprooted strong winds of strong winds.
After a typhoon- the sun becomes visible and the sky becomes clearer. There might be scattered rain showers. Rescue and
relief operations are also on-going. There might be an outbreak of water-borne diseases, influenza, and dengue. Some areas may
still be flooded and recovering from the typhoon. If a certain place is severely devastated, many residents are staying in the
evacuation areas.

PUBLIC STORM WARNING SIGNALS


Public Storm Warning Signal (PSWS)
In order to determine the strength of typhoon, the PAGASA issues public storm warning signals. The table below shows the
strength of typhoon entering the PAR, as well as the impact of winds

D. Development
Learning Task 1. List down the effects of wind during the different public storm warning signal.
Learning Task 2. Analyze each statement. Write YES if it is true and NO if it is false.
_________1. Public storm signal number 1 is characterized by winds moving at a speed of 220 kph or above may be expected
in at least 12 hours. Winds would bring widespread damage to high-risk structures.
_________2. After a typhoon occurred, high clouds are observed in the sky.
_________3. Public storm signal number 3 is characterized by winds moving at a speed of 121-170 kph may be expected at
least 18 hours. In general, moderate to heavy damage may be experienced particularly in the agricultural and industrial
sectors.
_________4. Tropical disturbance is a weak low pressure disturbance with a definite surface circulation.
_________5. Tropical depression is an intense weather disturbance having more or less a circular shape and with an average
size of about 500 kilometers in diameter.

Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN Mga Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato tungkol sa Kalayaan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
pagpapanatili ng kanilang Kalayaan. MELC

Pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang


III. PANGUNAHING NILALAMAN
kalayaan.

Suriin ang larawan sa ibaba. Tungkol saan ang larawan? Ano ang ipinahiwatig ng larawang ito?

Ngayon ay iyong alamin ang mga papanaw at paniniwala


ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) upang mapanatili ang
kanilang kalayaan laban sa kolonyalismong Espanyol. Basahin ang
teksto sa ibaba.

Mga Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato tungkol sa Kalayaan


Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ang kalayaan, lalo na sa aspeto ng relihiyon. Ayon sa kanila ang Islam ay hindi
lamang isang relihiyon kung hindi isa ring paraan ng pamumuhay. Ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa
pagsamba kay Allah. Ang kanilang mga paniniwalang panrelihiyon gaya ng salah o pagdarasal ng limang beses sa isang araw ay
manganganib na mawala. Bukod dito, dinatnan ng mga Espanyol ang mga Muslim na may matatag at malakas na mga sultanato at
may mabuting ugnayan sa Brunei at Indonesia kung kaya’t malakas ang loob ng mga sultan na labanan ang mga Espanyol.
Ilan sa pananaw ng mga Muslim ay kung masasailalim sila sa kapangyarihan ng mga Espanyol ay masasayang lamang
ang kaunlaran at katatagang tinatamasa ng kanilang mga sultanato at ang kalayaan nila sa paniniwala.
Higit ding katanggap-tanggap ang sultanato kaysa kolonyalismo dahil sa sultanato, hindi sapilitang ipinasailalim sa
kapangyarihan ng sultan ang mga datu o raja. Sa halip, kinilala ang kanilang kapangyarihang mamuno sa kani-kanilang teritoryo
kasabay ng pagkilala nila sa kapangyarihan ng sultan. Sa ilalim ng kolonyalismo, tanging ang mga mananakop na Espanyol ang
kinikilalang pinakamakapangyarihang pinuno.
Mahihinuha mula sa talumpati ni Kudarat sa mga datu na nagpasailalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol kung bakit
hindi nila dapat pinahintulutan ito sa nasabing talumpati, tinanong ni Kudarat sa mga datu kung nababatid ba nila kung ano ang
ibig sabihin ng pagpapasakop sa mga Espanyol. Hinikayat din niya ang mga ito na suriin ang mga pangkat na napasailalim sa mga
Espanyol gaya ng mga Bisaya at mga Tagalog kung paano ito inalipin ng mga dayuhan. Ipinaliwanag din niya kung paanong ang
kanilang kapalaran ay matutulad sa mga nasakop na pilit pinagtatrabaho nang walang bayad. Binalaan din niya ang mga datu na
huwag magpadala sa matatamis na salita ng mga Espanyol, dahil hindi naman tinutupad ang kanilang mga pangako.
Mayroong tatlong matatag na sultanato sa Mindanao pagsapit ng ika-16 na siglo. Ito ay ang Sultanato sa Sulu, Sultanato
ng Maguindanao, at Sultanato ng Buayan. Ang sultanato ay may aktibong ugnayang pangkalakalan sa bawat isa sa mga karatig
sultanato sa Timog-Silangang Asya. Nabibigkis din sila ng kasunduang ipagtanggol ang bawat isa sa oras ng kagipitan. Nilabanan
nila ang puwersa ng mga Espanyol na sumalakay sa Mindanao sa serye ng labanang tinawag na Digmaang Moro. Dahil sa
katapangang pinairal ng mga Muslim ay nanatili itong malaya hanggang sa pagkatapos ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.

