You are on page 1of 4

FILIPINO V

Date: ______________

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos sa sesyon, inaasahan na:

1. Makilala ang ibat’t ibang banghay ng maikling kwento;

2. Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula;

3. Nakakagawa ng balita tungkol sa pelikula kung ano ang kanilang mga natutunan;

4. Naisasapuso ang mga aral na nakuha sa pelikula.

II. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral: Oral Recitation

2. Pagganyak:

1. Ano ang ipinapakita o mahihinuha ninyo sa mga sumusunod na larawan?

2. May sitwasyon na ba sainyong buhay na nag-away o di-nagkaintindihan kayong mag-ama


dahil sa isang bagay?

3. Pagtatalakay:

Maikling Kuwento - isang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga
tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin.

Banghay ng Kwento:

I. Simula - paglalahad o paglalarawan sa tauhan, tagpuan o maaaring mailahad agad ang suliranin.
.II. Suliranin - ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa
istorya.

III. Papataas na Aksyon- dito nagaganap ang paglalahad sa suliranin. Isinasaad ang mga nagiging
reaksiyon o hakbang ng mga tauhan sa inilahad na suliranin.

IV. Kasukdulan- pinakamataas na bahagi ng kuwento. Masasabing dito sa bahaging ito ang
pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento. May mga kuwentong ang kasukdulan ang nagiging wakas
ng kuwento.

V. Pababang Aksyon- Dito makikita ang kakalasan. Sa kakalasan, sa mga kumbensyunal o tradisyonal na
kuwento, madalas maglagay ng ganito ang mga manunulat. Dito binibigyang kasagutan ang suliraning
inilahad sa kuwento. Maaaring masagot sa bahaging ito ang lahat ng tanong na nasa isip ng mga
mambabasa.

VI. Wakas - Maaaring ang wakas ay masaya, malungkot, o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag na
open-ended.

D. Paglalapat

Sagutan sa kalahating papel ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang mga banghay ng maikling kwento? Ipaliwanag ang bawat isa ayon sa iyong
pagkakaintindi.

E. Panglinang ng Kasanayan:

Oral Recitation

1. Tungkol saan ang pinanuod ninyong pelikula?

Basahin ang buod ng napanuod ninyo na pelikulang “Miracle Cell in No.7”

Basahin natin ang buod tungkol sa napanuod na Miracle Cell no.7

Ang pelikulang “Miracle in Cell no.7” ay tungkol sa relasyon ng isang mag-ama at kung paano
nila pinagdaanan ang mga pagsubok sa kanilang buhay. May depekto sa pag-iisip si Yung – Gu na ama ni
Ye – Seung, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya para mapunan ang pagiging ama niya sa kanyang
anak. Si Ye – Seung ay nag-asam na magkaroon ng isang “sailormoon bag”, at bilang isang ama, gagawin
ni Yung – Gu ang lahat upang mapaligaya ang kanyang anak. Nagkaroon ng maliit na engkwentro dahil
binili ng isang mayamang pamilya ang huling piraso ng bag. Nakiusap ang tatay ni Ye –Seung na kung
maaari ay huwag itong bilhin subalit sinununtok lamang siya nito.

Noong nakatakdang araw na bibilhin na ni Yung – Gu ang bag ay nakita niya ang bata na bumili
nito. Sinabihan siya nito na mayroong isa pang tindahan ang nagbebenta nito kaya naman sumunod siya
rito upang malaman kung saan ito bibillhin. Ngunit isang aksidente pala ang parating, nadulas ang bata,
nabagok ang kanyang ulo at kasunod nito ay natamaan ang kanyang ulo ng isang bloke ng semento.
Sinubukang tulungan ni Yung – Gu ang bata ngunit ito pa pala ang makakapagdiin para sa kanya na
maging suspek. At dahil doon ay nakulong si Yung – Gu. Bilang ang ama pala ng biktima ay pinuno ng
mga pulis mas humina ang laban ni Yung –Gu na nagdulot upang siya ay masintensyahan ng kamatayan
sa isang kasalanang hindi naman siya ang gumawa. Ngunit sa huli, nagbigyang-linaw pa rin ang lahat
para malaman ang katotohan na nagpawalang-sala kay Yung – Gu kahit na siya’y pumanaw na.

IV. PAGTATAYA:

Matapos basahin ay ihahati ang klase sa anim na grupo at sagutan ang hinihinging banghay ng
kwento. Matapos sagutan ng bawat grupo ang kanilang Gawain ay kailangang makagawa sila ng diagram
na kagaya sa ibaba. Pipili ang guro kung sino ang magprepresenta para ibahagi ang kanilang sagot.

Pangkat I – Simula ng kwento

Pangkat II- Suliranin

Pangkat III - Papataas na Aksyon

Pangkat IV – Kasukdulan

Pangkat V – Pababang Aksyon

Pangkat VI- Wakas

Wakas Simula

Pababang
Suliranin
aksyon Pamagat ng
Pelikula

Papataas na
Kasukdulan
Aksyon
A. Paglalagom

1. Ano ang natutunan mo tungkol sa kwentong “Miracle Cell No.7”?


2. Paano ka naantig ng pelikula na iyong napanuod?
3. Paano mo papahalagahan ang iyong ama ?

V. TAKDANG-ARALIN:

Gumawa ng sariling maikling kwento at uriin ang mga ito ayon sa mga banghay ng maikling
kwento.

You might also like