You are on page 1of 13

Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023

Gawain sa Pagkatuto Bilang 13: Piliin at isulat ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa na may
kaugnayan sa pagdarasal at pagsasaalang-alang sa kapwa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Kahit gaano kabigat ang mga takdang aralin ni Raymond, hindi siya sumuko hangga’t di nakukuha ang tamang sagot.
2. Ipinagdarasal ni Sandra na gumaling kaagad ang may sakit na ina.
3. Laging bigo ang pakiramdam ni Henry kapag binibigyan siya ng karagdagang gawain.
4. Inialay ni Alex sa Diyos lahat ng kanyang plano at ambisyon.
5. Hindi ipinahintulot ni G. Ruiz, ang coach ng yellow team na maglaro sa ikalawang pagkakataon ang kanyang mga
manlalaro spagkat natalo sila sa unang laro.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 14: Iguhit ang puso ( ) kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagkalinga at

Gawain sa Pagkatuto Bilang 15: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang MABUTI kung ito ay nagpapakita
ng pagtulong sa kapwa at MASAMA kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
__________1. Binibigyan ko ng sagot sa aming mga gawain sa modyul ang aking kaklase.
__________2. Ginagaya ni Rosa si Marie sa pagbibigay sa mga pulubi kahit di naman ito bukal sa kalooban niya.
__________3. Tumutulong lamang si Mark sa kapwa kapag alam niya na may ibibigay itong kapalit. __________4. Ang
pagbabahagi ng pagkain sa mga batang lansangan ay dapat na tularan ni Mary. __________5. Ang pagbibigay ng oras sa isang
taong nangangailan ng kausap ay paraan din ng pagtulong at pagkalinga.

Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
Filipino
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023
Pagbibigay ng mga mahahalagang pangyayari at ng lagom o buod ng tekstong napakinggan at pagpili ng
I. PAMAGAT NG ARALIN
angkop na aklat batay sa interes
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan MELC F5PN-IVg-h-23
KASANAYANG PAMPAGKATUTO Naibibigay ang mahahalagang pangyayari MELCF5PB-IVi-14
(MELCs) Nakapipili ng angkop na aklat batay sa interes MELC F5EP-IVj-12
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan gayundin ang
kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin at ang
iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto
III. PANGUNAHING NILALAMAN
• Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa napakinggang teksto
• Nakakasulat ng lagom o buod ng tekstong napakinggan
• Napipili ang angkop na aklat batay sa interes.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Base sa napakinggang talata, sagutin ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang kasagutan sa iyong kwaderno.
1. Sinong Pilipino ang nakilala bilang Bayani ng Taon ng CNN noong 2009?
A. Efren “Bata” Reyes C. Efren Garcia Forbes Sr.
B. Efren Geronimo Penaflorida, Jr. D. Efren George Estrada
2. Kailan isinilang si Efren Geronimo Penaflorida, Jr.?
A. Marso 5, 1981 B. Marso 5, 1980 C. Marso 15, 1981 D. Marso 15, 1981
3. Ano ang binuo ni Efren noong kaniyang kabataan?
A. Dynamic Boys Company C. Dynamic teen Company
B. Dynamite Teen Company D. Dynamic Teen Corporation
4. Bakit siya naging nominado sa patimpalak na Bayani ng Taon ng CNN?
A. Dahil masipag si Efren.
B. Dahil matalino si Efren.
C. Dahil sa layunin ng binuong samahan ni Efren.
D. Dahil sa nagmula si Efren sa mahirap na pamilya.
5. Saan ginamit ni Efren ang kanyang napanalunan sa patimpalak?
A. Ginagamit niya ito sa pagbibigay ng edukasyon gamit ang kariton
B. Ginamit niya ang napanalunan sa pagpapatayo ng bahay
C. Ginamit niya ito sa pagpapaaral ng kanyang kapatid
D. Ginamit niya ito sa pagbili ng sasakyan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin sa Hanay B ang naaangkop na aklat na babasahin batay sa interes ng mga mambabasa
sa Hanay A.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 30 minuto) Sa puntong ito, palalimin pa natin ang iyong kaalaman hingil sa pagtukoy
ng mga mahahalagang detalye batay sa maikling kwento sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto 3: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng magandang paraan sa pagpili ng aklat at MALI
naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
________1. Sa pagpili ng aklat na babasahin, dapat ito ay naglalaman ng angkop na impormasyon na makatutulong sa pagunlad
ng bata sa pagbabasa.
________2. Bukod sa interes, dapat naaangkop din ang edad ng bata sa babasahing mga aklat.
________3. Nais magbasa ng aklat ni Ruben, ngunit ang napili niyang aklat ay hindi pa niya maintindihan ang mga napapaloob
dito dahil malalalim ang mga salita.
________4. Ang aklat na babasahin ay dapat na naglilinang ng magagandang katangian.
________5. Ang nilalaman ng aklat na babasahin ay angkop sa lebel na pag-unlad ng mga mag-aaral.

Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
MATHEMATICS
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023
Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
Science
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023
I. LESSON TITLE Weather Disturbances
Enabling Competencies: Observe the changes of the weather before, during, and after a typhoon. Describe the
II. MOST ESSENTIAL
effects of winds, given a certain storm warning signal. Describe the effects of a typhoon in the community.
LEARNING COMPETENCIES
Most Essential Learning Competency: Characterize weather disturbances in the Philippines and describe their
(MELCs) effects to daily life.
III. CONTENT/CORE
Weather disturbances and their effects on the environment
CONTENT

E. Engagement

Learning Task 4. Use a Venn Diagram to compare and contrast the effects of the changes of the weather before, during, and after
a typhoon in the community.
A. Assimilation
Classification of Cyclone According
to Strength of Wind

Tropical Disturbance Tropical Depression Tropical Storm Typhoon


It is an isolated weather It is a weak low pressure Once a tropical depression has Is an intense weather disturbance
system with an apparent disturbance with a definite intensified, it becomes a with an average size of about 500
circulation surface circulation. tropical storm. kilometers in diameter

V. ASSESSMENT
Learning Task 6. Matching Type. Match the definition in Column A with the concept in Column B. Write the letter of your
answer on the space provided before each number.

Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN Mga Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato tungkol sa Kalayaan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
pagpapanatili ng kanilang Kalayaan. MELC

Pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang


III. PANGUNAHING NILALAMAN
kalayaan.

E. Pakikipagpalihan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Batay sa iyong binasang teksto, kompletuhin ang nilalaman ng graphic organizer sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

PAGTATAYA
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Panuto: Basahin ng may pang-unawa ang sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kung
nagpapaliwanag sa pananaw at paniniwala ng mga Sultanato tungkol sa kalayaan at Mali kung hindi. Iwasto kung hindi tama ang
isinasaad.
_________1. Ang mga Muslim ay may matatag at malakas na mga Sultanato at may mabuting ugnayan sa Brunie at
Indonesia.
_________2. Napasailalim ang sultanato ng Sulu sa dayuhang Espanyol at niyakap nito ang Kristiyanismo.
_________3. Hindi matatag ang mga sultanato sa Mindanao at walang kasunduang ipagtanggol ang bawat isa sa kagipitan.
_________4. Inilunsad ni Sultan Kudarat ang kauna-unahang jihad o banal na digmaan laban sa mga Espanyol bunga nito
nilisan ng mga Espanyol ang Mindanao.
_________5. Dahil sa katapangang pinairal ng mga Muslim ay nanatili itong malaya hanggang sa pagkatapos ng
kolonyalismong Espanyol.
Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
English
4 Quarter
th
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023
Using Graphic Organizers in Writing Paragraphs Showing: Cause and Effect, Comparison and
I. LESSON TITLE
Contrast and Problem Solution Relationships
II. MOST ESSENTIAL
Write paragraphs showing: cause and effect, comparison and contrast and problem solution
LEARNING COMPETENCIES
relationships EN5WC-IIb-2.2.5
(MELCs)
III. CONTENT/CORE Writing paragraphs showing: cause and effect, comparison and contrast and problem solution
CONTENT relationships
IV. LEARNING PHASES AND LEARNING ACTIVITIES
I. Introduction
This guide was designed and written for you to learn how to write paragraphs showing cause and effect, comparison and
contrast and problem-solution relationships.
Learning this is important because it fosters your ability to explain and refine your ideas to others and ourselves. It also
equips us with communication and thinking skills.
As you go on in developing your skill in writing paragraphs showing cause-effect, comparison-contrast and
problemsolution relationships, you will also improve your skills in planning two to three-paragraph composition using outlines and
graphic organizers in texts read.
After going through this lesson, you are expected to:
❖ write paragraphs showing cause and effect, comparison and contrast and problem-solution relationships.
❖ plan two to three paragraph composition using outlines and other graphic organizers
❖ using appropriate graphic organizers in texts read.

