You are on page 1of 90

Filipino 4

Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento. (F4PB-Ia-d-3.1)

I. Mga Layunin:
K 1. Nasasabi ang mga tamang sagot sa mga tanong mula sa napakinggang kuwento.
S 2. Nagagamit ang mga pamatnubay na salita ng diksiyonaryo.
A/V 3. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang kuwento nang may positibong pananaw.

II. Paksang Aralin:


Kuwento : “ Ang Pambihirang Sombrero”
Paksa : Pakikinig at Pagsagot sa mga Katanungan (Pagsasabi)
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, Yunit I, Aralin I, pahina 2-4
Kagamitan : aklat “Ang Pambihirang Sombrero”, papel, graphic organizer, diksiyonaryo, KM,
sombrerong tunay o mga larawan
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa mga lumang gamit na pwede pang mapakinabangan.

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
Paghahawan ng balakid:
KM, p.2, Tuklasin Mo.

Pagganyak :
Magpakita ng iba’t-ibang uri ng sombrero sa mga bata (gumamit ng mga larawan kung walang
tunay ) Itanong kung ano ang maaari nilang gawin sa isang sombrero? Isulat sa pisara ang kani-
lang mga sagot. Ganito rin kaya ang mangyayari sa sombrero sa ating kuwento?

B. Panlinang na Gawain:
 Pagganyak sa Tanong:
Bakit kaya pambihira ang sombrero sa ating kuwento?

1. Paglalahad:
Ipakita sa mga mag-aaral ang aklat at pag-usapan ang pabalat nito. Itanong:
 Ano ang pamagat ng kuwento?
 Sino ang sumulat nito?
 Sino ang tagaguhit?

Balikang muli ang mga pangungusap na ginawa sa pagsisimula ng klase. Tingnan kung nangyari
rin ito sa sombrero sa kuwento. Basahin nang malakas ang kuwento. “Ang Pambihirang
Sombrero,”ni
Miguel Tejido Adarna.

2. Pagtatalakay/Talakayan:
 Ano ang nangyari sa sombrero?
 May nangyari ba sa mga pangungusap na ibinigay ninyo kanina?
 Ano ang kinahihiligang kolektahin ni Mia?
 Saan nahalungkat ni Mia ang sombrero?
 Sinu-sino ang naglagay ng bagay sa sombrero ni Mia?
 Anu-ano ang inilagay na bagay sa sombrero ni Mia?

Ilagay ang sagot ng mga mag-aaral sa graphic organizer na inihanda.


Sinu-sino sa inyong barangay ang nagsusuot ng sombrero?
Anong uri ng mga ito?
Kung ikaw si Mia, gugustuhin mo rin bang magkaroon ng pambihirang sombrero, bakit?

1
3. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase.

Kung kayo ang magkakaroon ng sombrero, ano kaya ang ilalagay ninyo dito?

 Ipaguhit ang magiging hitsura ng kanilang sombrero.


 Ipapaskil ng bawat pangkat ang natapos na gawain pagkatapos ng inilaang oras.
 Magsagawa ng gallery walk at pag-usapan ang kanilang mga nakita.

4. Malayang Pagsasanay:
Gumawa ng sariling sombrero galing sa papel.

C. Paglalahat:
Ano ang natutuhan mo sa kuwento?

IV. Pagtataya:
Sagutin ang mga katanungan.
1. Sino ang nagbigay ng akwaryum kay Mia?
2. Ano ang inilagay ni Aling Sol sa kanyang sombrero?
3. Bakit lumipad ang sombrero ni Mia?
4. Ano ang nangyari sa kanyang sombrero?

V. Takdang Aralin:
Palagyan ng disenyo ang kanilang sombrerong papel.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

2
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang maulit at mabigyang-kahulugan ang mga pahayag.(F4PN-
Ia-15)

I. Mga Layunin:
K 1. Natutukoy ang damdamin ng tagapagsalita ayon sa tono, diin, bilis at intonasyon.
S 2. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang mga larawan.
A/V 3. Naisasagawa ang pakikinig nang may tiyaga sa nagsasalita upang maulit at mabigyang
kahulugan ang mga pahayag.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Nakapagsalaysay muli , napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV
Kagamitan : mga larawan hango sa kuwento, mga sombrero
Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Balik-aral
Ano ang pamagat ng kuwentong napakinggan natin kahapon?
Sino ang batang may pambihirang sombrero?

2. Pagganyak:
Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipakita sa buong klase ang natapos nilang pambihirang
sombrero.

Itanong:
Ano ang pakiramdam mo matapos gawin ang sombrero?

Sabihin ito sa pamamagitan ng isang pangungusap. Pagkatapos magbahagi ng ilang sagot,


tumawag
ng mag-aaral at itanong:

Ano ang damdaming ipinakita ng iyong kaklase? Paano mo nasabi?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:
Ipakita ang mga larawang hango sa kuwento.
Itanong:
 Ano ang kuwento sa Larawan 1? Larawan 2? Larawan 3? Larawan 4? Larawan 5? Larawan
6?
Tama ba ang pagkasunod-sunod ng mga larawan?
Ipaayos nang wasto ang mga larawan. Tumawag ng ilang mag-aaral upang
magsalaysay ng
kuwento sa tulong ng mga larawan.

C. Pagsasanay:
Pangkatin ang klase. Bigyan ng tig-iisang larawan ang bawat pangkat na ginamit sa naunang
gawain. Ipatukoy sa kanila ang mga damdamin na ipinakikita ng larawan. Isulat sa malinis na
papel ang pangungusap na nagpapakita ng mga natukoy na damdamin. Ipabasa ito na may
wastong diin at intonasyon pagkatapos ng inilaang oras.

Itanong:
Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng mga ibinigay na pangungusap?

3
D. Karagdagang Gawain:
Ipakuhang muli ang natapos na sombrerong papel. Magkaroon ng isang fashion show ng mga
sombrero sa klase. Magsangguni sila sa dalawang kaklase kung may gusto ba silang idagdag
sa
sombrero . Pabalikin ang mga mag-aaral sa upuan at ipagawa ang mga sinabi ng kanilang
kaklase. Ipabalik ang mga natapos na sombrero sa pinagkunan nito.

E. Pagsasapuso:
Kumpletuhin ang pangungusap.

Matapos ang aralin ako ay _______________ dahil ______________________.

Tumawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng kanilang mga sagot.

F. Paglalahat:
Paano ninyo ipagmamalaki ang inyong sarili o pag-aaring sombrero?

IV. Pagtataya:
Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig ng bawat pangungusap.
1. Wow! Ang daming pagkain nito!
2. Nakupo, napakadilim naman dito!
3. Nanay, sana huwag na po kayong umalis. Huwag ninyo akong iwan.
4. Umalis na kayo dito at huwag na kayong magpakita sa akin!

V. Kasunduan:
Magdala ng lumang diyaryo o magasin,gunting, pandikit at malinis na papel.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

4
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga tao, lugar, bagay
at pangyayari sa paligid. ( F4WG-Ia-e-2)

I. Mga Layunin:
K 1. Nasusubok ang kahalagahan sa paggamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao,
lugar, bagay at pangyayari sa paligid.
S 2. Nakagagawa ng biswal na kuwento gamit ang pangngalan.
A /V 3.Nakapagbubuo ng mga pangungusap gamit ang mga pangngalan nang may pagkamalikhain.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pangngalan
Sanggunian: Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 6-8
Kagamitan : tsart , mga larawan gamit ang lumang diyaryo, magasin, pandikit, malinis na papel

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
 Pagganyak
Itanong:
Anu-ano ang pangyayari sa kuwentong napakinggan?
Sino ang mga taong sangkot dito?
Saan ito nangyari ? Anu-ano ang nakita ng tauhan sa pangyayaring ito?
Ipakompleto ang talaan batay sa napakinggang kuwento.

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

B. Paglalahad:
Ipabasa ang natapos na talaan ayon sa napakinggang kuwento.

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari


Mia Sombrero baboy tindahan Isang araw
magsasaka hawla

Itanong:
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ano ang pangngalan?

Pangkatin ang klase. Padagdagan ang talaan/listahan ng pangngalan na makikita sa loob ng silid-
aralan.
Ipaulat sa bawat pangkat pagkatapos ng inilaang oras. Pabibigayin ang ilang mag-aaral ng
pangungusap gamit ang alinmang pangngalan na nasa talaan.

C. Pagsasanay:
Pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng larawan ng mga lugar. Itatala nila ang mga
pangngalan na makikita rito. Ipagamit ang mga naitalang pangngalan sa pagbuo ng isang balita
tungkol dito.

5
Pangkat I - Larawan ng silid-aklatan
Pangkat II - Larawan ng palaruan
Pangkat III - Larawan ng kantina
Pangkat IV - Larawan ng hardin

D. Karagdagang Pagsasanay:
Ipakuha ang kanilang kasunduan at magpagupit ng iba’t-ibang larawan ng mga pangngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Gumawa ng kuwento mula rito. Idikit ito sa isang malinis na papel.

E. Paglalahat:
Itanong:
Kailan ginagamit ang pangngalan?
Ipagawa ang organizer sa Isaisip Mo A, KM, p.8, Yaman ng Lahi, Filipino IV

IV. Pagtataya:
Punan ng tamang pangngalan ang sumusunod na pangngungusap. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

kabataan proyekto Lea Salonga pamahalaan bansa

1. Ang _____________ ay pag-asa ng bayan.


2. Gagawa kami ng ___________________ para sa panganagalaga sa sarili.
3. Tunay ngang mayaman sa kalikasan an gating ______________ .
4. Kahanga-hangang mang-aawit si _______________ .
5. Malaki ang responsibilidad ng ____________________ sa ating bayan .

V. Takdang Aralin:
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pangngalan.
1. Manny Pacquiao
2. Pista ng Bayan
3. isda
4. laruan
5. Sta. Catalina

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

6
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naisasalaysay ang kuwento gamit ang pangngalan.(F4WG-Ia-e-2)

I. Mga Layunin:
K 1. Nasasabi ang mga pangngalan sa kuwento.
S 2. Naisasalaysay ang kuwento gamit ang pangngalan.
A/V 3. Nakabubuo ng kuwento gamit ang balangkas nang may tiwala sa sarili.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Balangkas ng Kuwento
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Pilipino 4,pp.8-10
Kagamitan : tsart
Pagpapahalaga: Tiwala sa Sarili

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
 Pagganyak
Ipakuha sa mga mag-aaral ang natapos nilang larawang kuwento. Tumawag ng ilang
mag-aaral upang magbahagi ng kanilang natapos na larawan.

Itanong:
Ano-anong pangngalan ang nakita mo sa mga larawan.

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:
Ipakita ang tsart na may balangkas ng kuwento. Sabihin na may elementong sinusunod upang
makasulat ng isang maayos na kuwento. Talakayin ang balangkas.

KUWENTO

TAGPUAN TAUHAN SULIRANIN BANGHAY RESOLUSYON

SIMULA

GITNA

WAKAS

2. Pagtatalakay

Itanong:
Ano ang pamagat ng ating kuwentong binasa?
Saan ito nangyayari? Sino-sino ang tauhan nito?
Ano ang suliranin ng kuwento?
Ano ang resolusyon nito?
Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Gitnang pangyayari? Huling pangyayari?

7
A. Ginabayang Pagsasanay:

Ikuwento sa katabi ang karanasan sa pagdiriwang nila ng ikawalong kaarawan. Pasulatin


ang bawat isa ng kuwento tungkol sa karanasang ito. Siguraduhin na kompleto ang element
ng kuwento. Pagkatapos ng inilaang oras tumawag gn ilang mag-aaral na magbahagi ng
kanilang likhang kuwento.
Pabigyan ng puna mula sa ibang kamag-aral ang ibinahaging kuwento.

B. Malayang Pagsasanay:
Ipakuha sa mga mag-aaral ang kanilang larawang kuwento. Pasulatin ang bawat grupo ng
kuwento na kompleto ang element. Pabilugan ang mga pangngalan na ginamit.
Ipakita at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang rubrics na gagamitin sa pagmamarka sa
kanilang kuwento. (Rubrics nasa page 10)
Matapos ang inilaang oras pabigyan ng puna ang natapos na sulatin sa isang kaklase
gamit ang rubrics. Isusulat ito muli batay sa puna ng kaklase. Pagkatapos ipasa naman ito sa
guro para mabigyan ng puna.

C. Paglalahat:
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang kuwento? Sumulat ng mga tanong na magiging
gabay mo sa pagsulat ng isang kuwento.

IV. Pagtataya:
Gawin ang Iniisip Mo C, KM sa Filipino IV, p.8
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang kuwento.
Isulat sa anyong tanong ang mga ito.

V. Takdang Aralin:
Ipasulat nang maayos ang nagawa nilang kuwento.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

8
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasasagot nang tama ang mga bilang sa Lingguhang Pagsusulit.

I. Mga Layunin:
K 1. Nakikilala ang pangngalan sa iba’t-ibang sitwasyon.
S 2. Napipili ang pangngalan sa iba’t ibang sitwasyon.
A/V 3. Nasasagot nang tama ang mga bilang.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Gamit ng Pangngalan (Lingguhang Pagsusulit)
Sanggunian : Yaman ng Lahi , Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 11-12
Kagamitan : tsart, manila paper, lapis/bolpen, papel
Pagpapahalaga: Pagkamatapat

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Itanong sa mga bata kung gusto ba nilang magkaroon ng malaking marka.
Sabihin na pagbutihin nila ang pagsagot sa Lingguhang Pagsusulit.
Ipahanda ang kanilang kagamitan sa pagsusulit.
2. Balik-aral:

B. Pagsusulit:
 Kung Natutuhan
Gawain A:
Pangkatin ang mga mag-aaral. Ang unang pangkat ay gagawa ng Gawain A at ang panga-
lawang pangkat naman ay gagawa sa Gawain B. Tapos magpalitan.
Pagawain ng isang usapan na naririnig sa isang tindahan.
Ipasulat sa malinis na papel ang iskrip at pabilugan ang mga pangngalang ginamit.

Gawain B:
Magtala ng limang pangngalan na natutuhan nila sa ibang asignatura.

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

MSEP
AP
EsP

 Kung Hindi Natutuhan

Gawain A.
Piliin sa kahon ang wastong pangngalan

Tatay hanapbuhay trabaho kagamitan paaralan Nanay

bahay tahanan pagkain dyipni pulis lugar

Sa loob ng aming _________. Makikita mo ang aking __________ na nagluluto ng


____________ para sa aming lahat. Si ___________naman ay naghahanda para sa kaniyang pag-
pasok sa ___________. Kaming mga anak naman ay nag-aayos ng aming __________na dadalhin
sa __________ . Habang si Tagpi ay abalang-abala sa pagkain ng dog food sa kaniyang _________ .
Lahat ay abala sa kani-kanilang gawain. Bumubusina rin ang _________ sa labas dahil sa trapiko na
inaayos ng isang ___________ . Ganito ang paligid sa araw-araw sa ___________ ng Sto. Tomas

9
Gawain B.
Ipatala at ipangkat ang mga pangngalan na makikita sa sariling bahay.
Gabayan ang mga mag-aaral na magamit ang mga ito sa sariling pangungusap.

IV. Pagwawasto:
Iwasto ang kanilang mga sagot at itala sa “class record” ang nakuha nilang iskor.

V. Takdang Aralin:
Magtala ng mga pangngalan na makikita mo pag-uwi ng bahay.
Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa iyong mga nakita.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

10
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o
nabasa.(F4PL-Oa-j-3)

I. Mga Layunin:
K 1. Nailalarawan ang katangian ng pangunahing tauhan sa kuwento.
S 2. Naipapakita ang pagiging magalang nang may pasensiya.
A /V 3. Naisasagawa ang pagsagot sa mga tanong sa kuwentong binasa.

II. Paksang Aralin :


Paksa : Kuwento : “Si Jose, Ang Batang Magalang”
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, pp. 12-15
Kagamitan : KM, jumbled letters, tsart
Pagpapahalaga: Pagkamagalang

III. Pamamaraan :
A. Paghahanda:

1. Balik-aral
Idaan ito sa laro.
Pangkatin ang mga mag-aaral. Magpakita ng flash card na tao, hayop, bagay, pook,at
pangyayari . Mag-unahan ang bawat pangkat sa pagbibigay ng halimbawang pangngalang
isinasaad sa flashcards.

2. Paghawan ng Balakid
Ipabasa ang mga salita sa Tuklasin Mo B, KM, p.3.(hawla, kandelabra,parachute, baul)
Ipakita ang tsart na may mga pangungusap gamit ang mga salita. Ipabasa nang malakas at
itanong kung ano ang kahulugan ng bawat salita na makikita rin sa mga pangungusap.

3. Pagganyak
Bigyan ang bawat pangkat ng set of jumbled letters. Maglaan ng ilang minuto upang iayos
ang mga letra at makabuo ng salita.

A N G A L A M G

H T N N A D A I

Itanong kung anong salita ang nabuo nila sa mga letra na nasa bawat kahon.
Anong naalala mo sa dalawang salitang nabuo? (Bigyan ng pagkakataon ang ilang mag-aaral
para magbahagi ng kanilang karanasan o kaisipan.