D. Pagpapaunlad
Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
English
4 Quarter
th
Baitang
Petsa
5
May 15-19, 2023
Using Graphic Organizers in Writing Paragraphs Showing: Cause and Effect, Comparison and
I. LESSON TITLE
Contrast and Problem Solution Relationships
II. MOST ESSENTIAL
Write paragraphs showing: cause and effect, comparison and contrast and problem solution
LEARNING COMPETENCIES
relationships EN5WC-IIb-2.2.5
(MELCs)
III. CONTENT/CORE Writing paragraphs showing: cause and effect, comparison and contrast and problem solution
CONTENT relationships
IV. LEARNING PHASES AND LEARNING ACTIVITIES
I. Introduction
This guide was designed and written for you to learn how to write paragraphs showing cause and effect, comparison and
contrast and problem-solution relationships.
Learning this is important because it fosters your ability to explain and refine your ideas to others and ourselves. It also
equips us with communication and thinking skills.
As you go on in developing your skill in writing paragraphs showing cause-effect, comparison-contrast and
problemsolution relationships, you will also improve your skills in planning two to three-paragraph composition using outlines and
graphic organizers in texts read.
After going through this lesson, you are expected to:
❖ write paragraphs showing cause and effect, comparison and contrast and problem-solution relationships.
❖ plan two to three paragraph composition using outlines and other graphic organizers
❖ using appropriate graphic organizers in texts read.

II. Development
A paragraph is a brief piece of writing that has a topic sentence and supporting sentences that are closely related to the
topic sentence. To begin with, let us see how cause and effect paragraph is written. When writing a cause-effect paragraph, you may
first list your ideas in a graphic organizer like the one below. To indicate causes and effects, the following transitional or signal
words/phrases may be used.

Learning Task 1.
Learning Task 2

Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
Music
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN TEMPO
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Nagagamit nang wasto ang terminolohiyang musical na tumutukoy sa iba’t ibang uri o antas ng
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
tempo.
III. PANGUNAHING NILALAMAN TEMPO

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: WEEK 3)
TEMPO
Paano ka kumilos kapag ikaw ay masaya? Kapag ikaw ay malungkot o kaya naman kung ikaw ay may karamdaman?
Ang tempo ay isa sa mga elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o bagal ng himig o ritmo. Isa ito sa nagbibigay ng
ekspresiyon sa awit na nagpapahiwatig ng damdaming nais iparating ng isang komposisyong musikal. Sa simula pa lamang ng
tugtugin ay nakatakda na ang tempo ngunit maaring magkaroon ng pagbabago sa kalagitnaan ng awit kapag may pagbabago sa
ekspresiyon.
Tulad ng pang araw-araw na gawain at kalagayang hinihingi ng pagkakataon, ang tempo ay hindi magkakatulad. Ang
damdamin ng awit ay maipahihiwatig sa pamamagitan ng tempo.
Ang tempo sa musika ay nasusukat sa pamamagitan ng isang metronome. Ito ay ginagamit upang malaman ang bilang sa
kumpas sa isang minuto. Ang bilang ng beat sa isang awit ay makikita sa kaliwang itaas na bahagi ng isang likhang awitin.
Bukod sa metronome, upang maging gabay sa pagsunod sa wastong bilis o bagal ng isang awitin, maaring gumamit ng mga
salitang naglalarawan sa iba’t ibang tempo sa musika.

