You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Makati City
Hen. Pio Del Pilar Elementary School-Main
5560 P. Binay St. Cor. Arnaiz Avenue, Pio del Pilar, Makati City
DAILY LESSON PLAN (DLP)

FILIPINO 5

Date: Enero 16, 2023(Lunes)


6:30 – 7:20 V-Jade
7:20 – 8: 10 V- Sapphire
10:30 – 11:20 V- Platinum
11:50 – 12:50 V- Emerald
I. Layunin
Nababaybay nang wasto ang salitang natutuhan sa aralin F5PU-Ic-1

II. Paksang Aralin


Pagbabaybay nang Wasto sa mga Salitang Natutuhan sa Aralin

Sanggunian
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pangyayaring Nasaksihan: Ibahagi Natin Salitang
Hiram: Baybayin
DepEd TV
https://youtu.be/n2ufoQJa2kM
Kagamitan
PPT, Module

Pagpapahalaga: Pagiging magalang

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay/Drill
Basahin ang mga sumusunod na salita.
Hamburger platito cabinet
Pancit cellphone kotse
Computer supermarket kuwaderno

2. Balik-aral
Narito ang datos ng mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Guadalupe
Viejo (GVES) mula Kinder hanggang Ikaanim na baitang. Tingnan ang grap at sagutin ang mga
tanong sa ibaba.

1
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Makati City
Hen. Pio Del Pilar Elementary School-Main
5560 P. Binay St. Cor. Arnaiz Avenue, Pio del Pilar, Makati City

B. Paglinang ng Kasanayan
1. Pagganyak
Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwento sa mga aklat, makinig sa mga kuwento ng
iyong mga magulang at manood ng mga kuwento sa Youtube Channel?
Sa bawat araw ng ating buhay mula paggising mo sa umaga hanggang sa paglubog ng araw
ay maraming mga pangyayari sa ating paligid ang ating nakikita, nasasaksihan at
naoobserbahan. Maaaring ito ay totoo o kaya naman ay walang katotohanan. Subalit, paano
mo ba ito ibabahagi sa ibang tao? Marapat lamang na tayo ay maging mapanuri sa mga ito
upang kung atin itong ibabahagi sa iba ay wasto ang mga detalyeng ating ibibigay.

2. Paglalahad

3. Pagtatalakay
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.
1. Tungkol saan ang balita?
2. Ano ang layunin ng “Balik Probinsiya Balik Pag-asa” program?
3. Sino-sino ang makikinabang sa programang ito?
4. Bakit ipinatutupad ng pamahalaan ang programang ito?
5. Sang-ayon ka ba sa layunin ng programang ito? Bakit?
2
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Makati City
Hen. Pio Del Pilar Elementary School-Main
5560 P. Binay St. Cor. Arnaiz Avenue, Pio del Pilar, Makati City
Ngayon naman ay pansinin mo ang mga salitang initiman sa tekstong binasa mo sa
bahaging “Tuklasin”, ano kaya ang tawag sa mga ito? Paano binaybay ang bawat salita?
Ang mga salita bang nakasulat ay orihinal na salitang Filipino?
Ang mga salitang initiman ay mga halimbawa ng hiram na salita. Ano ang hiram na
salita?
Ang mga hiram na salita ay mga salitang bahagi ng wikang Filipino na kinuha sa
wikang dayuhan katulad lamang ng Ingles, Kastila, at iba pa. Ang mga hiram na salita ay
mga salitang walang direktang salin sa wikang Filipino. Kaya naman, ang kadalasang
ginagawa ay ang pag-iba ng palatitikan.
Halimbawa: “computer” ay nagiging “kompyuter”.
“centripetal” ay nagiging “sentripetal”
“basketball” ay nagiging “basketbol”
“cake” ay nagiging “keyk”
Sa pagbabaybay ng mga hiram na salita, mahalagang malaman mo ang mga
panuntunan upang ito ay mabaybay mo nang wasto. Narito ang ilang panuntunan sa
pagbabaybay na dapat mong tandaan.
1. Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na salita na naasimila na sa
Sistema ng Wikang Filipino ay susunod na rin ang kung ano ang bigkas ay siyang sulat,
at kung ano ang sulat ay siyang basa.
2. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles, at iba
pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Kastila Filipino Ingles Filipino
cheque tseke commercial komersyal
liquid likido advertising advertayzing
Iba pang wika Filipino
Coup d’etat (French) kudeta
Blitzkrieg (German) blitzkrieg
3. Maaari rin namang baybayin ang salitang hiram sa orihinal nitong anyo kung ito ay
konsistent ang baybay at walang pagbabago
Halimbawa: reporter, soprano, memorandum
4. May mga salitang hiram na lubhang di-konsistent ang baybay o lubhang malayo sa
bigkas ang ispeling. Maaaring hayaan na muna ang orihinal na anyo nito at panatilihin ang
ispeling sapagkat kapag binaybay ito ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mababakas
ang orihinal na ispeling nito.
Halimbawa: coach, rendezvous, sandwich

4. Panubok na Pagsasanay
Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutin ang susunod na katanungan.

3
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Makati City
Hen. Pio Del Pilar Elementary School-Main
5560 P. Binay St. Cor. Arnaiz Avenue, Pio del Pilar, Makati City

5.Paglalahat
Ano – ano ang mga dapat mong tandaan sa pagbabaybay ng mga salitang hiram?

6.Paglalapat

IV. Pagtataya

V. Takdang –Aralin
Magtala ng 10 salitang hiram at baybayin ng wasto sa klase.

MARIVIC M. BABARAN
Guro

You might also like