B. Panlinang na Gawain:

 Pangganyak na Tanong:
Sabihin na ang pamagat ng kuwentong babasahin ay “Si Jose, Ang Batang Magalang”.

11
Bakit kaya tinawag na batang magalang si Jose?
Isulat sa organizer ang sagot na ibibigay ng mga mag-aaral.

“Si Jose, Ang


Batang
Magalang”

Sabihin:
Habang binabasa ang kuwento, alamin kung tama ang inyong mga sagot na ibinigay.

 Paglalahad:
Ipabasa ang kuwentong “Si Jose, Ang Batang Magalang”, sa Basahin Mo, KM,pp.3-5.
Pagkatapos, tingnang muli ang organizer kung tama ba ang mga sagot na ibinigay sa kahon.

Itanong:
Bakit sinabing batang magalang si Jose?
Tama baa ng mga hulang ginawa ninyo?

1. Gabayang Pagsasanay:

Pangkatin ang klase. Bigyan ng isang set ng tanong ang bawat pangkat. Ipabasa ang mga tanong.
Pabuksan ang KM at pasagutan ang mga tanong na nasa Pagyamanin Natin, Gawin Ninyo A, KM,
p.6.
Pagkatapos ng inilaang oras, basahin ang mga tanong na nasa bawat set. Tawagin ang pangkat
na gumawa nito upang ibigay ang kanilang sagot.
Magkaroon ng talakayan pagkatapos, batay sa mga sagot na ibibigay ng mga pangkat.

2. Malayang Pagsasanay:

Katulad ka ba ni Jose? Bakit? Bakit hindi? Ilarawan si Jose.

Ipagawa ang Traffic Lights Ko.

Gumuhit ng traffic lights sa inyong kuwaderno. Sa itaas na bilog , isulat ang mga gawain
mo na nagpapakita ng kawalang paggalang . Kulayan ito ng pula.
Sa gitnang bilog, isulat ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa upang maipapakita
ang pagiging magalang. Kulayan ito ng orange.

12
3. Paglalahat:

Sa ibabang bilog , isulat ang mga gawain mong ipagpapatuloy na nagpapakita ng iyong
pagiging magalang. Kulayan ito ng berde.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot

4. Paglalahat:
Itanong:
Ano ang natutuhan mo kay Jose? Paano mo naipapakita ang pagiging magalang.

IV. Pagtataya:

Ano ang gagawin mo sa sitwasyong isinasaad sa ibaba para maipakita ang iyong pagkamagalang.
1. Nakasalubong mo ang iyong Tiya at Tiyo sa daan isang umaga.
_________________________________________________ .
2. Bitbit ng guro mo ang kanyang bag at mga aklat pagpasok sa paaralan.
________________________________________________________ .
3. Inutusan ka ng Tatay na bumili ng gatas at kape sa tindahan ni Aling Mely.
___________________________________________________________ .
4. Nasa kantina ka at nais mong magtanong ng halaga/presyo ng gusto mong pangmeryenda.
_________________________________________________________________________
.

V. Takdang Aralin:

Magsulat ng isang karanasan kung saan naipakita mo ang iyong pagka-magalang.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

13
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t-ibang sitwasyon tulad ng pagbili sa tindahan.
(F4PS-Ia. 12.8)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapaghanda sa paggamit ng magagalang na pananalita sa iba’t-ibang sitwasyon tulad sa
pagbili sa tindahan.
S 2. Nakikilala ang mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang.
A/V 3. Naipapakita ang sinsiridad sa pagsagot sa mga katanungan sa binasang kuwento.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Paggamit ng Magalang na Pananalita
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 15-17
Kagamitan : Maze na nasa tsart, KM
Pagpapahalaga: Paggalang

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Balik-aral
Tungkol kanino ang kuwento natin kahapon?
Anong uri ng bata si Jose?

2. Pagganyak
Pangkatin ang klase.
Ngayon , maglalaro kayo ng amazing race. Mag-unahan ang bawat pangkat na
makarating sa sinasabi ng race.
Matapos ang maze, kunin ang nakabalot na papel na nakikita sa lugar na napuntahan
ng pangkat matapos ang race. Isaayos ang mga salita na nababasa dito. Isigaw nang sabay-
sabay ang nabubuong pangungusap. Ito ang magiging hudyat na tapos na ang inyong pangkat.
Kung wala ng tanong, papuntahin na ang mga pangkat sa itinakdang lugar sa kanila.
Ibigay ang kanilang maze at ibigay ang hudyat ng pagsisimula ng gawain.

B. Paglalahad:
Ipabasang muli nang tahimik ang kuwento ni Jose.
Pangkatin ang klase. Ipasulat sa bawat pangkat ang nagging usapan nila Jose at ng mga
tauhan sa kuwentong binasa.
Ipasulat sa bawat pangkat ang kanilang nagawa.

Itanong:
 Ano ang pinag-usapan ni Jose at ng kaniyang nanay?
 Sina Mang Melchor at Jose?
 Anu-anong salita ang ginamit ni Jose upang maipakita ang kaniyang pagiging magalang?
 Ginagamit mo rin ba ang mga ito?
 Anu-ano pa ang ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang?
 Paano mo mahihikayat ang ibang mag-aaral na maging magalang.

A. Ginabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase.

Paghandain ang bawat pangkat ng isang maikling dula-dulaan na tatagal lamang ng tatlong
minuto.

14
Ipakita sa dula-dulaan ang paggamit ng maggalang na pananalita sa sumusunod na lugar.
 pagbili sa kantina
 pagtatanong ng presyo sa tindahan
 pagtatanong kung paano maka-order sa online
 pagtatanong ng stock sa isang department store

B. Malayang Pagsasanay:

Sabihin:
Umisip ng isang karanasan ng pagbili sa tindahan.
 Naging magalang k aba sa karanasang ito?
 Ano ang plano mo ngayon?
 Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito.
 Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang isinulat na pangungusap.

C. Paglalahat:
Kumpletuhin ang pangungusap.
Dapat pala akong maging ____________ na bata upang _________________ .

IV. Pagtataya:
Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at v
naman kung hindi.

__________ 1. Gumagamit ako araw-araw ng magagalang na pananalita.


__________ 2. Iginagalang ko ang lahat ng nilalang ng Maykapal.
__________ 3. Lagi kong sinusunod ang utos ng aking mga magulang at mga nakakatanda.
__________ 4. Nagdadabog ako kapag inuutusan.
__________ 5. Hindi ko pinapansin ang ibang tao kapag may ginagawa ako.

V. Takdang Aralin/Kasunduan:
Magdala ng kahit anong wrapper o supot ng mga bagay na ginagamit ninyo sa bahay.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

15
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nailalarawan nang wasto ang mga pangngalan sa mga tao, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.

I. Mga Layunin:
K 1. Nailalarawan nang wasto ang mga pangngalan sa mga tao, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.
S 2. Natutukoy ang pangngalang pantangi at pambalana sa pangungusap.
A/V 3. Naikukumpara ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pangngalang pambalana at pangngalang
pantangi nang may pasensiya.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pahina 17-18
Kagamitan : bulaklak ng pangngalan

III. Pamamaraan:

A. Paghahanda:
1. Pagganyak
Anu-ano ang laman ng iyong bag?
Ano ang brand name ng mga binanggit na gamit?
Ipasulat ang sagot ng mga mag-aaral sa ganitong format.

Ngalan ng Gamit Brand Name

Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

Itanong:
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?

B. Paglalahad:
Ipakita ang Bulaklak ng Pangngalan
Ipabasa ang pangungusap na nakasulat na sa bawat talulot nito.

16
1
Si Lorna
ang
kaniyang
nanay.

2 3
Pinoy ang
Si Bimbi
binili kong ang alaga
mantika Pang- kong aso.
ngalan

4 5
Melchor Araw ng pasukan
ang
Store ang
pangalan ng magandang
pangyayari sa
tindahan.
buhay ko

Itanong:
Ano ang pangngalan na ginamit sa pangungusap sa unang talulot? Ikalawa? Ikatlo? Ikaapat?
Ikalima?
Alin-aling pangngalan ang dapat magkasama?
 Basahin ang mga pangngalan sa unang hanay.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ano ang tawag natin sa mga pangngalang ito?
Paano isinusulat ang mga ganitong pangngalan?

17
 Basahin ang mga pangngalan sa ikalawang hanay…
Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ano ang tawag sa mga pangngalang ito?
Paano isinusulat ang mga ganitong pangngalan?

A. Ginabayang Pagsasanay:
Pasagutan ang puzzle na nakikita sa Pagyamanin Natin, Gawin Ninyo B, KM, p. 7

B. Malayang Pagsasanay:
Ipakompleto ang usapan na makikita sa Pagyamanin Natin Gawin Mo A, KM, p. 8

C. Paglalahat:
Itanong:
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pangngalang pambalana at pangngalang pantangi?

Gawin ang Venn Diagram na nasa Isaisip Mo B, KM, p. 9

Pangngalang Pangngalang
Pambalana Pantangi
IV. Pagtataya:
Pangkatin ang Pangngalang Pambalana at Pangngalang Pantangi.

isda Negros Oriental Romeo Dalmatian

Kopiko bagyo kotse coke tinapay

Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

V. Takdang Aralin:
Sumulat ng isang maikling liham na humihingi ng paumanhin sa isang tao na nakaranas ng iyong hindi
paggalang sa kanya.(Tukuyin ang Pangngalang Pambalana at Pangngalang Pantangi. Salungguhitan
ang mga ito).

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

18
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakakalikha ng kuwento gamit ang pangngalang pambalana at pantangi.

I. Mga Layunin:
K 1. Nakasusulat ng kuwento.
A 2. Nakakalikha ng kuwento gamit ang pangngalang pambalana at pantangi.
S/V 3. Nasasabi ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng kuwento.

II. Paksang Aralin :


Paksa : Pagsulat ng kuwento gamit ang pangngalang pantangi at pambalana.
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, p. 18-20
Kagamitan : mga flash cards na may nakasulat na pangngalang pantangi at pambalana, makukulay
na mga papel

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
I. Balik-aral
Magpapakita ng flash cards na may nakasulat na pangngalan. Ipatukoy sa mga bata kung ito’y
Pantangi o Pambalana. Pagkatapos ng laro, itanong :
Ano ang Pangngalang Pambalana ? Pantangi?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:
Bigyan ang mga mag-aaral ng mga papel na may iba’t-ibang kulay (pula, asul, berde, kahel at
dilaw ).

Sabihin :
Sumulat ng isang pangngalang pambalana at pantangi sa bawat papel na may kulay.
Sa kulay pula, sumulat ng ngalan ng tao. Sa asul, bagay. Sa berde, lugar. Sa kahel isang
pangyayari at sa dilaw naman ay ngalan ng hayop.

Pula: tao Asul: bagay Berde: lugar Kahel: pangyayari Dilaw: hayop

Pagkatapos itong gawin ng mga mag-aaral , i-tsek kung husto ba ang natapos nila. Ipakita ang
hagdan ng kuwento sa Isulat Mo, KM, p.10

Sabihin:
WAKAS
GITNA
SIMULA

Sa unang baitang, isusulat natin ang unang pangyayari sa kuwento. Sa pangalawa naman,
isusulat natin ang gitnang pangyayari sa ating kuwento at sa ikatlong baitang naman ay ang nais
nating maging wakas ng ating kuwento.
Ngayon, gagawa tayo ng isang maikling kuwento sa gabay ng hagdang ito at gagamitin natin
ang mga pangngalan na ating isinusulat sa mga makukulay na papel.

Bigyan ng oras ang mga mag-aaral na mag-isip muna ng kanilang ibabahagi sa kuwentong
gagawin.

19
Itanong:
Ano ang unang pangyayari na nais ninyong isulat natin?
Ano ang isusunod nating pangyayari? (Gawin ito hanggang matapos ang kuwentong ginagawa).

Ipabasa sa mga mag-aaral ang natapos na kuwento.


Itanong:
May nais ka bang idagdag sa ating kuwento?
May nais ka bang baguhin?
May nais ka bang bawasan sa ating kuwento?
Ano ang nais ninyong maging pamagat ng ating kuwento?
Paano isinusulat ang pamagat?

Ipabasa sa mga mag-aaral ang natapos na kuwento.


Itanong:
Nagamit ba natin ng wasto ang mga pangngalan?
Nasunod ba natin ang Hagdan ng Kuwento?

2. Pagsasanay:
Gamit ang Hagdan ng Kuwento at mga pangngalan na isinulat ng mga mag-aaral sa pag-uumpisa
ng klase, pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kuwento na may lima hanggang walong pangungusap tungkol
sa kahalagahan ng pagiging magalang,

3. Paglalahat:
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng kuwento?

IV. Pagtataya:
Babasahin nang guro ang mga nagawang kuwento . Bigyan ito ng puna at huwag kalimutang ibalik
sa mga bata/mag-aaral ang kanilang mga kuwento.

V. Takdang Aralin:
Ipasulat muli nang tama ang nagawa nilang kuwento batay sa mga puna at mungkahi.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

20
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasusunod sa nakasulat na panuto. (F4PD-Ib-h-21)

V. Mga Layunin:
K 1. Natutukoy ang mga pangngalang pantangi at pambalana sa talata.
S 2. Naisasalaysay ang mga pangyayari gamit ang pangngalan.
A/V 3. Nasasagot ng tama ang mga katanungan.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Lingguhang Pagsusulit
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, p. 4-23
Kagamitan : tsart, test papers

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Balik-aral
Anong mga gamit sa inyong sala ang pwede nating ilagay o isulat sa format bilang pang-
ngalang Pambalana at Pantangi.

Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi


1. 1.
2. 2.

2. Pagganyak
Ipabasa nang malakas ang tula ni Raphael Chua na nasa tsart. Sabihin sa mga bata/mag-
aaral na ito ang mga leksiyong natalakay nila sa linggong ito.
Sabihin na tapos na sila sa leksiyon kaya maghanda na para sa Lingguhang Pagsusulit.
Ipakuha ang kanilang mga gamit .
Sabay-sabay na basahin ang panuto bago 21imulant ang pagsagot sa pasulit.

IV. Pagtataya:
Pagwawasto at pagtala ng mga nakuhang iskor.

V. Kasunduan:
Magdikit ng larawan ng kanilang pamilya sa kanilang kuwaderno.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

21
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nababasa ang maikling tula nang may tamang bilis, diin,ekspresyon, at intonasyon.
(F4PB-Ic-16)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapagsasabi ng maikling tula ng may tamang bilis, diin, ekspresyon at intonasyon.
S 2. Naipaliliwanag ang kasagutan sa mga tanong sa napakinggang tula.
A/V 3. Naibibigay nang may paggalang ang kahulugan ng salita gamit ang diksiyonaryo.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Kahalagahan ng Pamilya
Sanggunian: Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, p. 26-28
Kagamitan : tsart ng tula, kahon
Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Pamilya

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
Pagbabaybay
1. magalang 6. Pambalana
2. pamilya 7. Pantangi
3. pagmamahalan 8. pamagat
4. nakatatanda 9. kuwento
5. malumanay 10. pagrespeto

B. Paghawan ng Balakid:
1. alagaan 4. sandigan
2. kalungkutan 5. tagumpay
3. matatag

Itanong:
Ano ang kahulugan ng alagaan? Kalungkutan? Matatag? Sandigan? Tagumpay?
Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap.

C. Pagganyak:
Pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng isang malaking kahon. Sa loob ng dalawang
minuto, ipalagay sa loob ng kahon ang mga na mahalaga sa kanila.

Itanong:
Ano-ano ang inilagay mo sa kahon?
Bakit ito mahalaga sa iyo?
Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

D. Paglalahad:
Pangganyak na tanong:
Ano ang halaga ng pamilya?

Sabihin:
Kanina, ipinapakita ninyo ang mga bagay na mahalaga sa inyo. Ano baa ng ibig sabihin
ng salitang mahalaga?
Ano ba ang mahalaga sa inyo?

May babasahin akong tula sa inyo. Alamin natin kung bakit para sa kanya ay mahalaga ang
pamilya?

22
E. Pagbasa ng Tula:
“HALAGA NG PAMILYA”. ( Basahin ng malakas ng guro ang tula na nasa tsart).
Itanong:
Ano ang pamagat ng tula?
Tungkol saan ang tula?
Bakit daw mahalaga ang pamilya?
Bakit dapat alagaan ang pamilya?
Ano ang ibig sabihin na “Ang pamilya ay sandigan”?
Ano ang hindi pinagsawaan ng pamilya na ibigay sa atin?
Bakit may matatag na ugnayan ng isang pamilya?

F. Ikalawang Pagbasa ng Tula:


Basahin ang tula kasabay ang mga bata.
A. Gabayang Pagsasanay:
Ipangkat ang klase sa tatlo. Ipagawa ang gawaing inihanda para sa bawat pangkat.
Pangkat 1 : Rap ng tulang “Halaga ng Pamilya”.
Pangkat 2 : Simbolong guhit na naiiugnay sa pagpapahalaga sa pamilya.
Pangkat 3 : Lapat -tunog o awit sa “Halaga ng Pamilya”.
Matapos ang inilaang oras , taqwagin ang mga pangkat upang ipakita ang kanilang
inihandang pagtatanghal. Bigyang halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

G. Ikatlong Pagbasa ng Tula:


Tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin nang malakas ang tula na nakasulat sa tsart.
A. Malayang Pagsasanay:
Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap batay sa napakinggang tula na may
pamagat na “Halaga ng Pamilya”. Isulat ang letrang T kung tama at M kung mali.
1. Pundasyon ng lipunan ang ating pamilya.
2. Ang bawat isang kasapi ng pamilya ay may tungkuling ginagampanan.
3. Ang pagkakaniya-kaniya ay nakatutulong sa pag-abot ng tagumpay ng bawat isa.
4. Nagiging suwail tayo dahil na rin sa pag-aalaga ng ating mga magulang.
5. Matatag na ugnayan ng pamilya ang kailangan upang makamit ang tagumpay ng
bawat kasapi nito.

