You are on page 1of 4

W3

Asignatura Filipino Baitang 5


Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Paghahambing ng iba’t ibang dokumentaryo
Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan (chat)-
Hugnayang Pangungusap
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Napaghahambing ang iba’t ibang dokumentaryo F5PD-IVe-j-18
KASANAYANG PAMPAGKATUTO Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan (chat)
(MELCs) F5WG-IVf-j-13.6
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring paghahambing ng iba’t ibang
dokumentaryo gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang
usapan (chat)- Hugnayang Pangungusap
• Naipakikita ang kawilihan sa pagsali sa usapan(chat)
• Nagagamit ang hugnayang pangungusap sa pagsali sa usapan(chat)
• Napaghahambing ang iba’t ibang dokumentaryo
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututnunan mo ang paghahambing ng iba’t ibang dokumentaryo at
makagagamit ng huwarang pangungusap sa isang usapan(chat).

Ano ang dokumentaryo?

Ang dokumentaryo ay nagbibigay impormasyon tungkol sa katotohanan, sitwasyon at reyalidad sa lipunan, sa buhay
ng isang tao o sa isang lugar. Ang layunin nito ay upang mapamulat o matuto ang tao sa tunay na sitwasyon o pangyayari
sa isang tao o lugar. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan at korapsyon, problema sa edukasyon at iba pang suliraning
panlipunan.

Dokumentaryong pampelikula- ay mayroong pangunahing layunin na magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat


ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na
nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. Maaaring ibang tao o mga tao ang gumaganap sa paglalahad ng
kwento.

Dokumentaryong pantelebisyon- mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na


sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. Ang aktwal na tao at
lugar ang ipinakikita, kasabay ang pakikipanayam sa mga ito.

Dokumentaryong pampelikula at dokumentaryong pantelebisyon- ay parehong naglalayon na imulat ang kaisipan ng tao
totoong sitwasyon o mga pangyayari sa lipunan.

Pagkakaiba ng Dokumentaryong Pampelikula at Dokumentaryong Pantelebisyon

Dokumentaryong Pampelikula Dokumentaryong Pantelebisyon


mas mahaba at mas pinaghahandaan mas maikli
mas komprehinsibo ito ay serye ng palabas
sa isangsinemahan itopinalalabas mas kombinyenteng panuorin dahil maari mo itong panoorin sa bahay
ngunit may mga pagkakataon na ipinapalabas ito sa isang sinehan
mas magastosito i-produce hindi masyadong magastos gawin
may pagkakataong gingampanan ng ginagampanan ng aktwal na taong pinagkuhanan ng kwento
ibang tao

Ano ang chat?


Ang chat ay maikling pag-uusap o pakikipag-usap sa isang palakaibigan at impormal na paraan. Tumutukoy sa
proseso ng pakikipag-usap, pakikipag-ugnay o pagpapalitan ng mga mensahe sa Internet. Nagsasangkot ito ng dalawa o
higit pang mga indibidwal na nakikipag-usap sa pamamagitan ng isang serbisyo o software na pinagana ng chat.
Ang chat ay maaaring maihatid sa pamamagitan ng teksto, pasalita, audio, visual o audio-visual (A/V) na
komunikasyon sa pamamagitan ng Internet.

Ano ang hugnayang pangungusap?


Hugnayang pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at sugnay na di-nakapag-iisa.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Halimbawa:
 Isang araw, nangulimlim ang buong kapaligiran.

Sugnay na di- Sugnay na nakapag-iisa


nakapag-iisa

 Nagsimula sa kanilang imahinasyon ang mga bagay na ito ngunit ngayon nagkatotoo na.
Sugnay na nakapag-iisa Sugnay na di-nakapag-iisa

 Siya ay umiiyak habang pinapagalitan ng ina.


