You are on page 1of 29

Pagsusuri ng Pahayag kung

Opinyon o Katotohanan

Filipino 6
Week 4
Ang isang pahayag ay katotohanan kung ito ay
nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at
tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian
kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at
napatunayan ang pagkamakatotohanan nito sa ibang
sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong
nakasaksi nito.

2
Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni ,
mula kay,sang – ayon sa , tinutukoy ng
Halimbawa :
1. Batay sa tala ng DepEd, unti – unti nang
nababawasan ang mga out-of-school youth.
2. Mababasa sa resulta ng mga mananaliksik sa
larangan ng Edukasyon na maraming gumagamit ng
modular platform sapag-aaral.
3
Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita
ko, sa pakiwari ko, para sa akin, sa ganang akin.
Halimbawa :
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
magkakaibigan ang tiwala sa isa’t isa.
2.Sa aking palagay,mas nauunawaan ng mga mag-
aaral ang online platform sa pag- aaral.
4
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa
kahulugan ng opinyon at katotohanan. Punan ang
concept map sa ibaba. Gawin ito sa inyong
sagutang papel

katotohanan
opinyon

5
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Isulat sa patlang kung ang pahayag ay opinyon o
katotohanan.Gawin ito sa inyong sagutang papel.
_______1.Mas matalino raw ang mga kabataan noon
kaysa ngayon.
_______2.Iba’t- ibang impormasyon, kaalaman at iba
pang uri ng pahayag ang matutunghayan sa Google.
_______3.Sabi nila, bihira na ang mga taong inuuna
ang bayan bago ang sarili.
6
_______4.Ang blog ay tumutukoy sa mga online na
pagpapahayag.
_______5. Sa tingin ko, maraming kabataan ang
nagpapahayag ng saloobin sa blog.

7
Ang pag-uulat ay pagbibibgay ng impormasyon sa
publiko maaring telebisyon o radyo. Maari din itong
nakita o naobserbahan sa kapaligiran o pamayanan.
Ito ay maaring pasalita o pasulat.
Ano – ano nga ba ang mga kasanayan o mga dapat
tandaan sa pag –uulat ng mga pinanood? Basahin
natin upang ating maunawaan

8
Mga Dapat Tandaan sa Pag – uulat ng Pinanood
● Habang nagsasalita o nagsusulat gawing mahalaga
ang bawat pangungusap sa paksa.
● Bigkasin ng malinaw ang mga salita o isulat nang
tama ang mga pangungusap.
● Ipahiwatig ng kawili – wili ang mga iniuulat.
● Gumamit ng mga wasto at tiyak na pananalita.

9
Paggamit ng mga Uri ng
Pangungusap sa Iba’t Ibang
Sitwasyon
Filipino 6
Week 5
Binubuo ng simuno at
panaguri

Nagsisimula sa
Pangungusap malaking letra at
Binubuo gamit ang nagtatapos sa wastong
parirala bantas.

Mayroong buong
diwa o kaisipan

11
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga
salita na nagpapahayag ng buong kaisipan.

12
Mga Uri ng Pangungusap
1.Paturol o Pasalaysay
2.Patanong
3. Pautos o Pakiusap
4.Padamdam

13
1. Paturol o pasalaysay – Ito ay uri ng
pangungusap na nagsasaad ng isang
pahayag. Nagtatapos ito sa bantas na
tuldok (.)

14
2. Patanong – Ito ay uri ng pangungusap na
nagtatanong. Nagtatapos ito sa bantas na
tandang pananong (?)

15
3. Pautos o Pakiusap – Ito ay uri ng
pangungusap na nagpapagawa o nakikiusap
na gawin ang isang bagay. Nagtatapos ito sa
bantas na tuldok (.). Kapag pakiusap ang
pangungusap, maaari itong magtapos sa
tandang pananong.

16
4. Padamdam – Ito ay uri ng pangungusap
na nagpapahayag ng matinding damdamin
tulad ng tuwa, galit, poot at sakit.
Nagtatapos ito sa bantas na tandang
padamdam (!).

17
Panuto:Tukuyin kung ang sumusunod na
pangungusap kung ito ay pasalaysay,
patanong, pautos o padamdam.
1. Dadaan ba tayo sa palengke?
2. Ate, pakiabot po ang bayad ko.
3. May dala ka bang pagkain?
4.Yehey! Dumating na sila.
18
5. Aray! Naipit ang kamay ko sa pinto!
6. Piso na lang ang pera ko.
7.Maaari ba akong makahingi ng papel?
8.Bumili kayo ng pandesal sa tindahan.
9. Alam ba ni nanay na hindi ka pumasok?
10. Pakikuha mo ako ng tatlong pandesal.
19
Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o
MALI ang uri ng pangungusap na binaggit.
_____1.Pasalaysay: Hindi ka ba
nagpaalam?
_____2. Patanong: Ilang taon ka na?

20
______3.Padamdam: Naku! May nasusunog
na gusali!
______4.Pakiusap: Maaari po bang
makahingi ng tulong?
______5. Pautos: Maligo ka, aalis tayo.
______6. Pasalaysay: Mabigat ang mga dala
kong aklat.
21
______7. Padamdam: Aray!Masakit ang paa
ko.
_____8. Pakiusap:Pakibigay sa kanya itong
bag.
_____9.Patanong:May malaking gagamba
sa puno.
_____10.Pautos: Sumunod ka sa kanya.
22
Ang sariling karanasan ay sitwasyon kung
saan ikaw mismo ay nakaranas ng bagay na
tinutukoy. O kaya ay pinagdaanan mo talaga
ang bagay na tinutukoy at hindi batay sa
imahinasyon
lamang o sa buhay ng ibang tao.

23
Si Tinay Bugayon ay isang batang nagsauli
ng perang nagkakahalaga ng P300,000 na
nahulog sa isang courier. Sa kabila ng
kanilang kahirapan, hindi siya nasilaw sa
kinang ng pera bagkus nangibabaw pa rin
ang kanyang katapatan.

24
1.Naranasan mo na rin ba ang ginawa ni
Tinay Bugayon?
2.Sa palagay mo, tama ba ang ginawa niya?
Bakit?
3.Anong kaparehong karanasan ang
maiuugnay mo sa binasang kuwento?
25
Mahalaga, kung gayon, ang pagkakaroon ng
sensitibong kamalayan o pagiging mulat sa
mga pangyayaring ating mararanasan upang
maibalita natin nang tama at may sapat
nadetalye ang ating mga nasaksihan.

26
May dalawang uri ng karanasang maaari nating
paghanguan ng ating mga kasagutan.
Una, ang direktang karanasan o aktuwal na
karanasan.
Ikalawa, ang indirektang karanasan o vicarious
experiences na maaari nating maranasan sa
pamamagitan ng pagbabasa, pakikipanayam,
panood ng pelikula, pagsasaliksik at iba pa.
27
Gayunpaman, walang pinakamainam na hanguan
ng mga kasagutan sa mga katanungang
makakaharap natin sa ating pang-araw-araw kundi
ang personal at aktwal na karanasan

28
4. Padamdam – Ito ay uri ng pangungusap
na nagpapahayag ng matinding damdamin
tulad ng tuwa, galit, poot at sakit.
Nagtatapos ito sa bantas na tandang
padamdam (!).

29

You might also like