D. Pagpapaunlad
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Mga Tanong:
1. Ano ang tawag elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o bagal ng himig o ritmo?
2. Paano nasusukat ang tempo sa musika?
3. Anu-ano ang iba’t ibang tempo na ginagamit sa musika?
4. Kapag nakita mo ang salitang allegro sa piyesa o iskor ng isang awitin, paano mo ito kakantahin?
5. Sa paanong paraan, makakatulong ang tempo na mapaganda ang isang komposisyong musikal?

E. Pagpapaunlad

Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
Arts
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN Mga gamit ng mga nagawang 3-dimensional craft
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO Natatalakay ang mga gamit ng mga nagawang 3-dimensional craft
(MELCs)
Nagagamit ang kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng mobile, papier mache at paper
III. PANGUNAHING NILALAMAN
beads.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malikhain na malaki ang nagiging ambag sa sining at kultura ng ating bansa.
Maraming mga bayan at lungsod sa ating bansa ang nakikilala sa mga likhang sining na ito, halimbawa ang bayan ng Paete sa
Laguna na kilala sa paggagawa ng papier maché jar. Ito din ang kalimitang pinagkukunan ng pagkakakitaan ng isang mag-anak
mula sa mga simpleng gawain o likhang sining. Ikaw, makakabuo ka ba ng isang likhang sining na mgagamit mo sa iyong tahanan
at maari mong pagkakitaan?
Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay matalakay ang mga gamit ng mga nagawang 3-dimensional craft.

D. Pagpapaunlad
Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa ibat-ibang gawang sining na likha na matatagpuan sa ibat-ibang
lugar sa bansa. Halimbawa na lamang sa bayan ng Paete sa lalawigan ng Laguna kung saan ang isa sa pangunanhing hanap-buhay
nila ay ang paggawa ng papier maché o taka. Marami sa mga Paetenos ay umunlad dahil sa pagtataka at marami din ang
nakapagtaguyod ng pamilya dahil sa hanap-buhay na ito.
Ang mga kasanayan at kaalaman sa paggawa ng mga likhang sining tulad ng mobile, papier maché at paper beads at ang
pagiging mapamaraan sa paglikha ng mga obra na maaring mapakinabangan bilang palamuti sa katawan at kapaligiran at
mapagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbenta dito ay lubos na makakatulong sa sarili at sa pamilya.

Ang Papier Maché ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “nginuyang papel” na gawa mula sa piraso at durog na papel
na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o pandikit. Noong unang panahon, ginamit ito ng mga taga-Gitnang Silangan at Africa
bilang dekorasyon sa palasyo at mga ataul ng mga yumao nilang mahal sa buhay .
Ang paper beads ay isang gawang sining na nagmula sa bansang Inglatera na ginagawang libangan ng mga kababaihan
kung saan ang mga paper beads ay tinutuhog upang gawing palamuti o kurtina na inilalagay sa mga bintana. Sa Pilipinas,
nagkaroon na rin ng industriya ng paggawa ng paper beads. Karaniwan itong ginagamit na pandekorasyon o kaya naman ay
kwintas o pulseras.
Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga tali, kawad at
kabilya upang malayang makagalaw at makaikot. Ginagamit itong pandekorasyon sa mga tahanan at maging sa paralan.
Halimbawa nito ay parol at lampara.