H. Paglalahat:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang isang Panandang Karunungan na isasabit nila sa kanilang leeg.
Iikot sila sa loob ng klase at ipabasa ang nakasulat sa tag ng kanilang natutuhan sa aralin.

Natutuhan ko sa araw na ito na mahalaga ang


pamilya dahil __________________________.

IV. Pagtataya:
Sabihin muli ang tula nang may tamang bilis, diin, ekspresyon at intonasyon ng pangkatan.

V. Kasunduan:
Magdala ng diksiyonaryo bukas.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

23
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto::
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto. (F4PS-Ic-4)

I. Mga Layunin:
K 1. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang tula.
S 2. Nasasabi ang damdaming ipinahihiwatig ng mga larawan.
A/V 3. Nakapagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon sa isang sitwasyon o tula na may katotohanan.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pagibigay ng Sariling Opinyon o Reaksiyon.
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 28-30
Kagamitan : tsart ng tula, mga istrip ng linya sa tula, mga larawan ng pamilya/mag-aaral, KM
Pagpapahalaga: Paggalang o pagrespeto sa opinyon o reaksiyon ng iba.

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda :
1. Pagbabaybay
Pagtuturo ng salita.
Ipahanap sa diksiyonaryo ang bawat salita na ipinakilala nang unang araw. Ipasulat sa
activity sheet ang mga impormasyon tungkol sa bawat salita. Gawin ito ng pangkatan.
Ipasunod ang format sa ibaba at ipasulat sa isang malinis na papel.

KAHULUGAN

URI PAGPAPANTIG

SALITA

MGA HALIMBAWA

PANGUNGUSAP

Pagkatapos ng inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat upang mag-ulat.


2. Balik-aral:
Ipabasa muli ang tulang “ Halaga ng Pamilya”.
Itanong:
Ano ang mensahe ng tula sa atin ?

3. Pagganyak
Magpakita ng isang masaya at malungkot na mag-anak na taga barangay.

Itanong:
Ano ang iyong naging damdamin nang makita mo ang larawan? Kilala mo ba sila?
Bigyang katwiran ang naging sagot.

B. Paglalahad
Ipabasa ang istrip na may linya galing sa tula. Ipakita rin ang larawan ng pamilyang nag-
aaway ang mga magulang.

Itanong:
Ano ang damdamin mo sa larawang ito? Ipaliwanag ang sagot.

24
Ipabasa:
Sa hirap at kalungkutan, Bawat kasapi’y maaasahan.

Itanong:
Ano ang masasabi mo sa mensahe ng linyang ito ?

Magpakita pa ng ibang larawan na may kinalaman sa pamilya. Kunan ng opinyon o reaksiyon


ang mga mag-aaral sa bawat larawang ipinapakita galing sa kanilang barangay. ( Talakayin
kung ano ang opinyon, na ito ay isang personal na pananaw o damdamin sa isang isyu. Ang
opinyon ng isa ay maaaring maging iba o katulad ng iba ).

1. Gabayang Pagsasanay:

Pangkatin ang klase.


Magpasulat sa bawat pangkat ng isang talata na may walo hanggang sampung
pangungusap na nagpapakita ng kakayahan ng pamilya, ang pagpapahalaga ng Pilipino sa
kanilang pamilya sa panahon ngayon. ( Maaaring gamitin ang rubrics na ginamit sa mga
nagdaang aralin upang mabigyang gabay ang pangkat sa pagsulat nito ).

2. Malayang Pagsasanay:
Ang bawat bata ay magbibigay nang opinyon tungkol sa sarili nilang pamilya.

C. Paglalahat:
Ano ang halaga ng pamilya?

IV. Pagtataya:
Ibigay ang inyong opinyon o reaksiyon sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa malinis na papel.
1. Pundasyon ng lipunan an gating pamilya.
2. Ang bawat isang kasapi ng pamilya ay may tungkuling ginagampanan.
3. Nagiging suwail tayo dahil na rin sa pag-aalaga ng ating mga magulang.
4. Ang pagkakaniya-kaniya ay nakatutulong sa pag-abot ng tagumpay ng bawat isa.

V. Kasunduan:
Magdala ng mga lumang diyaryo o magasin at gunting.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

25
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop,
Lugar, bagay, at pangyayari sa paligid. (F4WG-Ia-e-2)

I. Mga Layunin:
K 1. Kilalanin nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa tao, lugar, bagay
at pangyayari sa paligid.
S 2. Nakagagawa ng mapa ng paaralan gamit ang mga impormasyong nakalap.
A/V 3. Naipaliwanag nang may tiwala sa sarili ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Pangngalang
Pambalana at Pangngalang Pantangi.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Gamit ng Pangngalan
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pahina 30-32
Kagamitan: tsart

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:

a. Pagababaybay
1. kuwento 6. nakatatanda
2. malumanay 7. Pantangi
3. pagrespeto 8. pagmamahalan
4. Pambalana 9. magalang
5. pamagat 10. pamilya

b. Pagganyak
Ipakilala ang kanilang pamilya sa klase gamit ang larawang idinikit sa kanilang kuwa-
derno . Sabihin din kung saan sila nakatira at ilan pang bagay tungkol sa kanila at sa
kanilang pamilya. Sundan ang format na nasa tsart.

Ang aking pamilya ay binubuo nina ________ , _________ , ___________ ,


_________ at __________ . May alaga kaming __________ . Siya ay si _________ .
Nakatira kami sa ___________________ . Kapag may oras, nagpupunta kami sa
___________ at kumakain ng __________________ .

B. Paglalahad:
Ipabasa ang mga salitang nakasulat sa talaan.

Itanong:
Ano ang tawag natin sa mga pangngalan sa unang hanay ? Ikalawang hanay ?
Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase.

Dalhin ang bawat pangkat sa labas ng silid-aralan. Ipatala ang mga pangngalang pantangi at
pambalana na makikita sa sariling paaralan. Matapos ang inilaang oras, babalik ang pangkat sa
silid-aralan upang gumawa ng isang mapa upang ipakilala ang paaralan. Gamitin ang mga im-
pormasyong nakalap sa ginawang field trip.
( Samahan ang bawat pangkat sa isasagawang field trip . Isa-isa lamang na pangkat

26
ang dalhin sa labas upang hindi magkagulo. Ang mga mag-aaral na maiiwan sa loob ns silid-
aralan ay maaaring gawin ang gawain sa Gawain Mo ). Kapag handa na ang lahat, tawagin
ang bawat
pangkat upang ipakita at ipakilala ang paaralan sa pamamagitan ng mapa

2. Malayang Pagsasanay:
Ipakuha ang dala nilang mga lumang diyaryo at magasin. Magpagupit ng apat na Pangngalang
Pantangi at apat na Pangngalang Pambalana. Gamitin ang mga ito sa pagbuo ng mga
pangungusap.

C. Paglalahat:
Ano ang pangngalan?
Ang pangngalan ay ___________________________________________ .
( Maghanda ng manila paper at idikit dito ang kanilang mga isinulat na natutuhan
tungkol sa pangngalan ).

IV. Pagtataya:
Basahin ang mga pangungusap. Itala ang mga pangngalan na ginamit at isulat ang uri nito.
Halimbawa: Sa pagsisikap ni Aling Menang, umunlad ang kaniyang negosyo.
Aling Menang – pantangi

1. Umupa siya ng malaki-laking puwesto sa isang bagong tayong supermarket.


2. Nakatapos na ng pag-aaral ang kaniyang mga anak.
3. Napakaraming pagpipilian kong sa Robinson’s Mall ka bibili.
4. Sari-saring produkto ang makikita mo sa pamilihan.

V. Takdang Aralin:
Basahin ang talata. Itala ang mga pangngalan na ginamit dito at ipangkat ayon sa uri.

Maagang nabalo si Aling Menang. Sa pamamagitan ng pagtitinda, pinagsumikapan niyang ita-


guyod ang pag-aaral ng kanyang tatlong anak. Idinagdag ni Aling Menang ang kaunting salaping naiwan
ni Mang Vicente sa puhunan sa pagtitinda. Pinag-ibayo niya ang kaniyang lakas ng loob at inasikaso
nang husto ang kaniyang negosyo.
Sa pagsisikap ni Aling Menang , umunlad ang kaniyang negosyo. Tatlong puwesto na ang kan-
yang inuupahan. Nakatapos na ng pag-aaral ang kaniyang mga anak. Ngayon, ang kaniyang tatlong
anak na ang namamahala sa higit na umuunlad niyang negosyo.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

27
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay. (F4PU-Id-h-2.1)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay.
S 2. Naisasalaysay ang kahalagahan ng pamilya sa pamamagitan ng pagsusulat.
A/V 3. Nakapaghahanda ng mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata nang may tiwala sa sarili.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pagsulat ng Talatang Pasalaysay
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV , pp. 34-35
Kagamitan : Mga larawan, aklat

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay
Pagtuturong muli ng salita.

2. Pagganyak
Maglaro ng Batang Henyo. Huhulaan ng kabilang pangkat ang mga salitang ibibigay
ng inyong pangkat. Tandaan na ang mga tanong na ibibigay upang mahulaan . Ang
salita ay dapat masagot lamang ng hindi, oo, at pwede.

Pangkatin ang klase. ( Bigyan ang bawat pangkat ng limang card).


Sabihin:
Umisip ng limang salitang pahuhulaan sa ibang pangkat. Ang mga salitang ito ay dapat
May kaugnayan sa pamilya.
Isulat ng maayos ang napagkasunduang mga salita sa mga card na ibinigay.
Kapag handa na ang lahat, umpisahan na ang paglalaro.

B. Paglalahad:
Nahulaan ba ninyo ang mga salitang inihanda ng ibang pangkat?
Kung mayroong hindi nahulaan, tawagin ang pangkat na naghanda nito upang pahulaan ang
salita mula sa kanila.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga naitalang sagot mula sa natapos na gawain.

Itanong:
 Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?
 Paano natin ipapangkat ang mga salitang nasa talaan?
 Gamit ang mga salitang ito,gumawa ng mga pangungusap na may kinalaman sa pamilya.
( Ang guided writing o minodelong pagsulat ay paraan ng pagsulat kung saan ipakikita ng
guro ang paraan ng tamang pagkakabuo ng pangungusap mula sa salita hanggang
makabuo
ng isang maayos na talata).
Ipabasa ang mga pangungusap na ibinigay. Itanong kung paano natin maisasaayos
ang mga pangungusap na ibinigay upang makabuo ng isang talata.( Isaayos ayon sa
mungkahi ng mga mag-aaral.
Magkaugnay ba ang mga pangungusap?
May nais ba kayong palitan ng puwesto? Idagdag? Bawasan?
Ano ang magandang pamagat ng talata?
Paano ba dapat isulat ang pamagat? ( Isulat ang pamagat na sasabihin ng mga bata).

28
1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase:
Bigyan ang bawat pangkat ng larawan ng isang pamilya.

Sabihin:
Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa pamilyang nasa ibinigay ng
larawan.
Gamitin ang organizer na makikita sa Pagyamanin Natin, Gawin Ninyo A, KM, p.13.

2. Malayang Pagsasanay:
Sumulat ng isang tugma tungkol sa kahalagahan ng pamilya.

IV. Pagtataya:
Sumulat ng talata na may lima hanggang sampung pangungusap tungkol sa kung ano-ano ang
plano mong gawain upang bigyang halaga ang sariling pamilya. ( Gamitin ang rubrics na ginamit
sa nagdaang aralin).

V. Takdang Aralin:
Sumulat ng talata tungkol sa sariling pamilya.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

29
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusulat nang wasto ang mga sagot sa mga katanungan sa Lingguhang Pagsusulit.

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapagsusulat nang wastong sagot sa mga tanong sa Lingguhang Pasulit.
S 2. Naipapaliwanag ang mga sagot sa mga tanong sa Lingguhang Pasulit.
A/V 3. Naipakikita ang pagiging matapat sa pagsagot sa .mga tanong sa Lingguhang Pasulit.

II. Paksang Aralin :


Paksa : Lingguhang Pagsusulit
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 34-35
Kagamitan : ballpen, papel
Pagpapahalaga: Pagka-matapat

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay
1. kuwento 6. nakatatanda
2. malumanay 7. Pantangi
3. pagrespeto 8. pagmamahalan
4. Pambalana 9. magalang
5. pamagat 10. pamilya

B. Pagsasanay
1. Gabayang Pagsasanay:
Kung Natutuhan
Gawain A:
Ipakuha ang lumang diyaryo o magasin na dala ng mga bata.
Pagupitin ang mga mag-aaral ng larawan ng mga pangngalang pambalana.
Ipadikit ito sa kanilang kuwaderno. Sa tapat, nito pasulatin ang mga mag-aaral ng
pangngalang pantangi na angkop sa larawan.

Gawain B.
Pangkatin ang klase:
Bigyan ang bawat pangkat ng set ng mga larawan. Pakuhanin ang
isang miyembro ng pangkat ng isang larawan. Sabihin ang sariling reaksiyon sa nakuhang larawan .

Kung Hindi Natutuhan:


Ipabasa muli sa mga mag-aaral ang kuwento ni “Jose ang Batang Magalang.”
Kompletuhin ang tsart na ito matapos ang pagbasa.
Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi

2. Malayang Pagsasanay:

Kunin ang reaksiyon ng mga bata sa bawat pangungusap.

 Kailangan ding magtrabaho ang mga nanay.


 Hindi na dapat pinapayagang umalis ang mga bata kapag madilim na.
 Ang tatay o ang nanay lamang ang dapat nasusunod sa bahay.

30
Pagtatapos:
Maghanda ng isang malaking manila paper na katulad ng nasa ibaba. Pagawain ang
mga mag-aaral ng pader ng mga pangngalan.
Magpaulat ng pangngalan na nagsisimula sa bawat letra ng alpabeto. Simulan ito
ngayon. Punuin ito gamit ang iba pang salitang kanilang natutuhan sa mga nagiging aralin.

A B C D E F G H I J K L M N
Ñ Ng O P Q R S T U V W X Y Z

IV. Pagtataya/Pagwawasto:
Pagwawasto ng mga papel atpagtatala ng mga iskor sa class record.

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng talaan ng mga pangngalang pantangi at pambalana na makikita sa sariling kusina.

TALAAN NG PANGNGALAN

Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

31
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nababasa ang maikling tula nang may tamang bilis, diin, ekspresyon, at intonasyon. (F4PB-Ic-16)

K 1. Nakapagmungkahi sa maikling tula nang may tamang bilis, diin, ekspresyon at intonasyon.
S 2. Naiuugnay ang sariling karanasan sa nabasang teksto nang may tamang bilis, diin, ekspresyon
at intonasyon.
A/V 3. Nasasagot ang mga tanong sa nabasang tula nang may pagtitiwala.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pagbasa ng Tula
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 35-37
Kagamitan : KM, organizer
Pagpapahalaga: Tiwala sa Sarili

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay
Paunang Pagsusulit
1. pinarangalan 6. pamahalaan
2. huwaran 7. hiyas
3. sandigan 8. mangingibabaw
4. tagumpay 9. komposisyon
5. ahensiya 10. konsiyerto

2. Balik-aral
Ano ang mga pangngalang pambalana na nakasulat na sa ating pader ng pangngalan?
Pantangi?

3. Paghawan ng Balakid
1. nagbubuklod 4. kamalayan
2. magkaagapay 5. nag-aatubili
3. dakila

Itanong:
Ano ang kahulugan ng nagbubuklod? Magkakaagapay? Dakila? Kamalayan?
Nag-aatubili?
Ipagamit sa mga mag-aaral ang mga salita sa kanilang pangngusap.

4. Pagganyak
Ipalarawan ang sariling pamilya.

B. Paglalahad:
Ipakuha ang KM at pabuksan sa pahina 12-13, Basahin Mo, KM, pp.12-13, at basahin ng
malakas
ang tula.

Pagganyak na Tanong:
Ano ang mga katangian ng Pamilyang Pilipino? (Isulat ang ibibigay na sagot sa
organizer).

C. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang Klase:
Bigyan ang bawat pangkat ng isang sobre na may nakasulat na limang tanong.

32
Sabihin:
Sa loob ng sobre ay may limang tanong. Ang bawat isa ay kukuha ng isang tanong at
ihahanda ang iyong sagot dito.

Pag-usapan sa pangkat ang sagot sa bawat tanong. Matapos ang inilaang oras,
pagsama-samahin sa isang pangkatang magkakapareho ang tanong sa sinagot. Pag-usapan
nila ang sagot
ng bawat isa. Humanda sa talakayan sa klase.

