You are on page 1of 4

BAGONG SILANG

Paaralan Grade Signature /


ELEM.SCHOOL 4TH V Checked By:
(School) Level Date
AVE.
LESSON GUIDE
S.Y.: 2022-2023 DR. GIRLIE B.
Guro SHEILA ELLAINE T. Learning VILLARBA
FILIPINO
(Teacher) PAGLICAWAN Area
Master Teacher
1
October 6, 2023 Quarter
Petsa/Oras DR. ARCADIA G.
(Teaching V-HUMILITY 12:30-1:20 PEDREGOSA
Date & V-TRUSTWORTHY-
Time) 1:20-2:10 Principal
V-COURTEOUS 2:10-3:00
V-HONESTY 4:40- 5:30

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita nang wasto upang
Pangnilalaman maipahayag ang kaalaman at ideya sa pagpapaunlad ng mga sariling karanasan at nabasang kuwento.

B. Pamantayan sa Nagagamit ang mga wastong pamamaraan sa pagbasa ng kuwento at pagbuo ng anekdota upang
Pagaganap madaling maunawaan ang kabuuan ng teksto.

C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (Isulat ang
code ng bawat kasanayan)

a. Natutukoy ang mga element at bahagi ng tula,


b. Nakasusulat ka ng isang maikling tula,
c. Napapahalagahan ang pagsulat ng maikling tula.
II. NILALAMAN Pagsulat ng Isang Maikling Tula

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian FILIPINO SLM Q1 WEEK 4

B. Mga pahina sa Gabay ng - MELC Filipino G5 Q1, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p.53)
Guro - K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum pp.53 Budgetof Work for Multi grade
Teaching

C. Mga pahina sa Modyul sa Filipino 5 W4 Q1


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

D. Mga pahina sa Teksbuk Filipino Q1

E. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource LAS FILIPINO

F. Iba pang Kagamitang Powerpoint, pictures, TV, module at worksheets, ADM


Panturo

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula ng DRILL: PAGBAYBAY
bagong aralin
1.ELEMENTO
2.TALINGHAGA
3.TALUDTURAN

Panuto: Magbigay ng limang (5) kahalagahan ng pagsagot ng mga tanong sa nababasang kwento/teksto?
1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________
5. ___________________
B. Paghahabi sa layunin ng “Ako’y tutula mahabang-mahaba, ako’y uupo tapos na po.” Napangiti ka ano? Sige nga, saan mo unang
aralin narinig ang tulang ito?
C. Pag-uugnay ng mga Ang tula ay isang uri ng panitikan na naglalayong magbigay-buhay sa mga salita sa pamamagitan ng
halimbawa sa bagong ritmo, sukat, at mga talinghaga. Ito ay isang malikhaing paraan ng pagsasalaysay o pagsasalin ng mga
aralin damdamin, karanasan, imahinasyon, at pag-unawa sa mundo.

D. Pagtatalakay ng bagong Ang tula ay may kahalagahan bilang isang anyo ng panitikan na nagbibigay-daan sa pagpapahayag ng
konsepto at paglalahad ng damdamin, pagpapalawak ng imahinasyon, at nagbibigay-kasiyahan sa mga mambabasa. Ito ay isang
bagong kasanayan #1 paraan ng pagkakaisa, pagpapahalaga sa wika at kultura, at pagsasalin ng mga karanasan at pag-unawa sa
mundo.

E. Pagtatalakay ng bagong Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa
konsepto at paglalahad ng malayang paggamit ng wika sa iba’t-ibang anyo at istilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit
bagong kasanayan #2 ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat
karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Ang tula ay nagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod.
Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ito ay nagpapahayag ng damdamin
at kaisipan gamit ang maririkit na salita. Mga Anyo ng Tula Ang mga anyo ng tula ay maaaring uriin sa
apat na anyo – malayang taludturan, tradisyunal, may sukat na walang tugma, at walang sukat na may
tugma.
1. Malayang taludturan - tulang hindi sumusunod sa bilang ng pantig, walang sukat at tugma o
sintunog, free verse poetry ang tawag nito sa Ingles.
Halimbawa: “Pandesal sa Umaga”
Tuwing umaga si Nena ay nagtitinda,
Isang araw, mabibili din kita,” sambit niya.
2. Tradisyunal – nagtataglay ng magkakatugmang salita sa hulihan o dulo ng bawat taludtod o linya sa
bawat saknong.
Halimbawa: Aling pag-ibig pa/ ang hihigit kaya Sa pagkadalisay/ at pagkadakila Gaya ng pag-ibig/ sa
tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa/ wala na nga, wala.
May mga tulang may sukat na walang tugma kung pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ngunit
hindi magkakasintunog ang bawat dulo o walang tugma
Halimbawa:
O, Laura kong maganda! Lagi kang nasa isip Di man lamang nawaglit, Dahil ika’y inibig!

3. Walang sukat na may tugma – iba-iba ang bilang ng pantig sa bawat taludtod subalit
magkakasintunog ang huling bahagi ng bawat taludtod.
Halimbawa:
Kay gandang pagmasdan,
Bughaw na kalangitan,
Paligid ay luntian,
Sadyang kaaya-ayang tingnan!

