You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Senior High School Regional Mass Training for Teachers
London Beach Resort, Bawing, General Santos City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Content Standard: Observation and interview procedures and skills.


Performance Standard: Gather relevant information with intellectual honesty.
Learning Competency: Collects data through observation and interviews.
Code: CS_RS11-IVd-f-1

I. Layunin
1. Natutukoy ang pakikipanayam bilang isang teknik at kasanayan sa pangangalap
ng datos.
2. Nakakakalap ng datos sa pamamagitan ng pakikipanayam.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pangangalap ng Datos
Sanggunian: https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/ang-panayam.pdf
Kagamitan: laptop, LCD Projector, mga larawan (Komik istrip)

III. Pamamaraan
Panalangin
Pagbati
Pagtsek ng atendans

Balik-Aral
Magbigay ng tatlong mahahalagang natutunan sa pinag-aralan kahapon.
Magbigay ng dalawang halimbawa kaugnay sa paksang pinag-aralan.
Magbigay ng isang pangungusap na bumubuod sa natutunang paksa.

Pagganyak
Anong Alam Mo?
Pumalakpak ng dalawang beses kung ang lahat ng pahayag ay aakma sa iyo at
isang beses naman kung hindi.
Alam ko kung ano ang panayam.
Naranasan ko na ang makapanayam.
Alam ko kung papaano kumapanayam ng mga tao.
Hindi pa ako nakararanas makapanayam.
Nais kong malaman kung paano maghanda sa isang pakikipanayam.
Nais kong madagdagan ang aking kakayahan ng mga bagong paraan ng
pakikipanayam.

Aktibiti
(Pangkatang Gawain)
1. Hahatiin ng guro ang mag-aaral sa apat na grupo.
2. Susuriin ng bawat pangkat ang dalawang set ng komik istrip.
3. Magbabahaginan ng kani-kanilang kasagutan ang bawat pangkat sa loob ng 5
minuto.
Set A Set B

Analisis
1. Ano ang nakapaloob sa komik istrip?
2. Tungkol saan ang panayam? sa set A? sa set B?
3. Ikaw ba ay sumailalim na sa isang panayam na tulad sa komik istrip?
4. Naranasan mo na bang pahintuin sa kalye at tanungin para sa isang pananaliksik o
survey? Kung oo, tungkol saan ang pananaliksik na iyon?
5. Ang iyong tahanan ba ay nadalaw na ng mga tagapanayam para sa isang sensus?
Kung oo, anong uri ng impormasyon ang kanilang kailangan?

Abstraksyon
Ang pakikipanayam ay isang pormal na pakikipagkita at pakikipag-usap sa isang
tao upang makakuha ng karagdagang impormasyon o kaalaman. Ang isang uri ng panayam
ay ang panayam upang mangalap ng impormasyon. Naghahangad ito na makakuha ng
pangyayari, opinyon, damdamin, gawi at kadahilanan para sa mga piling pagkilos. Ito ay
kadalasang ginagamit ng mga mamamahayag sa pagtatanong sa mga opisyal ng
pamahalaan upang magsalita ukol sa isang partikular na isyu. Ito ay madalas nating makita
sa mga balita sa telebisyon. Ang iba pang halimbawa ng ganitong uri ng panayam ay:
pananaliksik (survey);
pagboto (kung eleksyon);
eksit interbyu (kung ang tao ay aalis na sa kasalukuyan niyang trabaho);
pananaliksik na panayam (ng mga mag-aaral); at
pampulisyang panayam.

Aplikasyon

Sa parehong pangkat, suriin ang isang panayam na ginawa sa isang barangay kung
nasusunod ba ang pamantayan o gabay sa pakikipanayam.

IV. Ebalwasyon
Role Playing
Bumuo ng isang maikling senaryo na nagpapakita ng pangangalap ng datos sa
pamamagitan ng interbyu.

V. Kasunduan
Alamin ang iba pang uri ng pakikipanayam.

Inihanda ni:

MERBEN P. ALMIO
Guro sa Filipino

You might also like