Mga Tanong:
1. Bakit huwaran ang pamilyang Pilipino?
2. Sinu-sino ang bahagi ng pamilyang ito?
3. Paano inilalarawan sa tula ang ina? Ama? Anak?
4. Anong mahalagang aral ang nais iparating ng tulang binasa?
5. Paano mo maiuugnay ang tulang napakinggan/nabasa sa iyong pamilya?

2. Malayang Pagsasanay:
Pagkatapos, tumawag na ng mga mag-aaral na sasagot upang ibahagi ang kanilang natalakay
o sagot. Magkaroon ng talakayan batay sa mga sagot na kanilang ibibigay.

Ikalawang Pagbasa ng Tula:


Balikan ang organizer na ginawa bago basahin ang tula.

Itanong:
Anu-anong bagong kaisipan ang maaari mong idagdag dito matapos mong mabasa ang tula?

Ikatlong Pagbasa ng Tula:

Itanong:
Paano mo pahahalagahan ang iyong sariling pamilya

D. Paglalahat:
Ipakita sa mga mag-aaral ang isang Iskala ng Kakayahan na nasa Isaisip Mo B, KM, p.15.
Mula rito, tutukuyin nila ang kanilang nagging kakayahan sa gawaing pakikinig at pagsasagawa
ng gawain.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

IV. Pagtataya:
Ipabasa nang pangkatan ang tula.
Dapat may tamang diin, tono, ekspresyon at intonasyon.

V. Takdang Aralin:
Basahin uli ang tula at magbigay ng mungkahi tungkol dito.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

33
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipapahayag nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop,
lugar, bagay at pangyayari sa paligid.(F4WG-Ia-e-2)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapagsusulat ng pangngalan sa pagtukoy ng mga ngalan ng tao,bagay, hayop at pangyayari.
S 2. Nakabubuo ng isang dula-dulaan gamit ang mga pangngalan.
A/V 3. Napapahalagahan ang mga tao at bagay sa pamamagitan ng pagpapasalamat.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Gamit ng Pangngalan
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.37-39
Kagamitan : KM, puzzles,flsshcards

III. Pamamaraan:
 Pagbabaybay
1. maykaya 6. sakitin
2. matipuno 7. tahimik
3. palaboy 8. kaibigan
4. masigasig 9. manggagawa
5. tamad 10. balisa

Ipagawa muli ang Dictionary Dig. Sa pagkakataong ito, ibigay naman ang
kasalungat at kasingkahulugan ng bawat salitang nililinang.

 Balik-aral
Magbigay ng pangungusap na ginagamit ang pangngalang pambalana at pantangi.
Ipagamit ang format:

Ang ____________________ ay ______________________________ .

 Pagganyak
Pangkatin ang klase.
Bigyan ang bawat pangkat ng puzzle ( tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari)
na kanilang bubuuin. Pagkatapos ng inilaang oras , hayaang ipakita ng pangkat ang
nabuo nilang larawan. Magpasabi ng ilang pangungusap tungkol dito.

 Paglalahad
Itanong kung ano ang nabuo nilang larawan?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Pabalikin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat. Ipadikit sa isang malaking


papel
ang nabuong puzzle. Sa palibot ng larawan, pasulatin ang bawat miyembro ng pangkat
ng pangngalang pantangi na may kaugnayan sa larawang nasa gitna.
Pagkatapos ng limang minuto, ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang ginawa.

Itanong:
Anu-ano ang pangngalang pantangi na ibinigay?
Paano ito isinulat?
Ano naman ang pangngalang pambalana?
Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

34
Pabalikan muli at ipabasa ng tahimik ang mga nakasulat sa palibot ng mga larawan.

Sabihin:
Pumili ng isang pangngalan mula sa talaan at gamitin ito sa pangungusap.
Gawin ito hanggang sa makapagbahagi ang lahat ng mga mag-aaral.
 Pagsasanay
1. Gabayang Pagsasanay:

Pangkatin muli ang klase.


Papaghandain ang bawat pangkat ng isang maikling dula-dulaan na gagamitin
ang mga pangngalan sa sitwasyon na napupunta sa pangkat.

Pangkat 1………. Pangyayari sa ospital ng Bayawan.


Pangkat 2………. Pangyayari sa palengke o tindahan sa ating barangay.
Pangkat 3………. Pangyayari sa isang sasakyang pampubliko dito sa Sta. Catalina.
Pangkat 4………. Pangyayari sa silid aklatan natin.

Matapos ang pag-uulat ng bawat pangkat, itawag:


Ano ang mga pangngalang narinig sa dula-dulaang ipinakita?
Nagamit ba ito nang wasto?

2. Malayang Pagsasanay:
Itala ang ngalan ng mga tao at bagay na nais mong pahalagahan. Sundin ang format na makikita sa
Pagyamanin Natin , Gawin Mo B, KM, p.14

 Paglalahat
Pasagutan ang organizer na makikita sa Isaisip Mo C, KM, p.16.

IV. Pagtataya:
A. Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng pangngalang pantangi at pambalana sa mga sumusunod:

Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana


1. tao
2. hayop
3. bagay
4. lugar
5. pangyayari

B. Gamitin ang mga pangngalang ito sa pangungusap.


1. Tanawin
2. Nokia

V. Takdang Aralin:
Gumupit ng isang papel na hugis puso. Sa loob nito, isulat ang ngalan ng isang kapamilya na gusto
Mong pasalamatan. Kulayan ito. Ibigay sa taong isinulat mo.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

35
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasusulat ng maikling tula .(F4PU.Ic-2.2)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakikilala ang mga salitang magkakatugma.
S 2. Nakasusulat ng mga salitang magkatugma mula sa maikling tula.
A/V 3. Napapahalagahan ang pagtutulungan sa pagsulat ng mga salitang magkatugma mula sa
maikling tula.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Mga Salitang Magkakatugma
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 39-40
Kagamitan : KM, tsart, mga bugtong na nasa istrip ng kartolina

III. Pamamaraan:
 Pagbabaybay:
1. maykaya 6. sakitin
2. matipuno 7. tahimik
3. palaboy 8. kaibigan
4. masigasig 9. manggagawa
5. tamad 10. balisa

 Pagganyak
Magbugtungan Tayo
Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang bugtong. ( Dapat
maghanda rin ang guro, sakaling walang maibahagi ang mga mag-aaral ). Isulat at
Ipabasa ang mga naibahaging bugtong.

Itanong:
Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang ginamit sa bugtong ?
Kailan magkatugma ang mga salita?

 Paglalahad
Ipabasang muli ang tula na nasa Basahin Mo, KM, pp.12-15.

Itanong:
Anu-anong salita ang magkakatugma na ginamit dito?
Saan ito matatagpuan?
Ano ang anyo ng isang tula?
Alin sa mga ito ang taludtod?
Alin naman ang linya?
Ilan ang paksa ng tulang binasa?
Paano ipinakita ang iba’t-ibang paksa ng tula?

Sabihin sa mga bata na ang tula ay isang anyong pampanitikan na gumagamit ng mata-
talinghagang salita. Ito ay may himig, ibig sabihin magkakatugma ang mga huling salita ng
bawat linya nito. Ibig sabihin magkakatulad ang bilang ng pantig sa bawat linya. Ngunit may
mga tula naman na malaya pagdating sa sukat.

 Pagsasanay
1. Gabayang Pagsasanay:

Pangkatin ang klase.

36
Pagawin ang bawat pangkat ng isang tugma /tula tungkol sa paksang napipili at
napagkakasunduan ng pangkat. Ipabasa sa bawat pangkat ang natapos na tugma.
Pabigyang puna sa mga kaklase.

Isulat muli ang tugma at isaalang-alang ang mga puna at mungkahi na ibinigay ng
mga kaklase.

2. Malayang Pagsasanay:
Sumulat ng maikling tula at ipatala ang mga salitang magkatugma.

IV. Pagtataya:
Gamitin ang rubrics para sa pagbibigay ng iskor sa nagawang tugma/tula.

V. Takdang Aralin:
Subukang bumuo ng sariling bugtong na magkakatugma ang mga salita.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

37
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusunod ang mga hakbang sa pagsulat ng tula. (F4PU.Ic-2.2)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakasusulat ng isang tula.
S 2. Nasusunod ang mga dapat gawin sa pagsulat ng tula.
A/V 3. Naipakikita ang tiyaga sa pagsulat ng tula.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pagsulat ng Tula
Sanggunian : Yaman at Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 40-41
Kagamitan : KM, rubrics, bolpen, papel
Pagpapahalaga: Pagtitiyaga

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay
1. maykaya 6. sakitin
2. matipuno 7. tahimik
3. palaboy 8. kaibigan
4. masigasig 9. manggagawa
5. tamad 10. balisa

2. Balik-aral
Itanong:
Paano isinusulat ang isang tula?

B. Paglalahad
Ipakita ang rubrics sa pagsulat ng isang tula. Talakayin ito sa mga mag-aaral upang maging
Gabay nila sa pagsulat ng sarili nilang tula.

C. Pagsasanay
1. Gabayang Pagsasanay:

Pagawin ng isang tula ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang pagpapahalaga sa


kanilang pamilya. Matapos ang inilaang oras , ipakita muli ang rubrics na ipinaliwanag bago
magsimula ang
pagsulat.Ipagamit ito upang makita ng mga mag-aaral ang kalakasan at kahinaan ng tulang
kanilang. Isinulat.

2. Malayang Pagsasanay:

Ipasulat muli ang natapos na tula batay sa ginawang pagsusuri.


Matapos basahin sa kaklase ang natapos na tula at pabigyang puna muli.
Isulat muli ang tula.

D. Paglalahat
Itanong:
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng tula?

38
IV. Pagtataya:
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang mga dapat gawin sa pagsulat ng tula?
2. Dapat bang magkatugma ang lahat ng salita?
3. Paano isinusulat ang isang tula?
4. Anong katangian dapat mayroon ka kapag magsusulat ng tula?

V. Takdang Aralin:
Sumulat ng maikling tula tungkol sa sariling pamilya.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

39
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusulat ang mga wastong sagot sa Lingguhang Pagsusulit.

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapagsusulat ng wastong sagot sa isang Lingguhang Pagsusulit.
S 2. Naipaliliwanag ang mga wastong sagot sa isang Lingguhang Pagsusulit.
A/V 3. Naipakikita ang pagkamatapat sa pagsagot sa mga katanungan.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Lingguhang Pagsusulit
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 41-43
Kagamitan : bolpen, lapis, papel

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay
1. maykaya 6. sakitin
2. matipuno 7. tahimik
3. palaboy 8. kaibigan
4. masigasig 9. manggagawa
5. tamad 10. balisa

B. Paglalahad:
Balik-aral: (Pagbalik-aral sa nasasakop na leksiyon)

1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatang pagsagot sa mga tanong.

2. Malayang Pagsasanay:
Bawat isa ay sasagot sa mga tanong.

IV. Pagtataya:
A. Punan ng tamang salita ang patlang sa tula.
Pag-asa gampanin tradisyon pamilya kumakalinga
kalugdan kultura isinasagawa tatak magulang

Masayang pagmasdan ang baway (1) _______________


Lahat ay tulong-tulong, sama-sama
sa mga (2) ___________ sa bahay man o bansa
responsibilidad tunay na (3) ___________ .

Pagpapalaki sa anak dapat may takot sa Diyos


sa (4) __________ at bansa’y pagsunod ay lubos
Turuang isipan ng anak, sa kabutihan matino
Upang sa gayon, sila’y (5) _____________ sa mundo.

Mga magulang natin ay bigyang halaga


Na sa atin sila’y nagmahal, (6) ___________
Araw-gabi trabaho nila’y walang pahinga
Mabuhay lamang pamilyang puno ng (7) __________ .

Sa bawat pamilya pagmasdan itong (8) _________ .


Sumasalamin sa kanilang (9) ___________ at paniniwala
Tulad ng Pamilyang Pilipino, tunay at kakaiba
Dahil may sariling (10) __________ na wala sa iba.

40
B. Sagutin ang tanong mula sa tulang nabuo.
11. Tungkol saan ang tula?
12. Ano ang nais iparating ng bawat saknong sa tulang ito?
13. Ano ang reaksiyon /opinyon mo sa
a. unang saknong
b. ikalawang saknong
c. ikatlong saknong
d. ikaapat na saknong
14-15. Ano ang ipinakikitang damdamin ng tula sa mambabasa? Ipaliwanag.

C. Tukuyin ang pangngalang inilalarawan sa bawat bugtong.

16. Halamang hindi nalalanta, kahit na putulan pa. (buhok, halaman, butik)
17. Nakakahong bahaghari, kulay ay sari-sari. (damit, sampayan, krayola)
18. Ibon kung saan man makarating , makakabalik
kung saan nanggaling. (uwak, kalapati, salamin)
19. Gupitin mo ma’y hindi mamatay, maputol man ay
patuloy na nabubuhay. (buntot, kuko, kandila)
20. Tanikalang may sabit, sa batok nakakawit. (bolpen, lapis, kuwaderno)

V. Takdang Aralin:
Pagbalik aral sa mga tanong na mali ang sagot.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

41
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang balita. (F4PN-Id-h-3.2)

I. Mga Layunin:
K 1. Nailalarawan ang isang huwarang pamilyang Pilipino.
S 2. Naipamalas ang kahusayan sa pakikinig ng balita.
A/V 3. Nasasagot nang may paggalang sa mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye nang
napakinggang balita.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pakikinig ng Balita
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 46-47
Kagamitan : bolpen, lapis, papel,KM, larawan ng isang masayang pamilya, tsart

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay(Unang Pagsusulit)
1. magkatugma 6. malaya
2. matalinghaga 7. taludtod
3. panitikan 8. bugtong
4. sukat 9. magkaagapay
5. linya 10. nagbubuklod

2. Paghawan ng Balakid
1. huwaran

Itanong:
Ano ang ibig sabihin ng huwarang pamilya?
Ipagamit ito sa mga mag-aaral sa sariling pangungusap

3. Pagganyak
Itanong:
Kung magkakaroon ng pagpaparangal sa isang huwarang pamilya, ipapasok mo
ba bilang nominado ang sarili mong pamilya? Bakit?

B. Paglalahad:
Pagganyak na Tanong
Bakit pinarangalan ang pamilya ni Manuelito Villanueva?

Sabihin:
Alamin natin ngayon sa pamamagitan ng pakikinig ng isang balita kung bakit
pinarangalan ang pamilya ni Manuelito Villanueva. ( Iparinig ang balita mula sa cassette tape
recorder. Kung wala gamitin ang microphone para sa pagbabasa ng balita).

1. Gabayang Pagsasanay:
Itanong (Pangkatan ang pagsagot)
o Sino ang bibigyan ng pagkilala?
o Bakit siya pararangalan?
o Ilarawan ang kaniyang pamilya.
o Ano ang benepisyo ng pagkakahirang sa kaniya bilang ama ng huwarang pamilya?
o Ihalintulad ang sariling pamilya sa pamilya ni Manuelito

.42
o Iparinig o basahing muli ng malakas ang balita.
o Ibigay ang hinihinging impormasyon ng talaan ayon sa balitang napakinggan.

Ano ang nangyari?

Saan nangyari?
Paano nangyari?
Pamagat Ng
Balita
Sino-sino ang narito?
Bakit nangyari?
Kailan ito nangyari?

2. Malayang Pagsasanay:
Maaaring tumawag ng ilang mag-aaral upang isalaysay muli ang napakinggang balita sa tulong ng
natapos na nakalarawang balangkas.

C. Paglalahat:
Ano-ano ang dapat tandaan upang maunawaan ang pinakikinggang balita?

IV. Pagtataya:
Magbasa o magparinig ng isa pang balita na nangyayari sa ating barangay.
Sagutin ang sumusunod na katanungan sa papel.
1. Ano ang pamagat ng balita?
2. Ano ang nangyari?
3. Kailan ito nangyari?
4. Saan nangyari?
5. Sini-sino ang narito?
6. Bakit nangyari?
7. Paano nangyari?

V. Takdang Aralin:
Makinig ng balita ngayong gabi sa ating lugar. Isulat ang mahahalagang impormasyon at maghanda
para sa
pagsasalaysay kinabukasan.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

43
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang mga larawan. (F4PS-Ib-h-6.1)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapagsalaysay muli ng napakinggang balita gamit ang mga larawan.
S 2. Naipaliliwanag ang napakinggang balita gamit ang mga panuto.
A/V3. Nakapagbibigay ng panuto na may paggalang gamit ang pangunahing direksiyon.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Mga Pangunahing Direksiyon
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 47-48
Kagamitan : KM, istrip ng kartolina na may nakasulat na pangunahing direksiyon, papel na may
nakasulat na mga salita, mapa

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay
1. magkatugma 6. malaya
2. matalinghaga 7. taludtod
3. panitikan 8. bugtong
4. sukat 9. magkaagapay
5. linya 10. nagbubuklod

 Ipaikot ang bawat papel na may nakasulat ng salitang lilinangin sa linggong ito.
 Pasulatan sa mga mag-aaral ng isang salita na maiuugnay niya sa salitang nakasulat sa
gitna ng papel.
 Gawin ito hanggang sa ang lahat ng mag-aaral ay makasulat sa inihandang papel.

