You are on page 1of 4

Paaralan BAGONG SILANG Signature /

Grade Level FIVE Checked By:


(School) ELEM.SCHOOL 4TH AVE. Date
DAILY
LESSON
PLAN DR.
S.Y. 2023- GIRLIE B.
2024 Guro VILLARBA
MAUREEN DELA PENA Learning Area ESP
(Teacher)
Master
Teacher
4
Quarter DR.
April 8, 2024 ARCADIA
Petsa/Oras
G.
(Teaching
V- Honesty PEDREGO
Date &
Week 1 SA
Time) 6:00-6:30
Principal

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng kamalayan ng may pananalig sa Diyos at
Pangnilalaman pagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat at may pagtitiwala sa Diyos at naisasagawa

B. Pamantayan sa Naipakikita ang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng pagkalinga at pagtulong sa kapwa
Pagaganap

C. Mga Kasanayan sa Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng:


Pagkatuto (Isulat ang
code ng bawat  pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa
kasanayan) EsP5PD-IVa-d-14

D. LAYUNIN  Nakapaglalahad ng mga paraan ng pakikiisa sa pagbibigay ng pag-asa sa pagharap ng mga suliranin sa
buhay.
 Nakapagtatala ng sariling paraan sa pagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapwa at pamayanang
kinabibilangan kaugnay sa iba’t ibang sitwasyon.
 Naisasabuhay ang kabutihang asal sa pagtulong sa kapwa at pamayanam

II. NILALAMAN Pagmamahal sa Kapwa

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon


MISOSA Baitang 5,

B. Mga pahina sa Gabay Most Essential Learning Competency(MELC)


ng Guro
SLM

C. Mga pahina sa kwaderno at aklat


Kagamitang Pang-
Mag-aaral

D. Mga pahina sa
Teksbuk

E. Karagdagang SLM
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource

F. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, aklat


Panturo

III. PAMAMARAAN
Panimulang 1. Panalangin
Gawain 2. Pagtala ng mga liban
3. Pagkanta
4. Pagbabaybay
5. Math (Show-Me-Board)

A. Balik-aral sa Isulat ang Oo kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamahal sa


nakaraang aralin at/o kapwa o sa pamayanan. Isulat naman ang Hindi kung hindi ito nagpapakita.
pagsisimula ng bagong
aralin ________ 1. Umiiyak ang isang bata dahil nagugutom na ito sa kahihintay ng
(Integration of SEL) kanyang nanay. Nilapitan mo at binigyan siya ng tinapay.
________ 2. Nakipagsuntukan ang isang ama dahil nakita niyang inuutusan ng kanilang kapitbahay ang kanyang
anak.
________ 3. Nagwawalis si Mang Juan na gilid ng kalsada. Lumapit ang kanyang anak at tinulungan ito.
________ 4. Itinapon ni Kaloy ang kanilang mga basura sa bakanteng lote malapit
sa paraalan.
________ 5. Namimigay kayo ng relief goods sa mga nasunugan sa kabilang baryo.
B. Paghahabi sa layunin Talahulugan
ng aralin  bagkus - lalo na, sa halip
(Integrate ang aralin sa  buhawi - unos, bagyo, sigwa
AP)  kapayapaan - katahimikan, katiwasayan, kapanatagan
 kibo - imik, salita, sabi, kimbot, kislot, galaw, kilos, aksyon, tinag
 gusgusin - nanlilimahid, punit-punit at maruming damit, marumi at mailbag na katawan
 lote - isang sukat ng lupa
 patrol - tanod, bantay, gwardiya, ronda
C. Pag-uugnay ng mga Basahin ang maikling kwento at alamin kung paano ipinakita ng isang bata ang ginawang pagtulong para sa
halimbawa sa bagong kabutihan ng kapwa at sa pamayanang kinabibilangan.
aralin Si Moymoy
ni: Juevilyn Q. Austero
Nanonood ng telebisyon si Moymoy isang gabi at biglang may nag-flash
report tungkol sa buhawing tumama sa isang lugar. Ipinakita ng reporter ang
epektong dulot ng buhawi. May mga pamilya na nawalan ng bahay dahil sa inanod
ng baha. May ilang matitirik na lugar din ang gumuho dahil sa nakakalbong
kagubatan malapit dito. Nanlumo si Momoy sa nakita. Awang-awa siya sa mga
batang umiiyak dahil sa takot at peligrong nararanasan nito. May ilang miyembro ng
pamilya ang nawawala at hindi pa nakita. Hindi nila makita dahil inanod ito kasama
ng bahay nila. Malaking dagok ito para sa mga apektadong pamilya.
Napaisip si Moymoy sa pangyayari, sino ang dapat sisihin dito? Sino ang
mananagot? Ano ang kanyang magagawa? Dali-dali siyang tumayo at pinuntahan
ang mga magulang na nasa kwarto. Kinausap niya ito at sinabing gusto niyang
tumulong para sa mga pamilyang apektado. Kinuha niya ang kanyang alkansiya at
ibinigay sa kanyang nanay. Natuwa ang kanyang mga magulang dahil sa ipinakitang
kabutihan ng anak.
Kinabukasan, pumunta sila sa grocery store para mamimili ng mga
ipamimigay na mga groceries. Pagkauwi sa bahay ay agad nila itong inilagay sa tig-
iisang supot. Pagkatapos ay dali-daling pumunta sa evacuation center ang buong
pamilya upang mamahagi ng tulong. Nagpasalamat ang mga taong nabigyan nila ng
tulong. Bakas sa kanilang mukha ang saya na naramdaman nito. Masayang umuwi
ng bahay ang pamilya ni Moymoy pagkatapos nilang mamigay ng tulong. Hindi nila
inalintana ang pagod na naramdaman, makapaghatid lamang sila ng kaunting tulong
para sa mga nangangailangan.
D. Pagtatalakay ng Sagutin ang mga tanong.
bagong konsepto at 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
paglalahad ng bagong 2. Ano ang nakitang balita ni Moymoy sa telebisyon?
kasanayan #1 3. May ginawa ba si Moymoy na kasiya-siya? Ano ito?
4. Kung ikaw si Moymoy, gagawin mo rin ba ito? Bakit?
5. Maliban sa pamimigay ng relief goods, ano pa kaya ang pwedeng magawa
ni Moymoy para makatulong sa nangangailangan?
E. Pagtatalakay ng Isulat ang Tama o Mali ayon sa pahayag sa bawat pangungusap.
bagong konsepto at _____1. Nagdiwang ng kaarawan si Lloyda sa Home for the Angels o ang lugar
paglalahad ng bagong kung saan nakatira ang mga batang may sakit sa halip na pumunta sa
kasanayan #2 Disneyland.
_____2. Itinapon na ni Felix sa basurahan ang mga luma niyang pangkulay at iba
pang kagamitan sa paaralan noong nakaraang taon sapagkat ibinili siya ng
bago ng kanyang mga magulang.
_____3. Namigay ng mga kumot at unan sina Erika at ang kanyang pamilya sa
bahay ampunan ngayong panahon ng tag-lamig.
_____4. Nakasimangot si Vina habang namimigay ng mga pagkain sa mga nilindol.
_____5. Hindi nagbigay ng anumang gamit si Tricia sa paaralan para sa
Proyektong “Donasyon mo’y Malayo ang Mararating” sapagkat hindi siya
sang-ayon sa mga ganoong uri ng proyekto ng paaralan.
F. Paglinang sa Gawain:
Kabihasan Sumulat ng sariling paraan ng pagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapwa.
(Tungo sa Formative
Assessment) (See Rubriks)