II. Development
Comparison in writing discusses elements that are similar, while Contrast in writing discusses elements that are different.
Steps in writing a comparison-contrast paragraph
1. Choose the people or things (subjects) you want to describe.
2. Organize similarities and differences of your two subjects in a Venn diagram.
3. Use the transition or signal words that show similarities, such as like, similarly, and both; and differences, such as but,
however, while and on the other hand.

Here is a sample of comparison and contrast paragraph:

What two subjects or items are compared and contrasted in the paragraph? Answer: Rice Terraces and Plain Rice Field What
are the similarities of these two subjects? their differences?

What transitional or signal words show such similarities and differences? Answer: Both, however, on the other hand, and
while

Learning Task 1:

Learning Task 2:
Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
Music
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN TEMPO
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Nagagamit nang wasto ang terminolohiyang musical na tumutukoy sa iba’t ibang uri o antas ng
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
tempo.
III. PANGUNAHING NILALAMAN TEMPO

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


A. Paglalapat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pag-aralan ang mga awiting nakatala sa baba. Isulat kung anong uri ng tempo mayroon ang
bawat awitin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Rikiting
2. Daniw
3. Rock- A- Bye, Baby
4. Dandansoy
5. Pagkatapos ng Gawain

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng mga pangungusap at MALI kung hindi wasto.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang galaw ng isang uod ay maaring ihalintulad sa tempo ng largo.
2. Mabagal ang tempo ng awiting “Oyayi”.
3. Angkop ang tempo ng allegro sa mga awiting pampatulog ng bata.
4. Walang kaugnayan ang bilis ng awitin sa damdaming ipinahahayag nito.
5. Ang allegro ay mas mabilis kesa moderato.

Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
Arts
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN Kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng mobile, papier mache jar at paper beads
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Nagagamit ang kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng mobile, papier mache jar at
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
paper beads.

Nagagamit ang kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng mobile, papier mache jar at
III. PANGUNAHING NILALAMAN
paper beads.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula
Ang Pilipinas ay mayaman sa mga katutubong sining o kilala bilang tradisyonal na sining. Ito ay makikita sa mga
kanayunan na ginagawa ng mga mamamayan bilang bahagi ng pang-araw-araw na pangangailangan o pagdiriwang.
Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay nagagamit ang kanilang kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng
mobile, papier mache jar at paper beads.
Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba’t ibang gawang sining na likha na matatagpuan sa iba’t
ibang lugar sa bansa. Ang mga Pilipino ay likas na mahusay sa sining tulad ng paggamit ng kulay, hugis at espasyo. Ang mga
disenyong nalilikha ay nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng mga Pilipino, gayundin sumasalamin ito sa kultura ng lipunang
ginagalawan.
Ang kulay ay maaring gamitin sa disenyo na gagawin. Ang hugis ng likhang sining ay mapagyayaman sa pamamagitan
ng paggamit ng ibat-ibang malikhaing hugis. Ang balanse ay mahalaga lalo na sa paggawa ng mobile sapagkat hindi magiging
malaya ang paggalaw ng mga disenyo o palamuti kung walang balanse ang mga ito.

Mobile Art
Ang mobile art ay isang uri ng iskultura na sinuspinde at gumagalaw bilang tugon sa ihip ng hangin o lakas ng motor.
Kailangan sa likhang-sining na ito ang pantay na bigat o balanse. Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba.

Paper Beads
Ang paggawa ng mga paper bead ay isang mabisang paraan upang
mapakinabangang muli ang mga lumang dyaryo, magasin, at makukulay na papel.
Maaari itong gawing palamuti o dekorasyon sa ating tahanan at higit sa lahat, maaari
rin itong mapagkakitaan. Ang paper beads ay mga pinulupot na papel na may iba’t
ibang hugis at kulay. Ang pagkakaiba ng hugis ay may kinalaman sa anyo ng mga
paper strip na ipinulupot sa stick. Tingnan ang mga hugis ng bawat isa.
Papier Mache Jar
Kagaya ng paggawa ng mobile art at paper beads, ang paggawa ng papier mache jar ay isang mabisang paraan upang
mapakinabangang muli ang mga lumang dyaryo, at iba pang uri ng papel. Maaari itong gawing palamuti o dekorasyon sa ating tahanan at
dekorasyong ginagamit sa mga pagdiriwang. Maaari rin itong mapagkikitaan. Ang iba’t ibang hugis ng mga bagay na yari sa papel ay nabubuo
sa pamamagitan ng form o suporta. Ang form o suporta ang nagsisilbing balangkas na kakapitan ng idinikit na mga pinunit na papel. Ang mga
papel ay hindi ginugupit at sa halip ay pinupunit para mas kumakapit ito nang maayos.