2. Balik-aral
Itanong:
Ano ang ibig sabihin ng huwarang pamilya?

B. Paglalahad:
Muling basahin ang balita sa mga mag-aaral.
Pangkatin ang klase.
Magpaguhit sa bawat pangkat ng larawan na nagpapakita ng mga pangyayari sa
napakinggang balita.
Matapos ang inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat upang maisalaysay ang bahagi
ng balitang napakinggan sa pamamagitan ng natapos na larawan.
Ipakita ang mapa kung saan gaganapin ang pagpaparangal sa pamilya ni Manuelito.

Pabuksan ang KM sa pahina 20. Pag-usapan ang mapa.


Itanong:
Anu-ano ang makikita sa silangan? Kanluran? Timog ? Hilaga?
Paano makararating sa lugar kung saan bibigyang parangal ang pamilya ni Manuelito.

( Gabayan ang mga mag-aaral upang makapagbigay ng mga panuto gamit ang mga
pangunahing direksiyon).

C. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase at ipagawa ang Pagyamanin Natin, Gawin Ninyo B, KM, p.21.

44
Matapos ang inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat upang ibahagi ang kanilang
natapos na mga panuto at ipatukoy ang lugar na kanilang nais pupuntahan.

2. Malayang Pagsasanay:
Iguhit ang sariling pamayanan.
Sumulat ng limang panuto tungkol sa mga lugar na makikita rito. Gamitin ang mga
Pangunahing direksiyon. Matapos ang limang minuto, tumawag ng ilan upang magbahagi
ng matapos na gawain.

D. Paglalahat:
Paano mo maipakikita ang pagiging magalang sa pagbibigay ng direksiyon?

IV. Pagtataya:
Tingnan ang mapa. Magbigay ng inyong direksiyon upang makarating sa bahay ang iyong inimbitang
kaibigan galing probinsiya.

Bahay Mo

Paaralan
Hospital
Bus
Terminal

Plaza/
Palengke Parke Simbahan

V. Takdang Aralin:
Lagyan ng direksiyon ang mga lugar sa iyong bahay.
1. kusina
2. silid-tulugan
3. hagdanan
4. palikuran

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

45
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit sa pagbuo ng kwento. (F4PL-Oa-J-1)

I. Mga Layunin:
K 1. Naipaliliwanag nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa tao, lugar,
bagay at pangyayari sa paligid.
S 2. Natutukoy ang kasarian ng pangngalan at nagagamit sa sariling pangungusap .
A/V 3. Nakabubuo nang may tiwala sa sarili ng kuwento gamit ang mga pangugusap na may
pangngalan..

II. Paksang Aralin:


Paksa : Kasarian ng Pangngalan
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.48-50
Kagamitan : tsart, makukulay na papel, sertipiko, manila paper

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay
Muling Pagsusulit

2. Balik-aral
Itanong:
Bakit huwaran ang pamilya ni Manuelito?

B. Paglalahad:
Tumawag ng ilang mag-aaral para basahin ang balita. Gawing malikhain sa pagpapabasa
ng balita para maging makatutuhanan.

Itanong:
Tungkol saan ang balita?
Anu-ano ang pangngalang ginamit sa balita?
Isulat sa pisara ang sagot?
Ihanay ang mga pangngalan sa talaan batay sa kasarian.
Itanong:
Ano ang napansin ninyo sa mga pangngalan sa unang hanay? Ikalawang hanay ?
Ikaapat na hanay? Paano ito isinulat.

Papagbigayin pa ang mga mag-aaral ng ibang halimbawa sa bawat kasarian ng


pangngalan. Idagdag sa talaan. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga pangngalan.

C. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase.
Bigyan ang bawat pangkat ng isang malinis na papel at iba’t-ibang kulay na
panulat na sasapat sa bawat pangkat ng klase.

Sabihin sa mga mag-aaral na bawat isa ay susulat ng isang pangungusap na may


pangngalan sa ibinigay na papel upang makabuo ang kanilang pangkat ng isang kuwento
tungkol sa isang nasaksihang pangyayari sa labas ng silid-aralan.

46
2. Malayang Pagsasanay:
Magpakita ng halimbawa ng sertipiko na inihanda. Lagyan ng disenyo at pangalan ang
sertipiko ng pagkilala para sa sariling pamilya.
Gumamit ng asul sa panulat sa ngalan ng tao ang bawat bata.
-berde para sa lugar
- orange para sa bagay

D. Paglalahat
Itanong:
Ano ang kasarian ng pangngalan?

Pagsasapuso:
Gumamit ng isang buong manila paper. Ipasulat dito ang mga pangngalang dapat
mong igalang. Isulat ang sagot sa iba’t-ibang kulay ng papel.
Berde – pambabae
Asul - panlalaki
Dilaw- di- tiyak
Kahel - walang kasarian

IV. Pagtataya:
Basahin ang mga pangungusap. Itala ang mga pangngalan at isulat ang kasarian.
Halimbawa: Nagising si Liza isang gabi.
Liza – pambabae

1. Isang pusa ang ngumingiyaw sa daan ninyo.


2. Sikat na mang-aawit ang aking tiyo.
3. Mamahaling pitaka ang napulot ni Kikay.
4. Makulay na laso ang regalong natanggap ko.

V. Takdang aralin:
Isulat ang kasarian ng sumusunod na pangngalan.
1. Boksingero
2. Manggagamot
3. Bb. Bucita
4. Cabinet
5. G. Villanueva

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

47
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasusulat ng balangkas ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa. (F4EP-If-8-14)

I. Mga Layunin:
K 1. Nailalarawan nang wasto ang mga pangngalan.
S 2. Nasusuri ang balita gamit ang balangkas.
A/V 3. Nakasusulat ng talatang nagbabalita nang may tiwala sa sarili.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Wastong Gamit ng Pangngalan
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.50-51
Kagamitan : graphic organizer, KM,tsart

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay
Muling pagtuturo ng mga salita.
Ipabasa ang mga papel ng salita na ginawa noong nagdaang araw.Pagkatapos ng
ilang minuto, ipagamit ang salita sa sariling pangungusap.

2.Balik-aral
Ipabasa ang mga pangungusap.
1. Pinangaralan ni Gng. Reyes ang kaniyang anak sa hindi pagsunod sa guro.
2. Tinanggap ni G. Henry ang sertipiko ng pagkilala bilang mahusay na guro sa
paaralan.

Itanong:
Ano ang pangngalang ginamit sa unang pangungusap? Ikalawang pangungusap ?
Tukuyin ang kasarian nito.

B. Paglalahad:

Suriin ang balitang napakinggan noong isang araw. Kung kailangan, basahin muli ito
nang malakas sa klase. Ipagamit ang balangkas na ito.
Pamagat : _______________________________________________
Paksang Diwa : ___________________________________________
Mga Detalye : ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Itanong:
 Saang bahagi ng balita hinango ang pamagat?
 Paano isinulat ang pamagat?
 Ano-anong tanong ang sinagot sa unang talata?
 Ibigay ang karagdagang impormasyon na sumusuporta sa talata.
 Tiyak ba o paligoy-ligoy ang nilalaman ng balita.
 Ibigay mo ang kahulugan ng balita batay sa naunang talakayan.
 Magbigay ng halimbawang balita na nagsisimula sa pamatnubay na tanong na
ano, sino, saan, kailan, at paano.

Ipakita ang balitang nakasulat sa tsart. Ituro kung paano ito isinulat gamit ang mga
pamatnubay na tanong .

48
BALITA
Paksa Pagyayari Tanong

Gamit ang graphic organizer, suriin ang balita gamit ang hinihinging datus.

C. Pagsasanay:
Pangkatin ang klase. Gamitin ang datus sa nakikitang impormasyon sa Pagyamanin Natin,
Gawin Ninyo C, KM, p. 21, sa pagsusulat ng isang balita.

D. Paglalahat:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Bintana ng Pag-unawa”. Na nasa Isaisip Mo A, KM, p. 25.
Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang natapos na gawain.

IV. Pagtataya:
Magsulat ng talatang nagbabalita tungkol sa isang pangyayaring naganap sa kanilang
bahay,kapitbahay o sa barangay .

V. Takdang Aralin:
Makinig ng balita sa telebisyon o radyo mamayang gabi o bukas ng umaga/medaling-araw.
Tiyaking masagot ang mga katanungang nagsisimula sa ano, sino, saan, kalian at paano.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

49
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasusunod sa nakasulat na panuto sa Lingguhang Pagsusulit.(F4PD-Ib-h-21)

I. Mga Layunin:
K 1. Nasasagot nang tama ang mga tanong sa lingguhang pagsusulit.
S 2. Nakasusunod sa nakasulat na panuto sa lingguhang pagsusulit.
A/V 3. Napapahalagahan ang pagtutulungan para matapos ang gawain.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Panlingguhang Pagsusulit
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.52
Kagamitan : lapis, bolpen, papel, activity sheets

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1. Pagbabaybay
Pagsusulit na pangmasteri

IV. Pagtataya:
Pangkatin ang mga mag-aaral.
Ibigay ang kagamitan para sa pangkatang gawain.
Bigyan ang bawat pangkat ng sapat na oras upang maisagawa ang nakasulat na activity sheet.

Ipabasa ang panuto na makikita sa activity sheet na ibinigay sa pangkat.


Pangkat I - Itala ang pangngalan sa nabasang balita. Ihanay ito ayon sa Kasarian.
Pangkat II - Gamit ang pangngalan na binanggit sa balita, sumulat ng 5 pangungusap.
Pangkat III – Gumawa ng balangkas ng napakinggang balita.
Pangkat IV – Sumulat ng isang balita tungkol sa nangyari sa klase sa araw na ito.

Matapos ang inilaang oras, pagpalitin naman ng gawain ang mga pangkat. Ulitin
ang ganitong proseso hanggang sa magawa ng lahat ng pangkat ang mga inihandang gawain.

Pagwawasto at pagbibigay ng iskor sa kanilanh natapos na gawain. Itala ito sa class record pagkatapos.

V. Takdang Aralin:
Sumulat ng maikling balita tungkol sa pangyayaring naganap sa sariling tahanan.
Gamitin ang balangkas bilang patnubay sa pagsulat.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

50
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasasabi ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa mga mahahalagang detalye ng napakinggang
Balita. (F4PN-If-3.2)

I. Mga Layunin:
K 1. Nailalarawan ang huwarang pamilya .
S 2. Nakikilala ang natatanging pamilya.
A/V3. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mahalagang detalye ng nabasang balita.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pagbasa ng Balita
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.52-54
Kagamitan : gintong kahon, susulatang papel, KM

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Unang pagsusulit ( maaaring pumili ng mga salita mula sa bokabularyong pang-
Akadimiko).

2. Balik-aral
Pangkatin ang klase.
Bawat pangkat ay may sulatang papel na nakapaskil sa pisara.
Lahat ng kasapi ng pangkat ay pipila sa tapat ng kanilang sulatang papel.
Sa hudyat ng guro, bawat isa ay susulat ng isang pangngalan ayon sa mga
kasarian na nakasulat sa papel.
Ang may pinakamaraming tamang sago tang mananalo sa larong ito.

Itanong:
Ano ang pangngalan?
Ano ang kasarian ng pangngalan?

3. Paghawan ng balakid
1. alituntunin
2. benepisyaryo
3. maitaguyod
4. nagdarahop
Pabuksan ang KM sa Tuklasin Mo B, p.18 at ipagawa ang gawain. Tumawag
ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot. Ipagamit sa sariling
pangungusap ang mag bagong salita.

4. Pangganyak
Itanong:
Paano ka magiging huwarang bata sa mga kapatid mo? Kaklase Mo?

B. Paglalahad:
Sabihin ang pamagat ng balitang babasahin.

A. Pangganyak na tanong:
Bakit sinasabing huwaran ang pamilyang Cuevas?

Itanong:
Ano ang nais ninyong malaman sa babasahin ngayon ?
Ipasulat ang sagot ng mga mag-aaral at ipadikit ito sa “Gintong Kahon ng
Kaisipan”. Basahin ang mga tanong na nakadikit sa kahon. Ipabasa ang balita na
Nasa Basahin Mo, KM, p. 18-19.
51
Itanong:
Sino ang pinarangalan?
Ilarawan ang pamilya Cuevas.
Saan sila pinarangalan?
Anu-anong pang-uri ang ginamit upang mailarawan ang pamilyang Cuevas.
Bakit sila pinarangalan?
Bakit nagtatakda ng huwarang pamilya?
Anu-ano pa ang naganap na selebrasyon ng Linggo ng pamilya?
Dapat bang kilalanin ang natatanging pamilya ? Bakit?
Kung ang pamilya mo ay isa sa mga paparangalan, ano ang dapat mong
gawin ? Bakit?

C. Pagtatapos:
Buuin ang pangungusap.

Ang pamilya para sa akin ay _________________________________ .

IV. Pagtataya:
Isulat sa papel ang kasagutan sa tanong.
Paano mo masasabi na ang isang pamilya ay huwaran?

V. Takdang Aralin:
Magtala ng pamilyang kilala mo na masasabi mong huwaran.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

52
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasasabing muli ang napakinggang teksto gamit ang mga larawan.(F4PS-Ib-h-6.1).

. Mga Layunin:
K 1. Nakapagbubuo ng larawan ayon sa balitang napakinggan .
S 2. Naisasalaysay muli ang nabasang teksto gamit ang mga larawan.
A/V 3. Napapahalagahan ang mga nangyayari sa ating kapaligiran.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pagsasalaysay Muli/ Pag-uulat
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.54-55
Kagamitan : papel, lapis, pangkulay ( optional) KM, laptop (optional)

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Pagtuturo ng mga salita.
Pabigyang kahulugan ang bawat salita gamit ang kanilang sariling salita
at batay sa pagkakaunawa sa ipinaliliwanag ng guro.

2. Balik-aral
Pangkatin ang klase.
Ipasadula sa bawat pangkat ang naganap na parangal sa binasang balita
nang nagdaang araw. Bigyan sila ng sapat na oras na makapaghanda at pagkatapos
ipapakita na sa klase.

3. Pagganyak
Magpakita o papanoorin ang mga mag-aaral ng balita galling sa laptop.

Itanong:
Ano ang napakinggan o napanood mong balita?
Tumawag ng ilan upang magbahagi ng isang balitang napakinggan o nabasa.

B. Paglalahad:
Pag-aralan ang mga larawan ng mga pangyayari sa nabasang balita na nakikita sa
Sa Pagyamanin Natin, Gawin Ninyo D, KM, p.22.

Bigyan ang bawat pangkat ng oras upang makapaghanda ng isang pag-uulat.


Gamitin ang mga larawang nasa KM.

C. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
Unang Pangkat - Iguhit ang isang balitang nabasa.
Pangalawang Pangkat - Gamitin ito sapagsasalaysay.

2. Malayang Pagsasanay:
Ipakompleto sa mga mag-aaral.
Mahalagang maging mulat sa mga nangyayari sa ating kapaligiran, kaya mula ngayon,
pagsisikapan kong _______________________________ .

53
D. Paglalahat:
Ano- ano ang dapat tandaan sa pagsasalaysay ng isang nabasang balita o impor-
masyon ? Ipakompleto ang talaan sa Isaisip Mo B, KM, p.25. ( Sabihin ang mga
mahahalagang detalye na sumagot sa mga tanong na ano, sino, kalian, saan at
paano ).

IV. Pagtataya: ( Pa-oral )


Bakit kailangang alam natin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran?

V. Takdang Aralin:
Makinig ng balita sa radyo o di- kaya’y manood ng balita sa TV. Kunin ang mahalagang detalye.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

54
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
(F4WG-If-j-3)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakikilala ang panghalip na panao sa mapa.
S 2. Natutukoy ang panghalip panao.
A 3. Nakapipili ang angkop na panghalip panao na gagamitin sa pangungusap.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Panghalip Panao
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.55-56
Kagamitan : manila paper, KM, tsart ng awitin

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Muling Pagsusulit

2. Balik-aral
Pangkatin ang klase. Magpagawa ng film strip sa napiling balita na napakinggan
o napanood nila kagabi.

B. Paglalahad:
Ituro ang awiting “Ako’y Isang Mamamayan”. ( Isulat sa tsart . Awitin muna ng
guro, ipabasa pagkatapos ang titik at ituro ang tono ng awit. Saka awitin nang
sabay-sabay ang kanta. Ituro ang aksiyon kung mayroon).

Itanong:
Anong nararamdaman ninyo habang inaawit ito?
Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa awit.
Sino ang tinutukoy ng ako? Tayo? Ikaw?
Kailan ginagamit ang ako? Tayo? Ikaw?
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?

Pangkatin ang klase at ipabasa muli ang balita sa KM, Pp. 18-19. Mula dito, pasulatin ang
bawat pangkat ng pangungusap gamit ang mga panghalip na ibibigay.

Pangkat 1 -- ako, ikaw, siya, tayo


Pangkat 2 -- kami, kayo at sila
Pangkat 3 -- akin, ko, atin, naming, amin, naming, iyo o mo
Pangkat 4 -- inyo, ninyo, kaniya o niya at kanila o nila

Pagkatapos ng inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat para sa pag-uulat.

Itanong:
Ano ang panghalip na ginagamit sa pangungusap?
Ano ang pinalitan nito?
Paano ito ginamit?
Sino ang tinutukoy nito?
Kailan lamang ito ginagamit?