Mga Elemento ng Tula


1. Sukat – tumutukoy sa bilang pantig sa bawat taludtod
2. Tugma – pagkakapareho ng tunog sa huling bahagi ng isang taludtod
3. Kariktan – maririkit na salita na ginagamit upang masiyahan ang mga mambabasa na kalimitang
nagtataglay nang malalim o matalinghagang kahulugan
4. Talinghaga – mga salitang nagtataglay ng nakatagong kahulugan ng tula
Mga Bahagi ng isang Tula
1. Tema – ito ang paksa ng tula. Ito ay maaaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan,
kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan at marami pang iba.
2. Tugma – ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat saknong.
3. Sukat – ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Uri ng Sukat
a. Wawaluhing pantig
b. Lalabindalawahing pantig
c. Lalabing-animang pantig
d. Lalalabingwaluhing pantig
Sa pagsusuri ng tula, mahalagang sangkap ang mga sumusunod:
a. Imahe o larawang-diwa o imagery sa Ingles. Ito ang mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
b. Persona – tumutukoy sa nagsasalita sa tula.
c. Tono – ito naman ay ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay nangungutya, nagagalit,
nagdaramdam, nagdadalamhati, naglalahad at natutuwa.
d. Simbolismo – ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga mambabasa. Mga
ginagamit na bagay na may isinasaad na kahulugan.
Halimbawa: puting tela – kalinisan,
kalapati – kalayaan

F. Paglinang sa Kabihasan Panuto: Bigkasin nang salitan ang tula. Pagkatapos ay sagutin nang may pag-unawa ang mga kasunod na
(Tungo sa Formative tanong.
Assessment) Huwag mong Ismolin
Gesille G. Grande
‘Wag mong ismolin,
Kakayahan namin.
Bata mang ituring,
Kami ay may silbi din.
May ibat ibang kakayahang angkin,
Na kaya kayong pabilibin.
Sa pagtula, pagsayaw, o pag-awit man,
Tiyak kaya naming sumikat din.
Panahon man ng pandemya,
Kami ay nakakaunawa din.
Bawal man kaming lumabas,
Sa bahay ay magpupursiging matuto rin.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa inyong binasa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel. 1. Anong uri ng tula ang binigkas?
A. tradisyonal B. malayang taludturan C. may sukat, walang tugma D. may tugma, walang sukat
2. Anong elemento ng tula ang nakapaloob dito? A. sukat B. tugma C. kariktan D. talinghaga
3. Ano ang tema ng tula? A. pagkamaawain B. katangian C. talent D. pagkamaawain
4. Anong simbolismo ang makikita sa tulang “Huwag mong Ismolin”? A. maliitin B. higaan C. magigiliw
D. ugaling pangit
5. Ang pahayag ba “Huwag mong Ismolin” ay halimbawa ng elementong ____________. A. tema B.
tugma B. imahe D. persona
G. Paglalapat ng aralin sa Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng tula sa ating buhay? Magbigay ng dalawang (2) sitwasyon.
pang-araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Arallin Ano ang tula? Ano ang mga element at bahagi nito?

I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin ang elemento at bahagi ng tula na hinhingi sa bawat pangungusap.

________1. Ito ay pagkakapareho ng tunog sa huling bahagi ng isang taludtod.


_______2. Bilang ng pantig sa bawat taludtod.
_______3. Tumutukoy sa bilang pantig sa bawat taludtod
______4.Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan,
kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan at marami pang iba.
______5. Mga salitang nagtataglay ng nakatagong kahulugan ng tula

J. Karagdagang gawain Panuto: Sumulat ng isang tula tungkol sa iyong edukasyon na may 2 taludtod at tugma.
para sa takdang-aralin at
remediation

IV. Mga Tala

V. Pagninilay Re Re-teach Transfer of lesson to the following day


Lack of Time No class Achieved/Proceed

A.Bilang ng mag-aaral na FORMATIVE TEST RESULTS


nakakuha ng 80% sa pagtataya Formative Test Result (FTR)
GR. & Sec. No. Of Number of Percentage Remarks
Present Pupils with
passing score

V-HUMILITY

V-TRUSTWORTHY

V-COURTEOUS

V-HONESTY

B. Alin sa mga estratehiyang Strategies used that work well:


pagtuturo ang nakatulong ng lubos? ___Metacognitive Development: Examples: Self assessments, note taking and studying techniques, and
Paano ito nakatulong? vocabulary assignments.
___Bridging: Examples: Think-pair-share, quick-writes, and anticipatory charts.
___Schema-Building: Examples: Compare and contrast, jigsaw learning, peer teaching, and projects.
___Contextualization:
Examples: Demonstrations, media, manipulatives, repetition, and local opportunities.
___Text Representation:
Examples: Student created drawings, videos, and games.
___Modeling: Examples: Speaking slowly and clearly, modeling the language you want students to use,
and providing samples of student work.

Prepared by: Checked by: Noted:

SHEILA ELLAINE T. PAGLICAWAN GIRLIE B. VILLARBA, Ed.D ARCADIA G. PEDREGOSA, Ed.D


Teacher I Master Teacher I Principal

Inspected by:

______________________________________________

You might also like