D. Pagpapaunlad
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: OO o HINDI Panuto: Suriing mabuti ang bawat larawan. Isulat ang Oo kung tama ang nakasaad sa larawan at
Hindi naman kung mali ito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno A. Pagsunud-
sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng mobile art.

B. Anong hugis ng beads ang mabubuo batay sa strip na nasa kanan? Hanapin ang titik ng iyong sagot sa kaliwang hanay.
Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
PE
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023

D. Pagpapaunlad
Ang choreography ay tumutukoy sa sining ng paglikha ng mga galaw at pattern para sa sayaw na itatanghal ng mga
mananayaw. Kailangang maging malikhain kung nanaising maging choreographer at makalikha ng mga sayaw. Ang mga
mananayaw ay gumagamit ng iba’t ibang galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, mga emosyon tulad ng kasiyahan at
kalungkutan, at mga ideya at aspirasyon upang makapagsalaysay ng isang kuwento. Kung ikaw ay lilikha ng sayaw, kailangang
maisagawa ang mga galaw nang may tamang bilang sa musika. Sa paglikha ng mga galaw, ikaw ay nageeksperimento ng iba’t
ibang baryasyon at kombinasyon ng galaw ng katawan. Dito naipakikita ang iyong pagkamalikhain.
Ang iyong koordinasyon sa iba’t ibang parte ng katawan ay napabubuti rin, at nakatutulong sa pagsasayaw. Sa pag-
choreograph, malalaman mo ang kapasidad ng flexibility ng iyong katawan. Nasusubukan mo ang mga galaw na kayang gawin ng
iyong katawan. Ang iyong muscular strength at endurance ay napabubuti rin lalo na sa mga dance routine na may lifting, acrobatic
movement, at iba pa. Kapag tayo ay lilikha ng isang sayaw, may mga mahahalagang bagay na kailangan nating tandaan. Ang ilan
sa mga ito ang mga sumusunod:
Tema – Pag-isipan ang pangunahing ideya ng iyong sayaw. Lahat ng gagamitin – mula sa kasuotan, galaw at props –
kailangang magkaugnay sa tema. Mahalagang malaman ang layunin ng sayaw at mula rito, makagagawa na ng angkop na plano
para sa pagtatanghal.
Musika – Ang iyong pipiliing musika ay may mahalagang parte sa pagbuo ng iyong sayaw. Siguraduhing ang musika ay
angkop sa iyong tema kung posible tingnan din kung ang mga instrumentong gagamitin ay angkop din sa iyong tema. Dapat ba
itong maging mabagal o mabilis? Hiphop ba o jazz? Anuman ang iyong piliin, siguraduhing ang kahulugan ng kanta ay
nagbibigay ng magandang mensahe sa inyong manonood. Iwasang gumamit ng musika na may bastos, malisyoso o di-magandang
salita.
Ritmo – Ito ay nakatutulong sa paglikha ng mga galaw sa sayaw. Dito maipamamalas ang angking galling sa pagsasayaw
sa saliw ng musika.
Kwento -Ang ating katawan ay maaaring gamitin upang magpahayag ng isang kwento. Kung ikaw ay gagawa ng isang
interpretative dance, siguraduhing ipinapakita ng mga galaw ang nais na mensahe o kwento.
Bilang ng mananayaw - planuhin ang bilang ng mga mananayaw para sa pagtatanghal, maliit man o malaki ang
pagtatanghal.
Formation – maraming klaseng formation na maaaring pagpilian, gaya ng:
 Choral line  Column line  Serpentine line
Kasuotan – Ito ang unang nakikita ng mga manonood. Sa kasuotan nagkakaroon ng ideya ang manonood kung anong
klaseng sayaw ang itatanghal. Mabuting gumamit ng mga material na madaling makuha gaya ng lumang damit. Maging malikhain
sa paggawa ng inyong kasuotan upang maipakita ang pagkakaisa ng iyong pagtatanghal
Props/Materyales -Pumili ng props o materyales na kinakailangan at angkop sa sayaw. Iwasang gumastos nang malaki.
Gumamit ng mga recyclable na materyales.

E. Pakikipagpalihan
 Ang choreography ay isang sining ng pagdedesenyo ng galaw para sa mga mananayaw.
 Ang mga galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, at formation ay ginagamit upang magsalaysay ng isang kwento.
 Ang pagiging malikhain ay ang abilidad na magpakita ng emosyon, lumikha ng orihinal na ideya.
 Ang pagsasayaw araw araw ay isang magandang klase ng ehersisyo.