Sugnay na Sugnay na di- nakapag-iisa
nakapag-iisa

Sugnay na nakapag-iisa ay nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. Tinatawag din itong punong sugnay.
Sugnay na di-nakapag-iisa ay mayroon ding paksa at panag-uri ngunit hindi ito nagtataglay ng buong diwa o kaisipan.
Tinatawag din itong katulong na sugnay. Kailangang isama ito sa sugnay na nakapag-iisa upang maging buo.

Sinisimulan sa mga pangatnig na upang, na, nang, kaya, kung, samantala, kapag/pag, dahil, kahit sapagkat/pagkat,
subalit, hindi/kundi at iba pang kauri nito.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)


Ngayon ay subukin natin kung iyong natutuhan ang mga tinalakay na aralin. Gawin mo ang mga sumusunod na gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (√) kung tama ang pahayag at ekis (x) naman
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

_____________ 1. Ang dokumentaryong pampelikula ay mas mahaba kaysa sa dokumentaryong pantelebisyon.


_____________ 2. Ang dokumentaryong pampelikula at pantelebisyon ay parehong maaaring ipalabas sa isang
sinehan.
_____________ 3. Mas maraming matututuhan sa dokumentaryong pantelebisyon kaysa sa dokumentaryong
pampelikula.
_____________ 4. Ang dokumentaryong pantelebisyon ay mas mahaba kaysa sa dokumentaryong pampelikula.
_____________ 5. Mas malaki ang nagagastos sa paggawa ng dokumentaryong pantelebisyon kaysa sa
dokumentaryong pampelikula

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Punan ng angkop na hugnayang pangungusap ang sumusunod na usapan upang mabuo ito. Piliin ang sagot mula sa mga
pangungusap na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong kwadeno.

(Magka-chat sa messenger ang magkakaibigan.)


Ana: Nakita n’yo na ba si Beth? - Dumating sila noong Martes ngunit hindi nila
Ruth: Oo. ________________________(1)_________________________ kasama ang tatay niya.
Alexa: Nakausap mo ba siya?
- Magpiknik tayo sa bukid para maging masaya
Ruth: Oo.
ang bakasyon ni Beth.
Alexa: Kailan pa ba sila bumalik sa Pilipinas?
Liza: ____________________________(2)_________________________ - Nakita ko siya kahapon habang nagwawalis ako
Ana: Eh, hanggang kailan daw sila rito? sa aming bakuran.
Ruth: ____________________________(3)_________________________ - Siguradong marami tayong mapagkukwentuhan
Alexa: Ah, ganun ba? Sana minsan magkita-kita tayo. kapag nagkita- kita
Ana: Oo nga. ___________________ (4)_________________________ tayo.
Liza: Tama! ______________________(5)__________________________
- Dito raw muna sila sa Pilipinas habang wala
pang silang pasok sa paaralan.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Sa pagkakataong ito naman ay subukin natin na iugnay ang araling ito sa iyong mga naging karanasan o sa pang-araw-
araw na buhay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang doumentaryo. Aling sa dokumentaryong pantelebisyon o
dokumentaryong pampelikula ang iyong gagawin? Bakit iyon ang iyong pinili?

Gumawa ng isang talatang binubuo ng tatlo hanggang apat na pangungusap na nagpapaliwanag ng iyong sagot.

RUBRIKS
5 4 3 2
Nilalaman at Maayos na Maayos na Hindi maayos na Hindi maayos na
Kalinisan nailahad/ nailahad/ madaling nailahad/ hindi nailahad/ hindi
madaling maunawaan ang madaling maunawaan madaling maunawaan
maunawaan ang ginawang ang ginawang ang ginawang
ginawang palliwanag. palliwanag. palliwanag.
palliwanag.
Hindi gaanong Malinis ang Hindi gaanong malinis
Malinis ang malinis ang pagkakasulat ng talata. ang pagkakasulat ng
pagkakasulat ng pagkakasulat ng talata.
talata. talata.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Sa panahon ngayon, kailangan nating magkaroon ng malusog na pangangatawan. Sa tulong ng iyong nakatatandang
kapatid o sinumang sa mga nakatatandang kasama sa bahay, gumawa ng maikling usapan(chat) kung ano ang ginagawa
o kailangang gawin upang maging malusog. Gumamit ng hugnayang pangungusap sa gagawing usapan.