55
C. Pagsasanay:
Pabuksan at ipagawa ang Pagyamanin Natin, Gawin Ninyo B, KM, p.23.
Ipabasa rin ang “Ang Gintong Hiyas ng Magulang”, na nasa Pagyamanin
Natin , Gawin Mo A, pp.23-24. Kompletuhin ang talaan sa ilalim nito.

D. Paglalahat:
Ano ang panghalip na panao?
Ano-ano ang panauhan ng panghalip?
Ano-ano ang kailanan ng panghalip?

IV. Pagtataya:
Bilugan ang panghalip na panao sa pangungusap.
1. Naiinitan kami sa panahon ngayon.
2. Ang dami naming nahuling isda kanina.
3. Marami ka bang bibilhin mamaya?
4. Ang mga taong mababait kagaya ninyo ang pinagpala ng Panginoon.

V. Takdang Aralin:
Basahin ang mga pangungusap. Sipiin sa iyong kuwaderno ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng
balita.
1. Isulat ang buod ng balitang isusulat.
2. Itala ang mga pangyayari.
3. Ilagay sa hulihang talata ang pinakatampok ng balita.
4. Isulat ang balita ayon sa tunay na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari nito.
5. Magbigay ng opinyon tungkol sa isinusulat.
6. Isulat ang buong pangalan ng tao sa unang pagkakataon.
7. Ilahad ang mga pangyayari nang walang kinkkilingan.
8. Maging tumpak.
9. Banggitin ang pinagmulan ng impormasyon.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

56
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naibibigay ang kahalagahan ng medya (hal. Pang-impormasyon, pang-aliw, panghikayat).
(F4PD-Ie-2)

I. Mga Layunin:
K 1. Nasasabi ang mga dapat tandaan sa pagsusulat ng balita .
S 2. Nakasusulat ng talatang nagbabalita.
A/V 3. Naibibigay ang kakayahan ng medya sa pagbibigay ng impormasyon.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Pagsusulat ng Balita
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.57-58
Kagamitan : KM, cassette tape, worksheet

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Muling Pagtuturo ng mga salita

2. Balik-aral
Maglaro ng Pass a Question Technique. Isa-isang bilutin ang mga bondpaper o
papel na may nakasulat na panghalip na panao at ilagay ito sa maliit na kahon.
Sa saliw ng musika, ipapas ng mga mag-aaral ang kahon na may mga binilot na
mga tanong. Ang mga mag-aaral na makakakuha ng kahon kapag tumigil ang musika ang
siyang bubukas , kukuha at bubuo ng pangungusap batay sa panghalip na nabubuksan.
Dapat ang pangungusap ay tungkol sa pagiging hiyas ng magulang. Ipasa muli ang
kahon hanggang sa maubos ang binilot na mga papel sa loob nito.

B. Paglalahad:
Ipabasa muli ang balita sa pp.18-19. Suriin ito gamit ang balangkas na ito.
Pamagat : ______________________________
Paksang Diwa : __________________________
Mga Detalye : ___________________________
1.
2.
3.
4.
5.

Itanong:
 Ano ang pamagat ng balita?
 Ano ang paksang diwa ng balita?
 Ano-ano ang detalye ng balita
 Ano-anong tanong ang sinagot ng unang talataan?
 Paano inumpisahan ang balita?
 Tiyak ba o paligoy-ligoy ang nilalaman ng balita?
 Bakit mahalaga ang pagbabasa ng balita?
 Ano ang pakiramdam habang kayo ay nagbabalita? Bakit?
 Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng balita?

C. Pagsasanay:
Pangkatang Gawain;
Ipagawa ang Isulat Mo, pp.27-28

57
D. Paglalahat:
Ano-ano angdapat tandaan sa pagsulat ng balita?
Ipabasa ang Iniisip Mo C, KM, p.26.

IV. Pagtataya:
Sumulat ng isang talatang nagbabalita tungkol sa isang nasaksihang pangyayari sa kalsada,
sa iyong paglalakad mula sa inyong bahay papunta sa paaralan.

V. Takdang Aralin:
Itanong sa magulang ang kahalagahang naibibigay ng balita bilang isang anyo ng media.
Gamitin ang worksheet para sa panayam sa magulang.

Pangalan : _____________________
Antas/Pangkat : _________________
Petsa : ________________________
Tanong :
Ano ang kahalagahang naibibigay ng balita bilang isang anyo ng media?
_________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________ .

___________________
Lagda ng Magulang

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

58
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakapagbubuod ng kahalagahan ng paggalang.

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapagbubuod ng kahalagahan ng paggalang .
S 2. Nailalarawan ang pamamaraan ng paggalang.
A/V 3. Nasasagot ang panlingguhang pagtataya ng may katapatan.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Lingguhang Pagsusulit
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.58-59
Kagamitan : lapis, papel, bolpen, tsart ng pasulit

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Pagsusulit na pangmasteri
Itanong:
Ano ang halaga ng paggalang sa bawat miyembro ng pamilya?
Ano-ano ang pamamaraan para maipakita mo ang paggalang sa bawat miyembro
ng pamilya?

B. Pagtatapos:
Sabihin sa mga bata na ang paggalang ay isang mahalagang katangiang taglay nating mga
Pilipino. Isang pagpapahalaga na dapat pagyamanin.
Maaaring maipakita ang paggalang sa ating tahanan sa pamamagitan ng pagsunod
sa utos ng mga magulang, paggalang sa karapatan at pagkakaiba-iba ng bawat miyembro ng
pamilya, pagpapahalaga sa kakayahan at galling ng kapamilya, pagbati kapag dumarating
o umaalis , at pagmamano o paghalik sa pisngi o kamay ng nakatatanda.

IV. Pagtataya:
I. Basahin ang alamat at sipiin batay sa datos na hinihingi sa ibaba nito.

A. Pumili ng limang pangngalan at itala sa tsart. Isulat ang kasarian nito.

Pangngalan Kasarian
1.
2.
3.
4.
5.

B. Pumili ng limang panghalip at itala sa tsart. Suriin ang kailanan, panauhan at kaukulan.

Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan


1.
2.
3.
4.
5.

59
C. Sumulat ng balita gamit ang sumusunod na mga datos.

Ano : Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay


Saan : Paaralang Elementarya ng San Juan
Kailan : Hulyo 25, 2015
Sino : Mag-aaral mula Baitang Apat hanggang Lima
Layunin : Makasulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaisa ng pamilya
aban sa climate change.

V. Takdang Aralin:
Mag-aral ng leksiyon na napabilang sa mga tanong na mali ang sagot.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

60
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasusulat ng liham. (F4PU-IIb-2.3)
I. Mga Layunin:
K 1. Nakikilala ang mga bayaning hindi masyadong tanyag .
S 2. Nakagagawa ng liham na nasasabi o nasusulat nila ang kanilang saloobin.
A/V 3. Nasasagot nang may tiwala sa sarili ang mga tanong tungkol sa napakinggang recount .

II. Paksang Aralin:


Paksa : Kuwento: “ Tomas Cabili Sultan Demasangkay-ko-Ranao”.
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.62-64
Kagamitan : makukulay na papel o kartolina, tape, mascara (optional), mga larawan ng bayaning Pilipino

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Paunang Pagsusulit
1. proyekto 6. paglalakbay
2. kalooban 7. karapatan
3. sinusuportahan 8. pasilidad
4. pagpupulong 9. pribado
5. salawikain 10. pampubliko
2. Balik-aral
Ipakita ang inihandang graphic organizer.

Ilagay sa gitna ang salitang panghalip. Sa tatlong kasunod na bilog ay kailanan, panauhan
at kaukulan. Sa maliliit naman na bilog ang kaugnay na konsepto.

3. Paghawan ng Balakid:
1. nahalal 6. talumpati
2. konstitusyon 7. lingkod-bayan
3. naglingkod 8. abogasiya
4. talambuhay 9. senador
5. bayani 10. parangal
Itanong:
Sino si Tomas Cabili?

4. Pagganyak
Itanong:
Sino ang kilala mong bayani? Ilarawan siya.
Bakit siya naging bayani?

61
( Kung kinakailangan, maaari kang maghanda ng mga larawan ng mga bayaning Pilipino lalo na
yong mga taga Visayas na hindi masyadong tanyag gaya ni Dagohoy, atbp).

B. Paglalahad:
 Pagganyak na Tanong:
Paano naging bayani si Tomas?
Sabihin na makikinig sila ng kuwento ng isang lingkod-bayan na tunay na ibinigay ang
kaniyang talino at sarili para sa ikauunlad ng bayan. Basahin nang malakas o maaaring i-tape
ang teksto gamit ang boses ng isang lalaki.

C. Talakayan:
Sabihin:
Punan natin ang talaan na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng hinihinging impormasyon.
Itanong:
Ano ang pamagat ng napakinggang teksto?
Sino si Tomas Cabili?
Tama ba ang mga sinabi ninyo tungkol sa kanya bago napakinggan ang kanyang maikling
talambuhay?
Ilarawan si Tomas. Paano siya nagging bayani?
Anu-ano ang pangyayari sa teksto?
Ano ang naging katapusan nito?
Ano ang natutuhan mo mula kay Tomas?

Pamagat : __________________________________
Pangyayari : ________________________________
: ________________________________
: ________________________________
: ________________________________
Katapusan : ________________________________

D. Pagsasanay:
Pangkatin ang klase.
Pag-usapan sa pangkat ang karanasan ng bawat mag-aaral tungkol sa kung
paano
nila ipinakita ang pagiging bayani sa kanilang paaralan.
Pagkatapos , ipakuha ang kanilang mga kuwaderno at ipatala kung paano nila matu-
tularan si Tomas Cabili.

E. Paglalahat:
Ano ang natutuhan mo sa aralin ngayon?

IV. Pagtataya:
Pasulatin ng isang liham ang mga mag-aaral para kay Tomas Cabili. Ipalagay ang mga nais nilang
sabihin kay Tomas. Ipagawa sa dialogue journal.

V. Takdang Aralin:
Ipasulat din sa dialogue journal ang kanilang nararamdaman, mga naunawaan, at maging ang
hindi sa talakayang naganap sa klase.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

62
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t-ibang sitwasyon,pakikipagtalastasan sa text. (F4PS-
Ig-12.9)

I. Mga Layunin:
K 1. Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa iba’t-ibang sitwasyon .
S 2. Nakabubuo ng liham paumanhin.
A/V 3. Naipapakita ang paggalang sa iba’t-ibang sitwasyon.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Magalang na Pananalita.
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.65-66
Kagamitan : awitin na nasa tsart, metacards na may panuto para sa bawat pangkat

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Pagtuturo ng salita
Magtanong sa bawat salitang nililinang upang matukoy ng mga bata ang
kahulugan ng mga ito.

Salita Tanong 1 Tanong 2 Tanong 3

2. Pagganyak
Ipaawit sa tono ng “Magtanim ay di Biro”. (Nakasulat sa tsart).
“Magagalang na Salita”.

B. Paglalahad:
Itanong:
Tungkol saan ang awitin?
Sinu-sino ang dapat nating igalang?
Kailan mo dapat ipinakikita ang pagiging magalang?
Anu-ano ang magagalang na pananalitang kalimitan nating ginagamit?
Kailan ito ginagamit?
Ikaw ba ay batang magalang?
Paano mo ito ipinakikita?
Paano mo mahihikayat ang ibang bata na maging magalang?

C. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase.
Paghandain ang bawat pangkat ng maikling dula-dulaan na magpapakita ng paggamit
ng magagalang na pananalita.

Pangkat 1 ………. Sa terminal ng bus.


Pangkat 2 ………. Sa isang pamilihan
Pangkat 3 ………. Sa kalsada
Pangkat 4 ………. Sa bahay/sariling tahanan

63
2. Malayang Pagsasanay:
Umisip ng karanasang hindi mo ipinakita ang pagiging magalang. Sumulatng isang
maikling
liham ng paumanhin sa taong ito.

D. Paglalahat:
Paano maipapakita ang paggamit ng magagalang na pananalita sa iba’t-ibang sitwasyon?

E. Pagsasapuso:
Ipagawa ang Isapuso MO A, KM, p.36

IV. Pagtataya:
Ano ang magagalang na pananalita ang gagamitin mo sa sumusunod na sitwasyon?

1. Inuutusan ka ng nanay mo na pumunta sa bahay ng iyong Tiya upang manghiram ng kaldero


para gamitin sa kaarawan ng iyong kapatid. Nadatnan mo na may kausap ang iyong Tiya at
parang matatagalan pa bago matapos ang kanilang usapan.
2. Nakita mo na marami pang tirang lugaw sa feeding o pagpapakain na ginawa ng paaralan.
gusto mo pang humingi dahil gutom na gutom ka pa.
3. Pinapadali ka ng nanay mo pauwi dahil may lakad pa siya at ikaw ang iiwan niya sandali
sa tindahan. Pero pinapatulong ka pa ng guro mo sa paglilinis ng paaralan.
4. Tumatakbo ka dahil mahuhuli ka na sa klase. Hindi mo nakita ang babaeng nakaupo sa tabi at
Di mo sinasadyang mabangga.

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik tungkol sa mga panghalip na pamatlig.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

64
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
(F4WG-Ifg-j-3)

I. Mga Layunin:
K 1. Nagagamit ang panghalip na pamatlig sa usapan at sa pagsasabi tungkol sa sariling karanasan .
S 2. Natutukoy ang panghalip na pamatlig.
A/V 3. Nasasagot nang may galang ang mga katanungan tungkol sa usapan.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Panghalip na Pamatlig
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.66-68
Kagamitan : kahon ng panghalip, mga papel na may nakasulat na panghalip, KM

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Muling Pagsusulit

2. Balik-aral
Itanong:
Anu-ano ang magagalang na pananalitang dapat gamitin?

Kailan dito dapat gamitin?

3. Pagganyak
Itanong:
Paano mo inaalagaan ang mga gamit sa paaralan?

B. Paglalahad:
Mag-assign ng mga mag-aaral na magbabasa sa usapang nasa tsart bago pa man ang
araw ng leksiyon.
Ipaparinig ito sa mga mag-aaral . Sabihing pakikinggan nila ang isang usapan ng
magkakaibigan. Tingnan kung paano nila alagaan ang kanilang kagamitan.

Itanong:
1. Tungkol saan ang usapan?
2. Anu-ano ang mga gamit nanakikita ni Bb. Dritz?
3. Anu ang tungkulin ni Bb. Dritz sa kaniyang mga mag-aaral?
4. Ano-ano ang salitang nakasulat nang mariin sa usapan nina Bb. Dritz at mga
mag-aaral?
5. Anu-ano ang ipinahihiwatig ng mga salitang ito?

Ipabasa muli ang mga pangungusap na may mga salungguhit na salita.

Itanong:
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Kailan ito ginagamit?
Kailan ginagamit ang ito? Iyan? Dito? Diyan?

65
C. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang mga mag-aaral.
Maghanda ng kahon kung saan ilagay sa loo bang mga panghalip. Pabunutin ng isang
Ang kinatawan ng bawat pangkat.
Bigyan nang sapat na oras upang makapaghanda ng nakaatas na gawain gamit ang
nabunot na panghalip , ng bawat pangkat.

- Rap - tula - awit - comic strip

Tawagin ang bawat pangkat upang ipakita ang kanilang inihanda, pagkatapos ng inilaang
oras .

2. Malayang Pagsasanay:
Ipagawa ang nasa Pagyamanin Natin, Gawin Mo B, KM. p.34

D. Paglalahat:
Ang panghalip na pamatlig ay ________________________________ .
Ito ay may tatlong panauhan na:
a. __________ na ginagamit kung __________ ,
b. __________ na ginagamit kung __________ , at
c. __________ na ginagamit kung __________ .

IV. Pagtataya:
Iguhit ang isang bagay na hindi mo masyadong maalagaan. Sa ilalim nito, sumulat ng isang
pangungusap na nagsasabi kung paano mo ito dapat alagaan Salungguhitan ang ginamit na
panghalip.

V. Takdang Gawain:
Magtala ng dalawang panghalip na pamatlig at gamitin ito sa pagsusulat ng pangungusap.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

66
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa.(F4EP-If-h-14)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapagsusulat ng balangkas ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa .
S 2. Nakasusunod sa mga hakbang sa paggawa ng balangkas.
A/V 3. Nahaharap nang may awa ang pangunahing diwa at mahahalagang detalye sa talata.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Nakasusulat ng Balangkas
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp.69-71
Kagamitan : tsart ng balangkas, KM

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Muling Pagtuturo ng mga salita.
Ipagpatuloy ang ginawa noong ikalawang araw.

2. Balik-aral
Gamitin ulit ang kahon ng panghalip at pabunutin ang ilang mag-aaral para
gamitin ito sa pangungusap.

B. Paglalahad:
Pangganyak na Tanong:
Ano ang natutuhan ni Efren sa pagtatanim ng mga halaman sa paaralan?
Ipabasa ang isang teksto sa nasa Basahin Mo A, KM, p.31.
Itanong:
1. Anong katangiaan mayroon si Efren?
2. Anong katangian mayroon sina Dolo at Bino?
3. Paghambingin ang dalawa. Aling bahagi ng kuwento ang nagpapatunay
na mabubuting bata ang magkaklase?
4. Anong mensahe ang nais iparating ng pamagat ng kuwento?
5. Tungkol saan ang binasang teksto?
6. Ilang bahagi ang bumubuo sa teksto o ilang talata mayroon ang teksto?
7. Ano ang pangunahing diwa o paksa ng unang talata? Pangalawa?
Pangatlo?