E. Pakikipagpalihan
D. Paglalapat

Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
PE
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa iyong sagutang papel.
1. Nagawa mo ba ng tama ang mga galaw? Ano ang iyong naramdaman matapos mo itong maisagawa?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
2. Aling mga galaw ang nahirapan kang gawin? Bakit?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga na matutunan ang mga kasanayan sa pagsasayaw?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
Health
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN MGA PANUNTUNAN SA PAGBIBIGAY NG PANGUNANG LUNAS (FIRST AID)
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO MELC 28: Natatalakay ang mga panuntunan ng pangunang lunas ( first – aid)
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Panuntunan ng pangunang lunas
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula
Nakakita ka na ba ng taong biktima ng aksidente o sakuna? Kung sakaling makakakita ka, tutulungan mo ba sya?
Isa sa mga karaniwang dahilan ng pag aatubili ng pagtulong sa mga biktima ng sakuna o karamdaman ay ang kaba at
takot. Iniisip natin na baka sa halip na makatulong ay makapagpalala pa tayo ng sitwasyon. Dapat nating alamin at sundin ang mga
panuntunan ng Pangunang lunas

Mga Panuntunan ng Pangunang Lunas


1.Tiyakin na ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala. Kinakailangang maging mapanuri. Alamin kung ano ang
karamdaman ng pasyente. Kung ito ay karaniwan lamang na sakit katulad ng sugat, balinguyngoy, kagat ng insekto at paso kaagad
itong lapatan ng pangunang lunas. Subalit kung ang biktima ay nabalian, o napilayan, hindi ito dapat kaagad agad na inaalis sa
pwesto. Hintayin ang mga bihasa sa paglapat ng pangunang lunas.
2. Unang isaalang alang ang kaligtasan ng biktima. Alisin ang mga bagay na hindi nakakatulong sa kanyang kakomportablehan.
Gawin ito ng di maaapektuhan ang biktima.
3. Magsagawa ng pangunahing pagsusuri. Unahing suriin ang mga bagay na may kaugnayan sa pagdaloy ng hangin, ang bibig at ang
ilong. Kung walang balakid sa hangin, isunod ang pagsuri sa pagdaloy ng dugo sa katawan. Dapat na malaman kung kailangan ng
biktima ang Resusitasyong Kardyopulmunaryo o CPR.
4. Isagawa ang madaliang aksyon o kilos. Unahin ang dapat unahin. Dapat tandaan ang hakbang sa pagbibigay ng pangunang tulong
panlunas. Isa isip ang A-B-C:
A- Airway o daanan ng Hangin
B- Breathing o Paghinga
C- Circulation o pagdaloy ng dugo sa katawan
Ito naman ang 3B:
B- Breathing o buga ng pag hinga ( bantay hininga )
B- Bleeding o Balong ng Dugo
Broken Bones o Baling buto
5. Humingi ng Tulong Kapag walang sapat na kaalaman sa paglalapat ng unang lunas, huwag mag -atubiling humingi ng tulong sa
mga eksperto o espesyalista upang makapagsalbang isa o mahigit pang buhay.

D. Pagpapaunlad
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralan ang simbolong “SAFETY FIRST “, Magbigay ng halimbawa ng sitwasyon na ito ay
maisasakatuparan.
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

E. Pakikipagpalihan
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang tanong sa paraang patalata. ISULAT ANG SAGOT SA ISANG
MALINIS NA PAPEL
1. Umalis ng bahay ang iyong nanay. Kayo lamang ng bunso mong kapatid ang naiwan. Kinakailangan mong mag init ng tubig
para sa gatas ng nagugutom mong kapatid. Sa paglalagay mo ng tubig sa termos ay aksidenteng napatapon ang tubig at nabanlian
ang iyong kamay. Anong pangunang lunas ang iyong gagawin upang di ito lumala?
2. Naglalaro kayo ng basketbol ng iyong kaibigan sainyong likod – bahay. Sa pagtalon ng kaibigan mo sa pagbuslo ng bola ay di
sinasadyang nawalan ito ng panimbang at bumagsak ng alangan. Nagkaroon ito ng malubhang pilay. Ano ang dapat mong gawin?
Pangalan:

W3 Asignatura
Markahan
EPP
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 15-19, 2023

You might also like