RUBRIKS
5 4 3 2
Nilalaman Madaling Hindi madaling Madaling maunawaan Hindi madaling
maunawaan maunawaan ang ang ginawang usapan. maunawaan ang
ang ginawang ginawang usapan. ginawang usapan.
usapan.

Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit ng Hindi gumamit ng


hugnayang hugnayang hugnayang hugnayang
pangungusap pangungusap pangungusap pangungusap

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Alamin natin kung ano-ano ang iyong natutuhan sa ating aralin ngayon.
Punan ng wastong salita upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ayon sa aking napag-aralan, ang chat ay maikling ___________ o pakikipag-usap sa isang palakaibigan at impormal
na paraan.
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng _______________________ at ___________________________.
Ang __________________________ at _____________________________ ay mga palabas na parehong naglalayong imulat ang
kaisipan ng tao sa totoong sitwasyon o mga pangyayari sa lipunan.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 30 minuto)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)
Ngayon naman ay gawin mo ang huling gawain para sa aralin ngayon.
Panuto: Panoorin ang mga sumusunod na dokumentaryo,
- https://youtu.be/dFVNRE5ZyA4 (‘Kawayang Pangarap,)
- https://youtu.be/KLXTvH7b1hI (Manoro “The Teacher”)

Matapos itong panoorin, magkaroon ng maikling pakikipag-usap(chat) sa iyong kapatid o kanino man sa mga kasama sa
bahay. Pag-usapan ang pagkakaiba ng dokumentaryong pampelikula at dokumentaryong pantelebisyon na pinanood.
Tiyakin na may hugnayang pangungusap na ginamit sa pag-uusap.

RUBRIKS
5 4 3 2 1
Madaling Hindi madaling Madaling Hindi madaling Hindi madaling
Nilalaman maunawaan ang maunawaan ang maunawaan maunawaan ang maunawaan ang
ginawang ginawang usapan. ang ginawang ginawang usapan. ginawang usapan.
usapan. usapan.

Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit Gumamit ng Hindi gumamit ng


hugnayang hugnayang ng hugnayang hugnayang hugnayang
pangungusap pangungusap pangungu-sap pangungusap pangungusap

Naipakita ang Naipakita ang Hindi naipakita ang Hindi naipakita ang
Naipakita ang
paghahambing sa paghahambing paghahambing sa paghahambing sa
paghahambing
iba’t ibang sa iba’t ibang iba’t ibang iba’t ibang
sa iba’t ibang
dokumentaryo dokumentaryo sa dokumentaryo sa
dokumentaryo sa dokumentaryo sa
ginawang usapan
ginawang ginawang usapan sa ginawang ginawang usapan
usapan usapan

Mahusay! Binabati kita dahil natapos po ang mga pagsasanay sa ating aralin. Sa susunod naman ay pag-aaralan natin ang
kung paano ang paglalahad ng kwentong napakinggan sa mailkling paraan.

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)


Magsulat sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na ______________________
Nabatid ko na __________________________
Naisasagawa ko na _____________________

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay
ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng
paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Agarrado, PJ. C. Francia, M.L, Guerrero III, P. R., & Gojo Cruz, G. R. (2016). Alab Filipino 5. FEP
Printing Corporation., pahina 190,204
Gobot, F. D., Bellen, E. V., & Sadang, M. L. (1999). Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5. Watana
Phanit Printing and Publishing Co. Ltd., pahina 38
Lalunio, L. P., & Ril, F. G. (2000). Hiyas sa Wika 5. LG & M Corporation., pahina 28
https://tl.icyscience.com/chat
https://filipinomatuto.wordpress.com/ https://www.academia.edu/

Inihanda ni: Quiacos, Grace G. Sinuri nina: MARIBETH C. RIETA, EPS-FILIPINO


MARIA LEILANE E. BERNABE

You might also like