( Isulat sa tsart ang mga halimbawang balangkas sa paggawa. Sa paggawa ng balangkas


ng isang kuwento o teksto, sundin ang sumusunod na mga hakbang. Ibahagi ang mga
sapat na hakbang).
Ipakita kung paano gumawa ng balangkas. Itala ang sagot ng mga bata sa mga
tanong sa itaas sa paunang pabalangkas. Ipakita ang mga halimbawa ng balangkas at
talakayin. Pagkatapos basahin ang unang balangkas.
Itanong:
Ano-ano ang mahalagang detalye o mga pangungusap na susuporta sa
bawat pangunahing diwa ng talata? Magbigay pa ng isang halimbawang balangkas.

Sabihin:
Ang mga pangunahing diwa at mahahalagang detalye na lumilinang sa mga ito ay
isinulat sa buong pangungusap sa pagbabalangkas ng kuwento kaya ito’y tinatawag sa
pangungusap na balangkas. Maaari ring mga paksa ang gagamitin sa halip na mga pangu-
ngusap. Ipakita at ipabasa ang isa pang halimbawa. Ipaliwanag na dalawa ang bumubuo sa
mga balangkas, ang mga pangunahing diwa at ang mahahalagang detalye na lumilinang sa
bawat pangunahing diwa. Dahil dito, ang mga balangkas ay may dalawang punto, ang
pangunahing diwa at mga detalyeng lumilinang o nagpapaliwanag sa pangunahing diwa.
67
C. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang mga mag-aaral. Ipagawa ang nasa Pagyamanin Natin, Gawin Ninyo A,
KM, pp.32-33.

2. Malayang Pagsasanay:
Ipabasa ang talata na nasa Pagyamanin Natin, Gawin Mo A, KM, P.33.

3. Paglalahat:
Anu-ano ang dapat tandaan sa paggawa ng isang balangkas. Isulat ang sagot sa
organizer
na ito.

Pagsulat ng
Balangkas

IV. Pagtataya: ( Pa-oral)


1. Ano ang dalawang bumubuo sa mga balangkas?
2. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng balangkas?
3. Ikalawa?
4. Ikatlo?
5. Ika-apat

V. Takdang Aralin:
Magbasa ng seleksiyon galing sa mga magasin at gumawa ng balangkas mula dito.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

68
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasasagot ng tama ang mga bilang sa pagsusulit.

I. Mga Layunin:
K 1. Nakasusulat ng balangkas ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa.
S 2. Nakasusunod sa panuto.
A/V 3.Nasasagot nang tama ang mga bilang sa pagsusulit nang may tiwala sa sarili.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Lingguhang Pagsusulit
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, p.72
Kagamitan : KM, lapis, bolpen, papel, flashcard

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Pagsusulit na pang-masteri.

IV. Pagtataya:
A. Kung Natutuhan
Gawain A:
Sumulat ng isang talata na nagkukuwento ng mga ginagawa ninyo sa paaralan.
Salungguhitan ang mga panghalip na ginamit.

Gawain B:
Pumili ng isang teksto na nabasa na sa KM. Gumawa ng balangkas tungkol dito.
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.

B, Kung Hindi Natutuhan


Gawain A:
Ipabasda ang mga panghalip na nakasulat sa flashcard. Tumawag ng mga mag-
aaral upang gamitin ito sa sariling pangungusap.

Gawain B:
Bigyan ng isang teksto ang bawat mag-aaral. Ipabasa ito at gabayan ang bawat
isa sa paggawa ng balangkas tungkol dito.

V. Takdang Aralin:
Pumunta sa silid-aklatan at sumipi ng isang maikling kuwento at buuin ang balangkas nito.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

69
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano. (F4PD-If-j-3.2.1)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapagsalaysay sa nababasang kuwento ng may pang-unawa.
S 2. Naihahalintulad ang sarili sa tauhan ng kuwento
A 3.Nasasagot nang may respeto ang mga tanong na bakit at paano.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Kuwento : “ Magtanim Upang Mabuhay”.
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 73-74
Kagamitan : KM, tsart

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Paunang pagsusulit
1. asignatura 6. pamantasan
2. edukasyon 7. barangay
3. punongkahoy 8. entablado
4. sekundarya 9. kapansanan
5. sagabal 10. elementarya

2. Balik-aral
Tumawag ng ilang mag-aaral para pumili ng panghalip na pamatlig at gamitin
Ito sa pangungusap. Itanong Pagkatapos:
Kailan ginagamit ang panghalip na pamatlig?

3.Paghawan ng Balakid (Pahapyaw na ipabasa ang teksto sa KM,p.31)


Itanong:
Ano-ano ang salitang hindi mo nauunawaan sa “Magtanim Upang
Mabuhay”?
Ipagawa ang Tuklasin Mo B, KM, p.30.

4. Pangganyak
Itanong:
Bakit ba tayo pumapasok sa paaralan?

5. Pangganyak na tanong:
Paano tayo inihahanda ng mga aralin sa paaralan para mabuhay?

B. Paglalahad:
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong:
Tungkol kaya saan ang kuwento natin?

Sabihin:
Anu-ano ang tanong ang nais mong masagot sa kuwentong babasahin?
Ano kaya ang kaugnayan ng kuwentong napakikinggan sa sarili mong
Karanasan?
Ipaliwanag ang gawain sa talaan na ito. Ipasulat dito ang mga tanong
At kasagutang nakukuha habang binabasa ang kuwento.

70
Tanong Bago Magbasa Kasagutan Kaugnay sa Sarili

Basahin ang kuwento sa pahina 31, Basahin Mo, KM.


Itanong:
1. Anu-ano ang tanong na isinulat mo bago basahin ang kuwento?
2. Nasagot ba ang mga ito?
3. Ano ang kaugnayan ng binasang teksto sa sariling karanasan?
4. Bakit sinasabing magtanim upang mabuhay?
5. Bakit inihahanda ng guro ang kaniyang mga mag-aaral sa kanilang
sariling buhay?
6. Bakit kaya namangha si Efren nang Makita ang kanyang plot?
7. Sino ka sa kuwento?
8. Paano mo nasabi?

C. Gabayang Pagsasanay:
Ipagawa ang Tigil –Lakad
Ipasulat sa loob ng bilog ang mga gawain na dapat nilang itigil dahil hindi
ito nakatutulong sa pag-abot ng pangarap. Sa loob naman ng palaso, ipasulat ang mga
binabalak na gawain o mga bagay na gagawin upang maabot ang sariling pangarap.

Unang
Ikalawang Pangkat
Pangkat

IV. Pagtataya:
Magpabasa ng ibang kuwento na nasa tsart at ipasagot ang mga katanungan sa ibaba.
1. Paano makapagtapos ng pag-aaral si Maryann?
2. Bakit siya tinutulungan ng kanyang mga kaklase?
3. Ano ang nakuha niyang parangal?
4. Bakit siya pinalakpakan?

V. Takdang Aralin:
Magbasa ng iba pang kuwento at gamitin ang talaan para sa mga tanong na bakit at paano.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

71
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling karanasan. (F4PT-Ib-
1.12)

I. Mga Layunin:
K 1. Naisasalaysay muli ang napakinggang kuwento gamit ang mga larawan.
S 2. Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasing kahulugan.
A/V 3.Naipakikita ang pagtutulungan sa pagbibigay ng kasingkahulugang mga salita.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Magkasingkahulugan.
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 74-75
Kagamitan : KM, activity sheets, manila paper, pentel pen, pangkulay

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Pagtuturo ng salita
Ipagawa ang Vocabulary Prediction Chart.
Gawin ito sa lahat na mga salita.

Salita Sarili kong Pakahulugan Natutuhang Kahulugan Clue

Tawagin ang ilang mag-aaral para magbahagi.

2. Pangganyak
Ipakuha ang Lakad-Tigil na ginawa ng mga mag-aaral noong nagdaang araw
At tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi nito.

C. Paglalahad:
Pangkatin ang klase at bigyan ng magkaibang gawain.

Pangkat 1……. Ipaguhit sa malaking papel ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.
Ibahagi sa klase pagkatapos.
Pangkat 2……. Ipaguhit sa pangkat ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit nito
sa
kuwentong napakinggan.
- Tahanan - pagsubok
- Paaralan - pangarap
- Kaparangan - tagumpay
D. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
Batay sa napakinggang teksto, ipagawa ang Isulat Mo, KM, p.36. ( Gawin ito sa kanilang
Reader’s Response Journal).

2. Malayang Pagsasanay:
Iguhit mo ang iyong sarili sampung taon mula ngayon.

E. Paglalahat:
Ano ang natutuhan mo sa aralin?

72
IV. Pagtataya:
Bilugan ang kahulugan ng salitang may salungguhit na makikita sa pangungusap.
Halimbawa: Maligaya si Ann dahil sa masayang nangyari sa kanya sa aral na ito.

1. Nakakapatindidig balahibong panoorin ang nakakikilabot na palabas.


2. Ang tagumpay ay nakuha ni Luis sa pagkapanalo niya sa paligsahan ng awit.
3. Mahabang panahon ang ginugol niya sa kanyang proyekto kaya’t matagal bago ito natapos.
4. Trabaho ng mga mandaraya ang manloko sa kapwa.

V. Takdang Aralin:
Maglista ng limang pares ng salitang magkasingkahulugan.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

73
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipakikita ang hilig sa panonood sa pamamagitan ng pagpili ng pelikulang angkop sa idad. (F4PL-Oa-j-
7)

I. Mga Layunin:
K 1. Nasusuring mabuti ang pelikulang panonoorin.
S 2. Nasasabi ang mga mahahalagang pangyayari sa pelikulang pinapanood.
A/V 3.Nasasagot ang mga tanong bago at pagkatapos manood ng pelikula.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Panonood ng Pelikulang May- aral.
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 76-77
Kagamitan : Laptop, flashdrive
Pagpapahalaga: Nanonood ng pelikulang tama at angkop sa mga bata.

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Muling Pagsusulit

2. Pagganyak
Itanong:
Ano ang paborito mong palabas sa telebisyon?
Bakit mo ito paborito?
Ano ang napanood mong pelikula?
Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

C. Paglalahad:
Sabihin sa mga mag-aaral na panonoorin nila ang pelikulang may pamagat na ______ .
Ipakita ang larawan.
Itanong:
1. Ano ang pamagat ng pelikula?
2. Ano ang mga nasa larawan?
3. Ano ang ipinahihiwatig nito?
4. Ano-ano ang hula ninyong mangyayari sa kuwento?
5. Ano-ano ang tanong na nais ninyong masagot ng pelikulang panonoorin?

Ipagamit ang Prediction Chart.

Hulang
Tanong Tunay na sagot
Kasagutan

Sabihin sa kanila na sagutan ang tsart habang pinapanood ang inihandang pelikula.
Panonood ng pelikula.

74
IV. Pagtataya:
Sagutin ang mga tanong.
1. Nasagot ba nang tama ang kanilang mga katanungan?
2. Malapit bas a tunay na sago tang kanilang mga hula?

V. Takdang Aralin:
Isulat ang buod ng napanood na pelikula.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

75
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pinanood. (F4PD-Ig-3)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapagkuwento sa mga pangyayari sa napanood na pelikula.
S 2. Naipapaliwanag ang mga nangyayari sa napanood na pelikula.
A/V 3.Nasasagot nang may pagtutulungan ang mga tanong bago at pagkatapos manood ng pelikula.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Kahalagahan ng Media
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, pp. 77
Kagamitan : laptop, vedio tape

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Muling pagtuturo ng mga salita.
Ipagamit sa mga mag-aaral ang mga bagong salita sa pangungusap.
Talakayin ang mga salitang hindi pa malinaw ang kahulugan sa kanila.
2. Paglalahad
Itanong:
1. Ano-ano ang nagustuhan mo sa napanood na pelikula?
2. Bakit mo ito naibigan?
Magkaroon ng talakayan batay sa sagot ng mga mag-aaral.

B. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
1. Magpapangkat-pangkat at pag-usapan ang natapos na Prediction Chart.
2. Magsadula nang gustong linya ng usapan.

Pagsasapuso:
Bigyan ng puntos ang napanood na pelikula. Apat na bituin ang pinakamataas at
isang bituin ang pinakamababa.

2.Malayang Pagsasanay:
Pasulatin ang mga mag-aaral ng isang pangungusap kung bakit ito ang markang ibinigay .

IV. Pagtataya:
Ipasagot ang mga tanong tungkol sa pelikulang napanood? ( Special Child)
1. Sino ang batang pasaway sa unang bahagi ng pelikula?
2. Bakit siya inilipat ng paaralan?
3. Ano ang nararamdaman niya ng siya nalang mag-isa at malayo sa kanyang pamilya?
4. Paano nabago ang ugali ni Sean?
5. Ano ang papel na ginampanan ng kanyang guro sa panahong naguguluhan siya?

V. Takdang Aralin:
Manood ng pelikula at gamitin ang Prediction Chart bago at pagkatapos manood.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________
______________________
Signature Over Printed Na

76
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusulat ang mga tamang kasagutan sa Lingguhang Pagsusulit.

I. Mga Layunin:
K 1. Nakapipili ng mga tamang kasagutan sa lingguhang pagsusulit.
S 2. Nakasusulat ng reaksiyon sa napanood na pelikula.
A/V 3.Nasasagot nang may pagkamatapat ang mga tanong tungkol sa Lingguhang Pagsusulit.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Lingguhang Pagsusulit
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino IV, p.77-78
Kagamitan : KM, lapis, bolpen, papel, flashcard

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
1.Pagbabaybay
Pagsusulit na pang-masteri.

B. Paglalahad:
Itanong:
1. Ano ang pamagat ng pelikula?
2. Sino ang pangunahing artista sa pelikula?
3. Bukod sa pangunahing artista, sino-sino ang gumaganap sa pelikula?
4. Paano inumpisahan ang pelikula?
5. Anong bahagi ng pelikula ang nagustuhan mo? Bakit?
6. Anong bahagi ng pelikula ang nakaantig ng damdamin mo?
7. Sa kabuuan, nagustuhan mo baa ng pelikula? Bakit?
8. Kung ikaw ang Direktor? Paano mo tatapusin ang pelikula?
9. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataong pumili ng mga gaganap sa
belikula, sini-sino ang pipiliin mo? Bakit?
10. Ano ang nagging suliranin sa pelikula?
11. Paano binigyan ng solusyon ang suliranin?

C. Pagsasanay:
Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng tatlong pangungusap.
Irerekomenda mo ba itong panoorin ng ibang bata? Bakit?

D. Pagsasapuso:
Paano mo pahahalagahan ang iyong paaralan bilang pangalawang tahanan?

IV. Pagtataya:
Iwasto ang ginawa nilang reaksiyon gamit ang rubrics na ginamit noong nagdaang aralin.
Itala ang mga nakuhang iskor.

V. Takdang Aralin:
Panoorin uli ang pelikula at sagutin ang mga tanong na di nasagot nang wasto.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

77
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng paglalarawan.(F4PT-Ie-1.13)

I. Mga Layunin:
K 1. Natutukoy ang damdamin ng nagsasalita ayon sa tono, diin, bilis at intonasyon.
S 2. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto.
A/V3. Naibibigay ang kasalungat na kahulugan ng salita.

II. Paksang Aralin:


Kuwento : “ Hipon at Biya” ni Carla Pasis Adarna
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, pahina 80-81
Kagamitan : aklat, larawan ng hipon at biya, papel, bolpen, KM

III. Pamamaraan:
A. Pagbabaybay:
Pumili ng sampung salita na natutuhan sa mga naunang aralin.
1. magulang 6. nagdugo
2. diploma 7. pangkabuhayan
3. medalya 8. pagkakataon
4. taniman 9. bubungkalin
5. katutubo 10. talento

B. Paghawan ng balakid:
Pabuksan ang KM sa Tuklasin Mo A, p.37
Itanong kung alam ba nila ang hipon? Biya?
Ipalarawan ang bawat isa.
Ipabasa ang mga salitang isinulat sa pisara.
Itanong kung alin sa mga salita ang magkasingkahulugan?magkasalungat?
Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap.

C. Pagganyak:
Ipaawit ang “ Kung Tayo’y Magkaibigan”sa tono ng “The more you get together”.

Itanong: Ano ang iyong naramdaman matapos na marinig ang awit?


Ano ang mensahe ng awit?
Paano mo masasabi sa kaibigan mo ang isang tao?
Paano mo maipakikita ang mabuting pagkakaibigan?

D. Pagganyak na Tanong:
Paano ipinakita nina Hipon at Biya ang mabuting pagkakaibigan.

E. Paglalahad:
Babasahin ng guro ang kuwentong “Hipon at Biya”, ni Carlo Pasis.
Pagkatapos basahin ang kuwento magpasulat sa mga mag-aaral ng kanilang sariling tanong
tungkol dito. Pagkatapos ilagay sa kahon at ipasa kasabay ng pagtugtog ng musika. Kapag tumigil
ang tugtog, ang may hawak ng kahon ang kukuha at babasa ng isang tanong at siyang sasagot dito.
Pagkatapos mabasa at masagot ang mga tanong, itanong ang mga sumusunod:
 Ano-anong mga damdamin ang ipinakita sa Hipon?Biya?
 Paano nila ito ipinakita sa kuwento?
 Bakit nila ito naramdaman sa kuwento?