A. Paglalapat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
Health
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN MGA PANUNTUNAN SA PAGBIBIGAY NG PANGUNANG LUNAS (FIRST AID)
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO MELC 28: Natatalakay ang mga panuntunan ng pangunang lunas ( first – aid)
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Panuntunan ng pangunang lunas
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ipaliwanag ang panuntunan ng pangunang lunas na nasa bilog sa katabi nitong kahon

Pangalan:

W4 Asignatura
Markahan
EPP-IE
Ikaapat na Markahan
Baitang
Petsa
5
Mayo 22-26, 2023
I. PAMAGAT NG ARALIN “May Pera sa Pagbebenta!”
II. MGA PINAKAMAHALAGANG 1.3 nakapagbebenta ng natatanging paninda
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
Natutunan ang mga paraan at paalala kung paano maibebenta ang mga natatanging paninda.
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nakatutulong ito upang matiyak na ang produkto ay magiging patok sa mga mamimili at makapagbibigay sa
iyo ng tiyak na kita.
Suriin
Ang Pagbebenta ng mga Natatanging Paninda
Sa pagsisimula ng isang negosyo kailangang isaalang-alang ang pagiging masinop at malikhain. Ito ay makatutulong para
mapalago at mapangalagaan ng mabuti ang napiling negosyo. Narito ang ilang mungkahi na dapat tandaan.
1. Piliin at suriin ng mabuti ang produktong nais ibenta.
2. Maging mapanuri sa mga produktong makikita sa mga tindahan at kilatisin ng mabuti ang presyo, klase ng materyales, sangkap
na ginamit, kulay at iba pa. Kung matibay at dekalidad ang produkto, bumili ng magkakahawig na maaaring magsilbing gabay sa
pagbuo ng panibagong produkto.
3. Para lalong mapaganda at masiguro ang kalidad ng disenyo ng isang produkto maaaring magtanong at humingi ng mga
suhestiyon mula sa mga kakilala at mamimili.
4. Lumikha ng kaparehong produkto at subukan ang tibay nito sa pamamagitan ng paggamit araw-araw. Maaaring ipagamit din ito
sa ibang tao para sa mga karagdagang komento kung paano mas papagandahin ang produkto.
5. Tanggapin ang mga negatibong komento kung mayroon man para baguhin at pagandahin ang kaparehong produkto upang
makamit ang kalidad nito na maaaring tangkilikin ng mga mamimili.
6. Kung nais makapagbenta ng maramihan at makakuha ng paunang puhunan, maaaring dumulog sa Department of Trade and
Industry (DTI) para sa mga karagdagang konsepto sa pagdidisenyo at pagbuo ng mga produkto (product development).

Pagyamanin
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at lagyan ng tsek [✓] ang bawat bilang kung sang-ayon at (✕) naman kung hindi.
______ 1. Ang paghingi ng opinyon sa mga kakilala at mamimili upang malaman kung ang iyong produktong ninanais ay maaari
mong gawin bilang isang entreprenuer.
______ 2. Kung may mga negatibong puna sa iyong produkto ay hayaan nalang at ituloy ang pabebenta nito.
______ 3. Ang pagpili ng produktong ibebenta na patok sa masa at madaling gawin upang maging matiwasay at maayos ang
pagtitinda.
______ 4. Sa pamumuhunan at pagbebenta ay dapat lumapit sa Depatment of Education.
______ 5. Mas mabuting gumawa ng prototype o halimbawa ng ibebenta mong produkto.

Tayahin
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang tutugon sa patlang sa bawat pangungusap.

1. Ang isang _________ ay kailangang maging masinop at malikhain.


2. Pumili ng isang ________ na nais gawin o ibenta.
3. Magmasid sa mga pamilihan ng mga kaparehong produkto upang makakuha ng dagdag na kaalaman o __________ hinggil
sa presyo, materyal na ginamit, sangkap, kulay at iba pa.
4. Gumawa ng _____________ o halimbawa ng naisip ng bagong produkto. Subuking gamitin nang malaman kung gumagana
at matibay ito. Maaaring ipagamit din ito sa ibang tao para mabigyan ng ebalwasyon, komento, at suhestiyon.
5. Kung nagnanais na mamuhunan at magbenta nang maramihan, maaring magpatulong sa _____________________ upang
makakuha ng mga ideya sa pagdedesisyon at pagbuo ng mga produkto (Product development).

You might also like