G. Paglalapat ng aralin sa Marami ang nawalan ng tirahan at ari-arian sa nagdaang bagyo sa inyong lugar.
pang-araw-araw na Isa kayo sa naging biktima ngunit kaunti lang ang pinsala ng bagyo sa inyong
buhay pamilya. Ano ang gagawin mo?
(Integration of SEL)

H. Paglalahat ng Arallin Maipapakita natin ang tunay na pagmamahal sa ating kapwa sa pamamagitan
ng pagsasaalang-alang sa kanilang kapakanan at sa pamayanang kinabibilangan.
Tulungan natin at ipakita ang ating malasakit sa ating kapwa lalo na sa mga taong
may kapansanan, matatanda at sa mga nangangailangan. Ibigay ang nararapat na
benepisyo sa mga taong tulad nila. Magboluntaryo sa mga proyekto ng pamayanan
kaugnay sa pagsasaalang-alang sa kapakanan ng ating kapwa at pamayanan.
Gumawa tayo ng mabuti para sa ating pamayanan sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga alituntunin at paglahok sa mga bayanihan at proyekto na makakatulong sa
kaayusan at kapayapaan. Ito ay tanda ng pagmamahal sa kanila at sa iyong
pamayanang kinabibilangan.
I. Pagtataya ng Aralin Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay nagsasaad ng
pagmamahal sa kapwa at pamayanan at malungkot na mukha naman kung
hindi.
___________ 1. Binibigyan si Fe ng kanyang ina nang panghulog sa tuwing sisimba
siya ngunit hindi niya ito inihuhulog bagkus ay inilalagay sa kanyang
sariling bulsa.
___________ 2. Nagtulug-tulugan si Anya nang pumasok sa loob ng bus ang
matandang babae sapagkat wala ng bakanteng upuan.
___________ 3. Ipinagbitbit ni Greg ang kanyang guro ng dala-dala nitong
mabibigat na aklat.
___________ 4. Maagang gumising si Jasmine sapagkat sa kanya nakatoka ang
paglalabas ng kanilang basura upang kolektahin ng mga basurero.
___________ 5. Ginagampanang mabuti ni Floyd ang kanyang tungkulin na
siguraduhing nakatali ang kanilang aso sa kanilang bakuran upang hindi makaabala sa iba.
J. Karagdagang gawain Isulat sa kwaderno ang sariling pahayag o ideya tungkol sa iyong natutunan
para sa takdang-aralin sa aralin.
at remediation Natutunan ko ang _______________________________________________
Naisip ko na ________________________________________________________
Mula ngayon gagawin ko na ang____________________________________
IV. Mga Tala Re Re-teach Transfer of lesson to the following day

Lack of Time No class Achieved/Proceed


V. Pagninilay

A.Bilang ng mag-aaral na V-Honesty


nakakuha ng 80% sa pagtataya
5 4 3 2 1

B.Alin sa mga istratehiyang Strategies used that work well:


pagtuturo nakatulong ng lubos? ___Metacognitive Development: Examples: Self assessments, note taking and studying techniques, and
Paano ito nakatulong? vocabulary assignments.
___Bridging: Examples: Think-pair-share, quick-writes, and anticipatory charts.
___Schema-Building: Examples: Compare and contrast, jigsaw learning, peer teaching, and projects.
___Contextualization:
Examples: Demonstrations, media, manipulatives, repetition, and local opportunities.
___Text Representation:
Examples: Student created drawings, videos, and games.
___Modeling: Examples: Speaking slowly and clearly, modeling the language you want students to use, and
providing samples of student work.

Prepared by: Checked by: Noted:

MAUREEN DELA PENA GIRLIE B. VILLARBA Ed.D ARCADIA G. PEDREGOSA Ed.D

Teacher III Master Teacher I Principal

You might also like