78
F. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase.
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, Gawin Ninyo B,KM, p.39

2. Malayang Pagsasanay:

Ipagawa ang Pagyamanin Natin,Gawain Mo C, KM, p.40.


Magtala ng limang salita mula sa kuwentong napakinggan. Isulat sa tapat ang kasalungat.
Pagkatapos ipabasa ng may wastong tono.

G. Paglalahat:

Itanong:
Ano ang natutuhan mo sa kuwento nina Hipon at Biya?

IV. Pagtataya:
Isalaysay muli ang kuwento sa pamamagitan ng pagsusulat sa isang buong papel.

V. Takdang Aralin:
Paano pinahahalagahan ni Hipon at Biya ang kanilang pagkakaibigan.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

79
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas.
(F4PD-Ie-5.4)

I. Mga Layunin:
K 1. Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento,simula, kasukdulan at pagtatapos ng kuwento.
S 2. Naiaayos sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento.
A/V 3. Nasasabi ang mahahalagang parti/bahagi ng kuwento.

II. Paksang Aralin:


Kuwento : “ Hipon at Biya” ni Carla Pasis Adarna
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, pahina 82-83
Kagamitan : KM, set ng mga larawan (life cycle ng isda at hipon) tsart

III. Pamamaraan:
A. Pagbabaybay: (Pagtuturo ng mgasalita)
1. bida 6. damdamin
2. katangian 7. masayahin
3. kaibigan 8. matalik
4. malawak 9. nagtutulungan
5. sapat 10. Matapat

(Ang salita ay maiuugnay sa ________ . Ang pormal na depinisyon ay ___________ ).

B. Pagganyak:
Pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng isang set ng mga larawan.
Sabihin:
Isaayos ang mga larawang matatanggap ayon sa wasto nitong pagkasunod-sunod.
Pagkatapos ng inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat upang ipakita ang natapos na gawain.

Itanong: Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga larawan?


Pwede ba itong magkapalit-palit? Pangatwiran ang sagot.

C. Paglalahad:
Itanong:
Ano ang naalala mo sa kuwento nina Hipon at Biya?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Ipabasa ang mga pangungusap sa naibigay. Ipakita ang pyramid.
Sabihin:
Gagamitin natin ito upang matalakay ang kuwentong napakinggan

Paano nagsimula ang kuwento? Paano nagtapos ang kuwento?

Ano ang pamagat ng


kuwento?

80
D. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:

Basahin ng malakas sa mga mag-aaral ay nasa tsart. Pabuksan ang pahina 39 sa KM,
Pagyamanin
Natin, Gawin Ninyo A.

Sabihin:
Isulat ang pamagat ng kuwentong napakinggan. Sa unang hanay, sumulat ng isang pangu-
ngusap tungkol sa simula, gitna at kasukdulan ng kuwento. Sa tapat nito, iguhit ang sinasabi ng
pangungusap.

2. Malayang Pagsasanay:
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, Gawin Mo A, KM, p.41

E. Paglalahat: ( Generalization)
Anu- ano ang mga bahagi ng kuwentong inyong napakinggan?

IV. Pagtataya:
Ano ang tatlong mahahalagang bahagi ng kuwento?

V. Takdang Aralin:
Pagbasa ng kuwento mula sa mga lumang aklat at alamin ang pamagat, simula, gitna at kasukdulan
nito.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

81
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakagagawa ng mga pangungusap gamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi
tungkol sa sariling karanasan.(F4WG-If-j-3)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakagagawa ng mga pangungusap gamit ang ibat-ibang uri ng panghalip.
S 2. Nakapagsasabi tungkol sa sariling karanasan gamit ang panghalip.
A/V 3. Nakabubuo ng mga pangungusap na patanong na may pagkamatiyaga.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Panghalip na Pananong
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, pahina 84
Kagamitan : KM, flashcard ng mga panghalip na pananong

III. Pamamaraan:
A. Pagbabaybay: (Muling Pagsusulit)

1. bida 6. damdamin
2. katangian 7. masayahin
3. kaibigan 8. matalik
4. malawak 9. nagtutulungan
5. sapat 10. matapat

B. Balik-aral:
Ano ang panghalip?
Kailan ito ginagamit?
Magbigay ng isang pangungusap na may panghalip.

C. Paglalahad:

Gamitin ang mga katanungan na ginawa ng mga mag-aaral noong nakaraang araw.
Ipabasa ito sa mga mag-aaral. Ipapangkat ang mga tanong.

Itanong:
Paano pinangkat ang mga tanong?
Kailan ginagamit ang sino?Saan?Ano?Kailan?
Balikan ang mga tanong na nakapaskil sa pisara.

Itanong:
Tama ba ang pagkagawa nito?
Paano isinusulat ang tanong?

D. Pagsasanay:
Pangkatin ang klase.
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, Gawin Mo C, KM, p.42
Sumulat ng limang salita mula sa napakinggang kuwento nina Hipon at Biya. Sa tapat
nito,isulat ang kasalungat na kahulugan nito.

E. Paglalahat:
Itanong:
Ano ang panghalip na pananong? Anu-ano ang halimbawa nito? Kailan ito ginagamit?
Pasagutan ang Isaisip Mo, p.42

82
F. Pagsasapuso:

Sabihin:
Isulat ang pangalan ng iyong kaibigan. Isulat din kung bakit mo siya naging kaibigan.

IV. Pagtataya:
Piliin ang wastong sagot at isulat sa patlang.
1. _______ ang matalik mong kaibigan?
a. Sino b. Saan c. Ano d. Kailan
2. Hindi ko alam kung ________ darating si tatay.
a. Sino b. Kailan c. Saan d. Ano
3. Talaga bang hindi mo alam kung ______ si Inay.
a. Saan b. Ano c. Kailan d. Sino
4. _________ ba talaga ang gusto mo paglaki.
a. Sino b. Kailan c. Saan d. Ano

V. Takdang Aralin:
Magbasa ng mga lumang sulat na makikita sa bahay. Magpaalam sa mga magulang o nakatatanda
bago ito gawin.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name
83
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasusulat ng liham sa pagbibigay ng hangarin sa isang gawain o karanasan. (F4PU-IIb-2.3)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakasusulat ng liham sa pagbibigay ng hangarin sa isang gawain o karanasan.
S 2. Nasusunod ang tamang pagsusulat ng liham.
A/V 3. Nasasabi ang tamang paraan sa pagsulat ng liham.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pagsusulat ng Liham
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, pahina 85-86
Kagamitan : lumang sulat,bolpen, papel

III. Pamamaraan:
A. Pagbabaybay:
Muling pagtuturo ng mga salita. Ipagamit ang mga nililinang na salita sa sariling pangungusap.

1. bida 6. damdamin
2. katangian 7. masayahin
3. kaibigan 8. matalik
4. malawak 9. nagtutulungan
5. sapat 10. matapat

B. Pagganyak:
Itanong:
Ano ang gagawin mo kung may nais kang sabihin sa kaibigan at malayo kayo sa isat-isa?
Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang sagot.

C. Paglalahad:

Ipangkat ang klase. Ipakita ang lumang sulat at sabihing susulat sila ng kapareho nito. Pasulatin
ang bawat pangkat ng isang liham na nagsasabi sa kaibigan ng ipinanunukala nilang gawain nang
magkasama.

Ang isang pangkat ay susulat bilang Hipon at isa namang pangkat ang susulat bilang Biya.
Matapos ang inilaang oras, tawagin ang pangkat upang basahin ang kanilang na natapos na liham.

Itanong:
Ano-ano ang bahagi ng liham?
Paano inumpisahan ang liham?
Paano ito tinapos?
Paano isinulat ang liham?
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng liham?

D. Pagsasanay:

1. Gabayang Pagsasanay:
Hayaang magpalit ang bawat pangkat ng kanilang natapos na liham.

Pabigyang puna ang sinulat na liham ng ibang pangkat gamit ang rubrics na nasa Pagyamanin
Natin ,Gawin Natin D,p.40. Ipasuri ang liham gamit ang rubrics na ito.

Matapos ang gawain, ipabalik ang binigyang punang liham upang ipaayos ng pangkat na
orihinal na sumulat nito.
84
2. Malayang Pagsasanay:
Ipagawa ang Isulat Mo, KM, p.42
Sumulat ng isang liham para sa may akda ng kuwento nina Hipon at Biya. Sabihin ang
lahat ng natutuhan mo mula sa kuwentong isinulat.

E. Paglalahat:
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang liham?
Isapuso:
Paano mo pahahalagahan ang iyong kaibigan? Ipagawa ang Isapuso Mo, KM, p.42

IV. Pagtataya:
Ano-ano ang mga bahagi ng liham?
1.
2.
3.
4.
5.

V. Takdang Aralin:
Mag-aral para sa Lingguhang Pagsusulit kinabukasan.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________

______________________
Signature Over Printed Name
85
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakasusunod sa mga binasang panuto.

I. Mga Layunin:
K 1. Naisusulat ang mga hinihinging kasagutan.
S 2. Nakasusunod sa mga binasang panuto .
A/V3. Nasasagot nang tama ang mga bilang sa pagsusulit.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Lingguhang Pagsusulit
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, pahina 86-87
Kagamitan : lapis, bolpen, papel, tsart

III. Pamamaraan:
A. Pagbabaybay:
Pagsusulit na pang-masteri
1. magulang 6. nagdugo
2. diploma 7. pangkabuhayan
3. medalya 8. pagkakataon
4. katutubo 9. bubungkalin
5. taniman 10. talento

1. Kung Natutuhan
Gawin A:
Gumupit ng isang larawan. Idikit ito sa isang papel.
Sa palibot nito ,sumulat ng mga pangungusap na gumagamit ng panghalip pananong.

Gawin B:
Alalahanin ang isang napakinggang kuwento. Gumawa ng sariling graphic organizer upang
ipakita ang pamagat, simula, kasukdulan at panghuling pangyayari o wakas nito.

2. Kung Hindi Natutuhan:


Gawain A:
Ipabasa ang talata na nasa tsart. Tukuyin ang mga panghalip na ginamit dito at sabihin kung
ano ang pangngalan na pinalitan nito. Sumulat ng tatlong tanong tungkol dito.

IV. Panapos na Gawain:


Ipatapik nang tatlong beses ang tatlo mong kaibigan sa klase. Sabihin na “ Salamat sa Iyo, Kaibigan”.

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng isang linggong diary tungkol sa mga gawain ninyong magkaibigan.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name
86
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento. (F4PN-Ih-3.2)

I. Mga Layunin:
K 1. Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento.
S 2. Nasasabi ang mga tamang sagot ng mga tanong mula sa napakinggang kuwento.
A/V 3. Naipapakita ang pagmamahal sa kaibigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling
gawa na regalo.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Mga Bahagi ng Kuwento
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, pahina 87-88
Kagamitan : KM, laptop (optional), larawan ng batang may hika, aklat, flashcard na may nakasulat
na mga bahagi ng kuwento.
Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Pagkakaibigan

III. Pamamaraan:
A. Pagganyak:
Sabihin:
Kung mayroon kang sikretong alam o di kaya’y masayang balita, sino ba ang pinagsasabihan
mo nito?(Tanggapin ang mga sagot ng mga bata). Mayroon ba kayong matalik na kaibigan?
Sino siya?
Paano mo siya nakilala?

B. Paghawan ng Balakid: (Pwedeng magpakita ng video ng isang batang hinihika (optional)


Itanong:
Sino sa inyo ang mga hika?
O sino ang nakakakita na ng isang batang hinihika?
Ano ang nangyayari sa iyo o sa kaniya tuwing umaatake ito?
Ano ang pakahulugan mo sa hika?
Ipabasa ang sagot ng mga bata na isinulat sa pisara.

Itanong:
Ano ang kasalungat ng mga salitang ibinigay?
( Ang mga salita ay manggagaling sa mga bata ,depende ito sa kanilang mga salitang ibibigay ).

C. Paglalahad:
Ipakuha ang KM at buksan sa p.38 . Basahin Mo.

Itanong:
Ano ang pamagat ang kuwento?
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Ilarawan siya?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento ?
Ilan ang simula?
Ano ang kasakdulan ng kuwento?
Ano ang katapusan ng kuwento?
Paano nagbago si Lorena?
Kung ikaw si Lorena, ano ang gagawin mo sa kuwento?
Anu-anong salita ang magkakasalungat sa binasang kuwento?

D. Pagsasanay:
1. Gabayang Pagsasanay:
87
Pangkatin ang klase at ipasadala ang bahagi na napupunta sa pangkat.
Pangkat 1 – Simula
Pangkat 2 - Sukdulan
Pangkat 3 - Katapusan

Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat para makapaghanda. Tawagin sila upang ipakita
ang inihandang dula-dulaan pagkatapos.

2. Malayang Pagsasanay:
Iguhit ang bahagi ng kuwentong nagustuhan mo.

E. Paglalahat:
Itanong:
Ano ang natutuhan mo sa aralin?

F. Pagtatapos:
Gumawa ng isang regalo para sa kaibigan.

G. Pagsasapuso:
Itanong:
Ano ang gusto mong katangian ng iyong kaibigan?

IV. Pagtataya: (Pa-oral)


Ano ang tatlong bahagi ng isang kuwento.

V. Takdang Aralin:
Magbasa ng kuwento mula sa aklat at alamin ang simula, kasukdulan at katapusan nito.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

88
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ayon sa ayos ng kuwento.(F4PB-Ie-5.4)

I. Mga Layunin:
K 1. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari ayon sa ayos ng kuwento.
S 2. Naisasalaysay muli ang nabasang teksto gamit ang mga pangungusap .
A/V3. Nasasabi nang maayos ang mga.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pagsasalaysay ng Kuwento Ayon sa Wastong Pagkakasunod-sunod
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, pahina 88-89
Kagamitan : Kuwentong isinulat sa tsart, larawan ng magkakaibigan, Kagamitan ng Mag-aaral

III. Pamamaraan:
A. Pagganyak:
Magpakita ng mga larawan ng mga magkakaibigan o bestfriends. Ganyakin ang ibang
mag-aaral na magbahagi tungkol sa kanilang matalik na kaibigan.

B. Paglalahad:
Gagawin nila ang dugtungan.
Tumawag ng isang mag-aaral na magsasabi ng simulang pangyayari ng nabasang kuwento.
Tapos, ipapasa naman ito sa iba pang mag-aaral na magsasabi ng susunod na pangyayari.
Gawin ito hanggang sa matapos ang kuwento

C. Pagsasanay
1. Gabayang Pagsasanay
Magpabasa ng isang maikling kuwento na isinulat sa tsart.
Pagkatapos, pangkatin ang klase at ipasulat sa isang papel ang mga pangyayari ng
kuwentong binasa nang may wastong pagkasunod-sunod .
Matapos ang inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat upang ibahagi ang kanilang
natapos
na gawain.

2. Malayang Pagsasanay:
Papiliin ang mga mag-aaral ng isang kuwento na mababasa sa Yunit I ng KM. Basahing
mabuti at humandang isalaysay sa klase.
Gamitin ang rubrics sa pagsasalaysay sa gawain na nakikita sa Pagyamanin Natin, Gawin Mo
E, KM, p. 41

D. Paglalahat:
Itanong:
Ano ang natutuhan mo sa aralin?

IV. Pagtataya: ( Pa-oral )


Para maisalaysay ng maayos at tama ang kuwentong nabasa, ano ang dapat tandaan?

V. Takdang Aralin:
Mag-aral at maghanda para sa Lingguhang Pagsusulit bukas para na rin sa darating na Unang
Markahang Pagsusulit.

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________ ______________________
Signature Over Printed Name
89
Filipino 4
Date : _____________

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng isang gawain.(F4PN-Ie-j-1.1)

I. Mga Layunin:
K 1. Nakasusunod sa panuto.
S 2. Naisasalaysay muli ang nabasang teksto gamit ang mga pangungusap .
A/V 3. Nasasabi nang tama ang mga bilang sa Lingguhang Pagsusulit.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Lingguhang Pagsusulit
Sanggunian : Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4, pahina 89-90
Kagamitan : lapis, bolpen, papel

III. Pamamaraan:
Kung Natutuhan:
Pumunta sa silid-aklatan o sa mini-library, pumili ng isang storybook. Basahin ito. Tukuyin
ang mga pangyayari rito at isulat nang may wastong pagkasunod-sunod.

Kung Hindi natutuhan:


Gabayan ang mga mag-aaral upang makapag-isip ng kuwento na may tatlong pangyayari.
Ipasulat ang mga ito sa organizer na ito.

Unang Pangyayari Sumunod na Pangyayari Panghuling Pangyayari

Problema Solusyon

Pagsagot sa mahalagang tanong.

IV. Panapos na Gawain:


Itanong:
Ano ang dapat mong gawin upang hindi kayo mag-away ng iyong kaibigan?

No. of learners meeting the criterion: ____________


Remarks: ________________________________
Reflection: _______________________________
Suggestions: ______________________________

______________________
Signature Over Printed Name

90

You might also like